CHAPTER SEVEN

“I know. Kahit sa sarili ko ay di ko alam kung bakit ba ako nagkakaganito at kung bakit ang bilis kong naattach sayo kahit kamakailan lang tayo nagkakilala. I think I like you. No scratch that, I think I’m falling in love with you,” Theous said then he run his fingers on his hair.
Makikita mo na naguguluhan talaga siya sa nangyayari. Inaamin ko maski ako ay naguguluhan na din. I’m confused about my feelings for him. I just stared back at him without saying a single word.
“Okay lang kahit di ka magreact mula sa revelations ko. Ang mahalaga nasabi ko kung ano ang nilalaman ng puso ko,” sabi ni Theous at tipid na ngumiti. Nakonsensiya naman ako sa paraan ng pag ngiti niya.
“Sir,” simula ko. “I-I like you too but it’s against the rules. You’re my boss and I’m just you’re mere employee. Ayokong maging sentro ng usapan sakaling may makaalam na may gusto tayo sa isa’t isa. Tsaka sir ang bilis po talaga. Kakakilala lang po natin three weeks ago.”
“Then we will take it slowly until we get there,” he suggested. “Just please give me a chance.”
Mababakas ang pagmamakaawa sa mukha at sa boses niya. Desidido talaga siyang mabigyan ko ng tsansa. Ang hirap naman magdedisyon. Kung trabaho ko ba o ang buhay pag-ibig? Napabuntong hininga ako at nag-isip muna ng mabuti bago magsalita.
“Okay let’s give it a try,” I said then his face lit up like he’s really pleased on what he had heard.
Agad niya akong kinabig at sinalubong ng mainit na yakap.
“Thank you Rhystine,” he kept on saying thank you while hugging me.
Nang humiwalay siya ng yakap sa akin ay nginitian niya ako and he started the engine. Di ko mapigilang di mapangiti. Ngumisi na lang ako at ibinaling sa labas ng bintana ang tingin.
Makalipas ang ilang oras na pag biyahe ay huminto ang sasakyan ni Theous sa isang gate na kay mataas na pader. Siguro isa sa mga property niya. The gate opened and Theous maneuver his car inside.
Napanganga ako sa nakita ko. Behind the tall walls is a very huge mansion.
Mas lalo akong natulala ng tuluyan na kaming makapasok sa loob ng mansiyon. The mansion was huge yet homey and comfortable. The receiving area is mixed with gold and white intricate. A huge and gallant chandelier was hanged on the ceiling. And you will see a elegant staircase leading to the second floor.
May lumapit naman sa aming isang matanda na nakasuot ng bestida na pangkatulong. Agad itong dinaluhan ni Theous at niyakap. Pagkatapos nun ay tumunghay ang matanda sa aking gawi.
“Aba’y sino naman itong kasama mo nak?” tanong ng matanda kay Theous. Munting sumilay ang ngiti sa mga labi ni Theous.
“Ah nay siya nga po pala si Rhystine future asawa ko,” deretsong sagot ni Theous.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa nadinig at ako’y napasinghap.
“H-hindi, hindi po sa ganun yun. Uhm n-nanliligaw pa lang po siya sa akin,” sagot ko naman na siyang ikinatawa ng matanda.
“Ano ba yan iho masyado ka pa lang assuming,” pagbibiro ng matanda sabay kutot sa tagiliran ni Theous.
“Doon din naman po kami tutungo nay,” sabi ni Theous ng may mapaglarong ngiti sa mga labi. Ako naman ay napayuko sa aking nadinig.
“Oh siya tigilan mo na ang iyong mapapangasawa tignan mo oh nahihiya na,” sabi ng matanda at iginiya kami papunta sa kusina.
Pagkapasok namin ng kusina ay maraming pagkain ang nakahain sa mesa. Agad naman akong nagutom sa aking mga nakita.
“Siya nga pala Rhystine siya si Nanay Edna ang nag-alaga sa akin at sa kapatid ko,” pagpapakilala sa akin ni Theous sa matanda.
Matamis namang ngumiti si Nanay Edna sa akin.
Ipinaghila naman ako ni Theous ng upuan sa kanyang kaliwang bahagi. Habang si nanay Edna naman ay busy sa pag asikaso ng mga kakainin namin. Parang may okasyon lang sa dami ng pagkain.
“Nay where’s Vlad?” tanong ni Theous kay Nanay Edna.
“Nasa kwarto niya. Pababa na daw yun sabi ni Janet,” sagot sa kanya ng matanda.
I wonder who’s Vlad.
Nakaupo si Theous sa kabisera ng mesa at nakakitig lamang sa akin.
Makalipas ang ilang minuto ay may pumasok sa kusina na isang batang lalaki. Siguro nasa dose o trese anyos. He resembles Theous’ face but the kid has a lighter aura. Magiliw itong nagtungo sa mesa. Pero bago ito umupo ay hinalikan muna neto si Nanay Edna sa pisngi.
“Hey bro,” the boy said then he and Theous did a boy handshake. The boy met my gaze. Parang nagulat ito sa aking presensiya pero agad ding nakabawi.
“Uhm hi?” tila nahihiya netong turan sa akin habang kumakaway.
Kumaway ako pabalik sa kanya. “Hi din sayo.”
“Vlad she’s your future sister-in-law,” pagpapakilala sa akin ni Theous. “And Rhystine he’s my younger brother Eros Vlad but we call him Vlad for short.”
“Hi ate Rhystine magkakaroon na po ba ako ng pamangkin?” tanong ni Vlad na siyang ikinapula ng pisngi ko.
“Vlad don’t talk to her that way,” saway ni Theous sa kapatid.
Bigla namang sumagi sa isip ko ang ideyang iyon. Ako habang may hawak na bata sa aking mga braso habang nakayakap si Theous sa bewang ko. Sheeeeeeeet Rhys stop that thought.
Tumikhim ako at sinalubong ng tingin si Vlad. “Ano kasi, uhm, nililigawan pa lang ako ng kuya mo.”
“Bro you’re so weak,” tudyo ni Vlad sa kuya neto.
“Tumigil ka nga Vlad ang bata mo pa pero andami mo ng alam,” sabi ni Theous.
“Aysus si kuya change topic ka eh,” sabi ni Vlad sabay sandok ng kanin sa hapag.
Ipinagsandok na din ako ni Theous ng kanin at ulam. Habang kumakain ay nagkwentohan kaming tatlo.
“Ilang taon ka na Vlad?” I asked him.
“Twelve going thirteen next month,” casual netong tugon. “How about you ate?”
“I’m already 24,” I answered him. Agad naman itong tumingin sa kuya niya.
“Mas gurang ka pa pala kuya kay ate Rhystine,” natatawang sabi ni Vlad na siyang ikinabusangot ng mukha ni Theous.
“Three years gap lang naman and it’s not a big deal Lil bro mas malaki pa din yung eight years,” Theous said then he looked at Vlad with a mocking smile. Agad namang nabura ang ngiti ng bata at agad na nag iba ang pinakita netong expression sa mukha. O-kay what’s going on? Patuloy lang ako sa pagsubo habang mariing nakatingin sa dalawa.
“Kuya I just like her as a sister not romantically as what you thought,” ungot naman ni Vlad.
“Okay if that’s what you say,”pagsuko ’kuno’ ni Theous pero di pa rin nabubura ang mapagtudyo netong ngiti.
Nagring ang phone ni Theous na siyang ikinatigil neto sa pagkain. He looked at us like he was asking for a permission to answer the call.
I nodded at him as my response. He wiped the side of his lips using the table napkin then he stood up from his seat.
“Please excuse me I just need to answer this call,” he said then walked outside the sliding window near the kitchen. I assumed it was a doorway to the pool area.
Naiwan naman kaming dalawa ni Vlad.
“Thank you ate Rhystine,” Vlad said to me. I just looked at him with confusion.
“For what?”
“For coming onto my brother’s life,” he started. “Over the years, kuya Theous’ smile was so shallow. But when he was with you earlier, I saw that he’s back on his old self.”
“You know what Vlad, you sounded like a grown up man. You really amaze me.” I said then I smiled at him.
“I just hope you’re not going to leave my brother just how our parents or other’s did to him,” Vlad said sadly.
“I won’t Vlad I promise.” I assured him.
Nakabalik na si Theous sa hapag at inimporma akong sina Dana ang tumawag. Sinabi netong nag-aalala ang dalaga sa kalagayan ko. Sinabi pa ni Theous na nakatanggap siya ng ilang mura mula sa babae sa iba’t ibang lengguwahe. Hays Dana being Dana. Napa imaginary face palm na lang ako.
“Ang lutong pala magmura ng kaibigan mo,” natatawang sabi ni Theous habang sumusubo.
“Sinabi mo pa,” pag sang-ayon ko sa kanya.
Natapos na kaming kumaing tatlo at napagpasiyahan naming manood ng movie.
Sa kwarto ni Vlad namin naisipang manood ng palabas. Vlad’s room was spacious and clean. Dark blue ang motif ng room ni Vlad. From the wall paint, bed sheets and comforter, kahit ang kurtina neto ay Dark blue din. Mukhang fave color ng bata ang Dark blue. May malaking flat screen tv sa harap ng kama neto. Mayroon ding sofa at mini ref. Pero ang mas naka pagpamangha sa akin ay ang mini library neto sa loob ng kwarto. It has so many books. More on science books and documentaries and nasa library. Kung kasama namin si Dana mukhang i-ma-mine neto lahat ng libro na makikita.
Inilatag namin ang mga unan sa carpeted floor at doon kami naupo. I am in between the Kim brothers.
“What do you want to watch Rhys?” Theous asked me while browsing on the TV.
“I don’t know. Maybe let Vlad decide,” I shrugged.
“How about we watch the most watched Korean series kuya?” Vlad suggested.
“What’s the title?”
“Uhm I dunno kuya but it has a big doll that says kukuwa potahamnida if I’m not mistaken,” sabi neto habang kumakamot sa batok nito.
Natawa naman ako sa sinabi nito. I can’t contain my laugh kaya napalakas tuloy ang halakhak ko.
“It’s Squid Game Vlad,” I said between my laugh.
“Oh yeah that’s the title,” Vlad said then he browsed on the TV.
I took a picture with them before the movie started then I sent it on our group chat with a caption “Netflix and Chillin’”. Syempre nakiconnect ako sa wifi nila. Katamad kasi gumamit ng data.
Agad namang nagseen ang tatlo kong kaibigan.
Dyosang Demonyita: Sanaol nag Netflix and Chillin’ na lang(╥﹏╥)
Sexy Elli: Oo nga buti meron kaming inspirasyon dito.
Sizzling Hot Dia: Inspirasyon na ang tingin ni Elli kay Atlas. #Improvement #Let_Atlas_Lead_The_prayer
Then nakita kong chinange ni Dana ang nickname ni Elli.
Let_Atlas_Lead_The_prayer: Wag mo akong subukan Dia alalahanin mo magkatabi lang tayo.
Let_Atlas_Lead_The_prayer: Wait holy moly Dana why did you changed my nickname into that prick’s name?
Kahit di ko sila kasama ay sigurado akong nagbabangayan na naman silang tatlo. Napangisi naman ako sa mga nabasa ko. Agad akong nagtipa ng reply ko sa kanila.
Me: Magtimpi kayo may mga bata sa paligid niyo. And I gotta go the movie started already. Bye bitches see you later.
Then in-off ko na phone ko.
“Who are you chatting with?” tanong sa akin ni Theous. Kinabig niya ako sa bewang at niyakap. He also rested his chin on my right shoulder.
“I was talking with the girls,” I said while controlling my self. My breath went rigged. His breath was fanning on my neck.
“Okay,” he said then he focuses on the movie.
Makalipas ang ilang oras na panonood ay parang dinadalaw na ako ng antok hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa bisig ni Theous.

Komento sa Aklat (30)

  • avatar
    Charls Dave Carbonel

    grabe naman yang igapus Nayan

    13/05/2025

      0
  • avatar
    Ch Ad

    good

    05/12/2024

      0
  • avatar
    Rosebelyn Bolesa Balla Aquino

    Maganda sya

    04/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata