Homepage/Revenge of the Heartless Daughter/
Chapter 35
Nilingon ni Celestine nang may matang panlilisik si Celine at walang pagdadalawang-isip na itinaas ang kutsilyo handang saksakin si Celine. Dahil walang magawa ay napapikit nalang si Celine at itiniklop ang palad niya.
Hindi kinakayang masaksihan ni Bryan ang unti unting paglapit nh punyal kay Celine at agad na inalala ang pangako niya kay Esperanza. "H'wag!" umalingaw-ngaw ang sigaw ni Bryan at pinilit makawala sa kapangyarihan ni Celestine.
Isang patak ang luha ang tumulo sa pisngi ni Bryan bago nagsalita, "Celestine, maawa ka. H'wag mong patayin si Esperanza!" bulaslas na sigaw niya kaya napahinto si Celestine at nagdalawang isip sa narinig na sinabi ni Bryan.
Pinagmasdan niya si Celine na may pagkakataka at umiling iling. "Esperanza?" taka niya at nilingon si Bryan.
Nakahinga naman ng maluwang si Celine na halos namumula na ang ang mata sa pagluha.
"Please, Celestine. H'wag mo siyang sasaktan. Ako nalang, ako nalang ang parusahan mo para sa lahat," pagprotekta ni Bryan. Napaatras nalang si Celestine at napapailing habang natulo ang luha.
"Hindi, Hindi 'to totoo," sambit niya habang nailing at hindi mapigilan maluha. Nanlambot ang binti niya at napahawak sa dibdib dahil sa matinding pagkirot.
"BAKIT IKAW PA!!" sigaw ni Celestine sa pag-iyak.
"Lahat nalang inagaw mo, wala ka nang itinira para sa pagkatao ko! Ate, bakit pati hanggang rito kailangan kong magparaya sayo! BAKIT! SABIHIN MO BAKIT!" sigaw ni Celestine na halos kanina pa mapaos sa kakasigaw. Napatingin naman siya sa kawalan at napahinga ng malalim. Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa paligid bago napapunas ng luha si Celestine.
"Siguro, tama na 'to. Ako lang naman kasi ang nasasaktan muli," aniya Celestine at binitawan ang kutsilyo. Nakatulalang tumalikod si Celestine at dahan-dahang humakbang papalayo.
"Gusto ko ng magpahinga, pagod na ko," sambit niya ulit bago naglaho. Nang makaalis si Celestine ay nawala ang mahikang nakapalibot sa katawan ni Bryan kaya agad siyang lumapit kay Celine at niyakap ito.
"H-Hindi mo dapat sinabi 'yon," utal ni Celine kaya ikinalas ni Bryan ang pagkakayakap niya. Dumerekta ng tingin si Celine at itinulak si Bryan at kitang kita sa mukha ni Celine ang paninisi.
Huminga siya ng malalim at pumikit para mawala ang pagkainis at sinubukang hindi tingnan si Bryan.
"Umalis ka na, hayaan mo muna akong mapag-isa!"
...
Sa madilim na kwarto sa office na tanging ilaw lang mula sa kabilang mga building ang nagsisiblbing liwanag ay nandoon si Celestine at nakatingin sa kawalan habang malaki ang iniisip. Hawak niya ang wine at nakaupo sa swivel chair.
"Goblin," bigkas niya bago huminga ng malalim. Napalibot tingin siya sa paligid at bumuntong hininga tsaka uminom ng alak.
"Nakatadhanang mag-isa sa buong buhay niya at kailan man hindi mamamatay," sambit niya. May narinig naman siyang mabilis na yapak pero hindi niya lang pinansin maya-maya ay marahas na may nagbukas ng pinto at iniluwa si Jianah.
"Celestine?" tawag ni Jianah nang makitang tulala nanaman si Celestine ay dali dali siyang lumapit bago yumakap.
"Celestine, patawad wala ako sa tabi mo at hindi ko man lang magawang ipagtanggol ka," aniya panay hikbi. Dahil sa pagkakayakap ay lalong tumindi ang kirot sa dibdib niya at bumigat ang kaniyang mata na nagbabadyang lumuha.
"Jianah," tawag niya at ibinuhos ang natitirang luha niyang. Umalingaw-ngaw ang pag-yak ni Celestine na mala batang ingawan ng candy kaya tinapik tapik nalang ni Jianah ang likod ni Celestine at hinayaang umiyak. Ilang oras na binuhos ni Celestine ang mga luha niya hanggang sa mapagod habang si Jianah ay pinapakalma siya.
Hanggang sa mapatahimik si Celestine at mapagod kakaiyak. Huminga ito ng malalim at napapunas ng luha at bawat kanto ng mata niyang namamaga.
"Master, pangako po kahit anong mangyari hindi ako aalis sa tabi niyo. Dahil itinuring na rin kita na ate ko at binigyan ako ng bagong katauhan. Naniwala rin kayo na ang isang mahirap at katulong noon na katulad ko ay aangat sa buhay," pag-iiba nang usapan ni Jianah. Dahil sa sinabi niya ay napangiti ng bahagya si Celestine at ginulo ang buhok ni Jianah.
"May nagawa pala akong magandang pagkakamali," aniya ngunit umiling si Jianah.
"Marami po kayong natulungan, hindi lang ako at naniniwala akong mas marami ka pang matutulungan," pagpapalakas ng loob ni Jianah para kay Celestine. Nagbago namab ang emotion ni Celestine at hinawakan ang kamay ni Jianah.
"Nakapagpasya na ko," ikling bigkas niya bago ngumiti. "Sayo ko na ipinagkakatiwala ang kompanya. Naniniwala ako sa kakayahan mo at ang mga plano ko sa hinaharap."
Lubos namang ikinataka ni Jianah at tumanggi. "Hindi ko po magagawa yan, kayo po ang may-ari ng kompanya at isa pa napakalaking responsibilidad ito at hindi ako kasing talino mo. Baka magaya lang ako kay Celine."
Ngumiti naman si Celestine sa kaniya. "Naniniwala akong maaalagaan mo 'to para sakin at pati narin si Mr. Director. Naniniwala kami sa kakayahan mo Jianah," ani ni Celestine.
"Teka. Nagpapaalam na po ba kayo samin? Saan po kayo pupunta?" taka ni Jianah at pinagmasdan si Celestine. Huminga nalang ng malalim si Celestine bago tumindig.
"Tapos na ang dahil ko para mabuhay at ayokong mapag-iwanan ng panahon. Isa pa, nakapatay na ko kaya malaki na ng posibilidad na maging evil goblin ako. Binabalak ko ngayon hanapin ang katapusan ng gaya kong goblin," paliwanag ni Celestine at tumingin kay Jianah.
"Kaya kailangan ko ng tulong mo, ikaw nalang ang pinagkakatiwalaan ko. Pinagkakatiwala ko na ang business ko sayo at sana mamuhay ka ng maginhawa. Gusto ko pa sanang masilayan ang kasal mo pero bago wala na ako sa araw na yon," dugtong niya, may lumitaw naman na isang envelope at binigay niya ito kay Jianah.
"Jian Ah Belleze?" basa niya sa nakasulat.
"Simula ngayon parte ka na ng Belleze Family at nakababatang kapatid ko," pagbalita ni Celestine. "Ikaw na ang bahalang mag-alaga sa company at paalam," huling habilin ni Celestine bago tuluyang naglaho papaalis. Naiwan naman si Jianah na puno ng pagtataka.
"Celestine..."
...
Jian Ah 's POV
2 years later
Naglalakad ako sa bungad ng building at binabaybay ang office ko suot ang mamahaling business attire at pointed shoes ko.
"Good morning ma'am," bati nila at matamis na ngiti lang ang binabalik ko.
'Hay!'
Almost two years narin ang lumipas ng maging bagong bagong Chairman ako ng company.
"Ms. Belleze!" Agad kong inilingon ang tumawag saakin at bumungad sakin ang isang lalaking pawis na pawis at may malaking salamin sa mata. Tinaas ko ang kilay ko at hinintay siyang makapagsalita.
"Ako po ang bagong assistant-" hindi pa siya natatapos ng magsalita ako habang nakatingin sa relo ko.
"10 minutes late," ikling bigkas ko at ramdam ang tension sa paligid.
"Tsk! Bago ka palang pero nasikmura mo na agad magpakalate? Gusto mo bang matanggal sa trabaho?" blankong expression kong tanong.
"Hindi po!"
Pinagmasdan ko lang ang kilos niya at mukhang nangangatog na siya. Hay! simula ng maiwan akong mag-isa ay nagbago na ang kilos ko, pakiramdam ko tuloy nagiging ka ugali ko na si Celestine.
Tumalikod nalang ako at inangat ang mukha ko, sa ngayon kasi inaalagaan ko ang mukha ko dahil napaparanoid ako tuwing naiisip kong matanda na ako pagbumalik si Master. Naalala ko ang unang araw bago nawala si Celestine ay wala man lang nakaalala sa pag exist oo bilang secretary. Nagulat nalang ako na may sumalubong na sakin at tinawag na ma'am. Binura ni Celestine lahat ng tungkol sakin at nabuhay ako sa ibang katauhan, bilang kapatid niya. Nagulat nalang din ako na wala ng Aubrey Chinna Belleza, ang sabi namatay siya sa aksidente matapos na magdrive nang lasing pagtapos ng libing ni Mr. Director.
Pero, alam kong buhay pa siya at gawa niya lang ang plot na 'yon. At, balang araw magkikita uli kami kaya pagbubutihin ko ang pag-aalaga ng kompanya.
Nang makarating kami sa office ko at maitulak ko ang pinto ay isang babae at lalaki ang bumungad sakin. Ang mga taong kinaiinisan ko.
"Surprised!!" sigaw niya habang nakangiti na umaasa sigurong magugulat ako. Lumapit ako sa kaniya at pinagmasdan silang habang magkasama ni Master Scoth. Lagi akong binabatuhan ni Mater Scoth nang malamig na tingin pero simula ng nawala si Celestine ay hindi na siya makatingin kaya. Hindi ko na rin siya tinanong pa o kinausap dahil natatakot akong may mahalungkat pa tungkol kay Celestine. Mabilis naman naglaho si Master Scoth kaya napahinga ako ng malalim.
"Jian Ah, nagdala pala ako ng cake at flower para sayo. Naalala ko kasing birthday mo pala kaya pinilit kong na surprise kaya nagpasama na ako kay Bryan para makarating rito," paliwanag niya. Tiningnan ko lang siya ng blangko bago ako umupo sa swivel chair ko.
"Tapos kana magsalita?" tanong ko sa malamig na emotion.
"Oo... sana..." -Celine
"Umalis kana," ikling utos ko at hinawi ang dala niyang nakakalat sa lamesa ko.
"Jianah, ilang taon na ang lumipas kaya sana kahit ikaw lang ay mapatawad ako," aniya.
Hindi ko naman siya tiningan dahil busy ako sa mga report na pinasa sa akin kaya. "Wala naman akong karapatan para magalit sayo, tsaka binalik ko na ang Palace Company diba kaya h'wag mo na akong gambalahin," sagot ko pa ngunit nakatingin parin sa papel.
"Jianah, please. Alam kong galit ka sakin-" hindi ko na siya pinatapos pa at napahampas ng lamesa dahil hindi ko talaga kayang makasama siya sa iisang kwarto.
"Pwede ba umalis kana at huwag ka nang babalik rito. Tsaka kung pwede, huwag kang magpaka feeling na ikaw ang biktima dahil hindi bagay! Saksi ako sa kademonyohan mo kaya hindi ako sanay na makita kang mabait," walang preno kong panlalait bago tumingin uli sa papel na hawak ko.
"Lumabas kana!"
Pinakiramdaman ko lang siya at nang makalabas ay binaba ang papel na binabasa ko. Tsaka ako huminga ng malalim dahil sa totoo lang kanina pa ako kinakabahan dahil hindi naman talaga ako matapang. Ginagaya ko lang si Celestine para maka-survive sa pwesto ko at maprotektahan ang company.
"Hyst! Celestine, paano mo nagagawang pumasan ng ganitong responsibilidad at malaking problema?"
Napatingin ako sa cake at napaluha nang biglang maalala ang bonding namin kasama ni Mr. Director, Master Celestine at Master Scoth tuwing Birthday ko. Kahit hindi palangiti si Celestine ay lagi siyang nandyan tuwing Birthday ko at pinipilit na ipagdiwang ang kaarawan ko kahit kami-kami lang makakasama.
"Master, nasaan kana ba? Hindi ko ito kaya mag-isa."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (107)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
love it ❤️❤️❤️ Sana po may new episode nkaka excite po basahin ung new episode 23 na po 😘😘😘 pls Sana new update na po nkaka excite po basahin❤️❤️❤️❤️❤️ pls🙏🏼🙏🏼🙏🏼 po Sana may new episode na po nakaka excite po basahin ung susunod pls pls pls po🙏🏼🙏🏼🙏🏼 sana po update na ung episode 38🙏🏼🙏🏼🙏🏼plz,,,,,
01/05/2022
0maganda
17/10/2025
0mamamo
20/10/2024
0Tingnan Lahat