Homepage/Airplane:Theous Verdict Kim/
CHAPTER FIFTEEN
Naghahanda ako para sa pag-alis ko sa hotel ng may mag-doorbell. Sino naman kaya 'to? I know it's not a hotel staff kasi kakatapos ko lang mag-almusal.
Inayos ko muna ang sarili ko at nag-umpisa nang maglakad papunta sa pinto.
Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay may humigit na sa akin. Nagulat ako at nataranta ngunit agad din akong nakabawi ng rumihestro sa utak ko kung sino ang humigit sa akin. My defenses crumbles when I recognize his smell.
Theous cupped my face and we had an eye to eye contact. He is worried about me I can see it in his eyes. He removed his hands on my face and he sighed. I also saw that he pinched the bridge of his nose.
"Damn I was so worried about you,” he said.
I walked towards him and encircled my arms on his waist and hugged him tightly as he hugs me back. I placed my head on his chest and I carefully listened to his heart that is beating loudly.
“You don’t have to worry about me. I’m okay,” sabi ko habang bumibitaw sa pagkakayakap ko sa kanya.
"You sure?” paniniguradong tanong ni Theous sa akin.
I showed him a genuine smile as I replied, “Yeah, I’m sure.”
I hold his hand and I guided him inside my hotel room.
“Sorry kung medyo makalat kakagising ko lang din tsaka di din naman ako magtatagal paalis na din ako,” nahihiya kong paliwanag sa kanya.
Umupo siya sa gilid ng kama ko na nakaharap sa dagat habang ako naman ay nakatayo.
"Aalis ka agad? I thought you’re in vacation?”
Umupo ako sa tabi niya at inihilig ko ang akong ulo sa kanyang balikat.
"Sa Manila na lang siguro ako magbabakasyon. I will spend time with my friends and also with you and Vlad. It’s much better than staying here,” I said and smiled bitterly.
Ipinalibot niya ang braso niya sa akin at marahan niyang hinaplos ang aking balikat.
“I promise I will solve this problem once we get back.”
Pareho lang kaming tulala na nakatingin sa labas ng hotel.
Walang umiimik at parehong nakikipagramdaman sa isa’t isa.
“Sino pala nagsabi sayo na andito ako?” I asked and looked up at him.
Tinignan niya ako sa aking mga mata ngunit di pa din siya tumitigil sa paghaplos sa kaliwang balikat ko then he answered me.
“Exyr told me. He tracked your phone.”
“Oh I thought it was Dana,” I commented.
"No Ate was so persistent on not telling me,” he answered as he return his gaze outside. “Uhm why don’t we take a dip and extend your vacation here just for half a day?”
"Why not,” I answered without hesitation. Namimiss ko din magswimming sa dagat.
“But wait do you have clothes with you?” I asked him.
“I forgot to bring one because I was in a hurry just to get here,” he shyly said. I can see his ears and neck turning beet red.
“No worries may swimwear store naman sa baba nitong hotel pwede tayo bumili ng panligo natin dun,” I said and I saw him smiled.
“Shall we go there now?” he asked me then he stood up and offered his right hand to me. Agad ko namang hinawakan ang kamay niya at nagpatianod na pababa ng hotel.
Pagkapasok namin sa swimwear store ay agad akong namili sa mga swimsuit. Habang si Theous ay namimili sa may area kung asan ang swimming trunks.
Abala ako sa pagpili ng swimsuit ng biglang may lumapit kay Theous na babae. Nakasuot ito ng super revealing na two piece. Yung tipo na nipple na lang ang natatakpan.
Pinagmamasdan ko lang sila hanggang sa mairita na ako. Habang dala ang dalawang swimsuit na pinagpipilian ko ay lumapit ako sa kanila.
“Which one is better for me?” tanong ko kay Theous habang nagkunwari na di ko napansin ang babae. Rude it may look, but I am so annoyed right now.
Agad namang pumalibot sa bewang ko ang kaliwang bisig ni Theous. Naramdaman ko pa sa aking ulo na dinampian niya ng munting halik.
“May kasama ka pala V. Is she your alalay?” maarteng tanong ng babae kay Theous habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Ako alalay?! The heck.
"Uhm no she’s my girlfriend,” sagot naman ni Theous na ikinagulat ng babae. “If you’ll excuse us.”
Naglakad na kami at iniwan namin yung babae na nakanganga. Di pa din bumibitiw si Theous sa pagkakayapos sa bewang ko kaya hinayaan ko na lang hanggang sa makarating kami sa counter.
Habang inaabot ko sa sales lady yung pinamili namin ay bumulong sa akin si Theous.
"They both look so good on you. Just don't use the other one baka di ako makapagpigil."
Pakiramdam ko nagsi-akyatan lahat ng dugo ko sa katawan. Kinurot ko si Theous sa kanyang tagiliran na siyang ikinadaing nito.
Pagkaabot ng mga pinamili namin sa amin ng cashier ay nagbigay komento pa ito sa amin.
“Naku ang sweet naman po ma’am ng asawa niyo. At bagay na bagay po kayong dalawa para sa isa’t isa.”
“Salamat miss kaya keep the change na lang,” pagpapasalamat ni Theous sa cashier habang inaabot ang limang libo.
"Ay sir di ko po yan matatanggap kasi nasa protocol po namin na wag tatanggap ng suhol galing sa mga consumer,” pagtanggi naman ng cashier.
"Ganito na lang we’re gonna ask someone from the resto across you and order kami ng pagkain for you,” I suggested na ikinatango ni Theous.
“Mukhang di kayo mapipigilan ma’am sir kaya sige na nga basta lunch lang,” pagsuko ng cashier sa aming dalawa.
“Sige ate una na kami,” pagpapaalam namin.
"Ingat po kayo ma’am sir and come again.”
Naglakad na kami pabalik sa hotel room ko para magbihis.
Magkahawak kami ng kamay habang tinutungo ang beach ng hotel. Theous is now wearing his khaki pants partnered with a black sando. Ayaw niya kasing isuot yung swimming trunks niya. And I am wearing my scarlet red one piece swimsuit. Gusto ko sanang takpan ng balabal bewang ko ngunit nakalimutan kong bumili.
Ang daming tao sa paligid. Bata man o matanda. Ang iba ay naglalaro sa buhanginan at ang iba naman ay nakasuong sa tubig.
Agad akong hinila ni Theous papalapit sa baybayin. Hampas ng alon at marahang pagdampi ng tubig at buhangin sa aming mga paa ang sumalubong sa amin. Tahimik lang kaming nakatingin sa mga taong nagtatawanan sa di kalayuan.
"To be honest I dislike seas and oceans," pag-amin ni Theous na siyang ikinagulat ko. "Whenever I came near seas memories from the past keep on popping in my mind."
Nakita ko ang pag ngiti ni Theous ng mapakla. I can feel his bitterness.
"I'm not going to push you para mag-open up sa akin. Antayin ko na lang ang time na komportable ka na. But always remember this, I am always by your side whenever you need someone to talk to," I said then I caressed his face.
He looked straight at me then he whispered the words that shocked me.
"Mom and Dad died from a plane crush."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (30)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
grabe naman yang igapus Nayan
13/05/2025
0good
05/12/2024
0Maganda sya
04/12/2024
0Tingnan Lahat