Homepage/Revenge of the Heartless Daughter/
Chapter 37
Celine's POV.
"Celestine, galit ka parin ba?" sambit ko sa puntod niya. Nasaan na kaya siya. Kailan kami magkakaayos?
Sinamahan ko lang siya rito. Umupo lang ako sa tabi ng puntod magdamag hanggang sa dumilim. Dalawang taon na kasi ang nakararaan pero hindi parin kami nagkikita matapos nang nangyari. Matapos niyang malaman na ako si Esperanza pero ano ba ang maganda sa pagiging siya? Hindi ko maramdaman na kao siya o kahit ikwento pa sakin ni Bryan lahat ay wala paring nagbabago.
Ang totoo ay si Daniel parin ang nasa puso ko. Hindi siya napapalitan kahit anong gawin ko.
"Miss, ayos ka lang po ba?" tanong ng supoltorero sakin. Kanina pa kasi ako naiyak sa puntod ng kapatid ko.
"Opo. Pasensya na kung nakakaabala," saad ko sabay punas ng lha sa pisngi ko. Napatayo ako.
"Paki alagaan po ng mabuti sa puntod, maraming salamat po," aniko sabay ngiti. Natuto ako na ang buhay ay give mag take, kung ngingiti ka ay susuklian din nila ng isang ngiti. Hindi laging sila ang mag aadjust para sayo.
Hahakbang na sana ako paalis nang biglang dumilim ang paligid kaya napahinto ako at nilingon ang kausap ko pero biglang nawala.
"Celine!" tawag sakin na mula kung saan. Nakakatakot ang boses niya na halos hindi ko magawang tumakbo at makapagsalita.
"You did a great job. Ngayon ang pinakahuling task na ipapagawa ko sayo," saad pa niya. Naglantang gulay ang binti ko kaya bumagsak ako sa lupa. Naalala ko ang boses niya, ang boses na kukuha sakin.
Ayoko pang mamatay hanggat hindi ko pa nakikita ang kapatid ko. Hanggat hindi pa kami nagkakaayos!
" S-Sino ka? U-Umalis kana bago ka pa patayin ni Bryan!" Kahit na tatakot ako ay nagsalita parin ako para umalis siya pero halakhak lang ginawa niya, simbolo ng panghahamak.
"Bakit dito pupunta ang walang kwentang reaper na yon? Sino ka ba sa tingin mo? Ay... Oo nga pala ikaw pala si Esperanza?" saad niya at tumawa ng malademonyo. Kailangan kong hindi magbato ng takot kaya hinarap ko ang sulok kung saan nanggagaling ang boses.
" Sa tingin mo ikaw si Esperanza? Kung ikaw si Esperanza ay pahahalagahan kita at hindi papatayin. I mean pahahalagahan ko ang kaluluwa mo kaso hindi ikaw siya," paliwanag niya na ikinagulat ko lalo ba nang magpakita ang tao sa dilim. Ang taong nagmamanipula sa buhay ko.
" Daddy? " taka ko pero ang daddy na kilala ko ay hindi demonyo ngumiti. Sa isang kurap lang ay lumitaw na agad siya sa harap ko at sinakal ang aking leeg.
"Patay na ang Daddy niyo. Pinatay ko siya pagkatpos ng graduation ni Celestine," sagot niya.
Kung ganoon kaya bigla akong pinansin ni Daddy ay dahil hindi na siya ang daddy ko? Kasama ito sa kasunduan namin?
Hindi na ako makahinga sa rebelasyon na narinig ko at hindi ko magawang makapagsalita. Tanging pag iyak nalang ang nagawa ko.
"Kasalanan ko ito. Patayin mo na ako," aniko at napapikit. Sobra sobra ang kasalanan ko at kahit ako ay nagagalit na sa sarili ko.
"Kasalanan mo? Mali ka. Ang tunay na may sala ay si Esperanza ay este si Celestine, ang kambal mo," aniya na ikamilog ng mata ko. Parang may nabasag sa pagkatao ko at may malaking bato na pumukpok sa ulo ko.
Tama ba ang pagkakarinig ko? Si Celestine ay si Esperanza? Kung ganoon naipit lang ko sa pagiibigan nila Bryan?
" Alam mo kung ano ka? Isa ka lang puppet," dugtong pa niya. Hindi ko na kaya, hindi ko alam kung bakit kasalanan ni Esperanza bakit nangyayari samin ito?!
Nawawalan na ako ng hininga, namamaga na ang leeg ko sa pagkakasakal niya. Hindi ko na kaya, oarang bibigay na ang katawan ko.
" EVIL GOBLIN!" sigaw ng isang babae sa likuran ni Daddy. Nabuhayan ako ng loob kung sino ang nakita ko. May makinang siyang binato sa likod ng goblin pero bigla akong binitawan ng sinasabi niyang evil goblin at naglaho kaya at the end ay....
"C-Celest...-" Ako ang natamaan ng dagger niya. Ang lakas ng pag agos ng dugo. Unti unting namanhid nag katawan ko, kahit daliri ko ay nahihirapan akong igalaw.
"Celine?" tawag niya sakin na ikinangiti ko dahil nakatingin siya ng nag aalala sakin.
"Celest... P-Pwede mo b-ba akong t-tawaging A-Ate... k-kahit n-ngay-yon langh," naghihingalo kong hiling. Sinalo niya ako sa pagkakatumba kaya lalo kong nakita ang mukha ng kapatid ko.
Ngumiti ako ng mapait at nilalabanan ang antok. Alam kong mahirap sa kaniyang tawagin akong ate lalo na marami akong nagawang masama sa kaniya.
" Ate Celine," tawag niya na kinagulat ko pero wala na akong lakas para yakapin siya o i comfort siya sa mga luha niya. Kung hindi ba naka connect kay Esperanza ang buhay namin, masaya ba kami ngayon?
Nakalimutan ko ang masasayang alaala ko sa hospital dahil hinahangad kong lumabas ng hospital. Nakalimutan kong ma appreciate ang ngiti ng kapatid ko. Nakalimutan ko siya.
"Celest... S-Sa susunod na buhay. Kung magkita man tayo. Hwag mo akong papatawarin... -"
Hindi ko napigilang pakawalan ang hulibkong hininga at ang pagbagsak ng talukap ng aking mata. Mas ganda narin itong ending para sakin dahil magkikita narin kami ni Daniel.
Hinihiling ko ang magandang wakas sa pagiibigan niya ni Bryan. Madami na kayong napagdaanan para ipaglaban ang forbidden love niyo kaya sana magwakas na at makasama niyo na ang isa't isa.
Ikaw parin ang minamahal niya kahit hanggang ngayon.
Maraming salamat dahil naging kapatid kita, Celestine. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (107)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
love it ❤️❤️❤️ Sana po may new episode nkaka excite po basahin ung new episode 23 na po 😘😘😘 pls Sana new update na po nkaka excite po basahin❤️❤️❤️❤️❤️ pls🙏🏼🙏🏼🙏🏼 po Sana may new episode na po nakaka excite po basahin ung susunod pls pls pls po🙏🏼🙏🏼🙏🏼 sana po update na ung episode 38🙏🏼🙏🏼🙏🏼plz,,,,,
01/05/2022
0maganda
17/10/2025
0mamamo
20/10/2024
0Tingnan Lahat