CHAPTER EIGHT

Naalimpungatan ako ng may yumakap sa akin na medyo maliliit na braso. Nagmulat ako ng aking nga mata at tumambad sa akin ang ibang desinyo ng kwarto. Agad akong nataranta sa tumambad sa akin. Pero agad din nawala yung kaba sa dibdib ko nang makita ko si Vlad sa tabi ko. Mahimbing itong natutulog na parang sanggol na nakayap sa kanyang ina.
Tumingin ako sa labas at napansing madilim na. Mukhang napahaba ang tulog ko. Maingat kong tinanggal ang pagkakayakap ni Vlad sa akin at bumangon paalis ng kama.
Agad akong nagtungo sa banyo ng kwarto. Nagmumog ako at naghilamos. Inayos ko din ang buhok ko dahil mukha akong dinapuan ng mga manok.
Pagkalabas ko ng banyo ay tulog pa din si Vlad. Mukhang napagod sa panonood kanina.
Naglibot ako sa kwarto ni Vlad at napag isipang kumuha ng makakain at maiinom mula sa mini ref. Nakakita ako ng bottled water at mga chocolate bars.
Pagkakuha ng bottled water at isang chocolate bar ay naupo na lang ako sa kama at hinintay na lang si Theous na dumating
Makalipas ang ilang minuto ay nakadinig ako ng marahang katok pagkatapos noon ay may pumihit sa seradura ng pinto mula sa labas.
Tumambad sa akin ang bagong paligo na si Theous. Medyo basa pa ang buhok neto and I can smell his fresh minty scent.
Medyo napatulala ako sa nakita ko. He’s just wearing a plain white shirt and black pyjamas but man he totally rocks.
“Hi how’s your sleep?” he asked while walking towards me.
“Uhm it was good. Medyo nagulat lang ako pagkagising ko kasi nakayakap si Vlad sa akin,” I said the I smiled at him.
“Oh sorry about that. Gusto ko sana na sa kwarto na kita matulog pero ayaw ko naman na magising ka habang karga ko kaya dito nalang kita inihiga,” pagpapaliwanag niya sa akin. He seated next to me then he enveloped me with a warm hug.
“Thank you,” he murmured.
Tumingin ako sa kanya at nagpatuloy siya sa pagsasalita.
“Ngayon lang nakatulog ng sobrang himbing si Vlad and t’was thanks to you.”
“No need to thank me,” sabi ko sa kanya. “Mahimbing din naman ang naging tulog ko katabi siya.”
Magkayakap lang kami hanggang sa tumunog ang tiyan ko hudyat na nagugutom na ako.
Pareho kaming napatawa sa nadinig na siyang ikinagising ni Vlad.
“Kuya,” tawag ni Vlad sa kapatid habang may takot na ekspresyon sa mukha. Agad namang dumalo si Theous at kinarga ang bata. Gusto ko sanang matawa kasi twelve years old na si Vlad pero karga pa din ito ni Theous pero pinigilan ko dahil sa nag-alalang mukha ni Theous.
Theous walked towards me and he intertwined our hands. Lumabas na kami ng kwarto ng walang imik.
Nang nasa may hagdan na kami ay tinanong ko siya. “Hindi ka ba nabibigatan?”
Sinagot niya naman ako ng iling. Inalalayan ko siya pababa ng hagdan. Nag-alala kasi ako baka madulas siya or something.
Agad kaming dumiretso sa sala. Umupo si Theous sa mahabang sofa. Isinandal niya ang kanyang likod sa upuan habang si Vlad ay nakahilig pa din sa katawan ng kuya niya. Walang imik ang dalawa hindi tulad kanina.
Theous tapped the space beside him. Agad naman akong umupo sa tabi niya.
“Stop worrying Rhys, Vlad is okay,” he assures me. Napabuntong hininga na lang ako. Gusto ko magtanong kung ano ang nangyayari sa kapatid neto pero nababahag ako baka isipin niyang pinanghihimasukan ko ang buhay niya.
Yes we already considered ourselves dating but I know we need to set our own limitations. Ayaw ko siyang pangunahan. I want him to open up freely.
“ I will tell Nanay Edna to bring us food,” he said ng marinig niyang tumunog ulit yung tiyan ko.
Inabot niya ang telepeno malapit sa kanya at may tinawagan.
“Nay dito na lang po kami sa sala kakain.”
Oh si Nanay Edna pala. Ang sosyalin talaga nila imbes na sumigaw patawag-tawag na lang sila.
Wala pang isang minuto ay nagsilabasan na ang mga katulong habang may tulak na food trolley. As usual madami na naman silang nilapag na pagkain sa center table. Natakam ako ng makitang may grilled salmon at kimchi sa hinain nila. Meron ring spicy fried chicken which is my favorite.
Napabaling ako kay Theous at tumitig sa kanya ng may pagtatanong.
“I asked your friend over the phone and she told me about your favorite and she sent me a recipe,” he explained to me.
Kaya pala kasing bango ng luto ni Dana. Pinauna niya ako sa pagkain dahil ayaw pa rin ni Vlad bumitaw sa pagkakayakap sa kanya.
Abala ako sa masagana kong pagkain ng magsalita si Theous.
“You eat like a monster yet you weighed like a paper,” komento niya sa akin.
Napabusangot naman ako. “At least matangkad at maganda.”
“Yeah you’re such a goddess,” Theous said while making an eye to eye with me.
Nawala naman ang pagkabusangot ng mukha ko at napalitan iyon ng ngiti. Gusto ko sanang pigilan ang ngiti ko pero bago ko pa man iyon magawa ay nakaalpas na ang ngisi sa aking mga labi.
“Stop giving me heart attacks,” yun lang ang nasabi ko at nailapag ko ang pinggan sa mesa at agad na nagsalin ng tubig sa baso. Inisang lagok ko lang ang tubig na siyang ikinatawa ni Theous. His chuckles echoed in the whole sala. Pati din si Vlad ay nakisabay na sa kuya neto sa pagtawa.
“You’re cute baby,” he said. Then my heart went giddy for the second time. My heart did somersaults for that endearment. I pouted.
“Stop calling me that I’m not a baby anymore,” I said to him then he just laughed.
“Oh yeah you’re already capable of bearing my child. No scratch that it should be children,” he stated then winked at me.
Oh my I need to tell Elli and Dia to prepare a burial ceremony for me. Mamatay ata ako sa sobrang kilig.
“Stop hitting on me with that pick-up lines,” hinampas ko siya ng throw pillow habang ingat na ingat na wag masali si Vlad.
“Why?Is it working?Am I be able to flatter your heart?” sunod-sunod niyang tanong sa akin.
When I get home I will tell Dana to teach me how to flatter men using that damn cheesy pick-up lines. Sa aming magkakaibigan kasi si Dana ang masyadong imaginative at mas gumagana ang utak lalo na sa kaharutan. I really need to learn from her.
“Kumain ka na nga lang,” I said then I get my plate from the center table and I scooped rice and kimchi then tugged it in his mouth.
“Flattering my heart it’s illegal and you’ll might kill me with that,” I said to him.
“If it’s illegal then I’m willing to be the illegal doer,” he said while smiling widely then his smile turned into a laughter.
“Stop it,” pagsuway ko sa kanya. “It’s kinda unfair you know. You affected me that much pero ako walang epekto sayo.”
Napatigil siya sa pagtawa at seryosong tumitig sa akin.
“Oh baby you don’t know how much is your impact to me. I may be look cool and unaffected as what you see but baby I’m losing my shits inside of me just because of your presence.”

Komento sa Aklat (30)

  • avatar
    Charls Dave Carbonel

    grabe naman yang igapus Nayan

    13/05/2025

      0
  • avatar
    Ch Ad

    good

    05/12/2024

      0
  • avatar
    Rosebelyn Bolesa Balla Aquino

    Maganda sya

    04/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata