CHAPTER 6 Justin Valdez “Kapag ito, matandang binata!” natatakot niya singhal sa kaibigan. Malakas na natawa si Lauren sa kanya pero tuloy pa rin ang paghila nito kay Kein tungo sa meeting place na napag-usapan. Mukhang balak talaga nitong bantayan siya para siguraduhing hindi siya mangbo-boycott. Eh! Dapat umalis na ito at hinayaan si Kein na mag-isip kung sisipot ba siya o hindi, e! Ilang sandali rin ang lumipas at iilang stalls nalang ang layo nila sa Congo Grill -- isa sa mga mini restaurant dito sa SM. Doon kasi ang napag-usapang meet-up daw nilang dalawa. Ayon din kay Lauren, halos kakarating lang ng ka-blind date ni Kein doon. Baka raw nakaupo na at hinihintay na lang ang pagdating niya. “Friend,” panimula ni Kein. Malalim ang boses at seryoso ang ekspresyon ng mukha, “para akong natatae sa kaba. Paki-assure namang 'di na kayo uulit mag-fix ng blind date. Feeling niyo ba, gusto ko? Ayaw ko nga ng karelasyon ngayon!” “Diyos ko, Kein. Akala mo naman kakainin ka niyan ng ka-blind date mo. Well, unless… mag-aya siya tapos pumayag ka?” Hinila niya ang buhok ni Lauren sandali bago ito sininghalan, “gaga ka! Kakainin kamo ako ng kaba!” Natatawang napailing si Lauren. “Hindi 'yan! You're okay, you're safe! Pumunta ka na ro'n para i-meet si guy, Kein! Tandaan mo, binabantayan kita. 'Tsaka babalitaan ko rin si Audrey kaya maya-maya pa ako aalis.” “Susundan mo kami?!” napapantastikuhan niyang tanong. Tinaasan siya ng kilay ni Lauren. “Kung may balak ka, oo! Pero 'di, a. Sisiguraduhin ko na hindi ka magwo-walk out.” Namamanghang tinitigan ni Kein si Lauren habang nginitian naman siya nito at marahan siyang itinulak, inuusig nang tumungo sa mini restautant.. “Dali, punta ka na roon. Anong petsa na?!" pasigaw nitong tanong sa kanya. “Ito na,” labag naman sa loob na sagot ni Kein. Humugot muna ng malalim na hininga si Kein bago nagpaalam kay Lauren. Kabang-kaba siya na tinungo ang Congo Grill, iniisip kung anong mangyayari sa kanya mula rito. Sinilip din muna niya ang labas ng restaurant para tignan kung marami bang tao. Noong makitang kakaunti lang, nakahinga siya ng maluwag. Para siyang nabunutan ulit ng tinik sa dibdib?! Kaya lang, hindi rin iyon nagtagal dahil para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang magtama ang mga mata nila ng isang pamilyar na lalaki. Parehong nanlalaki ang mga mata nila at saka lang din napansin ni Kein ang suot nito. White button-up shirt and a black trench coat. Hindi na niya pinagtuunan pa ng pansin ang suot nitong pantalon at sapatos dahil ito lang naman ang nakasuot ng ganoon sa mga customers. Parang gusto kong malunod sa hiya?! Nilingon niya sandali si Lauren, namimilog pa ang mga mata niya para itanong kung tama ba ang nakikita niya. Noong mapansin nitong tinignan niya ito, kiinawayan siya ng dalaga at saka siya minuwestrahang tumuloy na. “Seriously?!” she mouthed. Because hell no?! She didn't expect that guy from two weeks ago to be sitting inside this restaurant while wearing the same exact clothes Lauren had told her that her blind date was wearing! Nabibilib siyang nagbalik ng tingin sa restaurant bago ulit hinanap ang pigura ng pamilyar na lalaki. Noong mga oras na iyon, hindi na ito ng nakatingin sa kanya. Sa halip, sa pader na. Nakatakip din ang kalahati ng mukha nito sa kamay, mukhang na-realize rin na siya ang ka-blind date nito. Well of course he would know, siguradong sinabi rin ni Lauren dito kung ano ang suot niya. Hindi pa man nagsisimula ang blind date pero gusto na niyang umalis! Kung hindi lang talaga nakaabang si Lauren doon sa gilid, baka tumakbo na siya. Nang makaipon na ng lakas ng loob, lumapit na si Kein sa binata. Nakaramdam pa nga siya ng matinding hiya dahil noong mapansin siya ng lalaking nakilala niya sa bookstore na palapit na siya dahil tinitigan siya nito. At oo, ito nga talaga ang kablind date niya! Halata dahil hindi ito bumitiw sa eye contact at tila ba nilu-look forward na makalapit siya rito! Para akong nalulusaw sa hiya! Naba-bad trip wko! Grabe naman ‘to tumingin, nakakaconcious?! reklamo ni Kein sa isipan niya habang pilit na iniiwasan ang tingin ng lalaki. Hanggang sa makaupo siya ay iniiwasan niya ito ng tingin. Kung hindi lang talaga ito nagsalita, wala na ring balak si Kein na pansinin ito. “So, blind dates, eh,” he pointed out rather mischievously. Parang kandilang naitulos si Kein sa kinauupuan. Tingin din niya ay pulang-pula na ang mga pisngi niya sa sobrang hiya. May halo kasing pang-aasar ang tono ng binata. Mukhang iniisip na sa kanya galing ang ideyang i-blind date na siya. “Listen.” Mariin siyang napapikit at napalunok pa bago tinignan ang lalaki. “Na-set up lang ako.” Amusement danced through the man’s eyes. Naghalumbaba rin ito habang tinititigan siya. “Iyon nga rin ang sabi sa akin.” Nakangisi nitong sagot. “You have some interesting friends.” Pagak siyang tumawa sa isipan. Iyon ang tingin niya? E halos araw-araw niyang isumpa na magkakaibigan sila nina Audrey! Ang headstrong ng mga ito na minsan, hindi na marespeto kung ano ang gusto niya — tulad nitong blind date! Hindi niya gusto ng blind date, ano! Imbes na rito ibaling ang pagkasiphayo niya, nginiwian na lamang niya ang binata. “Kung alam mo lang.” “It’s good though. Sa wakas makakausap na rin kita ng maayos,” he suddenly said which made Kein feel confused. What does he mean by that? Muli siyang natigilan sa narinig. Hinri niya maintindihan. Parang ang tinutukoy kasi nito ay iyong araw na nilayasan niya ang binata dahil tinext na siya ni Audrey. Wow, mukhang nagtanim pala ng sama ng loob ang isa g ito! “Justin Valdez nga pala,” nakangiting pagpapakilala nito, “hindi ako sigurado kung ipinakilala na ba ako ni Lauren sa ‘yo.” Napatango tango siya. “Hindi niya lang binanggit pangalan mo pero nagsabi siya tungkol sa background mo.” “Talaga? Anong sinabi niya?” Kein gulped. Ayaw niya ng ganyang tanungan, a. Parang naniniguro kasi ito kung nasira ba ang imahe nito. “Wala naman bukod sa katrabaho mo siya, science professor ka, at sikat ka sa mga estudyante mo? Iyon lang.” Imbes na sumagot, mataman siyang tinitigan ni Justin, dahilan para kumunot ang noo niya. Hindi pa nga ito natinag nang may lumapit sa kanila para mag-abot sa kanila ng menu. Magtatanong na rin sana si Kein kung may mali ba siyang nasabi nang tumawa ito. “Kung anu-ano talaga sinasabi noon,” anito nang mahimasmasan na sa wakas, “hindi ako sikat sa mga estudyante ko.” Now, she thinks otherwise. Mas lumala tuloy ang ngiwi niya. Baka talagang pa-humble lang ito o hindi naman kaya ay clueless. Totoo naman kasi ang sinabi ni Lauren, gwapo nga ito. Argh! She doesn't want to admit it but it's real. This guy, Justin Valdez, is truly handsome and appealing! No wonder that he's liked by both teachers and students— presumably even by both genders! Oo, inaamin nga niya na sumasang-ayon siya kay Lauren pagdating sa itsura nitong si Justin. “Sabi mo eh.” Inabot ni Kein ang menu at binuksan niya iyon para tignan kung ano ang posible niyang makain habang nandito. “Kein Madriaga pala pangalan ko, by the way.” Alright, she’ll stay until after they eat. Kung mananatili ba siya kapag natapos na silang kumain, depende. Kung maayos itong kausap at hindi patapon ang ugali, titignan ni Kein kung mananatili siya pero kung hindi, magwo-walk out siya. It was then when Justin hummed. “Unique name.” Sandaling natigilan si Kein nang sumagot ito. May napagtanto kaya naman mabilis niyang pinasadahan ng tingin si Justin. “Siniraan ba ako ng kaibigan ko sa ‘yo?” pag-uusisa niya. Taken aback by her abrupt question, Justin let out a low chuckle. “Wala naman siyang ibang sinabi maliban sa magkaklase kayo mula elementary, nagtatrabaho ka sa office, at matagal ka na rin daw single.” Napailing-iling ito. “Iyong pangatlo. Pasensya ka na kung tinawanan ko iyon nang hindi mo alam. She sounded so desperate when she was selling you to me.” Kumibot ang isang kilay ni Kein. Huh. To use such a term when she was being promoted to him as a potential date. Anyway, it sounds like it suits the scenario he went in. Knowing Lauren, she probably sold her off… for real. Bumagsak ang mga balikat ni Kein sa mga narinig. “Sabi ko na nga ba at siniraan ako no'n!” “Hindi ba totoo? Noong nasa Yi San kasi tayo—” Kein immediately covered her ears when Justin mentioned Yi San. Hell, it's been two weeks! He should've forgot about that already! Why does he remember?! “Hep, huwag mo ipaalala na sa akin na ipinagsigawan iyan ng kaibigan namin.” “And the pick-up line…” he trailed off. Sa mga oras na ito, napapikit naman si Kein. Ayaw niyang makita iyong multo ng ngiti sa mga labi nito! “Hoy! Siya lang naman ang nagsabi no'n! Advanced lang siya mag-isip! 'Wag mo 'kong idamay!” Muling natawa si Justin. Mukhang inaalala kung paano naisigaw ni Audrey ang pick-up line na pinag-uusapan nila. And hell, wala pa pero sigurado si Kein na mukhang magtatagal ang araw na ito. Tuwang-tuwa sa kanya itong si Justin! “This will be a long day,” naibulalas ng binata bago pa man nito ituon ang atensyon sa menu para makapamili na ng kakainin, “I hope you braced yourself beforehand, Kein.” Hindi kumibo si Kein. Sa halip ay humigpit lang ang pagkakatakip niya sa mga tenga. Why is she still able to discern his words? Damn! Apparently, she is mentally cursing her friends for this catastrophe. Natuto na siyang talaga! Hindi na niya hahayaang pagbantaan siya nina Lauren sa isa pang blind date! Lagot sina Lauren sa kanya. Pero sa totoo lang, kung pupwede lang din ay sa pagkakataon siya magrereklamo. Ibang klase naman kasi, talagang si Justin pa ang kaharap niya ngayon. Ang lalaking nilayasan niya sa National Bookstore at napagtripan ni Audrey sa Yi San noong lunch date nila! Oh fuck fate! Of all people, why him?!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
I like this 🤩🤩
10/08/2025
0I like this
16/09/2024
0amazing
21/07/2024
0Tingnan Lahat