Chapter 20

“Baby boy ano name mo?” Tanong ni Celestine sa bata tsaka kinuha ang bola para makipaglaro.
“Siya si Ethan Velasquez,” biglang singit ni Bryan kaya nilingon siya ni Celestine.
“Bakit ka nandito?” 
“Bakit, bawal ba makipaglaro kay Ethan?”
Napairap si Celestine sa kaniya. “Himila, nakikipaglaro pala ang mga reaper no? Akala ko Kabaong lang ang nagpapasaya sa kanila e,” asar pa ni Celestine.
“Ate, isali nalang na'tin si kuya Bryan para mas masaya,” ani ng bata kaya lumapit si Celestine.
“Alam mo Ethan, pagsinali mo 'yan, gugulo lang ang laro. Sige ka, ikaw din ang magsisi sa huli.” 
Napatingin naman si Bryan ng seryoso kay Celestine pero inasar lang siya ni'to.
“Ate, habul-habulan nalang tayo! Ang si kuya ang taya!” sigaw ng bata at napatingin kay Bryan at napatakbo ang bata.
“Tsk! Siya magiging taya? Baka bukas pa tayo mahuli ni 'to e,” pagmamaliit ni Celestine at nangharapin si Bryan ay nagulat siya nang nasa likod niya na ito.
“Taya!” hawak sa kaniya at naglaho. 
Napatulala naman si Celestine at bumalik ulit sa katinuan. “Hoy, Bawal 'yan! Maduga ka. Pagtakbo lang ang allowed!”
Naghabol-habulan ay nauwi sa tagu-taguan. Halos hanapin ni Celestine ang bakas nila Bryan at ng bata pero wala.
“Teka ordinaryo lang naman ang bata diba, kaya bakit wala siya rito?” Taka niya at pumunta sa Terrace. Tsaka natanaw si Ethan na nakangiti habang karga ng kan'yang ina.
“Kaya naman pala. So, 'yung baliw na Reaper nalang pala ang hahanapin ko. Ayaw mo magpakita ha-” Humarap naman siya sa likod niya at hindi niya namalayan na nandoon si Bryan at nakatingin lang sa kaniya. Na ikinagulat niya. 
“Wuah!” Biglang na Outbalance si Celestine sa gulat buti nalang ay mabilis siyang nahawakan ni Bryan sa braso at nahila papalapit sa kaniya.
“A-Ayos ka lang?” Halos isang pulgada lang ang layo ng mga mukha nila at magkadikit ang katawan nila. Parang huminto ang oras nila at 'di malaman kung paano makakagalaw.
“U-Um... M-May magagawin papala ako,” palusot ni Celestine at agad na tumakbo palabas ng Mansion. Bigla siyang napahawak sa pisngi niya na mukhang nangiinit. “Heater ba siya para lagi akong mag-init? Wala naman akong dugo para umakyat sa pisngi ko pero bakit tuwing nandyan siya parang buo ang pagkatao ko?”
Umiling s'ya at kinuha ang bag. “Paalam, Mr and Mrs Velasquez. May gagawin pa po pala ako. Paalam din Little Velasquez.” Paalam niya nang nakangiti at umalis. 
“Hindi ko dapat kalimutan ang purpose ko ngayong second life. Tama Celestine, nabubuhay ka para maghiganti kaya 'di ka dapat maging masaya,” ani niya sa sarili at napahinga nang malalim.
“Kung may puso ba ako ngayong second life bilang Goblin. Magiging masaya ako? 10 year old palang ako na Goblin at 'di na kinakaya ang parusa ng langit. Paano pa kaya ang mas matatanda pa ng daang taon. Lalo na ang Evil Goblin, paano niya kinakaya na mag-isa?” Tanong niya pa sa sarili at napahinto sa kakaisip ng may humintong kotse sa harap niya.
“Ms. Aubrey, saan po tayo tutungo?” Tanong ng Assistant at binuksan ang pinto.
“Sa Quintana's Mansion. Panahon na siguro para kamustuhin ko ang dati kong bahay.” Ngumiti si Celestine at tsaka umandar paalis ang kotse. 
...
“Manang, pakihanda ng mga pagkain. Papunta ngayon dito sa bahay ang bagong shareholder ng company kaya nais kong hindi niya pagsisihan ang pagpili sa company na'tin,” utos na may paliwanag ni Mrs. Quintana at hindi na makapaghintay na makilala si Aubrey.
“Si Celine, nasaan na ba? Hindi ba siya uuwi sa bahay?” Taka pa ni'to.
“Opo, mag-oovertime po daw siya.”
“O, sige. Buti naman nagiging matured na ang anak ko,” ngiting sabi ni Mrs Quintana. Bigla naman ay nag doorbell.
“Mukhang nandito na siya. Manang! Pakibukas ng Gate.” Pinagmasdan ni Mrs Quintana ang sarili nito sa salamin kung maayos at presentable ba siya.
“Ma'am, N-Nandito na po ang bisita ninyo,” bungad ni manang na kasama ang si Aubrey at mukhang naiiliang at nagtataka nang makita si Aubrey. Nakangiti namang tiningnan ni Mrs Quintana si Aubrey at nabitawan niya ang kaniyang salamin ng makita ang mukha ng kaniyang bisita.
“Good evening po, Tita. Ako po si Aubrey Chinna Belleza. Nice to meet you po,” ngiting pagpapakilala ni Aubrey. 
“C-Ce-Celestine?” Halos 'di mabigkas ng kaniyang ina ang pangalan ni'to at mapaluha habang nakatingin kay Aubrey na malaki ang pagkakahawig sa namayapa ni'tong anak.
“Celestine? Sino po s'ya?” Taka ni Aubrey at napatingin sa mga kasambahay para sa makakuha ng kasagutan ngunit hindi ito makatingin sa kaniya.
“Sino po si Celestine?” Tanong niya ulit at napalapit naman si Mrs Quintana tsaka umiling.
“Pasensya na, kamukha kasi kayo ng anak ko kaya napagkamalan kitang siya.”
“Gano'n po ba...” ngumiti si Aubrey nang matamis. “By the way, ang laki po pala ng Mansion ng mga Quintana's Clan. Napakayaman n'yo po talaga siguro at ang ganda niyo rin po at medyo... kahawig ko po kayo.”
Namutla naman si Mrs Quintana pero pinilit parin ngumiti. “Gano'n ba, pansin ko ngarin. I really wonder kung kahawig ko rin mommy mo. Haha,” pagpapatawa ni Mrs Quintana.
“Kahawig niyo nga po.” Napahinto sa kakatawa si Mrs Quintana nang magsalita ng seryoso si Aubrey.
“A-Ano?”
“Biro lang po, hindi ko po kahawig ang mommy ko dahil mas kahawig ko ang dad ko,” pagbibiro ni Aubrey at nakahinga ng maluwang si Mrs Quintana.
“Teka, diba tagapagmana ka na nang Raven Group of Companies kaya bakit kumuha ka pa ng share sa maliit na company namin?” Tanong ni'to.
“Tagapagmana nga po ako pero si Dad parin nag nagpapatakbo kaya parang wala parin po talaga akong pagmamay-ari na masasabing akin. Kaya po binili ko po ang shares ng tatlo sa shareholders niyo. Nabalitaan ko po kasi na napakasigasig ni Celine magpalakad ng Palace Company, kaya baka posa susunod mahigitan niyo po ang company ni dad kaya bumili na ako para man lang kahit bumagsak kami may pera parin ako,” paliwanag ni Aubrey.
“Napaka business minded mo naman. Mana ka nga sa Daddy mo.”
Napatingin naman si Aubrey sa isang family pictures ng Quintana. Palihim naman siyang ngumiti dahil ang dating family pictures nila na kasama siya ay ngayon ay si Celine nalang ang anak.
“Only Child n'yo lang po ba si Celine? Kaya siguro medyo magkaugali kami, kasi pareho kaming hindi nakulangan sa atensyon ng mga magulang namin.”  
“Actually, may kambal si Celine. Ang pangalan niya ay Celestine, mabait siya na bata at maunawain pero nagkasakit siya at pinilit kaming pumayag na maging donor siya ng kaniyang kambal na si Celine,” paliwanag ni Mrs Quintana at huminga ng malalim. Nakatingin naman si Aubrey at pinipigilan ang galit sa narinig niya kaya napakuyom nalang siya ng palad at ngumiti ng bahagya bilang pagsang-ayon.
“D-Donor? P-Pinilit na magdonor? Ano po bang sakit ni Celine?” Tanong niya at parang may kung anong sakit na sasabog sa katawan ni Celestine nang marinig ito. 'Di niya akalaing hindi nag-aalangan ang kaniyang niya habang nagsisinungaling sa harap niya.
‘Mukhang sanay na kayong manipulahin ang mga tao sa kasinungalingan niyo.’
“May sakit kasi si Celine sa puso at may taning na ang buhay ni Celestine kaya niya na gawa iyun. Saksi kami sa pagmamahal ni Celestine sa kambal niya kaya proud ako bilang mommy niya,” dugtong pa ni Mrs Quintana.
“Siguro po kung naririnig niya kayo ngayon... Proud din siya na may mommy siyang katulad mo,” ani ni Aubrey.
“Siguro nga, at kung nakikinig man siya, sana sa susunod na buhay, kung meron man. Sana maging anak ko parin siya.” Napataray naman si Aubrey sa narinig niya pero ngumiti para hindi mapansin.
“Mukhang gabing-gabi na po kaya kailangan ko na pong umuwi baka hanapin ako ni Daddy. Salamat po sa oras na nilaan n'yo.” Tumayo naman silang dalawa at hinatid ni Mrs Quintana si Aubrey sa labas.
“Aalis na po ako, salamat po sa lahat.” 
“Mag-ingat ka.”
Umandar agad ang sasakyan ni Aubrey at Napasandal siya sa upuan at napahinga ng malalim. Inalala niya naman ang sinabi ng mommy niya at napatawa. “Haha.”
“So, ang bait ko pala. Bakit 'di ko man lnag alam na pinilit ko sila? Haha. Nakakatawa.”
Napahinto siya agad at blangkong tumingin sa driver. “Pakihinto si gilid,” utos niya at agad itong sinunod. Bumababa siya at naglaho papunta sa Quintana's Mansion, sa dati niyang kwarto bilang si Celestine.
Nilingon niya naman ang paligid at mukhang hindi nililinis at kung ano nag ayos ng mga gamit ng iwan niya ito ay ganoon din ang ayos.
“10 years na ang lumipas pero sariwa parin sa'kin ang mga alaala ko rito. Kung paano ako naiyak lagi tuwing gabi at nabibilang hanggang sa makatulog. Naalala ko na sa loob ng Mansion na ito ay ako lang ang tao dahil laging wala si mom and dad. Imbis na umuwi sila galing office ay nadiretso sila sa Ospital. Kinakalimutan na may anak din sila rito.”
Nakarinig si Celestine nang yapak mul sa labas at mukhang si Mrs Quintana ito at ang mga kasambahay.
“Linisin niyo ang kwarto ni Celestine.” 
“Ma'am, hindi po talaga namin kaya. May lagi po kasi kaming naririnig na naiyak at may nabbaasak na mga bagay. Ano po kung ipabasbasan muna na'tin bago guluhin. Para po manahimik ang kaluluwa ng bata,” ani ni Manang pero nilisikan lang siya ng mata ni Mrs Quintana.
“Parami na nang parami ang na ku-curious kay Celestine kaya linisin niyo na 'to agad! Now! Move!” sigaw sa kanila ni Mrs Quintana. Binuksan naman niya ang Pinto at tumambad ang madilim na kawarto ni Celestine. Binukasn niya ang ilaw ngunit nag bukas-sira ito. Habang pinapanood lang sila ng Goblin na si Celestine ay ngumiti ito. 'Lamunin ka ng Konsensiya n'yo!' 
Biglang umalingaw-ngaw aang boses nang naiyak na batang Celestine sa buong mansion at ang second voice nito na mahinang nagbibilang.
“Hindi! Hindi! Hindi 'to totoo! Tumigil ka na, masamang espirito!” sigaw ng mommy niya at nahimatay nang makakita ng isang imahe ni Celestine na nakayuko sa kama.

Komento sa Aklat (107)

  • avatar
    AguilarAndaya Amy

    love it ❤️❤️❤️ Sana po may new episode nkaka excite po basahin ung new episode 23 na po 😘😘😘 pls Sana new update na po nkaka excite po basahin❤️❤️❤️❤️❤️ pls🙏🏼🙏🏼🙏🏼 po Sana may new episode na po nakaka excite po basahin ung susunod pls pls pls po🙏🏼🙏🏼🙏🏼 sana po update na ung episode 38🙏🏼🙏🏼🙏🏼plz,,,,,

    01/05/2022

      0
  • avatar
    Cyrus Jay Arasan

    maganda

    17/10

      0
  • avatar
    Claude Johan Macaraeg

    mamamo

    20/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata