36

Someone's POV.
Habang nasa office at nag aasikaso ng documents ay biglang lumagapak ang pintuan at bumungad ang isang bababeng naka cloak na itim at itim ang aura sa paligid.
"It's been a while, Celestine," bati ko sa pumasok. Kahit hindi masyadong kita ang pagmukha niya ay halata ang pagkainis.
"Mukhang galit ka? Hindi mo parin ba nakikita ang hinahanap mo?" tanong ko. Direderetso lang siyang pumasok at umupo sa swivel chair sabay cross arm.
"Nasa tingin mo magtutugma ang landas namin ng evil goblin?" tanong niya na napakangiti sakin. Inayos ko muna ang papel na hawak ko pero mukhang katulad ng dati ay wala siyang pinag bago. Ayaw niya nang pinaghihintay siya.
"Masyado siyang malakas kaya hindi mo siya basta basta mapapatay o mahahanap. Tandaan mong New goblin ka lang," paalala ko sa kaniya.
Nang tanggalin niya ang cloak niya ay bumungad sakin ang agandang mukha ni Celestine ngunit nababalit ng pagkalungkot at galit kaya masyadong nakakatakot.
"Anong gusto mo, patagalin ko pa ang panahon at kalabanin siya pag malakas na ako?" pabalang na tanong niya.
Ang lakas talaga ng fighting spirit niya. Naalala ko pa, 2 years ago ng pumunta siya rito sa omniscient pavilion, dahil goblin siya ay hindi ako makatanggi sa hiling niyang itago siya; sa ibang goblin, kay Bryan o mas kilala bilang 'Black Bone Reaper'. Nakalimutan siya ng lahat, naglaho sa mundo ng tao, inilayo ang sarili at tinanggap ang pagiging Goblin.
Lahat sinasabi ko sa kaniya, lahat ng impormasyon na hingiin niya. Ang hindi ko lang masabi ay... kung bakit niya kailangan maging goblin?
Ito ay ang pawn ng dalawang pagitan, ang masama at mabuti. Hinihintay lang nang dalawang panig kung saan siya susunod. Maraming nakatago sa pagkamatay niya at pagiging Goblin at natatakot akong pagnalaman niya ay panahon na para pumuli siya sa dalawa.
Sa liwanag ba o sa kasamaan?
Isa itong pustahan at siya ang alas nang dalawang panig...
"Parang ang lalim ng iniisip mo? May problema ba? Pumunta nanaman ba rito si Bryan para hanapin ako?" walang emotion niyang tanong. Ngumiti nalang ako sabay iling.
"Hindi naman mukhang napagod na," sagot ko.
Bigla siyang bumuntong hinga at nanampiling. "Kailangan niya na talagang sumuko. In fact dapat nga hindi niya na ilaan ang oras niya sa kakahanap sakin. Mas mahaba buhay ko kaysa kay Celine kaya dapat maging masaya na siya kasama ang taong minahal niya ng daang taon," paliwanag niya at kahit wala siya emotion sa pasasalita ay kita sa mata niya ang lungkot.
Napayuko ako dahil sa pag aalala sa kaniya. Naawa ako sa kaniya, kailangan niya ba talaga itong danasin? Wala naman siyang ginawang masama. Kahit gusto kong makialam ay hindi maari...
Sakaling malaman mo ang pinakabangungot ng parusa mo at mahukay ang katotohanan. Celestine, sana maawa ang kalangitan at pagbigyan kang maging masaya. Sapat na ang daang taon na pagsisisi mo.
"Tapos na ako magpahinga. Mukhang alam ko na kung saan ko siya makikita, medyo risky pero wala akong choice. Kailangan kong sumugal," saad niya bago tumayo at humakbang papaalis.
"Tsk! Celestine..." tawag ko at hindi ko siya magawang maharap. Pilit kong kinukuyom ang kamao ko upang itago ang pagkamuhi ko, pagkamuhi sa mga may sala nang paghihirap niya.
"Ano yon, Simon (Owner of Omniscient Pavilion)?" tanong niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na lumapit sa kaniya at yakapin siya. Hindi ako basta basta tao, may kakayahan akong makaramdam ng panganib at nararamdaman kong sakaling lumabas siya sa Omniscient Pavilion ay may mangyayaring hindi maganda.
"Hwag kang lumabas, kalimutan mo na ang tungkol sa evil goblin. Tumigil kana... -"
"Simon?" seryosong pagtawag niya na nagpahinto sakin.
"Hindi mo kailangan maawa sakin, gawin mo ang tungkulin mo, ang tagapaghatid ng impormasyon," dugtong niya sabay kalas ng pagkakayakap sakin. Gusto kong sabihin sa kaniya ang totoo, pero hindi ako pwede makialam.
'Bakit?! Bakit kailangan may magsakripisyon! Nagmahal lang siya!'
" Hindi bagay sayo ang malungkot, hindi ba gusto mo rin mawala ang evil goblin? Kaya hindi mo na kailangan maawa sakin, nakahanda akong mamatay kung kinakailangan," paliwanag niya na nagpasikit ng dibdib ko.
"Paano kung may malaman ka pang kakaiba? Paano kung ang katotohanang alam mo ay kasinu-" napahinto ako ng ibang may bumara na kung ano sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita.
'Hindi ba talaga dapat malaman ni Celestine ang nangyari! Ganoon ba kalala ang kasalanan niya para parusahan siya ng napakalala!'
" Kung wala ka nang sasabihin ay aalis na ako. Goodbye," aniya at hindi ko manlang siya napigilan. Walang kwenta!
Kailangan ko na bang balaan si Bryan?
Kilala ko ang evil goblin, pag hindi na niya kailangan ay papatayin niya na. Matalino si Celestine kaya alam kong may hint na siya kung saan susunod papatungo anf evil goblin.
Tsaka unti unti nang nagiging masamang goblin si Celestine na ikinatutuwa ng evil goblin. Pagmakapatay pa ng tao si Celestine ay tuluyan ng magiging masaya ang evil goblin.
Kung ganoon, papatay siya...
Ang next na target ay si Celine? Lumayo sa tao si Celestine at sakaling malaman niya na papatayin ng evil goblin ang ate niya na na wala ng kwenta ay pupunta siya. In the end katulad rin ng nakaraan na siya ang magiging gamit para patayin si Celine.
"Masama ito!" bigkas ko sa pag aalala.
Sana kasama ni Bryan si Celine at pinoprotektahan niya.
Agad akong lumabas ng Omniscient Pavilion at nagtungokay Bryan pero laking gulat ko nang hindi niya kasama si Celine.
"Nasaan si Celine?" tanong ko agad at kinwelyuhan siya.
"Dadalawin ang puntod ni Celestine. Gusto niyang mapag isa kaya hinayaan ko na," kalmadong sagot niya kaya lalo akong naasar.
"Nangako kang babantayan mo siya hindi ba? P-protektahan! Kaya bakit mo hinayaan na pumunta siya sa ganoong lugar na siya lang mag-isa!" sigaw ko na umalingaw ngaw sa buong paligid.
"Ano bang big deal? Busy ako sa paghahanap kay Celestine kaya hindi ko muna siya p-problemahin," malamig na sagot niya. Hindi na ako nakapagtimpi pa at sinapak siya para matauhan.
"Ang sabi ni Celestine kalimutan mo na siya kaya bakit kailangan mong suwayin siya?!" pagsigaw na tanong ko pero akala ko gaganti siya pero hindi lang siya nagsalita at bakas ang pagkalungkot. Katulad ng kay Celestine.
"Bryan ay mali... Black bone Reaper," tawag ko at napayuko. Aaminin ko, talo ako. Kahit makalimot ang utak ay hindi makakalimot ang puso, kung kanino at kailan titibok ang puso.
"Alam mo bang goblin siya at reaper ka?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot kaya napatawa ako ng bahagya.
"Ganto rin yon. Ganto rin ang nangyari... mas pinipili niyo pa rin talag ang forbidden love. Ang pinagkaiba lang ay... hindi siya tao sa buhay na ito kundi isang goblin. Kaya forbidden parin pero sa ngayon hindi lang batas ng reaper ang sinuway nyo," paliwanag ko na ikinataka niya.
Siguro panahon na para makialam ako. At, matapos na ito.

Komento sa Aklat (107)

  • avatar
    AguilarAndaya Amy

    love it ❤️❤️❤️ Sana po may new episode nkaka excite po basahin ung new episode 23 na po 😘😘😘 pls Sana new update na po nkaka excite po basahin❤️❤️❤️❤️❤️ pls🙏🏼🙏🏼🙏🏼 po Sana may new episode na po nakaka excite po basahin ung susunod pls pls pls po🙏🏼🙏🏼🙏🏼 sana po update na ung episode 38🙏🏼🙏🏼🙏🏼plz,,,,,

    01/05/2022

      0
  • avatar
    Cyrus Jay Arasan

    maganda

    17/10/2025

      0
  • avatar
    Claude Johan Macaraeg

    mamamo

    20/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata