CHAPTER 7

“hi, baby girl!”tawag ng binata na may ngiti sa labi. Agad naka bawi si Bena mula sa pagkagukat hindi niya alam kung bakit kausap na ito ng kaniyang ina, pumasok naman si Bena pati narin ang kaniyang ama na sumusunod lang sakaniya “ikaw huh.. hindi mo man lang sinabi sa amin ng papa mo na may gwapong boyfriend kana pala.” Ani ng kaniyang ina ng makalapit na si Bena sa kaniya, agad naman napataas ang kilay ni Bena sa binata na mukhang tangang ngumingiti sa kaniya “hindi ko po siya boyfriend. “ sagot ni Bena nito na walang pagdadalawang isip habang hindi anaalis ang kaniyang mukha na parang walang emosyon “soon to be boyfriend niya po ako..” pagpaliwanag din sa binata na nagyon ay may nakakalokong ngiti hindi na matiis ni Bena ang ginagawa ng lalaki kaya lumapit siya nito at hinawakan ang kamay tsaka niya hinila palabas ng silid “babalik po ako ma, pa.. excuse lang po.” Aniya sa kaniyang mga magulang na ngayon ay mas nalilito dahil sa dalawa.
“ano bang trip mo huh?!” sigaw niya sa binata ng maka layo na sila sa kaniyang magulang “wala akong trip ginagawa ko lang naman kung ano ang gusto kong gawin. At tsaka hindi mo kasi ako ni replyan ka gabi kaya nag-alala ako at kanina din ay hindi mo din sinagot ang tawag ko sayo pinatayan mo po ako.” “anong reply yang sinasabi mo at tsaka anong tawag?” tanong niya pa nito “ouch!!” aniya ng binata na hinahawakan pa ang kaniyang sariling puso na parang nasasaktan sa sinabi ng dalaga. Muling napakunot ang noo ni Bena dahil hindi niya naintindihan kung ano ang sinasabi ni Marco “alam mo Marco nababaliw kana talaga.” Aniya nito “I know, kaya nga I’m Crazy in love with you.” Proud pa nitong sagot sa dalaga na may kasamang kindat at ngiti sa labi. Na siya namang ikataas ng kilay ni Bena aaminin niyang na e-excite siya sa simpling ginawa ni Marco ngunit hindi niya ito pinapahalata dahil nga ayaw niya nito, ngunit hindi niya din mapigilang mapangiti dahil sa kilig ng kaniyang nararamdaman “oh! You smile!” gulat na ani ng binata ng makitang ngumiti si Bena sa unang pagkakataon sa araw na ito. “smile mong mukha mo e- kung suntukin kaya kita!?” pagalit-galitan niyang ani sa lalaki na ikinatuwa naman nito “oo nga pala, bakit ka nandito sa ospital?” tanong niya nito na may pagtataka “huwag mong sabihing—sinunsundan mo ako?” pagpatuloy pa nito, agad naman nataranta si Marco sa tanong ng dalaga tsaka nag-iisip ng paraan para hindi mabuking “hindi huh?! Nag kataon lang kasi na nakita kita sa 1st floor,at tsaka may binisita lang ako dito.” Pasisinungaling niya nito dahil ang totoo ay sunusundan niya talaga ang babae mula sa restaurant ng Perez na nagkataon na may ka meet din siya sa lugar na iyon “,ayaw mo pa yun tinatadhana tayong dalawa mula pa noon at hanggang ngayon.” Pagbabanat niya nanaman nito , ngunit sa pagkakataon na ito ay naging seryoso na ang mukha ni Bena na nakatingin sa kaniya tsaka lang niya na pansin na may pagkahawig pala si Vince at ang binatang kaharap ngayon “kung wala lang sana ang mga tattoo niya sa katawan at mukha mapagkamalan ko pa siya si Vince” ani ni Bena sa sarili ngunit na isip niyang sobrang layo naman kung ganun lalo nat hindi niya naman talaga kilala si Vince sa personal.”may problema ba?” tanong ni Marco ng makitang tahimik lang nakatingin si Bena sa kaniya “oo sobra..” sagot ni Bena sa tanong ng binata na ikana alala namn nito “then, tell me so that I can help you” anito “no… hindi ko kailanagan ng tulong galing sa iyo Marco…marami ka ng nagawa para sa akin at marami ka na ding na gasto dahil sa akin kahit alam mong malabong sasagutin kita.. kaya pwede ba habang maaga pa ay lumayo ka na sa akin at babayaran din kita pag ok na ang lahat” sagot ni Bena nito hindi alam ni Marco kong ano ang kaniyang gagawin pero sobra siyang nasasaktan sa narinig mula sa dalaga gusto niya itong yakapin dahil alam naman niya na napapagod na ito dahil sa mga problema na naranasan nito ngayon, ngunit hindi niya magawa dahil natatakot din siya na baka masaktan nanaman ang dalaga sa kaniyang harapan. Akmang aalis na sana si Bena ng mahawakan ni Marco ang wrist nito at tsaka siya nag salita kung ano ang nasa kaniyang saluobin “yeah! You right ..” napayuko si Bena sa sagot ng Binata hindi niya inaasahan na mag give up agad ito pero sa tingin naman niya ay mas nakakabuti ito para sa binata, “but I told you before… I will never lose you again! Kaya gagawin ko ang gusto kong gawin… because I like you.” Anito tsaka umalis.
“Because I like you. Because I like you… because I like you” paulit-ulit itong naririnig ni Bena sa kaniyang tainga hindi niya alam kung bakit parang na stock ito sa sarili niyang ulo. Nasa kwarto na siya ngayon sa ospital at gabi na din sa pagkakataon na ito ay siya na lamang at ang kaniyang ina, pinapauwi niya kasi ang kaniyang ama para makapagpahinga din ito sa kanilang bahay,.. pumikit ulit si Bena at umaasa na sa pagkakataon na ito ay makatulog na siya ng mahimbing.
“alam ko na ang daming nangyari sa atin, madami na din tayong hindi magkakaunawaan pero sa pagkakataon na ito hayaan mo ako na sabihin sa iyo ang tunay kong naramdaman.” Nakita ni Bena kung gaano ka seryoso ang binatang nasa harap niya, aamin niyang sobra din siyang kinakabahan kung ano ang maaring sabihin ng binata at ramdam niyang mahal niya na ito; ngunit handa na ba siyang tanggapin ang masaktan kung sasabihin nitong may mahal na itong iba?” Bena…” anito tsaka ito tumingin ng madiin sa mga mata ni Bena at muling nagsalita “gusto kita—hindi… mahal na kita.! Sobra.” Pagpatuloy nito nalinawagan si Bena sa kaniyang naririnig mula sa binata sobra siyang nasisiyahan dahil nalaman niya na pareho lang pala sila ng nararamdaman ng binata “unang kita ko palang sa iyo ay alam kung iba na ang naramdaman ko para sa iyo pero hindi lang ako sigurado, kaya nagawa kong maipag date sa iba dahil nagugulohan ako Bena… pero ngayon na alam ko na ang damdamin ko ay gumawa ako na ng paraan para makausap ka.”patuloy na paliwanag ni Vince “kung hindi mo matanggap ang aking puso ay—“ anito ng makitang hindi makapagsalita ang dalaga at agad din itong naputol ng bigla siyang niyakap ng dalaga “gago…” mahinang sabi ng dalaga na nakayakap parin sa binata na siya namang ikinaligaya ng puso ng binata. Muli silang nagtinginang dalawa na may mga ngiti sa kanilang mga labi at tsaka binitawan ang isa’t-isa.
Ngayon ay nakaupo na sila pareho sa damuhan nasa lugar kasi sila ngayon kung saan lagi silang magkikita; pareho silang may mga ngiti sa labi at nakahawak pa ang kanilang mga kamay… “hindi ka ba natatakot?” tanong niya sa binata na ngayon ay pinagmasdan ang palubog na araw “natatakot saan?” tanong din nito pabalik “sa magulang ko?” “kung mamatakot man ako ay kung darating ang araw na hindi mo na ako mahal.” Sagot ng binata sa ngayon ay nakatingin na sa kaniya. “pano kung-- ikakasal ako sa iba?” tanong niya ulit “mahal mo ba?” anito, agad na payuko si Bena sa tanong nito at sabay kagat ng kaniyang labi, gusto lang naman niya malaman kung ano ang magiging sagot ng binata sa tanong niya mahal niya ang binata at napaka imposible din para sa kaniya na magkatuloyan sila nito dahil sa kaniya ding mga magulang. At isa pa ay hindi niya din pa masyadong kilala ang binata ngunit mas gusto niyang makasama ito sa ngayon at maranasan ang tunay na pagmamahal kahit minsan lang. “kung mahal mo na ay papalayain kita pero bago pa man mangyari iyon ay sisiguraduhin kung ipaglalaban kita kahit kanino.” Sagot nito sa kaniya “pwede naman tayong maging masaya hindi ba? at gagawin ang pangarap nating dalawa dahil mas magiging masaya o maging maligaya tayo kung pipiliin natin ang gusto natin gawin ” muling napatingin si Bena sa binata at tsaka siya ngumiti “tama ka pwede naman…” aniya sa kaniyang sarili “bakit pa natin pipiliin ang isang bagay na kung alam naman natin na imposible tayong maging masaya sa pilit nating piliin.” Anito sa kaniya na ngayon ay ninagmasdan parin ang araw.
Huminga ng malalim si Bena at tsaka siya pumikit naramdaman niya ang bawat hangin na dumapo sa kaniyang mga mukha. At sa pagkakataon na ito ay pakiramdam niya ay ligtas siya sa piling ng binata.
Dumilat si Bena at nakita niyang nasa ospital pa pala sila, tinignan niya ang kaniyang ina na ngayon ay tulog na tulog parin tinignan niya ang kaniyang cellphone at tsaka niya nakitang papa lowbat na pala ito dahil hindi niya ito na charge kanina at nakita niyang alas 11:00 pa ng gabi; bumangon si Bena upang I charge ang kaniyang cellphone at pagkatapos ay bumalik siya sa sofa ng kwarto malaki din kasi ito tulad ng kwarto na ginamit niya noong nakaraang araw. Maya-maya lang ay napaisip siya “bakit parang totoo?” aniya sa kaniyang sarili sabay hawak ng kaniyang dibdib aaminin niyang totoo ang kaniyang naramdaman para sa binata kahit alam niyang napaka imposible ang kaniyang naramdaman “. Napangiti siya ng di oras ng maalala ang magandang pangyayari sa buhay niya at kay Vince. “Vince… salamat.”aniya sa kaniyang sarili ulit kahit alam niyang hindi naman ito nangyari, pumikit siya ulit at nagbabakasakali na mapanaginipan niya ulit ang binata tulad ng nakaraang gabi. “sana totoo ka… at kung mangyayari pa man ito ay sana hindi na ako magising pa upang makasma pa kita.” Aniya sa kaniyang sarili dahil narin sa nasasawa na siya sakakaiyak ., naalala niya tuloy ang mga sinasabi ng babaing si aling Zhao. Muli siyang huminga ng malalim at nagpasiyang kalimutan nalang ang lahat ng sinabi ng babae.
Maagang pumasok si Bena sa Coffee Shop dahil siya ang mag open nito may susi kasi siya kaya hindi na mag-alala pa si Mr. Salvador kung paano bubuksan ni Bena ang store. Agad niyang inayos ang lahat ng mga gamit at tsaka niya na pansin na may text pala galing sa kanilang manager sa kaniyang cellphone. “Bena… suotin mo nalang ang bago mong uniforme at nameplate sa locker mo pang extra mo yun for sub. Hehehe.. PS T.Y!” napa ngiti nalang si Bena sa nabasa hindi niya inaasahan na mag e-effort pa ito para sa kaniya. “si sir talaga.” Aniya niya sa sarili habang papunta sa kaniyang locker; maya-maya ay agad bumungad sa kaniya ang isang magandang uniforme sa kaniyang harapan ng binuksan niya ang kaniyang locker may naka dikit pa itong nameplate na siya namang napalaki ng mata ni Bena habang nakanganga hindi niya inasaahan na magiging isa na din siyang ganap na Manager na coffee shop. “ehhhh…. Baka sinadya lang ito ni sir? Para kahit naman papaano e may naka assign dito na manager, Huwag ka ngang assumera Bena..” aniya ulit sa sarili na pini flick pa ang kaniyang sariling noo ng mahina.
Agad na pumunta si Bena sa banyo upang magbihis ngunit sa kabila ng kaaniyang pagbihis ay may naramdaman siyang kakaiba “may tao ba jan?” sigaw niyang patanong mula sa banyo, ngunit ganun nalang ang pagkakunot ng kaniyang noo ng wala siyang marinig na kahit anomang sagot mula sa labas napakibit balikat nalang siya nito dahil kung tutuusin ay hindi naman siya matatakutin kagaya ng kaniyang kapated na si Banjo.
Lumabas na si Bena upang ayosin ang kaniyang sarili at tsaka lang niya ng pansin kung bakit wala pa ang kaniyang mga kasamahan. “alas 6:50 na pero bakit parang wala pa sila Shin… hindi ba sila na confirm sa GC?” tanong niya sa sarili nangmakita ang oras sa kaniyang cellphone agad niya naman ito inilagay sa kaniyang bulsa at tsaka siya naglakad papalabas ng staff room . Pero nang makalabas na siya ng pintuan ay agad siyang nagulat sa kaniyang nakita na naging dahilan ng kaniyang pagiging emosyon “HAPPY BIRTHDAY AND CONGRATULATIONS!” Sigaw ng lahat ng kaniyang kasamahan sa trabaho. Sa totoo lang ay hindi niya alam na kaarawan niya na pala sino ba naman ang makaisip kung ang dami niya napagdaanan sa panahong ito, hindi mapigilan ni Bena na hindi mapaluha dahil kusa na itong nagsilabasan sa kaniyang mga mata agad naman lumapit ang kaniyang kaibigang si Emilyn upang yakapin ang kaibigan. “ano ka ba Bena? Kaarawan mo ngayon kaya huwag kang umiyak baka mapagkamalan pa kami na inaaway ka namin.” Anito na ikinatawa naman ng lahat.
Sobra siyang nasisisyahan sa araw na ito, buqwong buhay niya ngayon palang siya naka experience ng isang supresa na galing pa sa kaniyang mga kasamahan at kaibigan sari-sari ang kaniyang emosiyon sa araw na ito at pakiramdam ni Bena ay sapat na iyon para sabihin sa sarili na siya na yata ang pinaka ma swerting tao sa mundo dahil may mga kaibigan siyang totoo. Nalaman din ni Bena kaya wala silang pusok sa nakaraang araw ay dahil naghanda ang mga ito para sa supresa na gagawin nila sa dalaga ang totoo din niyan ay si Mr. Salvador pa ang nag plano upang maging successful ang lahat. At ngayon ay hindi nga sila na disappoint sa kanilang ginawa “maraming salamat talaga sa inyo nag abala pa kaya para dito.” Ani ni Bena sa mga ito. “ano kaba syempre isa ka kaya sa mga importante kung empliyado.” Ani naman ni Mr. Salvador sa kaniya tsaka na din naisip ni Bena na bakit may manager uniform na siya. “ehh- sir bat may uniforme po akong katulad niyo ehhh—hindi naman po ako nakapag tapos ng pag-aaral para maging manager?” tanong niya nito “ahh… gusto kasi ng boss natin na I promate ka bilang isang manager dahil na pansin niya kasi ng simula ng dumating ka dito sa coffee shop e ang dami ng taong pumarito at ang dami nating mga iba’t- ibang tao na pumunta dito para mag offer sayo ng trabaho but still you stay… ano nga ba ang dahilan Bena.?” Napayuko nalang si Bena sa huling sinabi ni Mr. Salvador, totoo naman kasi na hindi niya tinanggap ang mga taong nag offer sa kaniya bilang isang modelo dahil sa kagandahan niyang taglay ngunit dahil nga ay ayaw ng kaniyang ina na ma pansin din siya ng ibang tao ay inirespeto niya nalang ang gusto ng magulang kahit gusto sana ni Bena na maging isa sa mga sikat na modelo sa buong bansa.. “But.. Anyway congrats to you na manager ka na ngayon and thank you dahil hindi na ako mag problema sa mga Gawain.” Patuloy ng kaniyang manager na may pangbibiro upang hindi na maging awkward ang sitwasyon. Ngumiti na lang si Bena at napatingin sa mga kasamahan na abala sa kanilang ginagawa.
Natapos na ang duty ni Bena sa araw na ito, masaya siya buong araw at ganun din ang kaniyang mga kasamahan at kaibigan at syempre ay nababaguhan lang siya dahil walang nag text o tumawag sa kaniya na Marco upang kulitin siya… “sama nalang tayo.” Ani ni Juls nang makita ang kaibigan na papaalis na “ouh sige bah..” sagot naman ni Bena. “maam Bena Montes.” ani ni Juls sa dalaga “hoy! Ang weird kaya… “ nahihiyang sagot ni Bena sa kaibigan napatawa nalang ang mga kasamahan sa kaniyang sinabi at tsaka sila nagsimulang maglakad upang umuwi. “by the way, kumusta na pala kayo ni Marco?” biglang tanong ni Rose sa kaibigan habang kinakain ang natitira niyang pagkaing chocolate sa bag “wala namang kami.” Sagot niya nito “weeehhhh… ehh., diba nagkakayo na?” tanong na din ngayon ni Johanna. Ito ang unang pagkakataon kasing nagkasabay sila ng duty at pag out masaya ang kanilang nararamdaman bawat isa dahil sa una ding pagkakataon ay na supresa nila ang kanilang matalik na kaibigan. “oo nga naman kailan mo ba siya sasagutin Bena? Ehh.. mukhang seryoso naman si Marco sayo.” Ani naman ngayon ni Juls.. “wala akong balak… hindi ko naman siya gusto ehhhh.” Sagot niya nito “talaga? O sadyang iniisip mo lang ako kaya ayaw mo?” pagbibiro naman ni Emilyn ito. “hindi huh! Hindi ko lang talaga siya gusto.. “ depensa ni Bena nito “bakit may iba ka nabang gusto?” this time ay bigalng napaisip si Bena “sasabihin ko ba sa kanila na may jowa na ako?” tanong niya sa sarili “pano kung pagtawanan lang nila ako?” patuloy pa niya “o dikaya ay sasabihin nilang nababaliw ako?” “Bena?” tawag sa kaniya ni Emilyn agad siyang napa tingin naman nito “huh?” tanong niya “may tawag ka sa cellphone mo.” Agad na patingin si Bena sa Cellphone niya at nakita kung sino ang tumawag, huminga siya ng malalim at akmang sasagutin na sana ang tawag ng biglang namatay ito, gusto man niyang I block ang number na iyon dahil para sa kaniya sa twing makita lang niya ang numerong ito ay parang pasan niya ang buong mundo, mabigat ang kaniyang naramdaman lalo na at gusto pa ng ali ay makasal siya sa taong hindi niya gusto. “may problema ba kay aling Zhao?” tanong ni Emilyn ng makita na parang nagdadawang isip si Bena na sagutin ito “wa-wala naman..” pagsisinungaling ni Bena sa mga ito, ayaw niya kasing pati ito ay madadamay dahil lang sa kaniya. “sigurado ka?” pagsisigurado ito sakaniya na nakataaas pa ang kilay “oo nga ano kaba hehehe..” sagot niya nito at napansin na may nag text sa kaniya ngunit gusto man niya itong tingnan kung sino pero naisip niya na baka makita iyon ng kaibigan, “ok.” Agad na pahinga ng maluwag si Bena ng mapansin na parang naniniwala namn sakaniya si Emilyn “pansin ko lang bat ang ganda mo yata ngayon Rose?” pag iiba ng usapan ni Bena sa kaibigan para hindi na muling magtanon pa si Emilyn kilala pa naman niya ito.. masyado kasing makulit si Emilyn kaya inunahan niya na.
Agad na humiga si Bena sa katre niya, hindi niya na abotan ang kanilang ama sa bahay kaya alam niyang nasa ospital na ito ngayon upang magbantay sa asawa at hindi niya din nakita ang kapated sa bahay.. “malamang nasa ospital din iyon.. “ ani niya sa sarili, tinignan niya ang bintana ng kaniyang silid nakita niyang unti-unti narin dumidilim sa paligid. Bumangon siya upang e- on ang kanliang ilaw sa bahay at ng magawa niya narin ito ay muli siyang humiga at nakatulog.
“saan tayo pupunta?” tanong niya sa binata na ngayon ay nakahawak sa kaniyang kamay.. “ basta.” Sagot naman nito “oo! Huwag mo munang tangalin ang tali ok?” patuloy nito ng makita na gusto ni Bena na tangalin ang tali sa kaniyang mata dahil wala siyang nakita. “oo na ang kulit mo naman.” Taray niyang sagot sa binata tumawa naman ito sa ginawa ng kasintahan habang silay papasok sa isang lugar. “sigurado ka bang safe ito?” tanong niya nito “oo naman huwag kang mag-alala… pro-protektahan kita kahit na anong mangyari ok?” napangiti naman siya sa naging sagot ng binata hindi niya kasi inaasahan na may supresa din pala ang lalaki “ok pwede mo ng tangalin.” At tulad nga ng sinabi ng binata ay tinanggal niya ang tali at tsaka niya napansin na maganda ang lugar na pinili ng nobyo.. “surprise!” anito “para saan ito” tanong niya nito “birthday gift ko sayo. Alam ko kasi na tapos na ang kaarawan mo pero dahil hindi tayo ng kasama sa panahong iyo ay naisip ko na bumawi sa iyo.” Sagot ng binata muling ngumiti si Bena sa kaniyang narinig mula sa nobyo kaya yumakap siya nito “salamat.” Ngumiti naman si Vince at tska siya niyakap din nito. Kung saan- saan na din sila pumupunta ni Vince at masasabi niyang siya na yata ang pinaka masayang babae sa mundo dahil sa binata.
Napabalikwas ng bangon si Bena ng marinig niya ang malakas na tunog mula sa kaniyang ulohan at tsaka niya na alala na may text pala siya galing sa ali. ‘Bena my dear.. don’t forget our deal huh.. I’m waiting.!” Anito sa text napapikit nalang si Bena sa nabasa hindi niya kayang pakasalan ang taong hindi niya mahal at para sa kaniya ay kung gagawin niya iyon ay para na din niya niloko si Vince kahit na hindi ito totoo. Hindi niya na din tinignan pa ang iba pang mga text ayaw niyang mainis sa araw na ito dahil nga ay kaarawan niya, isinubsub niya ang kaniyang sarili at nag desisyon na matulog ulit total ay nakabihis na naman siya.

Komento sa Aklat (89)

  • avatar
    pelaezxainna ryza l.

    wow wonderful story.I know the ending is Her father is the misterios guy

    21/01/2022

      4
  • avatar
    abesochel

    keep going its nice to read your storys im looking forward for your other story

    19/01/2022

      5
  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06/2024

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata