CHAPTER EIGHTEEN

“He escaped from prison. And base sa nakuhang impormasyon ng kuya Falcon mo ay may bagong mukha at pangalan si Liam. Still wala pa rin kaming lead kung ano ang bagong itsura niya at kung ank ang gamit niyang pangalan.”
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Halo-halo na ang nararamdaman ko. Galit ako kasi sa ginawa ni Liam noon at the same time natatakot hindi lang para sa sarili ko kundi pati na din para sa mga taong nakapaligid sa akin. Dahil alam ko kung ano ang hanggang kayang gawin ni Liam para lamang saktan ang mga taong malapit sa akin.
“H-how come? H-how…how did that happen? S-someone helped him escape?” I continuously asked.
"We don’t know pero we already suspect that it was an inside job. Maybe they payed the guards or something,” my sister answered as she continue caressing my hands that keep on shaking.
“Don’t worry Rhys we got this. I will ask Falcon to send some of his trusted men here to guard you 24/7. I won’t let anything happen to you. Ikaw lang ang nag-iisa kong kapatid and di ko kakayanin na mawala ka.”
“Thank you ate for doing everything,” I said as a lone tear escaped my left eye. My sister reached my face and wipe my tear.
“Stop worrying. Mahahanap din natin si Liam,” my sister consoles me. "By the way, how is your relationship with Mr. Kim?”
Natatakot pa din ako sa sitwasyon ko ngunit kailangan ko munang huwag isipin si Liam. Maybe the topic about me and Theous is a good distraction. Nahihiya akong magsalita ngunit wala akong magagawa dahil hindi titigil ang kapatid ko na di makakalap ng tsismis.
“We’re good. We’re taking it slow. Even though may problema kaming kinakaharap, he never leaves me. He was there for me doing all his best to defend and serve me like I’m his Queen,” sabi ko and di ko na lang namalayan na nakangiti na pala ako. I’m missing him already.
“You’re in love sis. I can see it in your eyes coz I’ve been there. I can still remember the times na lagi akong napapangiti pag naiisip ko si Falcon,”Ate Chrystine said while smiling.
“Was it worth it taking the risk just to be with kuya Falcon?” I asked out of the blue.
My sister smiled at me widely, “Yes. It was painful and full of struggles at first but kita mo naman ang kinalabasan ang ganda at ang pogi.”
“I’m sorry if I wasn’t there for you when you were struggling ate,” I said then I lowered my gaze and started fidgeting while stopping myself not to cry.
“It’s okay Rhystine. It was all in the past now. And I understand you kasi alam ko sa ating dalawa ikaw ang pinakanasakal sa naging situation ko. Kasi alam ko nung nabuntis ako, lahat ng responsibilidad at expectations napunta sayo. Kaya naintindihan ko kung bakit ka umalis ng bahay kasi nga mas lalong naging mahigpit sayo si Mom and I’m really sorry for that.”
Sa huli kong narinig ay dun na tumulo ang luha ko. Why is she saying sorry? It wasn’t really her fault na naglayas ako.
“Stop saying sorry ate. It wasn’t really your fault. It was my own decision na umalis ng bahay at decision din yun ni mama na paghigpitan ako. Desisyon ko na ituloy ang office ad dahil gusto ko maging flight attendant. Being a flight attendant was my greatest dream alam mo yun ate. So stop blaming yourself,” I moved closer to my sister and hugged her.
“Pag may problema ka tawagan mo lang ako I’ll be there for you. We will be there for you because we’re family,” sabi ng kapatid ko habang ginagantihan niya pagkakayakap ko.
They stayed for a few hours ngunit ng dumating si Dana ay umuwi na sila.
“You’re not staying ate Chrystine? Ket hanggang dinner lang?” Tanong ni Dana sa kapatid ko. Habang karga-karga si Rhyler.
“We’d love to but I have to finish some paperworks and papunta na daw si Falcon para sunduin kami. Maybe sa susunod na lang,” my sister said and smile brightly.
Pagkalabas namin ng condo ay nasa labas na si Kuya Falcon. Nakasuot pa ito ng usual attire nito na white button up shirt, black slacks, and his loafers. Mukhang kakagaling lang ng trabaho.
The moment he saw us his eyes glimmered and smile happily. Ang seryoso nitong mukha ay naging malambot ang expression. Agad na lumapit si Kuya Falcon kay ate at hinalikan ito sa labi.
"Hey Wifey how's your day?" he asked my sister.
Habang si Dana naman ay kinikilig habang karga-karga pa rin si Rhyler.
"Ehe sheneel ne leng," parang tangang turan ng kaibigan ko na siyang ikinatawa namin.
"Alam mo Dana, it's been years pero di ka pa din nagbabago maloko ka pa rin," natatawang sabi ni Kuya Falcon.
Kimi lang na ngumiti ang kaibigan ko at nag flip hair pa.
"Pag nagkita kami ni Hawk irereto kita," saad naman ng kapatid ko na ikinapula ng mukha ni Dana. Hawk is kuya Falcon's older twin brother na siyang crush ni Dana.
"No thanks may Uri na ako. Just tell Hawk na antayin niya na lang ako next life," sagot pa ng kaibigan ko.
"oh siya mauna na kami sa inyo. We still have some work to do," pagpapaalam ng kapatid ko.
Kinuha ni kuya Falcon si Rhyler sa bisig ni Dana saka ako tinapik sa balikat, "Don't worry about Liam, maibabalik din namin siya sa kulungan. I'll ask Hawk to send some of his trusted men here to act as your guard. Di natin alam kung kailan kikilos si Liam. Mas mabuti nang handa at alerto tayo."
Tumango na lang ako bilang pag sang-ayon. Muli pang nagpaalam ang kapatid ko pati na ang asawa niya bago kami tuluyang pumasok sa unit namin.
Pagkapasok pa lang namin ay biglang nag-iba ang expression ni Dana. Naging matamlay na naman ito. Agad itong pumasok sa kwarto neto. Sumunod naman ako agad sa dalaga at nakitang nag-empake ito ng kanyang mga gamit.
"Aalis ka agad?" tanong ko habang papalapit sa kanya. Malungkot lang itong ngumiti sa akin.
"Dana I'm worried about yourself. Minsan ka na lang umuwi at nakikita ko na ang laki ng pinayat mo. Don't overdo yourself Dana," I am really worried for her. Siya kasi yung tipo ng tao na sasarilinin la g lahat ng problema at ilulugmok lang ang sarili sa trabaho.
"Don't worry Rhys I'm okay. Kailangan ko lang talaga bumalik agad sa ospital dahil kulang kami sa tao ngayon lalo na at dumadami ang kaso ng Dengue fever. Walang kasama si Mia kasi pati si Kale nadapuan ng Dengue," pagpapaliwang ng kaibigan ko. Huminga na lang ako ng malalim. Mukhang di papipigil.
Tinulungan ko na lang siya mag-empake. Mukhang matagal din siyang mawawala. Hindi ako sanay na laging wala si Dana dito sa bahay. Mukhang mararanasan ko ngayon ang laging nararanasan ni Dana pag tumatagal ang flight namin ni Elli.
"Medyo magtatagal ako sa ospital kaya wala lang makakasama dito pero lagi naman akong tatawag..." sabi ni Dana at niyakap ako ng mahigpit. "Babawi ako after ng trabaho ko."
"Magbakasyon tayo after sagot ko na lahat," I said that made my friend glimmered in happiness.
"Sabi mo yan kundi ilalayo ko sayo si Theous," Dana said while laughing.
Makalipas ang isang oras ay umalis na si Dana. Nagpresenta pa ako na ihatid siya sa baba ngunit umayaw ito. It's much better daw kuno for me to stay in our unit for safety purposes. Bago umalis si Dana ay ipinagluto pa niya ako ng makakain ko para sa dinner.
Bored na bored akong sumalampak sa higaan ko. Ngunit bago ko pa maipikit ang mga mata ko ay nakadinig ako ng nag doorbell. Tamad akong bumangon at naglakad papunta sa pintuan. Wala akong nakitang tao sa labas pagkabukas ko ng pinto ngunit bumungad sa akin ang isang box. Just for safety precautions ay hindi ko hinawakan ang box at sinipa ko lang ito papasok ng unit namin. Natatakot ako sa kapakanan ko pero dapat maging matatag ako. Agad akong nagtipa mg mensahe sa cellphone ko at senend sa kapatid ko. Nag dial din ako ng number sa cp ko.
"You're not busy with your work boss?" I asked on the other line.
"Kinda. However I can always have time for you ma'am. So what can I do for you?" Theous asked me. I can hear his manly chuckles on the other line. Simpleng bagay pero kinikilig ako.
"Can you come over right now? Someone whom I don't know sent me something," I answered.
I heard him sigh before answering, "Okay I'll be there for a few minutes. Just wait for me ma'am."
Ako na ang nagbaba ng tawag pagkatapos niya magpaalam. Nag-antay ako ng ilang minuto at dumating na din ang inaantay ko. Pinagbuksan ko si Theous ng pinto at ginawaran ng halik sa kanang pisngi. He's still wearing his office suit minus the coat. He's also wearing a round specs that made him so cute. Pareho kaming naupo sa sofa kaharap ang parcel.
Theous was looking at the box intently. Sa paraan ng pagtitig niya ay parang gumagawa siya ng x-ray examination.
"Have you seen the person who sent you this?" Theous gestured to the parcel. I only shook my head sideways.
"Can we already open it?" he asked for my permission.
I nodded. Then Theous started unwrapping the box. Okay Rhystine this is it. This is our chance to face our fear. Huminga ako ng malalim ako pinakatitigan ang laman ng box.

Komento sa Aklat (30)

  • avatar
    Charls Dave Carbonel

    grabe naman yang igapus Nayan

    13/05/2025

      0
  • avatar
    Ch Ad

    good

    05/12/2024

      0
  • avatar
    Rosebelyn Bolesa Balla Aquino

    Maganda sya

    04/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata