Homepage/Revenge of the Heartless Daughter/
Chapter 21
Habang nilalamon ng dilim ay may isang malakas na pagsabog ang umalingaw-ngaw sa isang abandunadong gusali.
“Kung gano'n sa nakalipas na dalawang daang taon ay wala ka paring pinagbago. Mahina ka parin! Paano mo ako mahuhuli kung napakahina mo?” Pagmamaliit ng Evil Goblin kay Black Bone Reaper na hinanghina sa gilid.
“Ikaw! Napakarami mo ng pinatay na labag sa batas ng langit at lupa. Kailangan na kitang mapaslang agad!” ani ng Black Bone Reaper at pinilit tumayo.
Bigla naman tumawa ng malakas ang Evil Goblin at balot na balot ito ng itim at hindi makita ang mukha.
“Haha. Sino papaslang sa'kin? Ikaw? Ilang daang taon mo na ako hinuhuli ngunit wala parin nangyayari. Nakakaawa ka naman.”
“Sabihin mo! Ano ang kailangan mo kay Celestine? Bakit mo siya pinatay at ginawang katulad mo?” Napakuyom naman ng kamao si Blackbone at susugod sana ngunit kusa siyang huminto sa 'di malamang dahilan at agad tumalsik.
“Gusto ko lang maglaro at tulungan ka na rin.” Agad naman siyang tumawa at sinundan ng salita ang sagot niya.
“Ano ba 'yan, hindi ka man lang makalapit sa'kin kaya bakit mo pa pinipilit ang sarili mo? Dahil ba sa kasintahan mo? Sinasabi ko sayo hindi ka tutulungan ng langit at pahihirapan lang kayo. Kaya gumawa na ako ng paraan para tulungan kayong ni Esperanza na magtagpo. Mas mabuti ako kaysa sa diyos mo,” ani ng Evil Goblin at nang mabigkas ang pangalan ng kasintahan ni Reaper ay kumirot ang dibdib niya.
“Tumigil ka! Hindi ako gagamit ng kasamaan para masilayan ulit siya!” sigaw ni Reaper at hinawi lang ng Evil Goblin ang kamay niya at napatalsik na sa kabilang bahagi ng haligi si Reaper.
“Kasamaan? Masama ba na tulungan kayo ni Esperanza?”
“Tama na ang pagbigkas sa pangalan niya!”
Napatawa nang bahagya ang Evil Goblin at lumapit sa kaniya. “Makinig ka, hindi mo ako kaaway kaya itigil mo na ang paghahanap sa'kin at tulungan akong kalabanin ang tadhana na binigay saatin.”
“HINDI MANGYAYARI YAN!”-Black Bone
“Talaga? Kahit na sabihin kong tapos na ang dalawang daang taon na ibinigay sayo? Sa ngayon binuhay na ulit si Esperanza ngunit hindi para pagbigyan ka na makasama siya, kundi para magdusa sa mga kasalanan niyong dalawa. Ang babaeng minamahal mo ang sasalo ng pagdurusa na meron ka. 'Yun ang nakatadhana sa inyo, Ang Eternal Punishment. Nakakalungkot lang dahil wala naman kayong ginawa kundi nagmahalan lang.” Nanlaki naman ang mata ni Black Bone at Tumingin sa Evil Goblin.
“Sabihin mo! Nasaan s'ya?”
“Sa ngayon maaring nagdurusa siya sa pagmamahal at unti-unting pinapatay. Pagkatapos nun ay, maaring ipanganak ulit siya at pahirapan parin nang walang katapusan.”
Pinipilit ulit tumayo ni Black Bone at napahawak sa dibdib. Makikitang naluha ang mga mata ni Reaper dahil 'di makapaniwala. “Kasalanan ko 'to dahil 'di kita agad napatay! HUMANDA KA!”
“Mali ka, ang tunay na may kasalanan ay ang kalangitan, dahil hindi niya maunawaan ang pag-ibig. Wala siyang ibang ginawa kundi magparusa at kaya ko ito sinasabi sayo dahil kaya kong pagtagpuin kayo at ibaliktad ang kapalaran na nakaatang sa inyong dalawa. Dahil nauunawaan kita, ngunit kapalit nang 'yun ay papanig k ana sa'kin,” pagkukumbinsi ng Evil Goblin at bigla naman gumulo nag isip ni Reaper.
“Pag-isipan mong mabuti ang alok ko,” dugtong pa ni'to at aalis na sana ngunit pinigilan ni Reaper.
“Sandali! Gusto ko malaman kung nasaan si Esperanza, nasaan siya?” Tanong niya pero ngumiti lang ito at naglaho.
“Bumalik ka!”
...
Sa kabilang banda habang nagbabasa ng mga file si Aubrey ay agad lumapit ang assistant niya at may hawak na phone.
“Ms. Aubrey, nangungulit parin po si Mr. Selvestre na makapag-usap sa inyo. Tanggihan ko parin po ba?” Napatingin naman si Aubrey at napabuntong hininga.
“Mukhang 'di niya talaga ako tatantanan,” daing ni Aubrey at napaikot ang mata.
“Mag-iisang buwan n'ya ka na pong kinukulit at mukhang 'di pa po napapagod.”
“Ibigay mo sakin ang phone. Ano na ang kakausap,” ani ni Aubrey at itinapat sa tainga niya ito pagkatapos iabot ng assistant.
“Aubrey, free ka ba ngayon, gusto mo lumabas?”
“So, tinawagan mo ako para yayain lang?”
“Miss na kasi kita, hindi mo rin ako kinakausap kaya gusto kong bumawi kung may mali man ako nagawa,” kausap ni Daniel sa kabilang linya. Napasandal naman si Aubrey sa swivel chair at huminga ng malalim.
“O, sige. Sabihin mo nalang kung saan ang location.”
...
Sa saktong oras ay nakarating si Aubrey sa tagpuan nila at pinili ni Daniel ang Mall.
“Akala ko pa naman sa restaurant o coffee shop. Tsk!” bulong ni Aubrey at nag cross-arm.
“Kung gusto mo sa iba nalang tayo-” Hindi pa siya natatapos ng naglakad na si Aubrey papasok ng Mall.
“H'wag na, nandito rin naman tayo kaya, pwede na rin.” Nag umpisa naman silang maglibot at hindi ni Daniel namalayan na nakasunod si Celine sa kanila. Ngumiti naman si Aubrey at nahawi ng mata niya ang Boutique.
“Welcome po ma'am and sir,” bati agad ng mga saleslady sa Store.
“Hindi ko akalain na kahit mayaman ka ay nabili ka rin pala sa mga damit mo sa katulad ng ganito,” ani ni Daniel. Tumingin naman si Aubrey kay Daniel at kinuha ang isang dress na pink na may mga pearl na nakinang at tinapat niya kay katawan niya.
“Bagay ba sa'kin?” Tanong ni Aubrey na may maamong mukha at nakangiti.
“Kahit ano naman dito bagay sayo kaya wala akong karapatan para humindi,” sagot ni Daniel at napatingin si Aubrey sa gawi ng pinagtataguan ni Celine.
Pinalupot naman ni Aubrey ang kamay niya sa braso ni Daniel at nakangiti parin. “Kung gano'n pupunta lang ako sa dressing room para makita. D'yan ka lang ha, 'wag mo akong iiwan.”
Agad nagtungo si Aubrey sa dressing room at napangiti ng bahagya. ‘Bagay sa'kin? Tsk! Mukha akong inosente sa kulay na 'to. Hay! Mas bagay parin talaga sa'kin ang Black color.’
Pinagmasdan ni Aubrey ang sarili niya sa salamin at nag umpisang magpalit ng damit.
“C-Celestine?” Isang boses na lalaki ang narinig niya mula sa likod na mukhang nagtataka kaya nilingon niya ito. Bumungad naman si Daniel sa harap niya at mukhang may pinagtataguan ito kaya napapasok bigla sa dressing room.
“D-Daniel, mukhang balisa ka ata?” Taka ni Aubrey at nag-iba naman ang expression ng mukha ni Daniel ng makita at pagmasdan si Aubrey.
Marahas niyang hinila si Aubrey. “Napakaganda mo,” bulong niya pa. Napataray naman si Aubrey at nang magtagpo ang tingin nila ay bumaba ang tingin ni Daniel sa labi niya. Nagbabad'yang halikan siya.
“Hindi ko mapigilan ang sarili kong halikan ka,” mahinang sabi ni Daniel at nang ilalapit na ang labi niya kay Aubrey ay umiwas agad si Aubrey.
“Actually... I want to kiss you too,” ani ni Aubrey habang nakatingin sa labi niya at tumingin sa mata ni Daniel ulit. “But I suddenly remembered that... my lipstick is too expensive and you can't deserve it,” dugtong ni Aubrey at tinulak siya palabas ng pinto. Saktong paglabas ni Daniel ay nasa harap ng dressing room si Celine.
“Ahas ka talaga, Aubrey!” sigaw ni Celine at susugod na sana pero inawat ng mga saleslady at ni Daniel.
“Ma'am, hindi po kayo pwedeng mag-isakandalo rito,” awat pa ng mga saleslady.
Nainis naman si Daniel at hinawakan ng marahas si Celine sa braso. “Ano ba Celine! Magkaro'n ka naman ng kakaunting kahihiyan!” sigaw sa kaniya ni Daniel kaya nagulat si Celine.
“Ako? Ako pa ang dapat mahiya? 'Yang kabit mo dapat ang mahiya kahit kaunti sa sarili niya! Hayop ka talagang malandi ka! Lumapit ka rito ay kakalbuhin kita!” pagwawala pa ni Celine. 'Di na nakapagtimpi si Daniel ay binaon na ang kuko niya sa braso ni Celine.
“Sa labas na tayo mag-usap!” sigaw ni Daniel at kinaladkad si Celine.
Matapos makaalis ni Celine ay napangiti si Aubrey ng tago habang nasa sahig dahil sa pagtulak ni Celine sa kaniya. “Okey lang po ba kayo miss?”
Imbis na sisihin siya o husgahan ng iba ay nagki-simpatya ito sa kaniya dahil sa maamong mukha ni Aubrey at nakasuot pa ito ng formal dress na pink.
“P-pasensya na sa abala at pagsira ko sa damit na ito. Babayaran ko nalang,” ani ni Aubrey at nilabas ang card niya.
Lumapit naman ang isang lalaki at inalalayan siya. “Ayos ka lang miss?” Napatingin naman sa kaniya si Aubrey at umiling.
“Kung 'di sana ako pumayag na makipagkita sa kaniya para sa business, hindi sana mangyayari ito,” ani ni Aubrey sa maamong boses.
“Sir William, kanina ko pa po kayo hinahanap. Ano po ba ang binibili niyo, at bakit sa Boutique ng pambabae kayo napunta?” Taka ng mga lalaking nakataksido at halatang mga tauhan ng lalaking kausap niya, at napatahimik naman ito agad nang makita ang kausap ng amo nila.
“Pasensya na po sa abala at maraming salamat po sa tulong ninyo,” ani pa ni Aubrey at napayuko.
“Ayos lang, ako na ang magbabayad sa damage na nagawa nila,” ani ng lalaki at inakbayan si Aubrey at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
“Maraming salamat po sir pero sana 'di na kayo nag abala pa,” ani ni Aubrey at umatras ng kaunti.
“Wala 'yun, maliit nabagay! So, mukhang mali ang lalaking nakadate mo ngayon. Kung gusto mo... sa'kin ka nalang sumama, I'm sure naman na mas mayaman ako sa kaniya at wala pa akong sabit,” offer nito at napatingin si Aubrey sa suot niya at mukha siyang inosente kaya siguro nilapitan siya ng manyak na 'to.
“Hindi na kailangan, 'cause that girl is mine.” isang lamig na boses ang narinig nila mula sa likod ng lalaki at nang lingunin nila ay nakita nila si Bryan.
“Gosh! Ang gwapo ni kuya!”
“Ang swerte naman ni ate girl!”
Umalingawngaw ang bulong-bulungan sa paligid at hinawakan siya ni Bryan sa kamay at tinulak ang lalaking si Sir William.
“Lumayo ka sa kan'ya.”-Bryan.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (107)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
love it ❤️❤️❤️ Sana po may new episode nkaka excite po basahin ung new episode 23 na po 😘😘😘 pls Sana new update na po nkaka excite po basahin❤️❤️❤️❤️❤️ pls🙏🏼🙏🏼🙏🏼 po Sana may new episode na po nakaka excite po basahin ung susunod pls pls pls po🙏🏼🙏🏼🙏🏼 sana po update na ung episode 38🙏🏼🙏🏼🙏🏼plz,,,,,
01/05/2022
0maganda
17/10
0mamamo
20/10/2024
0Tingnan Lahat