Chapter 33

...
Tok!
Tok!
Tok! 
Magkasunod na katok ang narinig mula sa labas ng pinto nila Celine. 
"Celine, ikaw ba 'yan? Bakit napa gabi ka yata ng uwi!" saway ng Ina sa pag aakalang si Celine ang nakatok at kakauwi lang galing sa trabaho. Ngunit nagpatuloy ang katok at hindi sinagot ang tanong ni Mrs Quintana.
"Celine?" tawag ulit niya. Lalong tumaas ang balahibo ni Mrs Quintana ng napatuloy lang ito sa pagkatok.
"Celine! Magsalita ka nga d'yan! Pinapakaba mo ako e!" saway uli niya t'saka huminto ang katok. Huminga muna si Mrs Quintana ng malalim bago binuksan ang pinto at napalingon siya sa kaliwa't kanan pero walang tao.
"S-Sino naman 'yon? Hay, baka mga bata lang sa kapitbahay." Agad sinara ni Mrs Quintana ang pinto at nang tumalikod siya sa pinto ay bumungad si Celestine. 
"Mommy," direktang tawag ni Celestine sa kaniyang ina. Napaatras ng bahagya si Mrs Quintana nang makita si Celestine at halos itim ang buong mata, puting puti ang balat, nakalugay ang buhok at walang ekspresyon.
Umiling siya at namilog ang mata sa pagkagulat bago napayuko. "H-Hindi... P-Panaginip lang 'to. Patay na ang anak ko," pagkumbinsi niya sa sarili niya pero napasigaw siya ng may humawak sa balikat niya. 
Lumapit ang mukha ni Celestine sa tainga ni Mrs Quintana at bumulong, "Hindi pa ako namatay, all this time nasa tabi n'yo lang ako at nagmamasid," sagot ni Celestine at bumungisngis. Nataranta palayo si Mrs Quintana at tumili. 
"L-Lumayo ka sa'kin!!" taboy niya habang nangangatog sa takot pero nag-smirk lang si Celestine.
"Ayaw mo po ba akong makita. Sayang... alam mo po bang nabuhay ako para lang makasama ko kayo ulit." Halos mawala sa katinuan si Celestine. Ang nakangiting mukha ay napalitan ng nakakatakot na titig ni Celestine. "Pinatay mo ako 'di ba? Dahil sa pagmamahal mo kay Ate Celine kaya nagawa mong i-give up ang buhay ng pangalawa mong anak! Wala ka na nga sa tabi ko at laging nakatuon sa sarili mo kay Ate Celine at ngayon minanipula mo ang Medical data ko para bumaliktad ang kapalaran namin ni Ate Celine!!" Binuhos ni Celestine ang galit niya sa kaniyang ina at mabilis na lumapit rito sabay sinakal at inangat pataas ang kaniyang Ina. Halos maubusan ng hinga si Mrs. Quintana at maubo sa higpit ng pagkakasakal.
"C-Celestine... patay kana!" -Mrs Quintana
"Oo! Namatay ako dahil sayo!" gigil na sagot ni Celestine at inangat pa lalo si Mrs Quintana. Pinipilit abutin ng kaniyang ina ang lupa ngunit masyadong malakas si Celestine at mabilis lang siyang iangat sa ere kaya pikit nalang ang daing ng kaniyang ina.
"A-Aubrey-y?" isang nginig na boses ng babae ang narinig mula sa pinto kaya nilingon ito ni Celestine at nasilayan niya si Celine at si Bryan.
"C-Celestine? Anong nangyari sayo?" taka pa ni Bryan nang makita ang nangingitim na mata ni Celestine. Lumingon si Celine kay Bryan ng may pagkatakang nakahalo sa mukha.
"Celestine? Teka patay na ang kapatid ko." -Celine
Napatawa ng mala-demonyo si Celestine at binitiwan si Mrs Quintana t'saka natuon ang pansin kay Celine. Dahil sa pagkakasakal ay hindi nakahinga ng matagal si Mrs Quintana kaya nahimatay.
"Kapatid?... Oo nga pala, may kapatid nga pala ako," sagot ni Celestine at tumawa ulit habang nakatingin ng mala patay. 
Pinagmasdan ni Celine ang kapatid niya at may kirot na naramdaman siya mula sa dibdib niya kaya hindi niya namalayan ang unti unting pagluha niya habang nalapit niya kay Celestine.
"Celestine? P-Paanong..." lalapit sana si Celine pero bigla siyang pinigilan ni Bryan.
"Hindi 'to maganda, tumakas kana!" sigaw ni Bryan at pinamadali si Celine na halatang ikinalito ni Celine.
"Bakit?" taka ni Celine habang naka kunot noo.
"Basta tumakbo ka!" sigaw ni Bryan, pero masyadong mabilis si Celestine at lumitaw sa isang iglap sa harap ni Celine. Namilog ang mata ni Celine at hindi nakagalaw sa kinatatayuan niya. Sumeryoso naman ang mukha ni Celestine at tumingin ng mala patay sa kaniya.
"Kailangan kitang patayin," ani ni Celestine na mukhang wala sa sarili at nang hahabulin niya si Celine ay pinigilan siya ni Bryan.
"Celestine! Gumising ka! Hindi ka dapat magpasakop sa galit at hayaang lamunin ng kasamaan, kung papatay ka pa ay tuluyan kanang magiging masamang Goblin!" paliwanag ni Bryan ngunit masyadong malakas si Celestine at sa isang hawi ni Celestine ay tumalsik si Bryan.
"Papatayin ko sila, kailangan kong patayin sila," bigkas ni Celestine at dahan dahang lumapit kay Celine.
"C-Celestine? Hindi mo magagawang patayin ang ate mo, 'diba? Kilala kita at hindi ka ganoong uri ng tao," pagkukumbinsi ni Celine pero pinigilan ni Bryan si Celestine makalapit kay Celine.
"Sabing tumakbo kana!" 
"Hindi! Maayos namin 'to. Marami akong gustong sabihin sa kaniya kung s'ya man talaga ang kapatid ko!" Desperadang pagmamatigas ni Celine.
"Kung tama ang hinala ko, may alam na ang kapatid mo sa pagkamatay niya. At, kung 'di ako nagkakamali ay nakapatay siya," paliwanag ni Bryan pero nagmatigas parin si Celine.
"Ano naman kung nakapatay siya? Mababago ba nun ang pagiging si C-Celestine niya? Kahit anong mangyari kapatid ko siya at gusto kong makausap siya!" pilit ulit ni Celine. Halos magkapasa na ang braso ni Bryan habang yakap si Celestine patalikod para pigilan. Pero walang ginawa si Celestine kundi pilipitin ang braso niya paikot para pakawalan siya.
"Isa nang Goblin ang kapatid mo!" - Bryan.
"Goblin?"
"Kung nakapatay man ang Goblin ay maghahanap ito ng panibagong papatayin, hanggang sa hindi na niya mapigilan pang pumatay. Kaya kailangan nang tugisin ang isang Goblin na nakapatay bago pa tuluyang maghasik ng lagim!" paliwanag ni Bryan.
"Bitiwan mo ako!" sigaw ni Celestine at sa lakas ng p'wersa ay nakalas niya ang pakakahawak ni Bryan. Nilingon niya si Bryan at hinangat ang kamay niya sa hangin at kitang kita ni Celine ang paglabas ng maliwanag na asul na usok sa kamay ni Celestine. Pinaangat niya si Bryan.
"T-Tum-makbo kana. I-Ilig tas mo ang kapatid mo s-sa tuluyan niyang pagiging ganap na Evil Goblin," utal utal na sabi ni Bryan habang pinipigilan siya ng mahika ni Celestine na makakilos.
"Um. Isa ka lang Reaper pero kung pigilan mo ako akala mo mas mataas kana sa'kin! Tandaan mo, ako ay isang Goblin, at kumpara sa inyo ay mas mataas ako ng maraming beses!" ani ni Celestine at pinakanan niya ang direksyon ng kaniyang kamay at humampas ang katawan ni Bryan sa pader ng bahay.
Sa ginawa ni Celestine ay natakot si Celine at pinilit na tumakbo pero masyadong malakas si Celestine at napahinto niya ang paggalaw ng katawan ni Celine.
"Kailangan kitang patayin, kaya saan ka naman pupunta?" Biglang litaw ni Celestine sa likod ni Celine at bumulong.
"Wuahh! Lumayo ka! Please Celestine, pag-usapan muna na'tin 'to!" pagmamakaawa ni Celine habang nanginginig sa takot.
"Kamatayan, Gusto ko makakita kung paano kayo mamamatay sa harap ko! Hahaha!" ani ni Celestine na may pananabik at naglabas ng patalim. Pinagmasdan niya ang patalim na may kasiyahan at nahahalina sa kinang ng patalim. Nilingon ulit ni Celestine ang ate niya at nalangiti ng malapad ng makitang nangangatog si Celine at walang kalaban laban.
"Kukunin ko na ang puso ko dahil hindi 'yan nararapat sayo. Haha!" ani ni Celestine at nilapit ang kutsilyo sa dibdib ni Celine.
"Celestine, tumigil ka!" sigaw ni Bryan at pinandilatan siya ng mata ni Celestine at lalong piniga sa Pader. 
"MANAHIMIK KA!" - Celestine.
Muling tumuon ang paningin niya sa kutsilyo at ngumiti na parang baliw. "Tsaka nga pala, alam mo ba kung ano 'to?" 
"C-Celestine, tigilan mo na--" pagsasalita ni Celine ngunit hindi naituloy ng mangatog siya dahil sa boses ni Celestine.
"HINDI 'YAN ANG SAGOT SA TANONG KO!" sigaw ni Celestine.
"K-Kutsilyo, Kutsilyo 'yan!" mabilis sagot agad ni Celine ngunit ngatog ang pagkakasalita dahil sa takot.
"Alam mo naman pala ang sagot e," ani ni Celestine at ngumiti ng nakakaloko.
"Alam mo ba kung kanino ko 'to ginamit bago ko gamitin sayo?" tanong ulit ni Celestine at pinadaan sa mukha ni Celine ang talim ng kutsilyo.
Dahan dahang lumapit ang mukha ni Celestine tsaka bumulomg, "Kay Daniel lang naman, Haha." 
"Ano? Pinatay mo si Daniel?" natatakot na tanong nila Bryan at Celine. Himinga muna ng malalim si Celestine bago ngumiti tsaka tumango tango.
Muling nagbago ang expression niya at pinandilatan ng mata si Celine.
"Oo, bakit na gulat ka ata? H'wag kang mag-alala dahil isusunod ko kayo," sagot ni Celestine at tumawa ng mala-demonyo.

Komento sa Aklat (107)

  • avatar
    AguilarAndaya Amy

    love it ❤️❤️❤️ Sana po may new episode nkaka excite po basahin ung new episode 23 na po 😘😘😘 pls Sana new update na po nkaka excite po basahin❤️❤️❤️❤️❤️ pls🙏🏼🙏🏼🙏🏼 po Sana may new episode na po nakaka excite po basahin ung susunod pls pls pls po🙏🏼🙏🏼🙏🏼 sana po update na ung episode 38🙏🏼🙏🏼🙏🏼plz,,,,,

    01/05/2022

      0
  • avatar
    Cyrus Jay Arasan

    maganda

    17/10/2025

      0
  • avatar
    Claude Johan Macaraeg

    mamamo

    20/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata