CHAPTER NINE

Nakasakay na ako sa elevator pabalik sa condo naming magkakaibigan. Kakauwi ko pa lang galing sa bahay nila Theous. Di na niya ako naihatid sa condo namin mismo dahil tumawag ang secretary nito. Mukhang may importanteng gagawin ang lalaki dahil sa nagmamadali ito.
Di mapalis ang ngiti ko sa aking mga labi. Ngayon ko lang ulit naranasan maging masaya dahil sa isang lalaki.
Nang huminto na ang elevator hudyat na nasa floor na ako ng unit namin ay inayos ko na ang mga dala ko. Isang paper bag na puno ng lanzones galing sa farm nila Theous.
Masaya akong pumasok sa condo ko. Nadatnan ko ang tatlo na nakahiga sa sofa at nagsisiksikan. They all look exhausted pero mas nangingibabaw kagandahan ng kaibigan naming supermodel.
Nang makita ako ni Dia ay agad itong nabuhayan. Bumangon ito sa pagkakahiga na siyang ikinahulog ni Elli at Dana.
“You’re here na,” sabi ni Dia at niyakap ako ng mahigpit. Parang tanga lang. Nakita kong tamad na bumangon ang dalawa mula sa pagkakasalampak sa sahig at umupo ulit sa sofa.
“Anyare sa kanila?” tanong ko kay Dia.
Agad niya namang inilapit bibig niya sa tainga ko.
“The two made away-away with their jowa,” conyong bulong ni Dia.
Umupo na din ako malapit kina Dana. Inilahad ko sa kanila yung hawak kong paper bag.
“What’s this?” Dana asked me with curiosity.
“Your favorite, lanzones,” I answered her. Agad nitong binuksan ang paper bag. Nakita ko pang nangislap ang mata ng kaibigan ko nang makita kong ano ang nilalaman nito.
“Bigyan mo ko,”malungkot na hayag ni Elli. Then Dana handed some lanzones to Elli. Habang kumakain sila ng lanzones ay di nila maiwasang di mapabuntong hininga.
“Ano ba kasi ang problema?” tanong ko sa dalawa.
“Wala lang. Konting misunderstanding lang,” sagot naman ni Dana ng may tipid na ngiti sa mga labi.
“How about you? How’s the runaway trip with your boss?” pag-iiba ni Dana sa topic. Mukhang ayaw pag-usapan ang nangyari habang wala ako.
“It was fun. I met his little brother,” sagot ko sa kanya habang ang dalawa ko namang kaibigan ay mahinang tumatango.
“Did he pop your Bataan?” painosenteng tanong ni Dia. Habang si Dana ay tinataas baba ang mga kilay at parang excited na madinig ang sagot ko.
“W-walang nangyaring ganun. He didn’t pop my cherry or what,” nahihiyang sagot ko.
“Sanaol gentleman di tulad ng iba diyan sa tabi-tabi hayok maghakot ng babae,” tamad na sabat naman ni Elli. Kahit di niya sabihin kung sino ay alam namin kung sino ang tinutukoy niya. Ang kanyang mortal enemy ‘kuno’ na si Atlas.
Abala kami sa pagkukwentuhan ng biglang mag beep ang phone ko. Dalawang message ang magkasabay na natanggap ko. Pareho galing sa magkapatid na Kim.
From: Theous
Hey don’t forget to eat your lunch baby;)
From: Vlad
Can I call you ate?
Una kong nireplyan si Theous bago tawagan si Vlad.
To: Theous
You too. And don’t forget to rest when you get tired. Btw, Vlad wants to talk with me.
From: Theous
Inaagaw ka ng kapatid ko sa akin
Napangisi ako sa nabasa ko. Agad naman akong nagtipa.
To: Theous
Sayo lang ako. Sige na I’ll just talk with Vlad.
Pagkatapos magreply ni Theous ay tinawagan ko na si Vlad.
Masayang mukha ang bumungad sa akin. Agad namang nakiusyuso mga kaibigan ko.
“Wuy sino yan?” magakakasabay nilang tanong sa akin.
“He’s Vlad. Kapatid ni Theous,” tipid kong sagot.
“Hi cutie. I’m Dana you can call me ate or pwede din namang baby,” maharot na sabi ni Dana. Tsk mahilig talaga sa bata.
“Hi po Tita Dana,” bati ni Vlad sa kaibigan ko. Agad naman kaming nagtawanan sa tinawag neto kay Dana.
Inayos ko ang pagkakaset ng cellphone ko sa center table para makita kami ng maayos ni Vlad.
“Holy guacamole is that Dia Angelique ate Rhys?” gulat na tanong ni Vlad habang nanlalaki ang singkit netong mata at nakaturo sa gilid ko.
“Hi kiddo,” mahinhing bati ni Dia sa bata while waving her right hand.
“Omg! I’m going to tell Lexxus that I talked with her crush,” masiglang sabi ng bata.
“How are you Vlad?” I asked him. His happy face turned sad then he sighed.
“I’m missing you na ate Rhys,” he said while pouting his lips.
“He’s such a cutie. Kung wala lang akong Uri jinowa ko na yan kahit bata,” dinig kong bulong ni Dana sa aking gilid. Siniko ko naman ito at pinandilatan na para bang gusto kong ipahiwatig sa kanya na itigil kung ano man iniisip nito. Ngumiti naman pabalik sa akin ang aking kaibigan.
“Don’t worry Vlad I’ll visit you when I have free time after my flights,” pag kunswelo ko sa bata.
“We can go din naman pag hindi busy ang sched namin. Coz you know Vlad the more the merrier,” pag sang-ayon din ni Dia Angelique sa akin. Tumango din ang dalawa ko pang kaibigan at mas lalong nagliwanag ang mukha ni Vlad.
“Can I invite my friend too?” Vlad asked innocently. I just nodded as a response then smiled at him sweetly.
“Okay ate see you soon. I love you all,” he said. We also bid our goodbyes at him.
Silent filled the whole living room after the call.
“I want to have a son just like him,” Dana said while fidgeting. I can sense sadness in her voice. I know she’s worrying that she might not be able to give Exyr a child.
“Malay mo makagawa kayo ni Exyr,” pagpapagaan ko sa situation.
“Pag di nakagawa mag-ampon na lang or try IVF,”suhestiyon ni Elli kay Dana.
“If ayaw ni Exyr magmamadre na lang ako,” Dana said jokingly. Agad naman kaming umungot.
“Ulol. As if they will accept you. Papasok ka pa lang ng kumbento abo ka na,” natatawang turan ni Elli.
“Ang bait ko kaya,” Dana said while giving us a puppy eyes look.
Binato naman ni Elli si Dana ng throw pillow pero nakailag lamang ang dalaga.
“Hit me if you can baby ughhh,” tudyo pa ni Dana kay Elli. Shit di pa din nagbabago.
“Iwwwwww Dana stop that,” sabi pa ni Dia.
“What? As if you’re not moaning when you’re doing the nasty thing with your loved ones,” she said innocently. These time ako na ang bumato ng throw pillow kay Dana na nagtatago sa likod ng one seated high chair.
Nagbardagulan pa kami ng ilang minuto bago napagpasiyahang kumain.
Three months had passed and naging busy ako sa mga flights ko at ganun din si Theous. Busy ito sa pag manage ng TVK at sa expansion ng condominiums nilang magkakaibigan.
Minsan nagkikita kami ni Theous. We’re secretly dating in that three months. Walang ibang nakakaalam bukod sa mga kaibigan namin.
I was walking towards the café inside the TVK airlines when I bumped with my boss.
“Uhm H-hi Sir,” I greeted him while stammering. I moved aside just to give him enough space but he didn’t move.
He looked at me then he asked me, “Have you eaten?”
Sasagot na sana ako sa tanong niya nang biglang may sumabat mula sa likuran ko.
“Babe I was waiting for you at your office,” malanding turan ni Macy. She encircled her arms on Theous’ biceps the time she approached us.
“Oh Hi Rhys,” she greeted me with a cheeky smile then I just nodded as my response to her.
I can feel that Theous was staring at me like he was calculating my moves. Tsk, asa ka na magseselos ako sa inyong dalawa. I rolled my eyes mentally.
“Sir, Macy una na ako sa inyo,” paalam ko sa kanila di ko na inantay ang sagot nila at nag umpisa ng maglakad.
Pero imbis na magpatuloy sa pagpasok sa café ay lumihis ako ng landas. Naglakad ako palabas ng airline company. The moment I step outside the blazing sun meets me. Parang usto ko tuloy ng ice cream or anything basta malamig.
Pumara ako ng Taxi. Bago pa ako makapasok sa loob neto ay nadinig kong may tumawag sa pangalan ko. Pero dahil sa gusto ko nang makaalis sa lugar na ‘to ay ipinagsawalang bahala ko na lang kung sino man iyon at agaran ng pumasok sa loob.

Komento sa Aklat (30)

  • avatar
    Charls Dave Carbonel

    grabe naman yang igapus Nayan

    13/05/2025

      0
  • avatar
    Ch Ad

    good

    05/12/2024

      0
  • avatar
    Rosebelyn Bolesa Balla Aquino

    Maganda sya

    04/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata