Homepage/She's dating with a mysterious man/
CHAPTER 6
Nakahiga na ngayon si Bena sa kaniyang katre nag-iisa siya ngayon dahil nasa labas pa ang kaniyang mga magulang at kapated na si Banjo hindi niya maiwasan na isipin ang sinabi sa kaniya ng babaing naghuhula sa kaniya, nalaman nila din ni Emilyn na tita pala iyon ni Juls galing probinsya kaya hindi nila ito kilala “ahhh.. si Moni ba?, siya din ang nag hula sa akin noong kabataan namin, nung una hindi ako naniwala… pero nung nangyari na ang hinula niya sa akin na magkakaasawa ako ng taga ibang lugar at magkaanak ng kambal ay tsaka na lang ako naniwala sa mga hula-hula… minana niya kasi iyon sa nanay niyang namayapa na..” ani ni aling Maring sa alala ni Bena, pumikit si Bena upang e-relax ang sarili at tsaka ito huminga ng mas malalim. “ba’t parang gusto ko pang malaman ang ibig niyang sabihin?” tanong niya sa sarili “hay… nako Bena itutulog na lang natin ito.!” Ani niya ulit muli niyang binuksan ang kaniyang mga mata hindi siya makatulog dahil ang daming gumugulo sa kaniyang isipan ngayon. Tsaka niya itinaas ang kaniyang mga paa na para siyang bata na naglalaro sa kaniyang sarili, maya-maya lang ay bumangon siya upang uminom ng tubig sa kusina at tsaka niya nakitang nakahandusay na pala ang kaniyang ina na mag isa sa sahig nila nanlaki ang kaniyang mga mata sa nakita agad siyang lumapit nito at ginising ang ina “ma?” aniya “ma.. gumising ka please pag mamakawa niya pa nito, ngunit anong gawin niya ay wala talaga itong malay “pa! si mama!” tawag niya sa kaniyang ama na ngayon ay nagmamadaling umakyat sa kusina galing sa labas kasama ang anak na lalaki dahil sa pagsigaw ni Bena na kanilang narinig agad itong binuhat ang asawa at natataranta naman si Bena kung ano ang dapat niyang gawin “tawagin mo si pareng Tonio dali!” ani ng kaniyang ama kay Banjo tsaka ito lumabas ng kusina agad naman ginawa ni Banjo ang sinabi ng ama napaluha nalang si Bena sa kaniyang natuklasan hindi niya kasi inaasahan na mangyayari ang kaniyang tinatatakutan ng makita nilang may dumating na malaking sasakyan mula sa barangay ay agad silang sumama nito para isugod sa hospital ang ina.
“Pa, magpahinga ka muna ako nalang po dito.” Ani niya sa kaniyang ama na ngayon ay sobrang nag-alala sa asawang walang malay na nakahiga sa tabi nila “hindi kaya ko pa naman anak eh.. at isa pa ikaw yung walang pahinga galing ka kayang trabaho kaya kayang-kaya ni papa ito ok?” lakas loob pa nitong sagot sa kaniya napaluha nalang si Bena dahil dito hindi siya handa sa ano mang resulta ng test sa kaniyang ina kulang pa naman ang kaniyang naipon sa kaniyang alakansiya para sa gamot at pagkain araw-araw at bukod pa doon ay may malaki pa silang utang sa pamilya ni Cloy. “ba’t ka naman umiiyak ano ka ba naman anak?” tanong ng kaniyang ama nang makitang tumutulo na ang kaniyang mga luha mula sa mga mata “wala lang po ito pa…” sagot niya nito upang hindi na siya kulitin nito, pansin niyang hindi naman siya kinukulit nito di tulad ng dati iniisip niyang baka nga dahil masakit din para sa kaniyang ama makitang walang malay ang asawa sa tabi. “may… sakit ba si mama pa?” tanong niya sa ama ng maisip niyang parang may tinatago ng kaniyang mga magulang na hindi niya dapat malaman “hindi ko alam…” maikling sagot naman ng kaniyang ama na nakatingin parin sa asawa “ba’t hindi niyo alam?” tanong niya ulit nito, huminga ng maluwag ang lalaki tsaka ito nag patuloy “hindi nagsasabi si Agnes kung ano ang nararamdaman niya, hindi niya din initindi ang mga sakit niyang naramdaman… pasensya kana anak ang sama kung ama at asawa para sa inyo dahil hindi ko man lang alam kung ano ang naramdaman sa mama niyo.” Anito na nagsimula ng umiyak napakagat labi nalang si Bena hindi niya din kasi ang alam kung ano ang nararamdaman ng kanilang ina. Maya-maya lang ay napagdesisyonan niyang pumunta sa waiting area at doon mag bantay total ay malapit lang naman iyon sa pwesto kung saan naka pwesto ang kaniyang ina. Tinabihan niya ang kaniyang kapated na ngayon ay malalim ang iniisip. “pano kung may sakit pala si mama na hindi niya sinabi sa atin ate?” anito sa kaniya “tapos ka naba sa project mo?” tanong niya sa kapated dahil ayaw niyang pag usapan ang nangyari grade 12 na kasi si Banjo kaya madami din itong kailangang gawin para sa pag-aaral nito at marami ding project na kailangang taposin. “ayan ka na naman eh.. nag iiba ka nanaman ng usapan.” Inis nitong sagot sa kaniya “kung pwede sana mag part time nalang din ako…” agad na patingin si Bena nito ayaw niya kasing nahahati ang oras ng kapated dahil sa pag-aaral at pag pa-part time, gusto niya kasing nakatuon lang ito sa pag-aaral lalo na’t matalino din ito “Banjo! Alam mo naman diba… kaya ko naman ang lahat gagawin ko ito ng paraan para sa atin kaya huwag mo ng alalahanin ito ok?” paliwanag niya nito “at tsaka mag fucos ka nalang sa pag-aaral dahil malapit na ang exam niyo” patuloy pa niya agad namang tumango ang lalaki sa sinabi ng kapated may tiwala naman ito sa kaniya ngunit na isip din nito na si Bena nalang ang gumawa ng lahat para sa kanila “di bale ate, pag nakapagtapos na ako sisiguraduhin kong hindi na tayo maghihirap pa,” agad napangiti si Bena sa sinabi nito hindi niya akalain na maging panatag ang kaniyang kalooban sa sinabi ng kapated.
“ahhh.. excuse me-“ sabay silang na palingon sa taong nagsasalita nakita ni Bena ang kaibigang si Norman sa tabi nila ito kasi ang assign doktor para sa nanay niya “dok- este Norman, anong resulta?” tanong niya nito sabay tayo “ahhmmm.. pano ko ba sasabihin ‘to sayo…” anito na siyang nakapagkaba ni Bena dahil sa expressiong pinakita ng binata sa kaniya. “Bena… may Cancer ang mama mo—it’s a brain cancer” agad na walan ng balanse si Bena ng marinig niya ang resulta hindi niya mapigilan ang mga luha sa kaniyang mga mata agad naman siyang inalalayan nila Norman at Banjo upang makatayo siya ng maayos habang pinipigilan ni Banjo naman ang kaniyang mga luha “Bena stage 2 palang naman iyon kaya pwede pa nating mapagamot ang mama mo.” Patuloy ni Norman “magkano ba ang magasto Nor?” tanong niya ngunit imbes na sumagot sa tanong ng dalaga ay iba ang sinasabi nito “huwag kang mag-alala nandito naman kami para tulungan ka” anito sa kaniya. Napapikit nalang si Bena sa sinabi ng binata hindi niya kayang balewalain ang gagastuhin para sa ina dahil karapatan niyang malaman ang lahat. “Nor please…” pagmamakawa niya nito,huminga ng malalim si Norman tsaka ito tumingin sa dalaga “almost 80,000 pesos.”
Hindi na makatulog si Bena dahil sakakaisip niya kung saan ngaba siya kukuha ng perang ganoon kalaki ang halaga… kung ang na ipon lang naman niya para sa pag-aaral ng kaniyang kapated ay kulang pa… napa hilam-os siya sa kaniyang kamay, tsaka siya himinga ng malalim tinigna niya ang txt galing sa mga kaibigan at tsaka binasa lahat ito ay walang alam kung ano ang nangyari sa ina ni Bena “wala pala tayong duty bukas nakalimutan kung sabihin sayo… hehehe, goodnight!” basa niyang txt galing kay Juls… “Bena, magpahinga ka ng mabuti huuh… at tsaka ‘wag ka ng mag papagod… sarado pala ang coffe shop bukas kaya mag pahinga ka muna.” Txt naman kay Rose.. yung iba ay pare-pareho lang kaya hindi niya na ito binasa pa, tinigna niya ang oras and its already 2:30 am. Pero hindi parin siya dinadalaw ng antok tinignan niya ang kapated niyang mahimbing natutulog na katabi niya lang at tsaka siya ngumiti ng mapait “maging maayos din ang lahat pangako.” Anito
“Bena…” rinig niyang ani ng isang boses lalaki napaka pamilyar ito sa kaniya kaya agad siyang napatingin nito at nakita niya ang binatang may pag-alala. “Bena, galit ka ba sa akin?” tanong ng binatang lumalapit sa kaniya at tsaka hinawakan ang kaniyang mga kamay, alam ni Bena na sa pagkakataon na ito ay dinadala nanaman siya ng kaniyang panaginip sa lugar kung saan mistoryoso sa kaniya may mga marami bulaklak tulad nang dati nilang pinuntahan. “hi-hindi naman…” sagot niya sa binatang ngayon ay hindi parin mawawala ang pag-alala. “kung ganun ay bakit hindi ka dumating sa kahapon?” tanong nito na nakahawak parin ang kamay “ang kamay ko Vince”aniya ng mapansin na nakahawak parin ang binata “ahh- pasensiya na..” masyadong awkward para sa kanila ang pangyayari huling kita kasi ni Bena nito ay may kasama itong magandang babae sa parke. “ahhmm… maaari ko bang malaman kung bakit Bena?” tanong ulit ng binata ng mapansin na hindi sinagot ng dalaga ang tanong niya nito. “may—may nangyari lang,” maikli niyang sagot sa binata na may pag- aalinlanagan “ganun ba…” anito tsaka into ngumiti “kung ano man iyon sana ay magiging ok na…” patuloy pa nito, agad na patingin si Bena kay Vince hindi niya alam kung bakit parang pakiramdam niya ay alam nito ang sitwasyong meroon siya ngayon, aaminin niyang iba ang kaniyang nararamdaman sa binata pag ito ang kasama niya hindi katulad ng ibang tao… at aaminin niya din na ngayon lang niya ito nararamdaman, biglang tumibok ng malakas ang kaniyang puso ng mapansin niyang nakahawak nanaman pala ang binata sa kaniyang mga kamay. Hindi niya mapigilana ang kaniyang sarili na mapamula at mapangiti sa ginawa ng binata aaminin niyang kinikilig siya sa simpling bagay pag dating kay Vince “ito na ba ang tinatawag nilang pag-ibig?” tanong niya sa kaniyang sa sarili.
“ate…” napamulat si Bena sa kaniyang mga mata dahil kay Banjo na ngayon ay parang natataranta agad naman bumangon si Bena na may kaba sa kaniyang nararamdaman dahil nito. “ba-bakit? May nangyari ba?” tanong niya agad sa kapated tsaka niya napansin na maliwanag na pala sa labas ng ospital, binalik niya ang kaniyang tingin sa kapated na may pag-alala.. “ate—may natanggap akong txt galing kay aling Zhao.. yung bayad daw natin ate… 5 buwan na nating hindi iyon na bayaran, anong gagawin natin?” ani ni Banjo na siya na mang nakapagpahina pa kay Bena.. “’huwag kang mag-alala ako na ang bahala niyan.” Sagot naman ni Bena ngunit hindi ito na gustuhan ni Banjo pero wala naman ito magawa dahil kung magagalit siya ay mas pinalaki niya lang ang problema at bukod pa doon ay hindi naman siya ang magiging panalo sa kanilang dalawa. “pahingi nga akong number ni aling Zhao.” Ani niya nito agad naman siyang binigyan ng kapated at tsaka niya ito tinawagan “hello po, aling Zhao.” Panimula niyang bati sa kausap sa cellphone. “hello sino to?” tanong naman sa kausap ng makita nito na hindi naka save ang numerong tumawag sa kaniya. “si Bena po ‘to” pagpakilala ni Bena sa ali “oh…Bena napatawag ka ata.. ahh! Oo nga pala gusto ko kasing makausap ka sa personal pwede bang pumunta ka na lang dito sa restaurant namin nandito kasi ako at tsaka madami tayong pag-uusapan.” Anito “po? Pero—“ agad namang naputol ang kaniyang dapat sabihin ng pinatay ng ali ang kanilang tawag aaminin ni Benang na iinis siya nito ngunit wala siyang karapatan para inisan ang taong pinag utangan nila. Agad naman siyang pumunta sa banyo sa ospital at nag hilamos gusto man niyang maligo ngunit hindi pwede lalo na’t kunti lang ang kaniyang tulog. “ate saan ka pupunta?” tanong ni Banjo ng makitang nagmamadaling umalis si Bena, “sa restuarant nila Cloy makiusap muna ako ni aling Zhao.”sagot pa nito
Napahangad si Bena sa isang restaurant aaminin niyang hindi man ito gaano ka sikat sa buong city pero maganda ang nasa loob nito at malaki din ito may dalawa itong floor at sa tingin niya ay nandoon ang opisina ni mrs. Zhao.. “excuse me, pwede po bang magtanong?” ani niya sa isang babaing naka uniporme ng black dress at makikita mong nag tratrabaho ito dito dahil sa suot at makapal na make up peri-pareho lang kasi ang mga make up ng mga babaing nagtratrabo dito “ano po iyon.” Sagot naman ng babae na halos kumikinang ang mga mata ng makita si Bena, pakiramdam naman ni Bena ay sobra siyang na a-akward sa ginawa ng kausap “ahh..mmm.—nandito po ba si mrs. Zhao?” she ask agad namang napalunot ng noo ang babae hindi nito alam kung bakit sa lahat pa naman ng pwede nitong tanungin ay siya pa… naiinis kasi ito dahil sa dami ng pinagawa ng kaniyang among mataba, maya-maya lang ay tinignan niya si Bena ng mabuti anaamin niyang maganda ang dalaga at masimpli kahit walang make up ito ay mas umaapaw naman ang mapupulang labi nito at pisnge “miss?” agad naman itong bumalik sa katinuan “ay! Sorry ahhh.. nasa taas po si mrs. Perez pumasok nalang po kayo doon. At tsaka-“anito ng may maalala “kayo po ba si Ms. Benadeth Montes?” tanong ng babae nangmaalala na kaya pala siya nasa pintuan ng restaurant ay dahil ito ang pang 20th na pakiusap ng kanilang boss sa kaniya kaya hindi niya na masyadong nagagawa ang kaniyang trabaho sa araw na ito. “ahh.. oo.” Ngiting sagot naman ni Bena “ahhh! Ganun po ba hali po kayo at sumunod nalang po kayo sa akin.” Anito.
Sumunod naman si Bena sa sinabi ng babaeng nasa harapan na niya ngayon maya-maya lang ay sumakay sila ng elevator at nakita niyang sa 2th floor sila pupunta “tama nga ako dito nga ang opisina ni aling Zhao.”anito sa kaniyang sarili nang dumating na sila sa harapan ng malaking silid ay kumatok ang babae niyang kasama ng ika-tatlo at tsaka niya narinig ang boses ng babae “come in.”anito mula sa loob ng silid, pumasok naman si Bena at agad na nagpasalamat sa babaeng tumulong sa kaniya na papaalis at ngumiti naman ito sa kaniya ng matamis “oh! My Bena come seat.” Ani agad ng babaeng mataba ng makita si Bena aaminin ni Bena na parang may mali sa araw na ito hindi nya alam pero masama ang pakiramdam niya sa babaeng nasa harap niya na “maraming salamat po.”aniya naman niya tsaka umupo sa malambot at malaking sofa “oh! I heard about your situation right now, hindi ko naman alam na may sakit na pala ang nanay mo,” anito ng babae tsaka ito umupo din sa sofa “sino ba naman ang makaalam hindi ba? Bena?” patuloy pa nito hindi naman agad nakapagsalita si Bena dahil gusto niya munang dinggin kung ano man ang nais iparating ng babae sa kaniya. “eh- you know Bena kailangan ko rin naman ang pera sa ngayon kaya gusto ko na bumayad na kayo sa utang ng pamilya mo., matitiis mo ba ako ehh.. hindi na sumisikat tong restaurant kong ito.” Patuloy pa ng babae “at tsaka alam mo naman hindi? Sa laki ba naman ng utang ng tatay mo sa akin ehh.. alam ko naman na hindi mo agad iyon mababayaran…”anito na siya namang napayukom si Bena sa sinabi ng kausap “ano po bang—gusto niyong iparating sa akin aling Zhao?” tanong ni Bena nito para mas maintindihan niya pa ang ang iparating ng ali sa kaniya. “well—actually I want you to marry my son, Cloy.” Agad napanganga si Bena sa sinabi ng kausap hindi man lang ito nagdadalawang isip na sabihin ang gusto niyang iparating sa dalaga. And Bena never thought na maabot sa ganito ang kaniyang paghihirap. Agad naman siyang nakabawi sa gulat at muling nagsalita. “gusto niyong pakasalan ko ang anak niyo?” tanong niya nito “yes! I want you to marry my son as soon as possible. Alam mo na mahirap ng makakita ng isang katulad mo Bena para naman kahit papaano eh, bumalik na ang magagandang lahi naming mga Perez.” Pagpaliwanag ng babae nito sa kaniya. Napakuyom si Bena sa kaniyang narinig gusto niyang sampalin ang ginang sa kaniyang harapan upang bumalik ito sa katinuan ngunit hindi niya ito kayang gawin bumuntong huminga muna siya upang ma e-relax ang sarili. “and of course tutulungan pa kita para sa pamilya mo at i-fully paid ko pa ang utang niyo hindi lang sa akin kung di pati narin sa ibang pinag-utangan ng tatay mo at sempre ako na ang sasagot sa lahat ng gastusin ng pamilya mo.” Pagpatuloy pa nito “akala ko ba ay kailangan niyo din ng pera ngayon para sa restaurant niyo?at tsaka bakit niyo po ginawa ito?” she finally ask, ngumiti naman ang ginang at sabay salita “dahil alam ko naman na may gusto ang anak kong si Cloy sayo dati pa, at i know na alam mo din iyan, gusto kong maging masaya ang bugtong kong anak at inaamin ko din na natatakot ako na baka mapunta ka sa ibang tao so, I decided na—“ “kaya mo ba pinautang sina mama ng malaking halaga para dito?” pagpuputol ni Bena sa ginang hindi niya na kayang pigilan ang inis na kaniyang nararamdaman buong akala niya ay mabuti ang intensiyon nito sa kanila ngunit nagkakamali siya ng pagkilala ng ali sobra na siyang namumula sa galit. “to be honest yes! Ibang-iba ka sa nakilala kong babae Bena at special ka para sa amin ng pamilya ko” sagot nito sa kaniya, tumayo si Bena at tumalikod ayaw niya ng marinig pa ang sasabihin ng ali sobra siyang na disappoint sa babaeng kausap niya “sobra po kayong selfish alam niyo po iyon. hindi niyo man lang alamin kung ano ang damdamin ng iba.” Aniya nito ngunit akala niya ay hindi na ito magsasalita pa pero sa sandaling iyon ay napahinto na lang siya sa pag akmang aalis “ok fine! Kung ayaw mo madali rin naman akong kausap Bena, ‘wag ka lang magugulat kung may mga pulis ang susundo sa tatay mo bukas Bena… just mark my words… and by the way, pag- isipan mo yan ng mabuti malaki pa naman ang perang kailangon ng mama mo for medicines and operation.” Ani ng ginang na may ngiti sa labi na siya namang napakagat labi si Bena at nagyukom sa sarili niyang kamay. Gusto na niyang umalis sa mala impernong lugar kaya hindi siya humarap sa babae,. “aalis na po ako.” Pagpapaalam niya nito at tsaka nag patuloy sa paglalakad, ayaw niya ng makita ang babaeng ito dahil para sa kaniya ay mas dinagdagan pa ng ginang ang kaniyang problema. Sino ba namang taong papatol sa anak nitong si Cloy ehhh.. halos yata ng ayaw niya ay na kay Cloy. Nang makalabas na siya sa lugar ay agad siyang napatingin sa kaniyang cellphone ng marinig niyang may tumawag sa kaniya nang makita niya naman ito ay pinatay niya agad ang tawag dahil hindi niya naman ito kilala at unknown number ang naka lagay. Mas kumunot ang noo ni Bena ng makita niyang tumatawag nanaman ito kaya pinatay niya ito ulit at dahil sobra siyang naiinis ay pinatay niya ulit ang tumawag sa pangatlong pagkakataon ng hindi man lang niya tinignan kung sino ang tumawag ng mag ring na naman ang kaniyang cellphone ay galit na niyang sinagot ang tawag na walang pagdadawang isip “KUNG SINO KAMANG HAYOP KA AY HUWAG NA HUWAG KA NG TUMAWAG SA KIN KUNG HINDI NAMAN KITA KILALA!!” Sigaw niya sa cellphone ngunit mas na gulat pa siya ng marinig niya ang boses ng kausap. “wow! Bena its me… Mr. Salvador…” nanlaki ang mga mata ni Bena ng inilayo niya sa tainga ang cellphone at tinignan ang screen ng kaniyang cellphone mas sobra siyang na mumula ngayon hindi dahil sa inis kung di dahil sa hiya ng kaniyang nararamdaman, ito kasi ang unang beses na mapasigaw sya sa galit at worst pa ay sa Manager pa niya ito na sumbat. “nako po! Pasensiya na… hindi ko po kasi alam na kayo po ang tumawag ngayon.” Paliwanag niya nito, buti naman ang nauunawaan siya nito “its ok I know..” rinig niyang sagot sa kausap “bakit po ba kayo napatawag sir?” tanong niya sa lalaki na hanggang ngayon ay malakas parin ang kaba sa dibdib niya.” “ahh! Yes .. I just want to ask you kung makaka duty ka ba tomorrow may gagawin kasi ako bukas kaya kung pwede sana ay ikaw muna ang handle sa coffee shop.”pagpapaliwanag nito sa kaniya “ahh.. yes po makaka duty po ako.” Agad niyang sagot sa kausap si Bena lang kasi ang laging pina handle sa coffee shop kung wala ito nasanay na din ang mga kasamahan niya kaya hindi ito gumagawa ng malisya. “are you sure? Baka kasi hindi ka pa ok kasi nga galing ka pang ospital.” Pagsisiguro nito sa kaniya. “ok lang po ako huwag po kayong mag-alala.”sagot niya naman na kausap “that’s good then.. and by the way Bena, nakakatakot ka pala pag nagagalit.”anito ng kausap sabaay tawa pa nito na siya namang dahilan na magmumula ulit sa mukha ng dalaga “sir naman. “ “hahaha.. don’t worry hindi ko yan ipagkakalat” rinig niyang ani ng kaniyang kausap sa cellphone tsaka ito binaba ang tawag bumuntong huminga si Bena tsaka niya tinanaw ang buong paligid ng syudad at nagpasyang umalis sa kinatayuan.
“pa!” tawag ni Bena sa isang lalaki na papaalis ng banyo, aaminin niyang masyado na siyang nalilito dahil sa mga pangyayari at bakit hindi man lang ito nagsasabi sa kaniya ng mga problema. “oh! Anak nandiyan ka pala?” ani ng matanda ng makitang nakatayo lamang si Bena sa isang sulok sa tabi ng pintuan ng CR “pwede po ba tayong mag-usap?” tanong niya sa lalaki na ngayon ay papalapit sa kaniya “oo naman,” sagot naman nito. Huminga muna si Bena ng malalim at tsaka nagsalita “magkano po ba ang utang niyo ni mama kay aling Zhao?” panimula niyang tanong sa may edad na lalaki pero imbes sa sagutin nito ang kaniyang tanong ay mas pinili nitong mag-iba ng usapan “wala ka bang pasok ngayon? Pwede mo naman kaming iwan dito at ako na ang magbabantay sa mama mo.” Anito “Pa!” napaiyak nalang si Bena sa ginagawa ng kaniyang ama alam naman niya kung bakit hindi ito sumagot sa kaniyang tanong at naintindihan niya iyon , pero mas nangingibabaw sa kaniya na malaman ang totoo lalo na’t buhay niya ang nakataya sa utang ng kaniyang mga magulang, agad namang napayuko ang kaniyang ama ng maramdaman nitong nahihirapan na si Bena sa mga sitwasyon lalo na at ito lang ang nagbibigay sa kanilang mga pangangailangan araw-araw. Narinig niyang humihikbi na si Bena kaya pumikit si mang Corning tsaka ng salita “50,000 pesos.” Anito sabay kagat ng kaniyang labi at tsaka tumingin sa dalagang kaharap, napahagulgol nalang si Bena sa kaniyang narinig hindi niya inaasahan na malaki na pala ang kanilang utang sa ginang ang buong akala niya ay hindi ito lumalampas ng 10,000 pesos dahil kada buwan naman siya bumabayad sa utang, nanghihina si Bena pakiramdam niya ay wala na siyang lakas na tumayo kaya napaupo nalang siya sa sahig “anak…” tawag sa kaniya ng kaniyang ama ngunit hindi niya ito pinapansin, may mga tao naring dumadaan sa kanila ngunit hindi parin siya tumatayo at hinayaan ang kung ano man ang sinasabi ng iba. Kaya pinili narin ng kaniyang ama na samahan siya dito; maya-maya lang ay nagawa niya ring tumayo at pinunasan ang kaniyang mga luha. At tsaka siya nagtanong ulit kasi gusto niyang malaman kung bakit umaabot sa ganun kalaki ang kanilang utang at pinaliwanag naman sa kaniyang ama kung bakit tsaka niya na intindihan ang lahat may sakit pala ang kanilang lola sa Cebu kaya kailangan ng pera para maipagamot at nalaman din niya na bago lang din iyon nangyari pero hindi lang masabi-sabi ng kaniyang mga magulang sa kaniya dahil nag-alala din ang mga ito sa kalusugan ng mga anak lalong-lalo na kay Bena. Bumalik sila Bena sa silid ng kaniya ina kasama ang kaniyang ama ng dumating naman sila doon ay nakita nilang wala na doon ang ina sa public na silid agad silang nataranta at pinuntahan ang nurse information para itanong kung nasaan ang ina. “ahhh.. si Mrs. Agnes Montes ba kamo? Inilipat siya ng private room kababago lang.” sagot ng isa sa mga nurse “pero bakit po? Ehh—hindi naman po namin kaya ang private.” Ani ni Bena “may dumating kasi dito kanina ang sabi eh, boyfriend daw siya ng anak ng pasyente…” sagot nito sa kaniya na may ngiti sa labi nagtataka naman si Bena kung sino ang tinutukoy nito ngunit sa isip niya ay baka si Cloy ang tinutukoy ng babae. “anong number na po ba?” she ask “ahhh- room 405 po maam sa 4th floor” agad namang umalis si Bena kasama ang kaniyang ama papunta sa kwarto kung saan nandoon ang kaniyang ina, aaminin niyang sobra siyang kinakabahanpero hindi niya naman din alam kung bakit, nang nasa harap na siya ng pintuan ay agad niyang binuksan ito at agad namang nanlaki ang kaniyang mga mata ng makita kung sino ang kasama ng ina. “hi, baby girl!”tawag ng binata na may ngiti sa labi.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (89)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
wow wonderful story.I know the ending is Her father is the misterios guy
21/01/2022
4keep going its nice to read your storys im looking forward for your other story
19/01/2022
5nice
06/06/2024
1Tingnan Lahat