Helaria P.O.V Walang tigil na bumubuhos ang aking luha habang nakatingin sa ibinabang coffin ni Rhexyl. Yes, ngayong araw ang kanyang libing. Hindi na siya binurol pa dahil ang hiling niya ay h'wag na siyang iburol pa. Gusto niya kapag namatay na siya diretso libing na agad. Pasaway talaga ang bruha. ~~~Flashback~~~ "What is your plan after this? After your mission?" I asked. "Balak mo bang manatali sa Der Mord?" tanong naman ni Zayne. Tumingin siya sa'min. "After wiping Heackler, I'm gonna kill myself." walang preno niyang wika. Napanganga ako sa sinabi niya. Nabitawan ko ang hawak kong itlog. Hindi ko na pinansin ang paglagapak ng itlog sa sahig. Maging si Zayne ay nagulat rin. Nahinto siya sa paghihiwa ng garlic. "What?" sabay naming wika. Nakangiti siyang humarap sa'min ni Zayne. "And there is something I wanted you to do. This is the last thing na ipapagawa ko sa inyo. If I die, h'wag ni'yo na ako iburol pa. Aksaya lang 'yun sa oras. Diretso libing n'yo na ako. At sa tabi ng puntod ni Grandma, ha." ani niya. "Rhexyl, hindi magandang biro 'yan." sambit ko. "I'm not joking. My death is my mother wish, I wanna granted it. Isa pa, parating na ang birthday niya. I want to give up my life as my gift for her. Regalong sana magpapasaya at magpapalaya sa kanya sa kanyang nakaraan." saad niya. "And you too, don't cry. Masasapak ko kayo kapag nalaman kong umiyak kayong dalawa, mukha pa naman kayong mga uhuging unggoy kapag umiiyak." she added. ~~~~ End of flashback ~~~ Marahan akong nakatingin kay Ma'am Rhena, umiiyak siya ngayon habang nakayakap sa lapida ni Rhexyl. Hindi ko napansin na sarado na pala at tuluyang nailibing na si Rhexyl. Rhexyl might be cold pero sweet at mapagmahal siya inside. Believe me kapag nakilala mo na siya, at napamahal na siya sa'yo. SheHe will treat you like her family. Nagtataka siguro kayo if who I am. I am Helaria, the girl they talk about na patay na. I am Breeze girlfriend na hindi ko alam if ako pa rin. And I'm step sister of Crelly na ako talaga ang tunay na anak ng mga inakalang magulang ni Crelly. Maliit pa lang ako ay sadyang lapitin na talaga ako ng disgrasya. Then, I met Rhexyl. She save me from my kidnapper. Same age lang kami pero namangha na ako sa kanya sa oras na iyon dahil sa murang edad she knows how to fight. Pinatay niya ng walang hirap ang mga kidnapper ko. She is very snob and cold. Akala ko hindi ko na muli siya makikita pa pero niligtas niya ulit ako. Nakakatawa nga dahil sa tuwing nasa panganib ako ay nandiyan siya para tumulong pero ang sabi niya, nagkataon lamang daw 'yon. Sadyang napapadaan lamang daw siya. Days passed ay nakakasama ko siya. Mailap siya sa mga tao. Hindi nga siya nagpapahawak kahit dulo ng buhok niya ay hindi niya pinahahawakan. Dahil nga sa situation ko. Naisipan nila mom na mag-ampon at sabihing siya ang tunay na anak habang ako ay pinalabas sa labas na anak ni mom. Tinago ko rin ang mukha ko noon para hindi nila mahalata. Pero habang lumalaki kami nagbabago ang ugali ni Crelly 'till the day na pinaslang niya ako. Pero hindi siya naging successful. Basta nagising na lang ako sa isang kwarto. Si Zayne ang una kong nakita. Ang sabi niya Rhexyl save me from Crelly. Ilang buwan daw akong comatose. At himala nga raw at mabuhay pa ako. Rhexyl is my savor ever since. Lagi niya akong nililigtas sa kamatayan. At sa hindi ko alam kung paano kami naging close at magkaibigan. Basta nare-reliaze ko na lang na ngumingiti-ngiti na siya. Isa rin ako sa mga nagulat sa totoo niyang mukha. Minsan nga natitibo ako sa ganda niya. And then, she told me about her plan. Since we're friend at para makabawi sa kanya sa pagliligtas niya sa'kin. I make myself strong. I trained and learned how to use weapons. Akala ko mga magagalit siya sa'kin 'nung malaman niyang boyfriend ko ang pinsan niyang si Breeze. Galit kasi siya sa pamilya at buong angkan niya. But she shrug her shoulder. Sino raw siya para pigilan ang pagmamahalan namin. Maaari raw na galit siya pero hindi raw iyon dahilan para tumutol siya sa'min. Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa mukha ko. Ayaw niyang umiyak kami pero hindi ko mapigilan, e. Rhexyl is like my sister to me. Kapatid ang turing ko sa kanya. I never saw her weakness. Never ko siyang nakitang umiiyak. Kahit na sa tuwing nagkikita kaming marami siyang pasa, galos at sugat sa likuran. She is strong but I know deep inside of her, she is broken. Kasama niya ako noon sa pagpuslit at pagsilip sa pamilya niyang masaya. Pamilyang dapat kasama siya pero nakangiti lang niya itong pinagmamasdan. Aalis siya na mayroong ngiti sa labi. Kaya mayroon din akong galit sa pamilya niya. Para sa'kin wala silang kwentang magulang. Hindi ko man alam ang buong story nila pero dapat hindi nila hinayaang lumaban na mag-isa si Rhexyl. Zayne P.O.V Hi! The bitch is here, waving at you all. I am Zayne Jhykie Velarde, you know where I live, sa Brgy. Maligaya. I was shock ng makita ko si Rhexyl 'dun sa Baranggay namin at kasama pa talaga ang crush na crush kong si Sylvester. And worst magsyota pa ang dalawa. Nanghinayang talaga ako 'dun. Taken na ang crush ko at sa best friend ko pa talaga. Mga cheater! Joke lang! Pagkatapos 'nun ay nawala na ang crush level ko kay Sylvester. Wala akong panama sa ganda ni Rhexyl. Hindi na ako magugulat kung pati ang ubod ng gwapong si Sylvester ay mabibihag niya rin. Kanina ko pa pinagmamasdan ang ina ni Rhexyl na umiiyak sa tabi ng puntod ni Rhexyl. Honestly, kanina ko pa gusto sipain 'yan sa harap ni best friend, e. Ang kapal ng mukha na umiyak samantalang siya ang mayroong gusto nito. Kung hindi talaga mapagmahal si Rhexyl, hay naku! Tumingala ako sa langit. Hi! Friends, are you there? Pakisabi hello kay grandma mo. Alam mo bang umiiyak ang nanay mo ngayon na ipinagtataka ko. Dapat masaya 'yan ngayon. Nangyare, friends? Tiningnan ko si Helaria na todo iyak. Mukha na siyang uhuging unggoy like what Rhexyl said. Ayaw kong umiyak, naaala ko kasi banta ni Rhexyl. Masakit manapak ang babaeng 'yun. Tanggal panga 'yun kung manapak. Dapat pala hindi namin tinulungan ang bruha, tuloy napadali niya ang buhay niya. Ang bruha nagpakamatay para sa nanay niyang kahilingan. But I know it will happen. This is her wishes too. Ang manahimik na siya. She said she's tired living here. She doesn't know where she belong. Her parents doesn't accept her. Her clan is against with her existence. Nanatili siyang matatag because of her eagerness na makapaghigante sa Heackler. Me, Helaria, kuya Zylan and Rhexyl bumuo ng plano. Pumasok si Kuya Zylan sa Heackler as spy. Habang kami ni Helaria ay ang siyang nagtatanim ng bomba sa mga properties ni Renzo. Buti nga at nabuhay rin 'yang si Helaria dahil kung hindi mag-isa lang akong gagawa. Si Rhexyl naman pumasok sa Der Mord para sunduin si Catalina. Hindi namin siya mapapaslang kapag nasa loob siya ng Der Mord. Kilala ang Der Mord na paaralan pero once na makapasok ka na hindi ka pwedeng makalabas. Kaya si Rhexyl got a plan to get inside. At ginawa pang boylet ang namamahala para siya ay malayang makalabas-pasok ng paaralan. Talino talaga ng bruha. Kami ang naging mata niya sa labas. Binabalita namin kung anong plano ni Heackler. Hindi ko talaga makakalimutan kung paano niya pinaslang ang limang kaibigan ni Renzo at ang pamilya nito. Brutal girl, tanggal kong tanggal. Para lang siyang humihiwa ng karne. Kaya itinaga ko sa bato na kahit anong mangyari hindi ako magiging kaaway niya. Malungkot akong tumingin sa grave niya. You can have a rest. You don't need to worry about us. Me and kuya will protect Helaria. Pero puwede bang gumawa ka ng himala? I wanna be with her. Kunti pa lang ang memories namin together. Sana you can still be with us. Your my best friend. I know I'm a bitch girl but she accepted my bitch attitude. Rhena's P.O.V Walang tigil na umiiyak ako. Kasalanan ko kung bakit siya nawala. Ang tanga ko kasi, e. Dapat noon pa lang tinanggap ko na siya at minahal kahit ang alam ko ay anak ko siya kay Leo. Marahan kong binuksan ang letter na binigay sa'kin ni Mrs. Adelle. Napapikit na lamang ako sa nakasulat. ~~~Happy birthday Mom, oops! Its Rhena. I hope nagustuhan mo ang gift ko sa iyo. I'm sorry it took me too long to give your wish. I want kasi na ipaghigante muna si Grandma pero buti na lang nagawa ko na ngayon. Sana this time, help yourself to forget your past. At sana, forgive my daddy Leo's sin. Be happy, I'm no longer exist. ~~~ Rhexyl ~~~ Be happy? Paano ako magiging masaya kung pinatay ko ang panganay kong anak. Marahan akong tumingin sa tv screen. Walang oras na hindi ko pinapanood ang video noong bata pa lamang siya. 'Yung mga panahong nag-aaral pa lang siyang maglakad. 'Yung mga ngiti niyang hindi ko nakita. Mga boses niyang hindi ko pinakinggan. Paulit-ulit na bumabalik sa'kin ang lahat ng ginawa ko sa kanya. Ang boses niyang ilang ulit na nagmakaawa. 'Yung mga oras na gusto niya akong makasama sa school para sabitan siya ng medal pero mas pinili kong tapusin ang mga paper works ko. Ang pagtulak at pagtaboy ko sa kanya. Ang pandidiri at pagtatakwil ko sa kanya. Ginawa ko siyang katulong. Lahat! Lahat. "Mom," Rinig kong tawag sa'kin ni Franklin. Tama nga si Stella, naging unfair ako sa dalawa kong anak. Nakalimutan kong mayr'ong pakiramdam si Rhexyl. Nakalimutan kong mayr'on akong isang anak na naghihintay. Naging masaya ako ng maisilang ko si Franklin dahil sa kanya nakalimutan ko lahat ng sakit. "Leave me alone, Franklin. I wanna be alone." naiiyak kong pakiusap sa kanya. "But mom," protesta niya. I know naguguluhan siya sa nangyayari. Kahit kailan hindi ko sinabi ang tungkol kay Rhexyl. Kahit kailan wala akong sinabi na mayr'on siyang kapatid. Tinago ko siya. Ginawa ko ang lahat para hindi sila magkita o mag-cross ang landas nila. Pero nalaman niya pa rin pero wala siyang ginawa sa kapatid niya. "Let me talk to her, Franklin." Rinig kong ani no Stella. Naramdaman ko ang pag-alis ni Franklin pero nakatutok pa rin ako sa pinapanood ko. "What are you doing?" Stella asked. Nanatili akong tahimik. "You should be happy. She's dead, your daughter is dead. Hindi ba sinabi mo ikaw ang pinakamasayang tao kapag namatay siya." she said. Tumulo ang mga luha ko. Wala akong maramdaman na saya, puro sakit at pagsisisi ang nararamdaman ko. "Come with me." Napalingon ako sa kanya. Inalalayan niya akong tumayo. Hinayaan niya akong dalhin kong saan. "Surprise, happy birthday!" Nagulat ako sa bati nila sa'kin. Birthday? Yes, it's my birthday. A worst birthday of me. "Bakit kayo naghanda pa? Alam naman ninyong namatayan ako ng anak? Sa tingin n'yo ba magiging masaya ako at makakalimutan ko ang anak ko." galit kong wika sa kanila. "But that's what you want. Remember, you said. Magpaparty ka once she died. And here I help you to prepare." ani ni Stella. "Nanadya ka ba?" galit kong tanong ko sa kanya. Siya na talaga ang kaibigan ko. "No, I'm not. Tinutulungan kita sa gusto mo. I'm just wondering, para kanino ang mga luhang sinasayang mo? Sino ba ang iniiyakan mo? Your daughter? As I remembered, she already died. Pinatay mo na siya hindi ba? O baka naman, na-realiaze mong mali pala ang ginawa mo." ani niya na ikinatahimik ko. "Stella, that's enough." saway ni Franco. "The husband is here. Magiging ganito ba ang turing niyo sa kanya kung hindi niyo nalaman ang totoo? Iiyak ka ba ng ganito kung hindi mo nalaman ang totoo? I bet its not. I'm sure, you are happy celebrating your birthday kahit na patay na siya. Pero dahil nalaman mo ang totoo, nagpapakaina. Kailan ka ba naging ina sa anak mo? Bakit hindi mo na lang ituon ang pansin mo sa anak mong si Franklin." ramdam ko ang galit sa bawat salitang binibitawan niya. "You. don't. deserve. her." mariin at malamig niyang wika. Ngumiti siya. "I just came here to greet you a happy birthday. I wish your happiness. Oh! I know you are happy right now. See 'yah when I don't want to see you." malamig niyang ani saka umalis. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Why I feel na nakasama niya ang anak ko. Naramdaman ko ang pagyakap sa'kin ni Franco. Umiyak lang ako ng umiyak. But she's right. Hindi ako magiging ganito kung hindi ko nalaman ang totoo. She's right too when she said. Rhexyl is not the one who ruin my life, but I'm the one who ruin myself. This is all my fault. All my fault. TheKnightQueen 🌱
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (287)
Gena Detosil Bruzola
owesome novel,i empress you author,super ganda talaga,since umpisa until matapos..❤❤❤
27/08/2022
0
Siean-Edward Akbay Bensurto
wow grabe ang kwentong to andami tinatago hindi ako mahilig magbasa ng mahahaba na chapter but this one is worth it try reading this you will never regret
22/08/2022
0
Juday Lauria
I love the synopsis! I'll surely gonna read this story. Keep it up author 💗
owesome novel,i empress you author,super ganda talaga,since umpisa until matapos..❤❤❤
27/08/2022
0wow grabe ang kwentong to andami tinatago hindi ako mahilig magbasa ng mahahaba na chapter but this one is worth it try reading this you will never regret
22/08/2022
0I love the synopsis! I'll surely gonna read this story. Keep it up author 💗
18/05/2022
0Tingnan Lahat