Chapter 11

Dahil sa kahihiyang nagawa ni Celine sa Beach ay mas lalo siyang hindi pinansin ni Daniel. 
“So, hindi nga talaga siya pala talaga siya si Celestine,” pagkumpirma ni Ella.
“Ikaw kasi Ella, napahiya tuloy tayo,” paninisi ni Cheska sa kaniya.
Nairita naman bigla si Celine kaya siya napasigaw. “Can you please, shut your fucking mouth!”
Nanahimik naman agad sila ng makita nilang nanlilisik na ang mata ni Celine sa kanila. Lumapit naman siya sa salamin at mabilis itong binasag gamit ang vase dahil sa galit.
“Nakakainis siya!” sigaw pa niya. Pinakalma siya agad ni Cheska bago pa niya masira ang buong room ng hotel.
“Kumalma kana muna Celine, may plan B pa naman 'diba?” pagpapahinahon ni Ella.
“Ano gusto mo, na lagi nalang akong umasa kay daddy!” sigaw ni Celine at walang pasabing hinampas ang piraso nang nabasag na salamin kay Ella.
“May dugo!” sigaw na natatakot ni Ella nang masugatan siya sa pag-bato ni Celine.
“Tumahimik ka!” pasigaw ni Celine at tinuro siya.
“Kasalanan mo ‘to kaya dapat lang 'yan sayo! Mas lalo nagalit sa'kin si Daniel dahil sa plano mo!" tugtong pa ni Celine. Hindi naman magawang magsalita ni Ella at nanginginig sa takot.
“Celine-” napahinto si Cheska ng pati siya nadamay sa galit ni Celine.
“Isa ka pa! 'Wag kayong magpapakita sa'kin, umalis kayo sa harapan ko!” halos nagmumukha ng halimaw si Celine. Hindi narin makilala ang room ng hotel dahil sira-sira na ito.
“Tandaan mo Aubrey, ako mismo ang magpapatahimik sayo at pagpipirasuhin kita. 'Di ako titigil hangga't ‘di ako nakukuntento!" sigaw ni Celine. "Wuah!" 
Napatingin si Celine sa nabasag na salamin at pinagmasdan ang maganda n'yang mukha.
“Kahit sino naaakit ko dahil sa maganda kong mukha. Nagawa kong akitin si Daniel at maagaw ito sa kambal ko. Kaya ‘di ako papayag na isang kamukha lang ng kapatid ko, ang magpapabagsak sa'kin,” sabi niya pa habang hinahawakan ang makinis ng mukha.
“Nagawa mong akitin si Daniel? Kung gano'n ibabalik ko lang din sayo ang sakit,” aniya at napakingiting nakakatakot habang kinukuha ang lipstick.
“Aakitin ko si Bryan. Sisiguraduhin kong mababaliw ka katulad ng ginawa ko sa'kin kambal,” dugtong pa niya at nagsimulang mag-paganda.
Sa kabilang banda ay nag-uusap naman si Ella at Cheska habang pinapagamot ang sugat nito sa binti.
“Ouch!” hiyaw ni Ella ng mapadami ang alcohol na pagkakalagay ng nurse.
“Dahan-dahan lang, gusto mo ba matanggal sa trabaho mo!” pataray na pa ni Ella.
“Hindi niya naman ata sinasadya kaya 'yaan na muna,”  pagpapakalma ni Cheska.
“Nakakainis! kung 'di lang nasa bingit ang business ni Dad ay 'di ako lalapit sa kan'ya,” sambit ni Ella.
“Teka, maiba ako. Kaibigan mo ba si Celestine? 'Yung kambal ni Celine?” Agad namutla si Ella sa biglang tanong ni Cheska at hindi alam kung paano sasagutin.
“An... Anong pinagsasabi mo? Kahit kelan never ko pang na meet si Celestine,” utal-utal nitong pagsabi. Napainom naman agad siya ng tubig dahil sa pakiramdam na may nakabarang bagay sa kan'yang lalamunan. Dahilan kaya ‘di niya mabuka ang bibig niya para magpanggap.
“Pero, natandaan ko kasi na sinabi mo na kahawig ni Aubrey si Celestine bago pa tayo sumugod at ipahiya si Aubrey,” mahinahon na pagtataka ni Cheska.
Napaisip naman ng kasinungalingan si Ella para ‘di maghinala si Cheska. “Nasabi ko lang yun kasi... N-nakita ko na yung pictures ni Celestine sa Quintana's Mansion.” Napatingin si Cheska sa kaniya ng diretso at halos ‘di s'ya makatingin dito.
“Sinungaling.” Bulaslas na salita ni Cheska. “Nakita ko ang old photos mo sa social media way back 10 years ago. Nakangiti ka doon at may katabing 15 year's old na kahawig ni Celine,” dugtong pa ni Cheska kaya lalong namutla si Ella dahil maaring malaman nila ang ginawa n'yang masama kay Celestine.
“N-Naging schoolmate ko siya pero ‘di ko siya ganoon ka-close,” ‚di pa siya natapos sa kasinungalingan niya kahit na halata na.
“Tumigil kana, sabihin mo kaibigan mo siya diba? Bakit parang takot ka ng makita mo si Aubrey na kahawig ni Celestine, malaki ba talaga kasalanan mo sa kaniya?” Sunod-sunod na tanong ni Cheska, pero hindi lang tumayo lang si Ella at hindi sinagot ang tanong niya.
“Magpapahinga muna ako.” Patakas na sabi niya at dali-daling pumunta sa  comfort room. mabilis naman niyang pinihit ang gripo at naghilamos sa bathroom sink. Huminga naman siya nang malalim pagkatapos at napatingin sa salimin na nasa harapan nito.
“Celestine! Bakit bumalik ka pa,” aniya at nanginginig na kinuyom ang kamao.
“Bakit natatakot kaba malaman ang balat-kayo mo.” Isang masayang ngunit nakakatakot na boses ang umalingawngaw sa loob ng comfortable room. Kasabay nito ang biglaang pag-sarado ng pinto.
“S-Sino ka? Magpakita ka, dahil ‘di kita uurungan!” kahit natatakot siya ay ‘di niya pinahalata.
“Sigurado ka bang gusto mo ako makita?” Bigkas pa nito at sinabayan ng tawa. Napalingon naman si Ella sa paligid. Hanggang sa nahawi ng mga mata niya ang salamin at laking gulat n'ya na may tao sa repleksyon, maliban sa kan'ya.
“Wuah!” sigaw pa niya at nang harapin niya ito kung saan nakatutok ang anino sa repleksyon ay laking gulat niya ang sumunod na nangyari. Lumitaw ito sa harap niya. Ang mukhang kinakatakutan niya ay kaharap na n’ya ngayon.
“Celestine. Bu... Buhay ka?” Takot na takot siya at nangangatog. Tutulakin na niya sana si Celestine para lumayo, ngunit tumagos lang ang kamay niya sa katawan nito.
“Maawa ka Celestine, tigilan mo na ako.” Napaluhod siya at pumikit upang ‘di ito makita. Lumapit naman ang mukha ni Celestine sa tainga niya kaya lalong tumaas ang balahibo n’ya sa takot. Kasabay nang pagpapawis niya nang malamig.
“Balita ko nang mamatay daw ako ay ikaw na ang naging Valedictorian. Dumalaw lang talaga ako para tanungin kung... Nagamit mo ba ang titulong ‘yun para maging successful?” Kasing-lamig ng yelo ang kaniyang boses kaya ‘di na makagalaw pa sa takot si Ella.
“Patawarin mo ako. Wala akong kasalanan sa nangyayari. Napilitan lang ako!” kahit natatakot ay tumingin at dumilat si Ella para makaharap at makausap nang masinsinan si Celestine. 
Halos namumula ang mata nito at nangangatog sa pagsasalita. “Hindi ko balak siraan ka o hilingin ang pagkamatay mo. Napilitan lang talaga ako! Tinakot niya ako Celestine!” sagot pa ni Ella. Nagbago naman ang pakikitungo ni Celestine dahil sa curious kung sino ang nag-utos nito.
“Celestine, itinuturing parin kitang kaibigan. Nagipit lang talaga kami pero nangako naman s’ya na walang mangyayari sayo,” dugtong niya pa. Kahit may medyo kapani-paniwala ang paliwanag ni Ella ay ‘di parin kumbinsido si Celestine.
“Sino na naman ang gagawin mong scapegoat!” 
“Celestine, alam kong hindi ka naniniwala at kahit umamin man ako, ay walang maniniwala. Hindi siya tao! Demonyo siya! Kahit sa isang iglap kaya n’yang gawing abo ang kahit ano mang humarang sa plano niya, ”ani pa ni Ella at halatang takot na takot magsalita.
“S-Siya si-” hindi natuloy ang sinasabi niya ng biglang may kung anong hangin ang humiwa sa gilid ng leeg ni Ella.
“Ella?” Tawag ni Celestine. Natumba naman si Ella at ‘di magalaw ang katawan kahit ang mata nito.
" Ce... Celestine, sana mapatawad mo ako. Kalimutan mo narin ang tungkol sa pagkamatay mo. Hindi mo siya kaya.” Mabilis na nalagutan ng hininga si Ella sa bisig ni Celestine ngunit naka-ukit sa labi nito ang saya dahil pagkalaya niya.
“Ella! Sabihin mo sino siya? Ella, gumising ka!” 
Tinapik-tapik ni Celestine ang mukha ni Ella ngunit wala na talaga itong buhay.
“Ella!” tawag pa niya at kahit pilitin niyang umiyak ay 'di niya magawa.
“Ella, sino siya! Bakit nagawa mong ipagpalit ang pagkakaibigan natin dahil sa pananakot niya!” sigaw pa niya. Halos sumigaw si Celestine dahil sa sakit nang katotohanan tungkol sa kaibigan niya. Ngunit kahit na nasa harap na niya ito namatay at sobrang nasasaktan na siya ay ‘di nagawang tumulo ng kan’yang luha.
“Si Celine! Celine, magbabayad ka!” sigaw pa niya.
May kumatok naman na tao kaya dali-dali siyang umalis. Ilang minuto lang ay napalibutan na ng mga pulis ang lugar para sa investigation.

Komento sa Aklat (107)

  • avatar
    AguilarAndaya Amy

    love it ❤️❤️❤️ Sana po may new episode nkaka excite po basahin ung new episode 23 na po 😘😘😘 pls Sana new update na po nkaka excite po basahin❤️❤️❤️❤️❤️ pls🙏🏼🙏🏼🙏🏼 po Sana may new episode na po nakaka excite po basahin ung susunod pls pls pls po🙏🏼🙏🏼🙏🏼 sana po update na ung episode 38🙏🏼🙏🏼🙏🏼plz,,,,,

    01/05/2022

      0
  • avatar
    Cyrus Jay Arasan

    maganda

    17/10/2025

      0
  • avatar
    Claude Johan Macaraeg

    mamamo

    20/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata