Homepage/Two In A Million/
Chapter 13: Gotta Go My Own way
Kara Saki Konami's Pov
"Kari-Kari! Nasaan ka naaa??" malokong tawag ni Lanie
Napailing nalang akong ngumiti at nilingon sya. Pupunta lang sana ako saglit sa canteen para bumili ng makakain. Pero heto at hinahanap na ako agad ng isang baliw.
At may kasama pa talaga sya ah
"Hi Kara" nahihiyang kaway ni Rylie
Manliligaw sya ni Lanie, at masasabi ko ding mabait naman. Pero syempre binabantayan parin namin sila nila Ollie. Mahirap na, masaktan ulit sya
"Hello" bati ko din "Ano nanamang kailangan mo?" pabirong taas ko ng kilay kay Lanie
Mahina din naman itong natawa, bago sumagot
"Sasabay lang kami. Gusto nya daw kasi akong ilabas" turo nya pa kay Ry
Napakunot ang noo ko
Ilabas? Diba bawal?
"Babantayan ko syang mabuti, pumayag na din sila Ollie" sagot ni Ry kahit hindi ko naman tinanong
Mukhang nasabi na sakanya ni Lanie na dapat magpaalam muna saamin ah. Very good
Napangiti nalang ako at tumango
"Sige, tara na" payag ko nalang din
Kung pumayag na sila Ollie then wala ng problema. Mas strict pa naman ang rules nun saakin
Tulad ng pinagpaalam nila, lumabas nga sila. Kaya mag-isa nalang ulit ako pagdating sa cafeteria. Napangiti nalang ako ng makita si Xiera, kasama nito ang boyfriend. Kaya hindi ko nalang sila nilapitan.
Mukhang nagdadate. Ang aga ah
Dumeretso nalang ako sa harap kung saan makakabili ng pagkain. Pero agad din akong napatingin sa taong tumabi sakin ng lagyan nya ng pagkain ang tray ko
"Pasama" nakangising sagot ni Boy
Hindi ko tuloy sya maiwasang irapan. Nagpaalam pa, late naman
"Iniwan ako ni Viel nung dumating ang result ni Mira" pout nya na habang naglalagay pa ng dagdag na pagkain sa tray ko
Napangiti nalang ako. Mukha syang batang nagtatampo sa pagkakanguso nya. Haha!
"Nakasalubong ko din dito sila Ollie at Zealan na nandito ka daw.. mag-isa" lingon nya na at sa wakas tapos na din syang maglagay ng pagkain! Ang bad news wala ng space para sa pagkain ko
"Mauubos mo to?" tukoy ko nalang sa pagkaing nilagay nya na kulang nalang magmukhang bundok sa dami
"Syempre hindi, pero nagpapabili din si Ollie at Zealan kaya oo yan" kuha nito ng tray at sya na ang nagdala
Natawa nalang ako sa sinabi nya
So kaming apat sa dami nito? Pero sabagay matatakaw din naman yung dalawa, mauubos nga nila siguro yun
"Ano na ulit yung sinabi mong tungkol kay Mira?" tanong ko ulit ng maalalang may sinabi nga sya tungkol dito
Inaamin ko, naiinis ako sakanya. Kasi paano nya ba naman nagawa yun sa kapatid nya? Alam nya namang may sakit din ito, tapos ganun ang ginawa nya. Alam kong dati pa hindi talaga sila nagkakasundo. Kumbaga parating si Mira ang nasusunod at sumusunod lang yung isa
Pero... ano bang dahilan? Bakit sila humantong sa ganun?
"Nadiagnose si Mira na may depression. Kaya din siguro sya nagbago these past few days" malungkot na iling nito "Sana pala kinamusta ko sya nung napansin ko yun"
"Hindi mo naman kasalanan, kahit ako na lagi nyang kasama hindi ko din nahalata. Ang importante samahan natin sya, lalo na at kailangan nya tayo" payo ko, kahit ang totoo nalulungkot din ako
Alam ko ang nararamdaman nya, nung panahon ding hindi pa ako naooperahan, muntik na din akong madepress. Mabuti nalang talaga at may mabuting puso ang nagbigay saakin ng puso nya. Nabigyan ulit ako ng pagkakataon na mabuhay
"Nga pala, Kara. May gusto akong itanong, sana ok lang?"
Lumiko na kami at nag-elevator nalang para mas mabilis makapunta sa third floor
"Oo naman, basta wag kalokohan" biro kong ikinatawa nya ng mahina
"Ano yung sinasabi ni Viel na niligtas mo sya? Kaya daw malaki ang utang na loob nya sayo eh" tanong nya na ikinatigil ko
Ang baliw na yun talaga. Sakanya nga ako dapat magpasalamat eh, kung hindi dahil sakanya malamang patay na ako. Pero...
"Dalawang beses pa daw yun" dagdag nya pa na ikinalingon ko sakanya at ngumiti
"Nung nahimatay sya.." simula ko "Tumakas daw kasi sya nun sa hospital dahil may kikitain sya. Pero biglang umatake ang sakit nya at nakatulog sya sa gitna ng kalsada. Naglalakad kami nun, kasama ko, Papa ko. Nang makita ni Papa na ninanakawan sya ng isang lalaki. Agad nyang hinabol ito. Habang ako yung lumapit sakanya" natatawang kwento ko
Naaalala ko kasi yung time na nagsasalita pa sya, kahit tulog
"Hanggang hinatid namin sya sa hospital at doon nga namin nalaman na anak sya ni Doctor Chen. Kaya ang laki ng utang na loob saamin ng pamilya nila at nung nalaman nilang may sakit ako sa puso. Agad nilang in-offer na tulungan kami. Doon ko din nakaibigan yung dalawa" tapos ko ng kwento
Nasa third floor na kami, at naglalakad na papunta sa kwarto ni Zealan.
"At yung pangalawa?" tanong nya
Kaya naging seryoso ang mukha ko
"Nalaman ko na supposed to be heart donor ni Mira si Viel. Kasi yun ang dahilan kung bakit talaga sya pinanganak. Iisa lang naman talaga dapat si Mira, pero maagang nadetect sa tyan ng Mama nila na mahina sya kaya ginawa nilang dalawa at si Viel yun" hinga ko ng malalim
Gulat din naman syang napatigil sa paglalakad na ikinatigil ko din, mahina lang akong ngumiti
"Match sila sa lahat ng test, mula sa dugo. Hanggang sa size ng puso nila. Pero napigilan namin yun sa pamamagitan ng pagmamanipula ni Rodnie sa computer system" ngisi ko
Sekreto naming magkakaibigan yun, kahit si Viel hindi nya alam ang tungkol dito. Ang alam nya lang ako ang nagsabi sa mga magulang nyang hindi sya pwedeng maging donor ni Mira dahil may sakit sya at possibleng makuha lang ni Mira ang sakit nya
Sa tingin ko hindi naniniwala doon sila Doctor Chen, pero atleast nakita nilang may hindi nagmatch sa dalawa na ikinatigil din nila. At yun ang isang kasinungalingan. Match din kasi ang size ng puso nila.
Pinalitan lang nila Rodnie at Ollie yun. Buti nga at si Daniel ang nakaduty nun eh. Natulungan kami ng nurse na manliligaw ni Ollie
"Naiisip nyo ba minsang sabihin ang totoo?" tanong nya ulit ng makahuma sa kwinento ko
Kaya agad akong umiling
"Kahit na habang buhay ko yung dalhin sa konsensya ko. Itatago ko yun, at hindi ako magsisisi sa ginawa ko" may ngiti pero matatag na sagot ko
Katulad ng iba kong kaibigan sa ward na ito, handa din akong tulungan sila sa abot ng makakaya ko
"Then I'll do the same, we'll keep this a secret" ngiti nya din
Tumango nalang ako at nagpatuloy na kaming naglakad papunta sa kwarto ni Zealan. Habang nagkwekwentuhan
Pansin ko ding kampante na akong kasama si Braille, kahit na madalas ko paring nararamdaman ang mabilis na tibok ng puso ko tuwing kasama o nakikita ko sya.
------------------------------------------------------------------
"Konami! May dalaw ka" malokong tawag ni Zealan animo ginagawa ang kilos ni Mira
"Hindi mo bagay Zee, kadiri" pabirong ngiwi ni Ollie na ikinatawa namin
Nandito silang lahat sa kwarto ko, well except doon sa mga lalaki na may ginagawa daw. Kaya susunod nalang
"Sino daw?" tanong ko nalang, pero ang loka nagkibit-balikat lang
"Basta tanders" sagot nya, dahilan para batukan sya ni Xiera
"Gumalang ka!" pangangaral nito
"Edi sosyal na tanders!" sagot ulit nito, kaya binatukan ulit sya at natawa nalang ulit kami
Mga baliw, umaariba nanaman kabaliwan nila
Tumayo nalang ako, para tignan kung sino ang taong naghahanap saakin
Hindi ko tuloy maiwasang magtaka ng makita nga ang isang babae na sa tingin ko nasa mid-thirties. May hawig ito doon sa taong nahila ni Viel na magdonate ng puso saakin
Hala! Baka kamag-anak nila to?
"Are you Kaki Rasa Konami?" strict pero mali ang pagpronounce nya ng pangalan ko, hay naku!
"Its Kara Saki, Ma'am. Bakit po?" hindi ko man sya kilala, kailangan ko parin syang galangin
Kahit mali pa yung pangalan ko..
"I'll get to the point, gusto kong layuan mo si Mr. Yu" Yu? Si Boy?
Ano namang kinalaman nya? Tsaka bakit sino ba sya?
"I want him to court the person my daughter gave her heart to. Yun ang huling hiling ng anak ko bago sya mamatay" seryoso at wala ngang paligoy-ligoy na sabi nito
Wait daughter? Sino naman? Ang alam ko lalaki ang heart donor ni Mira ah
"S-sino po ba ang anak nyo?" hindi ko maiwasang kabahan
Sa buong cardio ward. Kami lang ni Mira ang nakakuha ng donor, yung iba waiting pa at ang iba namatay na sa maagang edad. Kaya hindi ko mapigilang mag-isip...
Babae ang taong nagdonate ng puso saakin, at sa pagkakaalam ko si Viel pa ang nangumbinse sa taong yun. Possible kayang kilala ni Boy ang taong yun at ang taong nasa harap ko?
"This is my daughter" pakita nya saakin ng isang litrato mula sa phone nya na ikinalaki ng mata ko
T-teka.. ganun ba yun?
Yun ba ang dahilan?
Pakiramdam ko binuhusan ako ng napakalamig na tubig na nagbigay ng matinding sakit sa buong katawan ko.
"S-sabi nyo po, g-gusto nyong ligawan ni B-boy yung taong pinagbigyan n-ng anak nyo ng puso nya?" paniniguro ko "Pumayag po ba sya?" napapikit ako ng makaramdam ng sakit
"Oo, so please. Leave him alone"
Yung puso ko, parang pinipiga sa sakit! Mas masakit pa ito kaysa nung inaatake ako
Hindi ko na alam ang nangyari pagkatapos nun, namalayan ko nalang na naglalakad na ako sa malawak na hallway at parang wala sa sarili
Yun ba ang dahilan? Kaya nya ba ako niligawan?
Akala ko ba dahil gusto nya ako? Dahil mahal nya ako? Dahil ba yun sa puso ko?
"Yung ex-girlfriend ko, nadisgrasya kami at iniwan nya din ako"
"Sinisisi ako ng pamilya nya, lalo na ang Papa nya kaya lalo akong nadepress"
Alala ko sa mga sinabi nya, sya ba? Yung pinsan ba nila Viel na nadisgrasya ang tinutukoy ni Boy?
I-ibig sabihin ba nun mahal parin sya ni Boy kaya pumayag sya? Pero bakit parang gusto naman akong palayuin nung babaeng yun? Akala ba nila sa ibang tao nabigay ang puso ng anak nila? Kung ganun mas mabuting hindi nila alam...
Kasi ayokong madamay sakanila...
"K-kara?"
Natigilan ako sa paglalakad ng marinig ang boses na yun. Pero hindi ang luha kong patuloy paring tumutulo
Lalo din akong napaiyak ng niyakap nya ako
Sya ang gusto nila para kay Boy, at these past few days, naiinis din ako sa ginawa nya sa sarili nyang kapatid. Pero kaibigan ko din sya. At ngayon sya ang nakakita saakin
"What's wrong? Inaway ka ba ng mental ward? Susugudin ko talaga ang mga baboy na yun!" akmang kalas nya saakin, kaya mabilis kong hinigpitan ang yakap sakanya
"H-hindi.." iling ko
Ayoko ng sabihin sakanya ito. Matatag naman sya, kaya sigurado akong kakayanin nya kung ayaw nya din talaga
"M-mira.. gusto kong umalis dito.. gusto kong magpagaling sa ibang hospital.."
"H-huh? B-bakit naman?" gulat na gulat na tanong nya
"T-tulungan mo nalang ako please?" Gusto ko ng makaalis agad
Ayoko na dito
Hindi sya sumagot at tila nag-iisip kaya hinila ko nalang sya papunta sa kwarto ko.
Pakiramdam ko magkakasakit ulit ako sa puso kung magtatagal pa ako dito. Lalo na at paniguradong makikita ko pa sya
"Sinabi mo na ba ito sa iba?" nag-aalalang tanong ni Mira ng bubuksan ko na ang pinto
Kaya tumango lang ako
Napalunok ako ng makita ang ibang kaibigan naming nasa loob
Oo nga pala, nandito sila kanina...
"Anong nangyari sayo?" Gulat at puno ng pag-aalalang tanong ni Ollie "Inaway mo nanaman ba sya?!" baling agad nito kay Mira kaya agad akong pumagitna
"H-hindi" iling ko
Nakagat ko nalang ang ibabang labi para pigilan ulit ang pag-iyak. Ayoko ng ganito. Ayokong nakikita nilang umiiyak ako
"Then ano? Kara, bakit ka umiiyak?" lapit din ni Lanie na ikinaiyak ko ulit
Ang sakit! Ang sakit-sakit! Kaya ayokong magkagusto eh, kasi alam kong masakit. Alam kong masasaktan lang ako. Pero kasi akala ko iba si Boy
"Y-yung babaeng kumausap saakin, Mama sya nung nagbigay ng puso saakin" simula kong kwento "At g-gusto nya akong palayuin kay Boy.."
Agad din nila akong inalalayan ng unti-unting manghina ang tuhod ko
"Bakit naman daw? Kara, may ginawa pa ba syang masama sayo?" tanong ni Mira
Umiling lang ako
"Kasi daw yung anak nya. Hiling nyang p-pakasalan ni Boy yung babaeng pinagbigyan nya ng puso.." napatakip kong dagdag
"But you're that girl" dagdag ni Viel na ikinailing ko
Oo, pero mali ang dahilan nya, dahil hindi nya naman pala talaga ako mahal kung ganun. Mahal nya parin yung ex nya, kaya sya pumayag
"K-kaya pala nya ako nililigawan. Kasi alam nyang ako yun" hikbi ko
"Sino?" tanong ni Xiera pero imbes na sumagot, tumayo nalang ako naglakad papunta sa cabinet ko. Nilabas ko agad ang bag na pinaglalagyan ko ng mga damit nung maconfine ako
K-kailangan ko na talagang makaalis dito..
"Teka, wag mong sabihing aalis ka?" gulat na tanong ni Zealan
"Kailangan ko.." Dahil kung tatagal pa ako dito, sa tingin ko mawawalan lang ng saysay ang puso kong binigay nila saakin
Kahit papaano gusto ko ding mabuhay pa ng mas matagal, at kung kailangang lumayo, lalayo ako
"Iiwan mo kami?"
Natigilan ako ng makita ang pagtulo ng luha mula sa mata ni Xiera, kaya mahina akong ngumiti sakanya
Ayoko, pero kailangan. This time gusto ko pang mabuhay para makasama ang pamilya ko. Hindi din ako sang-ayon kay Boy kung yun ang rason nya
"Kara naman..." awat ni Viel ng akmang maglalagay na ako ng damit sa bag "H-hindi mo pa nga sya nakakausap eh, please let him explain first" pakiusap nya din. Pero umiling nalang ako
Tama na.. ayoko ng masaktan pa ulit eh
Patuloy nila akong kinumbinse na maghintay muna, na dadating na maya-maya si Boy. Kahit si Mira pinigilan ako at sinabing mag-usap daw muna kami
Nagulat pa nga akong malaman na gusto nya pala ito. At yun ang totoong dahilan kaya sila nag-away ni Viel. Pero...
Parang hindi ko na kakayanin pa kung magkakausap pa kami, baka kung ano pa ang masabi ko sakanyang hindi ko naman sinasadya sa sobrang sakit ng nararamdaman ko
"Mahal ko na si Boy..." usal ko ng masara ko ang bag
Umiiyak na silang lahat, kahit ako. Ayoko sana silang iwan eh, pero kailangan ko din ito
"Pero kung ganun lang kababaw ang dahilan nya para mahalin ako.." napailing ako, pilit kong pinipigilan ang luha
Pinunasan ko nalang ang ilang mga luha na tumulo sa pisngi ko. Yung iba natuyo na.
"S-siguro kailangan ko munang lumayo para makapag-isip-isip" dagdag ko pa at tinignan sila isa-isa
Mamimiss ko sila, lalo na ang mga kabaliwan nila.
"Kung ganun hayaan mo naman kaming ihatid ka" malungkot pero pilit na ngiti ni Ollie
Tumutulo parin ang luha sa pisngi nya. Tumatango din namang lumapit saakin si Xiera
"Samahan ko kayo, kahit ito nalang, Kara" pilit din nitong ngiti kahit hindi umiiyak
Nagmumukha tuloy syang nakakain ng maasim. Mahina ko silang nginitian at tumango
Saaming magkakaibigan, sila ni Xiera at Ollie ang pinakamature, nanay figure kumbaga. Sila yung umaastang matapang. Pero ang totoo sila din ang isa sa pinakadapat ingatan.
"Tama na yung dalawa" tingin ko sa iba na nagpout na
Mahina nalang akong natawa. Mamimiss ko talaga sila
"Viel..." tawag kong ikinalingon nya
Pero imbes na sumagot o tignan ako, tumalikod lang sya at lumabas ng kwarto.
Hindi ko tuloy maiwasang malungkot lalo.
"Ako na hahabol" presenta ni Zealan at agad ding lumabas
"Aalis na ako, pero hinding-hindi ko kayo kakalimutan" paalam ko sakanila
Isa-isa ko silang niyakap na lalong ikinalakas ng mga iyak namin
Panay ang paalala nila na iingatan ko ang sarili ko at kausapin ko parin sila kapag nagkita-kita kami
Tumango nalang ako, hanggang sa hinatid na nga ako nila Ollie at Xiera sa labas kung saan susunduin ako nila Papa. Tinawagan ko na din kasi agad silang gusto kong magpalipat. Hindi din naman na sila nagtanong at pumayag nalang
Siguro ramdam nilang hindi pa ako handang magsabi, buti nalang din. Pagod na kasi akong umiyak
Umalis na ang van na sinasakyan ko, nang hindi ko na din nayayakap sila Viel at Zealan
Sana balang araw, maintindihan nya ako. Kahit ito lang.
Because, I just... gotta go my own wayI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (23)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
gago
10/10/2024
0more story po so nice author,😍
23/03/2024
0it so good story.
09/01/2024
0Tingnan Lahat