Homepage/Airplane:Theous Verdict Kim/
Chapter 14
Napansin ni Theous na agad akong natahimik. I can’t tell him about this. He asked me what happened but I just told him that I need to go home. He thought that when I said home ay sa condo namin ako uuwi.
Di ko pwedeng sabihin na uuwi ako ng Bohol. No he doesn’t need to know.
Inihatid niya ako sa condo naming magkakaibigan. Sinabi ko na lang sa kanya na ipapasa ko na lang sa email niya ang letter para sa pagleave ko. Di niya na ako sinamahan sa pag-akyat dahil may aasikasuhin daw siya TVK. Hinalikan ko na lang siya sa pisngi bago lumabas ng kotse.
Wala akong nadatnan na tao sa condo ko. Agad akong dumiretso sa kwarto ko at nagbihis. Pagkatapos ko magbihis ay nag-empake na ako ng mga dadalhin ko sa pag-alis.
Nagtext ang kapatid ko na may susundo raw sa akin at dadalhin ako sa branch ng Dela Merced Corp. na malapit sa area namin dahil andoon daw ang chopper na maghahatid sa akin sa Bohol. Ang DMC ay company na itinatag ng mga magulang ko. My family make jewelries and other accessories that are sold on local and international market.
Sinundo ako ni Mr. Brown ang pinagkakatiwalaan ng mga magulang ko. Siya din ang kanang kamay nila at siyang namamahala sa DMC Manila branch.
“Ms. Rhystine,” bati ni Mr. Brown sa akin pagkalabas ko lang ng lobby ng condo namin. Kinuha niya din ang maliit kong maleta at iginiya niya ako sa kotse. Pinagbuksan niya din ako ng pinto at pumwesto ako sa likod.
Tahimik lang ang naging biyahe namin. Medyo natagalan dahil sa traffic pero nakaabot naman kami ng DMC sa tamang oras.
Ilang oras lang ang tinagal ng biyahe namin at nakarating na din kami ng Bohol. Sa mismong Helipad na nakalocate sa rooftop ng bahay namin kami nag-landing.
Pagkalapag pa lang namin ay sinalubong agad ako ng mayordama namin na si Manang Wilma.
“Nak nasa study room si Madame at sir nag-aantay sa pagdating mo,” pansin ko na gusto pa akong kausapin ni Manang Wilma ngunit pinipigilan niya lang ang sarili niya dahil nga sa inaantay ako ni Mommy.
Naglakad na ako pababa ng bahay gamit ang hagdan. Medyo malaki ang bahay namin. May apat ito na palapag at moderno ang estilo ngunit ang ibang gamit ay antigo. Sa pagkakaalam ko ay sila ate ang nagstay sa ikatlong palapag together with her family pag pumupunta sila just to visit our parents.
Di ko mapigilang di maging emosyonal. Dahil sa bahay na ito ako lumaki at nagka-isip.
Nang makarating na ako sa study room ay di na ako nag-abala pang kumatok.
Sinalubong ako ng daddy ko ng isang mahigpit na yakap. I saw my mom sitting on the sofa while holding a glass of wine. She’s already on her mid-fifties but she’s aging beautifully just like my dad.
“I missed you so much baby bunso ko,” Dad said as he stopped hugging me.
“Di ka man lang kumatok bago ka pumasok,” puna ng aking ina sabay irap. “ Yan ba ang natutunan mo sa pagsama mo sa kaibigan mo?Palibhasa utak-kalye ang isa.”
Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. It was Dana. I want to defend Dana but I can’t find the right words to say para di masaktan si Mommy.
Iminuwestra ni daddy na umupo daw ako sa harapan ng upuan kung saan nakaupo ang aking ina.
Agad naman akong tumalima at dahan-dahang naupo.
“Bakit niyo po ako pinauwi?” magalang kong tanong kay mommy.
“I’m really disappointed about your existence. Lagi mo na lang pinapahiya ang pangalan ng pamilya natin,” nanggagalaiting sabi ni mommy at inilapag ang isang dyaryo sa mesa.
“Of all people sa isang sikat na bachelor ka pa talaga na-link. Hindi ka talaga nag-iisip,” sabi ng aking ina na kababadyaan ng galit. “Ano na lang sasabihin ng mga Amiga ko? Na walang mga silbi mga anak ko?”
Dun nagpantig ang pandinig ko sa sinabi niya na wala kaming silbi.
“Mom of all people kayo pa talaga ang nagsasabi niyan sa amin ni ate,” sabi ko habang pinipigilan ko na tumaas ang tono ng boses ko.
“Yes ate got pregnant at an early age but mom she never became dependent on you. It was you who insisted all the money that you gave to her even if she didn’t want to take it . And don’t say na wala kaming silbi coz mom ate’s already working on your company as a designer. And I am successful with my chosen career. And last I don’t care about what’s written on that newspaper coz yeah me and Theous are already dating. I don’t care about what your amigas would say coz f*ck them all,” di ko napigilang di mapamura dahil halo-halo na ang emosyon na nararamdaman ko.
Nang matapos ako sa sinasabi ko ay isang malutong na sampal ang dumapo sa kanang pisngi ko. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa iniipon.
“Wala ka na talagang galang. Lumayas ka sa pamamahay ko,” sabi ni mommy habang itinuturo ang pinto. Binalingan ko naman si mommy at tinitigan mata sa mata.
“No need to say that Mom I already moved out seven years ago remember?” sabi ko at lumabas na ako ng study room.
Agad akong dumiretso sa kwarto ko at kinuha ang maleta ko. Di na ako nagstay ng matagal sa kwarto ko kasi bumabalik lahat ng mga alaala seven years ago.
Agad akong sinalubong ni Manang Wilma pagkababa ko pa lang ng hagdan.
“Nak mulakaw ka?(Nak aalis ka na?)” nag-aalalang tanong sa akin ni Manang.
“Oh nang, adto nalang sa ko sa hotel,” magalang kong sagot sa matanda. (Opo manang mag-stay na lang po ako sa hotel.)
Hinawakan naman ni manang Wilma ang aking palad at marahang hinaplos.
“Sige amping didto nak,” sabi niya at tinugon ko na lang siya ng masiglang ngiti.(Sige Ingat ka nak.)
“By the way nang palihog kog sulti ni daddy na kung naa siyay oras, bisitaha na lang ko sa hotel,” paghahabilin ko at tumango lang si manang at iniwan na ako sa may sala.
Hila-hila ko ang ang aking maleta palabas ng bahay namin. Nag-antay ako ng ilang minuto para makasakay ng jeep papunta sa kabilang baranggay kung asan ang hotel na tutuluyan ko.
Ilang minuto pa akong nag-antay ngunit wala pa ding dumadaan na Jeep.
Isang puting kotse ang huminto sa harapan ko. Dahan-dahang bumukas ang bintana ng kotse at tumambad sa akin ang isang lalaki na may malawak na ngiti sa kanyang mga labi.
“Ate Rhystine long time no see,” bati sa akin ng binata.
“Yeah long time no see Ellixer. Pumupogi tayo ah,” bati ko sa kanya pabalik. Isang malutong naman na natawa ang natanggap ko mula sa kanya.
“Kahit kailan talaga ate Rhystine bolera ka pa din,” sabi ni Ellixer. “Saan ba punta mo ngayon Ate?”
“Sa hotel niyo,” maikling sagot ko.
“Sakto po ate doon din ang punta ko kaya sabay na tayo. May meeting kasi sila dad dun and I need to be there on behalf of Kuya Andre,” magiliw na paliwanag sa akin ni Ellixer.
Bumaba si Ellixer sa kanyang sasakyan at umikot papunta sa may passenger seat at pinagbuksan ako ng pinto.
Umupo na ako sa passenger seat habang si Ellixer ay pumunta sa likod para ilagay ang bagahe ko sa back compartment.
Di nagtagal ay pumasok na si Lixer ng kotse at nag-umpisa nang magmaneho.
For the whole ride we talked about our lives. I learned that he’s already on his last year as a medical student. Few months from now gagraduate na siya with flying colors.
We parted ways the time we arrived at their hotel because he was running late from their meeting. But before we parted ways, Ellixer gave me a discount voucher. I was hesitant to accept the voucher but Lixer was too pushy.
I booked a hotel room na gagamitin ko for the whole night because I’ll be leaving Bohol first thing in the morning tomorrow.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa hotel room na inukopa ko ay naligo ako agad. Pagkatapos ko maligo ay nahiga ako agad sa kama only wearing the hotel’s robe.
Nag-open ako ng messenger ko at naging sunod-sunod ang pagpasok ng mga messages coming from my friends and Theous.
Agad kong binuksan ang mensahe ni Theous na kakasend lang three minutes ago.
Where are you? I’m here in front of your condo but no one’s answering. Are you asleep?
-Theous
Holy guacamole I’m doomed. Agad kong tinawagan ang mga kaibigan ko sa gc ngunit si Dana at Elli lang ang sumagot.
“Hey bijj what do you want?” Elli asked me habang nagbabasa ng mga papeles base sa nakikita ko.
“Yeah, what do you need Rhys? Wait where are you? You’re not on our condo,” tanong naman ni Dana habang naglalakad sa hallway ng ospital na pinagtatrabahuan niya.
“Ah, I’m here in Bohol,” nakangiwing sabi ko. Napahinto silang dalawa sa mga ginagawa nila. Mababakas ang gulat sa mukha ng dalawa kong kaibigan.
Bago pa man sila makapagtanong ay inunahan ko na silang dalawa.
“Mom summoned me and we had a heart to heart talk.”
“Psh liar. You and your mom? Impossible,” sabi naman ni Elli.
“But back to our topic, I mean sa problema ko,” pag-iiba ko sa usapan namin. "Theous is outside our condo and he is looking for me."
"Then tell him that you are in Bohol," suggest ni Dana habang papasok sa quarters nila.
I looked at her sadly, "It's not that easy Dana. I already made a mess and madami na siyang inaalala kaya ayaw ko ng dumagdag pa."
Bumuntong hininga ang kaibigan ko at inayos neto ang glasses sa mata.
"Uuwi ako ngayon dahil patapos naman na ang duty ko at ako na ang bahala kay Theous so stop sulking," pagpapagaan niya sa aking kalooban.
"I'm sorry if di ako nakatulong," malungkot na sabi ni Elli ngunit napalitan din ng inis nag tono ng pananalita nito . "Buyset kasi 'tong si Sebastian ang daming pinapagawa."
"I can hear you sis," Sebastian shouted on the background.
We bid our goodbyes and I ended the call.
Pagkatapos ng tawag ay napatulala na lang ako. Nag-aalala ako sa mga pwedeng mangyari sa kasalukuyan. Loving someone deeply is new to my nature. And I'm scared for the outcome. Not just to me but also to the people around me. But I am willing to take a risk and gamble myself just to be with Theous. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (30)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
grabe naman yang igapus Nayan
13/05/2025
0good
05/12/2024
0Maganda sya
04/12/2024
0Tingnan Lahat