CHAPTER THIRTEEN

Pagkapasok ko pa lang ng TVK ay pinagtitinginan na ako ng mga katrabaho ko. Di ko na lang sila pinansin at dumiretso na lang ako sa quarters namin.
Pagkapasok ko pa lang ay sinalubong ako ng mapanglait na tingin ng mga co-flight attendants ko. Umupo na lang ako sa usual spot ko.
May nadinig pa akong bumubulong ng malandi, haliparot, at pokpok.
“Kala mo mabait yun pala nasa loob ang kulo,” dinig ko pang sabi ng kapwa kong stewardess na si Elisha.
“Oo nga nasa loob ang kulo. Talagang boss pa natin ang nilalandi,” segunda pa ng isa kong katrabaho. At sabay pa silang nagtawanan.
Di ko alam kung ako ba ang pinariringgan nila o hindi. Ayaw kong mag-assume baka mali ako ng naiisip pero di ko magawang hindi isipin na ako ang pinasasaringan nila.
Lumapit naman ang isa kong kaclose dito sa TVK na si Khloe.
“Rhys usap-usapan ngayon na may isa raw na flight attendant dito sa TVK ang nalilink kay Big Boss. Actually di lang dito sa TVK pati na din sa ibang social media platforms. And ikaw ang tinuturo nila kasi beshy kita sa pictures and mukha mo,” bulong nito sa akin.
Bigla naman akong dinapuan ng kaba. Paano nila nalaman? Pakiramdam ko naubusan ako ng dugo sa katawan.
Nagmamadaling pumasok si Macy sa quarters namin. Kita ko pa ang galit sa mukha nito.
Naglakad ito papalapit sa inuupuan ko at agad akong sinampal sa kanang pisngi ko. Parang tumigil ang mundo ko dahil sa gulat. Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa hapdi.
“W-what…W-why did you slapped me?” di ko makapaniwalang sabi.
“Of all people ikaw ang di ko inaasahan na tatraydor sa akin. You know that I like Verdict but what?! You’re stealing him from me. You’re such a slut!” sigaw niya at sinampal ulit ako sa kabilang pisngi ko.
Di ko napigilan at napaluha ako dahil sa magkakahalong emosyon. Galit, pagkapahiya, at sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko.
Pumagitna sa amin si Khloe ng akmang sasampalin na naman ako ni Macy.
“Tumabi ka Khloe or else ikaw ang makakatanggap ng sampal ko para sa babaeng yan,” mariing sabi ni Macy ngunit hindi nagpatinang ang kaibigan ko.
“Go on slap me. But do not expect na hindi ako gaganti. You’re hurting my friend right in front of me kaya di ako makakapayag na ganunin mo na lang si Rhystine. And to tell you, wala kang karapatang magalit dahil lamang nagkakamabutihan si Mr. Kim at si Rhys dahil alam naman ng lahat na kaibigan lang ang turing sayo ni big boss,” pagtatanggol sa akin ng kaibigan ko.
Hindi ako makapagsalita. Parang ayaw magproseso ng utak ko. Tahimik lamang akong umiiyak.
“Ano bitch ayaw mo magsalita?! Manlalandi ka tapos di mo pala kaya i-defend sarili mo,” dagdag pa ni Macy kaya mas lalo akong naluha.
“M-Macy a-yoko ng gulo please lang,” mahina kong pakiusap sa kanya.
“Ayaw mo pala ng gulo edi sana sa una pa lang you stay away from my man,” sigaw niya ulit sa akin.
“Please kung gusto mo mag-usap tayo huwag dito sa harap ng maraming tao,” pakiusap ko. Ngunit tinawanan niya lang ako.
“What? You don’t want them to know what kind of a person you are? That behind that beautiful and trustworthy face is a conniving bitch?” mapanuyang sabi niya.
“I’m sorry but I don’t deserve to be treated this way,” mahina ngunit mariin kong sabi. “ Yes me and Theous are dating for almost four months now. I’m sorry if I stepped on your girly ego. I’m sorry if you feel like I betrayed you. But Macy, I didn’t. Before I started dating Theous we both clarify things. He told me that you two are not dating, that you’re just a friend to him. Believe me. So kung meron mang namamagitan sa inyo, ako na ang mag-adjust. Ako na ang lalayo at magpapaubaya. So if you’ll excuse me.”
Iniwan ko siya ng nakatulala. Habang dala-dala ang gamit ko ay pumunta ako sa pinakamalapit na comfort room. Sinundan naman ako ni Khloe sa loob.
“Naku Rhystine kung andito lang si babaitang Elli baka nakalbo at nalumpo na namin yung si Macy. Gigil niya ako,” Nanggigigil na saad ng kaibigan ko.
“Thank you Khloe for defending me,” I said while smiling.
“Ano ka ba wala yun.”
I saw my reflection on the mirror in front of me. Kita ko ang pamumula at pamamaga nito. Kinuha ko ang face powder ko at inumpisahang takpan ang pamumula nito.
Inagaw ng kaibigan ko ang face powder ko. Nagkalkal ito sa dala niyang bag at inilabas ang isang BB cream.
“Naku Rhys di yan gagana kaya ito na lang,” sabi ni Khloe.
Iniharap niya ako sa kanya at inumpisahang niyang pahiran ang pisngi ko ng BB cream.
Nang tumingin ulit ako sa salaming ay parang wala lang nangyari.
“Do you know who posted the photos?” I asked my friend.
“Wait lemme check,” Khloe said then she opened her phone. “Kakarelease lang nito kaninang madaling araw and the sources are unknown.”
Ipinakita niya sa akin ng articles na may picture namin ni Theous.
“Tignan mo din sa facebook may nagpost. Ang dami ngang mga mosang and Marites na nagcomment. Lahat pangbabash sayo,” sabi pa nito habang inililipat sa facebook ang screen.
Nakita ko ang mga pictures namin na papalabas ng TAME condominium ng magkahawak ang kamay, sa pagsakay namin ng taxi, kahit noong kinuha namin ang kotse niya sa bar, at lalong lalo na picture namin ni Theous ng naghahalikan sa sofa ng bahay nila.
Doon ako naguluhan sa huling litrato. Paano yun nakunan eh nasa loob na kami at fully enclosed ang bahay ni Theous?
“Oh bat parang tinakasan ka ng kulay?” tanong sa akin ni Khloe.
“The last photo. Imposibleng makunan kami ng picture kasi ang taas ng pader ng bahay ni Theous,” sabi ko.
“Unless they use drone to capture your sweet moments,” pagbibigay opinyon ng aking kaibigan. “Shit yayamanin paparazzi niyo girl sanaol.”
“Wala naman atang mag e-effort ng ganun Khloe,” sabi ko at napabuntong hininga.
Di ko alam kung ano ang motibo nila sa paglalabas ng mga litrato namin ni Theous ng magkasama. Wala akong maisip na tao na posibleng gagawa nito.
“Tara na Khloe. Oras ng trabaho di tayo pwedeng tumigil dahil lamang dun,” aya ko sa kaibigan ko.
“Basta pag masakit pa magsabi ka lang sa akin kukuha ako ng gamot para diyan,” sabi niya at iniangkla niya braso niya sa braso ko at lumabas na kami ng CR.
Naglalakad na kami pabalik ng quarters namin ng harangin kami ng dalawang matipunong lalaki. Para silang nasa movie na Men in Black. Akmang hahawakan nila ako ng biglang tapikin ng kaibigan ko kamay nila.
“Subukan niyo kaming hawakan sisigaw ako ng tulong at sasabihin ko na nilalapastangan niyo kami. Kahit gwapo kayo ay babangasan ko pa din mga pagmumukha niyo,” sabi pa ni Khloe ng nanlilisik ang mga mata.
“Ah Miss we are here for Miss Dela Merced,” sabi ng lalaki kay Khloe. “Mr. Kim wants you in his office.”
“Sige na Khloe una ka na lang sa office natin sunod na lang ako after this,” I said then I started walking towards the elevator.
Sumunod naman sa akin yung dalawang lalaki na humarang sa amin kanina. Ang isa ay nasa unahan ko habang ang isa ay nasa likuran ko nakapwesto.
Nang makarating na kami sa office ng big boss ay kumatok si Men in Black number one sa pinto at pinagbuksan ako.
Ako lang ang pumasok sa loob. Pagkapasok ko ay agad ay agad na tumayo si Theous sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair. Nilapitan niya ako at masuyong niyakap.
Nang bumitiw na siya ay nagtama ang paniningin namin. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko.
“I-I’m really sorry baby because I wasn’t there to protect you,” he said while looking straight on my eyes.
“I would be lying to you if I say that I’m okay,” sabi ko habang pinipigilan na maiyak. “I am hurting Theous. Not just for me but also for Macy. She felt betrayed by my actions. I was humiliated earlier and it sucks Theous. I’m not used to it.”
Sa huling salita ko ay siya namang pagpatak ng luha ko na kanina ko pa pinipigil.
Niyakap ulit ako ni Theous at hinayaang humikbi sa kanyang bisig. We were just silently standing inside his office, him hugging me while crying .
“Maybe we need to take a break Theous. Let the issue subside. Wag muna tayo magkita. I’ll also file a leave. Di ko kayang harapin mga katrabaho ko dahil sa hiya,” sabi ko at bumitiw sa pagkakayakap sa kanya.
Nakita ko pang may bumalatay na sakit sa mga mata niya. It’s the only way for us to heal.
Bumuntong hininga siya at nilagay niya ang kanyang magkabilang kamay sa kanyang bewang.
“Okay if that’s what you want I’ll understand. I will also clear things out. I’ll ask Exyr’s help on finding out who leaked our photos. But baby please don’t isolate yourself from me. If you’re hurting please let me know and share your burden with me,” his expression was soft and he sounded like he’s begging.
Tumango na lang ako sa kanya. Nag-beep ang phone ko na nasa bulsa ng uniform ko.
Nakita ko na ang kapatid ko ang nagtext. Para akong tinakasan ng dugo sa nabasa ko.
Mom wants me to come home.

Komento sa Aklat (30)

  • avatar
    Charls Dave Carbonel

    grabe naman yang igapus Nayan

    13/05/2025

      0
  • avatar
    Ch Ad

    good

    05/12/2024

      0
  • avatar
    Rosebelyn Bolesa Balla Aquino

    Maganda sya

    04/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata