Homepage/THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace/
Chapter 56
Maghuhubad na sana si Marcus ng kaniyang damit nang pigilan siya ng batang maharlika.
“Wag ka munang magmadali, Marcus. Kailangan sabay-sabay tayong magbabaliktad ng damit, para sabay din tayong makaalis dito. Hindi maaring magkahiwalay tayo.”
Tumango si Marcus nang mapagtantong tama ang sinabi ni Naro. Tumingin naman si Ezra kay Marcus, na parang may nais itong sabihin sa kaniya. Agad naman nakuha ni Marcus ang nais ni Ezra.
“Naro, kailangan natin tumalikod para makahubad ang mga prinsesa.”
“Sige, masusunod.” Tumalikod naman ang dalawang lalaki at nagsalita si Marcus.
“Pagbilang ko ng tatlo ay sabay-sabay tayong magbabaliktad ng damit natin, maliwanag ba?” ani niya sa maawtoridad na boses. Tila nagmimistula siyang lider ng grupo.
“Maliwanag!” sabay nilang tugon.
Pagkabilang na pagkabilang niya ay sabay nilang binaliktad ang kani-kanilang mga damit. At sa isang saglit ay tila tumigil ang oras, biglang nag-iba ang paligid, naririnig din nila ang huni ng mga ibon at iba’t-ibang uri ng tunog.
“Epektibo, Naro!” tuwang bulalas ni Marcus sa batang maharlika.
“Ang talino mo talaga, Naro,” ani naman ni Ezra.
“Walang ano man mga kaibigan.”
“Nasaan na ba tayo?” ani ni Adalyn.
“We’re in the valley, I guess,” ani naman ni Naro.
“Yeah, we are in the Valley. And perhaps we need to make a mark on the trees,” sambit naman ni Adamiah.
“A trace?”
“Sort of, Ezra.”
“Nice idea, shall we go?”
“Let’s go!” tuwang sambit ni Marcus.
Maaliwalas ang paligid, masarap ang simoy ng hangin, nang napatingin si Marcus sa dalagang naunang maglakad sa kaniya. Huminga siya nang malalim at lumihis ng tingin.
“Do you like her?” biglang napalingon si Marcus sa nagtanong sa kaniya. Si Naro na kasama niya sa paglalakad. At habang minamarkahan ang bawat puno na dinaraanan nila gamit ang mga bato.
“What are you talking about?” Ngumisi naman ang bata na napatingin sa kaniya.
“You’re not good at denial, bro. It’s obvious.”
“C’mon, Naro. Stop it.”
“Okay. But Ezra is a far more beautiful.”
“Yeah…She is,” sambit niya habang nakatingin sa dalaga.
“You’re inlove with her.”
“I’m not, Naro. Just shut up, okay?”
“Okay, Chill.”
Habang patuloy sila sa paglalakad, ay hindi maiwasan ni Ezra, na kabahan sa maaaring mangyari. Hindi nila alam ang daan pauwi at hindi nila alam kung may patutunguhan ba ang paglalakad nila.
“Saan ba ang hangganan ng lugar na ito?” tanong ni Adalyn.
“Ipanalangin na lang natin na may kabahayanan sa dulo nito, na maaari natin hingan ng tulong,” ani ni Marcus.
“Teka?”
Napatingin lahat ng kasama ni Naro nang magsalita ito. Pamilyar sa kaniya ang lugar na kanilang nilalakaran.
“Bakit, Naro?” tanong ni Ezra.
“Wala tayo sa kontinente ng Euro.”
“Ha?” sabay nilang tanong.
“Nasa Asya tayo. Hindi ako maaring magkamali,” ani ng bata.
“Hindi ko alam kung matutuwa ako, Naro, kasi ang bata mo pa para sa mga ganito. Kung magsalita ka ay parang kasing edad mo lang kami.”
“I’m old enough to know what’s going on. At isa pa, isa akong maharlika, dapat alam mo ‘yan, Prinsesa ng Tyre.”
“Yeah, I know. You’re right.”
“So, nasa Asya nga tayo, guys?” tanong naman ni Adamiah.
“I’m pretty sure, we are.”
“So, anong gagawin natin ngayon nandito tayo sa Asya?” tanong ni Ezra.
“Ibig bang sabihin nito hanggang dito ang kapangyarihan ng bruha?”
“Malamang dito niya tayo dinala para hindi tayo madaling mahanap.”
“So, where are we going now?” naiinip na tanong ni Adalyn.
“To the town. Pero hindi ko alam kung may baryo ba sa unahan nitong valley, ang sigurado lang eh, nasa Asya tayo.
“Magtatakip-silim na, baka abutan tayo ng dilim sa daan?” ani ni Ezra.
“Malamang aabutan tayo ng dilim, hindi naman natin alam ang patutunguhan natin,” nahihiyang sambit ni Macus kay Ezra. Hindi naman ‘yon nakaligtas sa mata ni Naro.
“Hmmm…”
“What?” tanong ni Marcus kay Naro.
“Na, Bro.” tugon ni Naro habang nakangiti nang nakakaloko.
“Stop it, Naro. You’re not helping.”
“Okay, chill, bro.”
Nagpatuloy sila sa paglalakad nang maabutan sila ng takip silim. Napatingin naman sila sa paligid na unti-unting binabalot ng dilim. Napahawak naman si Adalyn sa braso ni Ezra, napatingin naman si Ezra sa gawi niya. Nakita ng prinsesa ang takot sa mukha ng batang maharlika.
“Wag kang kabahan, Adalyn.”
“I can’t help it.”
Ilan sandali pa nabalot na ng dilim ang buong paligid at hindi na nila makita ang kabuuan ng lugar.
“Ang dilim, paano tayo nito magpapatuloy sa paglalakad?” tanong ni Naro.
“Siguro magpapalipas muna tayo dito,” ani naman ni Marcus na hindi rin alam ang gagawin.
“Teka? Naririnig niyo ang naririnig ko?” tanong ni Ezra.
“Ang alin?” halos na sabay nilang tanong.
“Tumahimik muna kayo at pakinggan ang mga huni.”
Agad naman tumahimik ang lahat at sabay nilang pinakinggan ang mga tunog. Sa bandang itaas kung saan sila nakapwesto ay may malakas na hangin na pumapagaspas. Na tila may malaking ibon na lumilipad. Napatingala sila sa itaas pero wala silang makitang ibon. Tanging mga tunog lamang ang kanilang naririg. Sa kabilang parti sa unahan ay may narinig silang umaangil na parang asong gutom na gutom.
“Sa tingin ko nasa Pilipinas tayo mga kasama,” ani ni Naro.
“Pilipinas? Malayong bansa ‘yon ‘di ba?”
“Oo. At sa Pilipinas lang makikita ang mga nilalang na tinatawag nilang aswang,”
“What are those?”
“Mga kumakain ng tao, Adalyn.”
“Ooh gossh. Nakaligtas nga tayo sa witch, pero parang hindi tayo makakaligtas sa mga aswang.”
“Ssssh… tahimik, guys,” saway ni Naro.
Mayamaya pa ay bilglang tumahimik ang paligid at hindi na nila naririnig ang mga tunog. Mas lalo naman kinabahan si Naro sa nangyayari. Kabisado niya ang mga aswang dahil na rin sa empluwensiya ng kaniyang lolo at lola na mga Pinoy.
“They are more aggressive when they are silent,”
“What?” pabulong nilang pag-uusap.
Magsasalita pa sana si Naro nang biglang may dumapong malaking bagay sa lupa. Bigla naman silang aalarma dahil hindi nila nakikita ang paligid.
“What’s happening?” takot na tanong ni Adalyn.
“I don’t know.” Pabulong na sagot ni Ezra.
Pinakiramdaman nila ang mga tunog sa paligid. Mayamaya pa ay biglang gumalaw ang malaking bagay na dumapo sa lupa. Samantala si marcus naman ay may kinukuhang bagay sa kaniyang bulsa. Nang nakuha na niya ang matigas na bagay ay biglang lumiwanag ang paligid.
“Ano ‘yan?” mahinang bulalas ni Naro.
“Mga bato ito na kumikinang na kinuha ko sa kweba. Naisip ko kasi na baka magagamit natin ito. Hindi nga ako nagkamali.”
Kinuha niya lahat ng bato sa kaniyang bulsa at pinasa sa kaniyang mga kasama. Bigla naman umalma ang mga nilalang sa paligid dahil sa liwanag na nagmumula sa mga bato.
“Ang bato ni Aliha, nakapyutan nila!” (Ang bato ni Aliha, nahawakan nila!) isang matinis na boses ang kanilang narinig. Itinaas naman nila ang mga bato para makita ang mga nilalang na kanina pa umaaligid sa kanila. Nang lumapat ang ilaw sa mga nilalang ay ganoon na lamang ang kanilang gulat nang makita nila ang mga ito.
Isang malaking tao, na may isang mata. Dalawang kalahating kabayo at tao, isang maliit na tao na may mahabang balbas. At isang malaking ibon. Napatulala silang lima. Bakas ang sindak sa kanilang mga mukha.
“Diin ninyo nakuha ang bato ni Aliha?” (Saan niyo nakuha ang bato ni Aliha?) maawtoridad na tanong ng maliit na tao. Hindi rin nila lubos maintindihan ang sinasabi nito dahil sa iba ang lenggwaheng ginagamit nila.
“Anong ginagawa niyo sa baryong ito?” tanong naman ng malaking tao na may isang mata. Hindi nila magawang sumagot dahil sa takot na nadarama nila.
“Sumagot kayo! Mga lapastangan!” ani ng maliit na tao.
“H-hindi rin namin alam, isang bruha ang nagdala sa amin dito, sa Asya. Galing kami sa malayong bansa,” sagot ni Naro.
“Kung hindi pa kami nakarating nang mas maaga ay paniguradong nalapa na kayo ng mga aswang na nakapaligid sa inyo at pinagmamasdan kayo,” ani ng malaking tao. Napalunok naman si Ezra dahil sa kilabot na nadarama.
“I-ibig sabihin ang mga huni kani-kanina lang ay huni ng mga aswang?” lakas loob na tanong ni Naro.
“Oo. Kung hindi pa kayo nakita ng ibon ko ay malamang patay na kayo,” saad ng maliit na tao.
“At siya nga pala, sinong bruha ang sinasabi niyo?”
“Hindi rin namin alam. Galing kami sa isang kweba kung saan nakuha namin ang mga batong ito, tapos tumakas kami. Pero paglabas namin ay tila paulit-ulit na lamang ang aming dinaraanan,” paliwang ni Marcus.
“Anong ginawa niyo para makatakas sa mahika ng bruha at nakalabas kayo sa daan na paulit-ulit?” tanong ng maliit na tao.
“Binaligtad namin ang amin mga damit,” ani naman ni Naro.
“Malamang ‘yon ang nagdala sa inyo dito, nabuksan ang lagusan dahil sa mahikang ginamit niyo ay mahika ng mga Sarano.”
“Pero hindi naman kami mga mangkukulam. Wala kaming alam sa paggamit ng mahika,” giit ni Naro.
“Isa kang bata na maraming alam sa kultura ng Asya at sa mga kurunungan ng mundo, ikaw rin ang nagsabi sa mga kaibigan mo na baligtarin ang mga damit nila, hindi ba? Kung hindi ako nagkakamali may lahi kang Sarano,” tanong ng malaking tao.
“Paano mo nalaman? At hindi ko pa alam na may lahi akong Sarano, Pinoy po ang Mama ko.”
“Nababasa ko ang hinaharap at kahapon ng isang nilalang, at alam kong may lahi kang Sarano at malamang hindi mo alam.”
Hindi naman makapagsalita si Naro sa natuklasan tungkol sa pagkatao niya.
“Alam ko rin kung bakit kayo dinukot at balak kayong ialay sa darating na kabuligan ng buwan. Nabibilang kayo sa matataas na lahi. Mga Maharlika ng Euro,” dagdag pa ng malaking tao.
Namangha sila sa kanilang narinig at hindi nila maiwasan ang mapanganga. Ngayon lamang sila nakakita ng mga ganitong nilalang.
-Witch in the Palace.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (228)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
HIGHLY RECOMMENDED 🧡🧡🧡
19/06/2022
0You have a nice and interesting story, I didn't know if this is complete already but I am still reading this, goodluck on your writing career!
06/12/2021
2Здесь нечего сказать 🤯👍
21/08/2025
0Tingnan Lahat