Homepage/Revenge of the Heartless Daughter/
Chapter 31
After One Week...
Isang sulat ang lumitaw mula sa hangin at lumapit kay Celestine.
"Ito na ang impormasyon na nakalap ko tungkol sayo. Sa iba pang detaltye ay hindi ko na nagawang buklatin dahil isang nakapaitim na aura ang nababalot sa loob ng Ospital. Ang masasabi ko lang ay hindi basta bastang tao lang ang nasa likod ng pagkamatay mo," ang nakasulat sa maliit na papel bago niya buksan ang envelope.
Ikinalaki ng mata niya at nabitawan ang papel nang mabasa ang nasa Medical data.
"H-Hindi... Hindi 'to totoo. Fake 'to! Ilayo n'yo sa'kin 'yan!" sigaw niya. Lumitaw naman ang isang multo na galing sa Omniscient Pavillion.
'Hindi po naglalabas ng maling impormasyon ang Pavillion, kung ano po ang nasa loob ng papel yan ay iyon ang katotohanan."
Muling binasa ni Celestine ang nasa Medical data. "Anemia?"
"Anemia lang ang sakit ko?" taka niya at hindi makapaniwala.
"Bakit? Ha? Akala ko may brain tumor ako? Alam kong hindi malala ang brain tumor ko at pinatay daw nila ako para 'di mahirapan... pero paanong Anemia lang pala ang sakit-" Napahawak si Celestine sa buhok niya at sumigaw sa galit.
"BAKIT N'YO NAGAWA SA'KIN 'TO!!" sigaw niya.
"Anemia?" bigkas niya at napatawa ng malakas habang naiyak na nakaupo sa sahig.
Hindi malaman ni Celestine kung paano niya haharapin ang katotohanan.
"Pinalabas nilang Brain Cancer at nagawa nilang patayin ang sarili nilang dugo't laman? NASAAN ANG KONSENSIYA NINYO!" panggalaiti niya sa galit.
Dahan dahan siyang tumayo at pinira piraso ang papel na hawak niya. "Siguro naman may dahilan na ako para... PUMATAY NG TAO!"
...
"Master," tawag ni Jianah.
"Hindi ba, fired kana? Kaya lumayas ka sa harapan ko," walang emosyon na kausap ni Celestine.
"Master, hindi ko po sinasadya iyon. Master, nag aalala lang po ako."
"Away mo umalis? P'wes, ako ang aalis." Agad naglaho si Celestine at nagtungo sa isang Bar.
"Teka, 'diba si Ms Belleza 'yan?" turo sa kaniya ng mga nag ch-chismisan na babae sa gilid. Umupo siya sa malapit sa bartender.
"Bigyan mo ako ng pinakamatapang na alak," ani niya. Saktong aabutin na niya sana ng may humatak sa kaniya at inilayo ang baso.
"Aubrey, bakit ka nandito? Hindi mo naman gawaing mag-inom 'diba?"
Bumungad kay Celestine si Daniel at tinitigan lang n'ya ang mukha nito. "H'wag mo akong pakielaman. Wala ako sa mood para makipaglandian."
"Wine at Ladies drink lang dapat ang iniinom mo-"
Medyo nairita si Celestine sa presensya ni Daniel kaya tinulak niya ito pero masyadong malaki ang katawan ni Daniel kumapra sa kaniya kaya napaatras lang 'to nang unti.
Hindi pinansin ni Daniel ang pagakairita ni Celestine, t'saka sinabi na, "Concern lang 'ko kasi mahal kita."
Ngiti ng paasar si Celestine.
"Concern ka sa'kin?"
Kinuha naman ni Celestine ang baso at ininom ang alak na matapang sa harapan ni Daniel.
"Dahil ba sa Daddy mo kaya nalulungkot?"
"Sana nga dahil nalang kay Daddy..." ani ni Celestine at nilibot ang paningin niya sa paligid ng bar na maraming nagsisiyahan kaya lalo siyang napikon at pinitik ang ang daliri niya at namatay lahat ng tugtog nang kusa.
"Perfect," ngiti niya. Napahinto lahat ng tao sa pagsasayaw at nalito kung sino ang pumatay ng tugtog.
"Umuwi na tayo." Hahatakin na sana siya Daniel nang makita ang parehas ng paghatak niya sa kamay ni Daniel noon break up nila.
Agad siyang humalakhak at nakatingin sa kamay niya na hawak ni Daniel.
"'Di ba sabi mo mahal mo ako?" tanong niya matapos humalakhak.
"Kahit anong mangyari, ikaw lang ang mamahalin ko," sagot ni Daniel at bumulaslas sa tawa si Celestine.
"Parang dati lang sinabi mong hindi mo ako mahal at iniwan ako ng mag-isa. Haha, nakakatawa naman ang narinig ko ngayon. Tanong ko lang, mahilig ka ba sa babaeng malungkot?" ani ni Celestine na ikinataka ni Daniel.
"Anong ibig mong sabihin?"
Tumitig ng masama si Celestine at isang pagyanig ng lupa ang naramdaman nila.
"Aubrey, kailangan na nating umalis sa gusaling 'to." -Daniel
"Aubrey?"
"'Diba nagtatanong ka kung minahal kita? Sige aamin na ako... minahal kita 10 years ago," sagot ni Celestine at kumunot ang noo ni Daniel.
"Anong sinasabi mo Aubrey, hindi pa kita nakikilala 10 years--" napahinto siya at tinitigan si Celestine.
"C-Celestine?" tawag ni Daniel kay Celestine at ngumiti lang siya. "Kung gano'n... tama ang hinala kong ikaw si Celestine? Buhay ka? P-Pero papaano?" sunod sunod na tanong ni Daniel.
"Hindi na mahalaga kung paano, pero ngayon hayaan mong sabihin ko kung bakit ayoko sayo! Lahat ng nangyari sa'tin ay parte ng pag hihiganti ko. Gusto kong sirain ang pinagmamalaki mong pagmamahal mo sa kambal ko. At... nagawa ko. Haha," paliwanag ni Celestine pero niyakap lang siya ng mahigpit ni Daniel.
"Wala akong pakialam, basta ang mahalaga buhay ka at hindi na panaginip ito lahat. Matagal ko hinihiling na sana buhay ka pa. Hindi ko matanggap na pagkamatay mo-"
"Lumayo ka sa'kin!" sigaw ni Celestine at itunulak si Daniel.
"Minahal kita, naging mabuti akong girlfriend sayo, hindi ako nagkulang pero bakit kailangan mong saktan ang katulad ko. Inaalala mo ang kambal ko pero ako na girlfriend mo ay hindi mo man lang tinanong kung ayos lang ba ako!"
"Naaawa ka sa ate ko pero nakakulong siya pero ako inalala mo ba na nasasaktan din ako? Alam mo ba na walang awang tao ang mas pinili mo kaysa sa'kin?!"
"Nagawa niyang patayin ang sarili niyang kapatid para lang makapiling ka! Teka..." lumapit si Celestine kay Daniel ng hanggang isang pulgada nalang ang layo. "Malamang alam mo rin na hindi talaga Brain Cancer ang sakit ko. Para mabuhay ang ate ko at magsama kayo ng matagal... WALANG AWA NINYO AKONG PINAGKAISAHAN PARA PATAYIN!!"
Umiling si Daniel at hinawakan si Celestine sa balikat para pakalmahin ngunit tinanggal ni Celestine ang kamay niya. "Celestine, hindi ko alam ang binibintang mo. Ang alam ko ay hiniling mong mamatay para makalaya si Celine sa Ospital," paliwanag ni Daniel.
"Ganoon ba talaga ako kabait para pati buhay ko ibigay ko!" sigaw ni Celestine at naglabas ng kutsilyo at itinutok sa leeg ni Daniel.
"Kinamumuhian kita at pinagsisisihan kong nagkagusto ako sa tulad mo!"
Gigilitan na sana ni Celestine si Daniel pero pumikit lang ito at walang planong pigilan si Celestine. "Pinagsisisihan ko na iniwan kita, kung maibabalik ko lang ang panahon sa araw na iniwan kita sa Park. Yayakapin kita ng magipit at ipapaliwanag ko sayo kung gaano kita kamahal," paliwanag ni Daniel at ngumiti ng matamis tsaka walang alinlangang niyakap si Celestine. Halos tumagos ang kutsilyo sa lalamunan ni Daniel at dahil sa ginawa niya ay hindi makapaniwala si Celestine at hindi makagalaw.
"K-Kung m-may p-pangal-lawang b-buhay-y man tay-yong d-dalaw-wa... San-na lum-mayo k-ka sa t-tulad ko-o, Grac-cia-" binigkas ni Daniel ang pangalan ni Celestine noong unang panahon bago lagutan ng hininga. Sa biglaang kaganapan ay nabitawan ni Celestine ang kutsilyo at sinalo ang katawan ni Daniel sa pagtumaba.
"Daniel? D-Daniel. H'wag mo akong biruin. Gumising ka!!" sigaw niya at nilapat angkamay niya para buhayin si Daniel pero wala siyang nagawa. "Daniel!!" tawag ni Celestine at niyakap ang walang buhay na katawan nito habang nakaupo at 'di makatayo sa gulat.
"Wala akong planong patayin ka! Daniel!"
'Gracia..'
'Gracia...'
'Gracia...'
"Sino ka?" Tawag niya sa paligid, maya-maya nagbago ang paligid at napunta sa sinaunang panahon.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (107)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
love it ❤️❤️❤️ Sana po may new episode nkaka excite po basahin ung new episode 23 na po 😘😘😘 pls Sana new update na po nkaka excite po basahin❤️❤️❤️❤️❤️ pls🙏🏼🙏🏼🙏🏼 po Sana may new episode na po nakaka excite po basahin ung susunod pls pls pls po🙏🏼🙏🏼🙏🏼 sana po update na ung episode 38🙏🏼🙏🏼🙏🏼plz,,,,,
01/05/2022
0maganda
17/10/2025
0mamamo
20/10/2024
0Tingnan Lahat