CHAPTER 5

“Norman, sigurado ka bang overwork lang ang dahilan ng pagkahimatay ng kaibigan ko?” tanong ni Emilyn sa doktor ng mapansin niyang hindi pa gumigising ang kaibigan na ngayon ay mahimbing na natutulog ,isang araw na kasi ang nakalipas magmula ng mangyari ang gulo. “Oo nga Em, ang kulit mo.” Sagot nito sa kaniya nasanay na kasi ang doktor sa kaniya dahil magkakilala naman sila nito “at pwede ba Em… tantanan mo na ako napagkamalan na tayong mag jowa sa mga ginagawa mong pagsunod sa akin eh.” Pakiusap nito sa kaibigang babae “eh, bakit pwede naman nating totohanin huh..!” pagbibiro ng dalaga nito na seryoso pa ang mukha agad namang napatameme ang doktor sa sinabi ng kaibigan “joke! Simpre hindi ko kaya kayang palitan ang Nam Joon ko!” pagpatuloy pa ni Emilyn upang hindi ma awkward ang binatang nasa harap niya isang fan kasi si Emilyn at ang iba ng kpop group boyband na tinatawag na BTS o Bangtan Seyeondan kaya madali niyang makagawa ng ibang dahilan upang matakasan ang anumang sitwasyon lalo na nito. “e-ewan ko sayo! Dyan ka na nga!” anito ng doktor sabay alis ng kwarto na siyang ikinatawa naman ng malakas ni Emilyn “oh diba kita mo yun, Rose ang kyut talaga ni Norman pag magugulat!” ani niya sa kaibigan na naka upo sa isang upuan sa kwarto, wala naman itong masyadong ginawa kung di ang kumain sa at magbantay sa kaibigang natutulog sa hospital bed. Nasa private room kasi sila ngayon gusto man nilang hindi mag pa private ngunit ito ang gusto ng binatang si Marco na siya namang gumastos sa ospital. “oo nga, pero mas cute kayong tingnan. “pagbibiro naman ni Rose sa kaibigan na ngayon ay siya na naman ang namumula “ma-may ibang crush na yun hoy.” Anito niyang nauutal pa mas ginaganahan pa si Rose na kulitin ito dahil sa salita niyang ginagamit na imbes na sabihing wala siyang gusto nito o di kaya’y magkaibigan lang ang turing niya nito.“weeehhh… edi gawin natin iyan ng paraan para magustuhan ka niya…” ani ni Rose “pero tika—may gusto ka ba sa kaibigan mo?” pagpapatuloy pa nitong biro agad naman namumula si Emilyn sa tanong ng kaibigan hindi niya kasi inaasahan na maging mabilis itong makakita ng Emosyon ng ibang tao “hi-hindi huh!” pagtatanggi naman ni Emilyn sa kaibigan. “sigurado ka?” tanong ni Rose sa dalaga ng may nakakalukong ngiti sa labi “ewan ko sayo! Di- dyan ka na nga.”ani ni Emilyn tsaka ito tumalikod papaalis ng kwarto upang hindi siya mabuking nito dahil sa mga tanong ng kaibigan, pero bago paman siyang makaalis ng kwarto ay siya namang paggising ni Bena “Bena, may sakit ba sa iyo besh?” agad niyang tanong sa dalaga na papalapit nito na ngayon ay pinilit na bumangon at umupo. “oo, ok lang ako.”sagot naman ng dalaga “ikaw talaga, diba ang sabi ko sayo noon na pag may kailangan ka ay nandito lang kami ng kaibigan mo.” Ani ni Rose sa kaibigan “oo nga naman ba’t ba kasi ang tigas ng ulo mo.” Agad silang napatingin sa nagsasalita na ngayon ay papasok ng kwarto. “oo na pasensya na kayo mga beshh.. kailangan ko kasi ng pera sa ngayon upang maipa – check up ko si mama . “ sagot naman ni Bena nito “hay… ikaw talaga oh ayan tuloy nahimatay ka. “ ani naman ni Emilyn “tika nga lang bat kayo nandito Juls at Johanna diba may pasok kayo ngayon sa school.” Tanong ni Rose sa mga ito ng papansin niyang nag uniform pa ito “ahhh.. kasi wala kasi ang proctor namin ngayon kaya napag desisyonan namin na dumalaw sa maganda namin kaibigan” sagot naman ni Johanna nito “asus… ang sabihin gusto niyo lang makita si Marco dito.” Pagbibiro ni Emilyn sa mga ito na ikinatawa naman nila ngunit imbes na sumabay sa pagtawa si Bena sa mga ito ay mas nagugulohan pa siya “anong ibig niyong sabihin?” tanong niya sa mga kaibigan “ahhh.. kasi besh si Marco kasi ang nagdala sa iyo dito, siya narin mismo ang nagbayad sa gastosin dito sa ospital at saka sobrang concern talaga siya saiyo! Siya kaya ang nagbantay saiyo kagabi habang wala kami dito.” Paliwanag ni Rose sa kaniya. “ganon ba.?” Maikli niyang sagot “ano ka ba parang hindi ka naman na sisiyahan sa nalaman?” agad naman siniko si Juls ni Emilyn ng maramdaman niyang malalim ang iniisip ng kaibigan “mabuti pa magpahinga ka muna.” Pa change topic ni Emilyn upang hindi ma awkward ang aura ng mga ito “alam ba nila mama to?” tanong niya ng maisip na isang gabi na pala siyang hindi nakauwi sa kanila. “ahhh—sa totoo lang ay gumawa ako ng palusot para hindi sila mag-alala sayo.” Sagot naman ni Emilyn sa kaibigan “salamat.” Maya-maya lang ay may dumating agad silang na patingin sa pintuan ng bumukas ito at iniluwa doon ang binatang si Marco
Bago paman magsalita si Bena ay agad nag-alisan ang mga kaibigan sa kwarto at ngayon ay siya at si Marco nalang ang naiwan tsaka niya napansin na may dala pala itong mga pagkain “ahh.. did I disturb you?” tanong nito sa kaniya “hindi naman” sagot ni Bena sa binata lumakad si Marco papunta sa lamesa at tsaka niya na pansin na malaki ang kwartong pinili ng binata para sa kaniya pumikit siya gusto niyang sigawan ang binata dahil hindi niya gusto ang mga ginagawa nito para sa kaniya ngunit kahit na anong salita ay hindi lumalabas sa kaniyang bibig. “sino—si Vince?” tanong ng binata na ngayon ay nakatalikod sa kaniya agad naman siyang napatingin nito, hindi niya alam pero sobrang kinakabahan siya sa tanong na galing ni Marco hindi niya magawang sabihin naman ito sa binata dahil baka pagtawanan lang siya at sabihin nagkagusto siya sa hindi totoong tao. Muli naman ito nag tanong sa kaniya “boyfriend mo ba siya?” tanong ng binata ulit mas nagtataka naman si Bena kung bakit ito interesado sa buhay niya kaya para hindi na siya guluhin ng binata ay nagsinungaling nalang siya nito. “oo boyfriend ko siya at matagal na kami kaya… pwede bang huwag mo na akong guluhin at tsaka babayaran ko nalang ang nagasto mo dahil sa akin.”ani niya nito na nakatingin sa binata “kung ganun ay hindi na kita guguluhin pa.” napahinga naman ng maluwag si Bena sa sinabi ng binata ngunit nagtataka siya kung bakit parang ayaw ng puso niyang mawala ito. Humarap naman si Marco sa kaniya sabay ngiti ng nakakaluko na siya namang mas napagtataka pa kay Bena “Dahil…”anito sabay lakad nito papunta sa kinaruruonan ng dalaga agad nanlaki ang mga mata ni Bena ng inilapit ni Marco ang kaniyang mukha sa mukha nito na siya din’g dahilan ng pagkabog ng malakas sa puso ni Bena at tsaka ito nagpatuloy sa sasabihin “mas kukulitin pa kita hanggang sa mapasaakin ka.” Aniya sabay pitik ng mahina sa ilong ng dalaga at kumindat pa ito. Napanganga si Bena sa sinabi ng binata hindi niya akalain na masgugulohin pala ni Marco ang buhay niya ngayon, bago pa man siya makasagot ay tumalikod na ang binta at naiwan si Bena na nakanganga parin “Sige, goodbye babe.!” Sigaw pa ng binata sabay bukas ng pinto na nakangisi kay Bena at tsaka lumabas.
Dali-dali namang pumasok ang mga kaibigan ni Bena ng makita nilang lumabas si Marco mula sa kwarto, agad namang natauhan si Bena ng mapansin ang mga kaibigang nagtitilian “hoy! Anong pinag-usapan niyo?” salubong na tanong ni Rose sa kaibigan na may ngiti sa labi “may nangyari ba?” tanong naman ni Juls na nakikinang ang mga mata “kayo naba? Tanong din ni Johanna “mabango ba hininga niya?” agad silang napatingin kay Emilyn sa tanong nito “bakit? Ehhh.. sa na tanong niyo na ang gusto kong itanong sa kaniya.” Pagpapaliwanag ni Emilyn sa mga ito tsaka nila binalik ang kanilang mga tingin kay Bena. Napayuko nalang si Bena sa mga tanong nito, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin lalo na’t liwanag na sa kaniya na hindi siya tantanan ng binata. Gusto man niyang hindi sagutin ang mga tanong ng kaniyang mga kaibigan ngunit alam niyang hindi siya titigilan ng mga ito hanggat wala itong makukuhang sagot mula sa kaniya. “ano na?” pagpipilit nila, sobra ng namumula si Bena dahil sa inis ng kaniyang naramdaman huminga na lang siya at inirelax ang kaniyang sarili bago sumagot “walang kami ok?” pagpaliwanag niya “ay! Ano ba yan?” dismiyadong sagot ng mga ito na sabay-sabay. “ehh! Tika nga lang ba’t sabi niya ‘goodbye babe!?” tanong ni Juls ng maalala ang narinig “ewan ko dun! Malay ko ba kung ano ang trip ng baliw na iyon?” kunot noong sabi ni Bena sa mga ito “asuusss… kung ako sayo magpapaanak na ako kay Marco.” Biro naman ni Emilyn nito “kay Marco o kay Norman?” biro din ni Rose sa dalaga agad naman itong namumula “OMG! Seryoso?” tanong ni Juls na hindi makapaniwala kaniya-kaniya namang reaksyon ang iba napahinga naman ng maluwag si Bena dahil hindi na sakaniya nakatuon ang mga ito “mas ok na ito..” anito sa kaniyang sarili sabay ngiti.
“pwede ka ng makalabas ngayon” ani ni Norman kay Bena, pumasok kasi ito upang malaman ang kalagayan ng dalaga “salamat Dok,” sagot ni Bena nito “walang anoman iyon Bena, at tsaka Norman nalang ang tawag mo sa akin napaka pormal mo naman kung dok pa ang itawag mo sa akin hindi ba?” anito na may ngiti sa labi magkakilala din sila nito dati pa dahil kay Emilyn kaya naging kaibigan niya din ito at ang mga iba pang kaibigan ni Emilyn gusto kasi ni Norman na kilalanin ang mga kaibigan ng dalaga dahil ayaw niyang malagay sa hindi mabuting kalagayan ang kaibigan na umalis sa sarili nitong bahay. “and also wala ka na palang babayaran dahil na bayaran na sa Boyfriend mo ang bill dito” napakunot- noo naman si Bena sa sinabi ng binata nagtataka siya dahil wala naman siyang nobyo “sinong-” tanong niya sa binata “ahh! Si Marco diba boyfriend mo iyon?” ani ng kausap, hindi nalang ulit nag salita si Bena dahil baka kung saan na naman mapunta ang usapan “ok, I have to go now dahil may gagawin pa ako and by the way ‘wag mo ng pilitin ang katawan mong magtrabaho overtime baka maisugod ka nanaman dito.” Ani ng binata tsaka ito umalis mag isa lang si Bena sa kwarto umalis na kasi ang mga kaibigan nito dahil may mga klase maliban kay Emilyn na may binili lang sa labas ayaw kasi ng dalaga na iwan niya ang kaibigan dahil parang kapated na din ang turing niya nito. Maya-maya lang ay bumukas ang pintuan at pumasok naman si Emilyn dito. “ayos nab a pakiramdam mo?” tanong ni Emilyn ng makitang nakaupo lang ang kaibigan sa hospital bed “oo ayos lang ako.” Sagot niya naman nito “anong sabi ni Norman?” tanong uli ng dalaga tsaka umupo “pwede na daw akong lumabas ngayon.” Anito “maganda naman kung ganun, tumawag pala tita ko kanina ang sabi niya…” nagtataka naman si Bena dahil bigla itong natamlay… “anong sabi?” anito “dumaan daw si Senator Ramirez sa amin.” Seryoso na ang usapan nila at sa pagkakataong iyon ay nakita ni Bena na nagyuyukom na ang kamao ni Emilyn alam din ni Bena ang lahat ng sekreto ni Emilyn dahil sa nangyari hindi kasi sinadya na masabi ni Rose sa mga kaibigan tungkol sa pamilya ni Emilyn kaya wala itong mamagawa kung di sabihin nalang ang katutuhanan sa mga kaibigan dahil may tiwala naman siya nito at isa pa ay nakalat na din ang mga nangyari sa social medya pero agad naman itong binura sa may kapangyarihan “sabi ni tita na… huwag na daw akong gagawa ng gulo.” Nakayuko nalang sila alam nilang dalawa na may ibig sabihin ang mga salitang iyon ngunit ayaw lang sabihin ng tita ni Emilyn dahil mahal niya ang pamangkin at alam iyon ni Emilyn “sussko! Ok lang iyan mamayos din natin iyan ok?” pag che-cheer ni Bena sa kaibigan.
“hoy Bena!” sigaw ng maangas na taong si Cloy matagal na itong may gusto kay Bena at lagi pa itong nagpapansin sa dalaga ngunit hindi naman ito pinansin ni Bena dahil hindi naman siya interasado sa lalaki, mapera ang pamilya ni Cloy at doon din umuutang ang nanay at tatay ni Bena para pang gastos araw-araw kaya malaki ang perang babayaran ni Bena para dito at bukod sa mapera ay napaka pangit naman ang ugali na meroon si Cloy at hindi din ito kagwapohan kaya kung ikukumpara ni Bena si Cloy at Marco ay mas gugustuhin pa niyang kay Marco siya sasama kahit na may kayabangan ito. “honey my love… ang tagal nating hindi na kita miss na miss nakita.!” Anito na papalapit kay Bena ang binata, papauwi na kasi sila ni Emilyn at Bena sa kanila ngunit bago man sila makauwi ay dadaan pa sila sa bahay ng pamilya nito. “diba sabi ko naman sayo na doon nalang tayo dadaan sa kabilang daan dadaan para hindi tayo maka encounter ng masamang damo.” Bulong ni Emilyn sa kasama napatawa nalang ng mahina si Bena sa sinabi ng kasama pero agad naman niyang tinignan ang binata na nasa harapan nila ngayon “anong sinabi mo sa mahal ko mil.?” Tanong nito sa dalaga “huh? Wala” pagtatanggi pa nito “ahhh.. ang sabi ni Emilyn sa akin na nagmamadali kami ngayon Cloy kaya pwede sanang sa susunod na araw nalang tayo mag usap.” Ani ni Bena sa binata nakita nilang nag-iisip pa ito tsaka ito tumango “o sige my love, basta sa susunod huh…” nagpipigil naman ng tawa si Emilyn sa hitsura ng binata hindi niya inaasahan na desperadong-desperado ito sa kaibigan muli silang naglalakad papaalis sa lugar upang hindi na magbago pa ang isip ng binatang ngayon ay nagkakaway sa kanila. “hay sa wakas ay nakadating tayo ng buo!” ani ni Emilyn na akala moy halos mamatay na sa challenge ng isang laro nasa tindahan sila ngayon upang kumain ng paborito nilang kwek-kwek ni aling Maring bukod kasi sa kwek-kwek ay may tindahan kasi si Aling Maring na sari-sari store na ang nagbabantay naman ay ang kaniyang asawa. “kumusta ka na pala Bena? Balita ko kasi na ospital ka?” tanong nito sa dalaga na ngayon ay kumakain “huh?! Saan niyo naman na balitaan iyan aling Maring?” patay malisyang taong ni Emilyn naman nito “Ano kaba Em.. edi sa anak ko saan paba?” anito nagtinginan naman si Bena at Emilyn sa narinig pero agad naman silang napahinga ng maluwag ng magsalita ulit ito “wag kang mag-alala hindi alam nila Agnes at Corning tungkol sayo, at isa ako lang naman ang nakakaalam niyan dahil sinabihan na ako ni Johanna na hindi magsasalita tungkol doon.” Patuloy nito, ngumiti naman si Bena sa babae at tsaka nagsalita “ok lang po ako na overwork lang po.” Sagot niya sa tanong ng ali, habang kumakain ang dalawa ay na gulat nalang sila ng may isang babaing may edad na na lumapit sa kanila “iha…” pagsimulang ani nito na humarap kay Bena “pwede bang patingin sa iyong palad?” nagtatakang nagtinginan ang dalawang magkaibigan “kanina lang kasi ako tinatawag ng iyong palad kaya lumapit na lang ako sayo.” Paliwanag nito “maari ba?” tanong ulit ng babae hindi alam ni Bena ngunit kusang gumalaw ang kaniyang kamay papunta sa babae na siya namang hinawakan agad ng babae “binuhay kang muli upang ipagpatuloy ang inyong pagmamahalan.” Anito muli namang nagtinginan ang dalawa hindi nila maintindihan ang sinabi ng babae ngunit parang nagkaintindihan naman sila sa paraan ng kanilang mga mata “ngunit muli namang mangyayari ang mga nangyari noon maydadating sa buhay mo pagdating ng iyong kaarawan sila ay babalik upang ika’y kunin.” Anito hindi alam ni Bena ngunit pakiramdam niya ay mas gusto pa niyang malaman kung ano ang sasabihin ng babae tahimik na mang nakinig si Emilyn nito “at may dadating ding mga malaking problema sa buhay mo pero agad niyo naman ito masolusyonan kasama ang isang tao… may swerte din, malalaman mo ang katutuhanan sa buhay mo at may isang taong dadating pa… na saiyo na kung sino ang pipiliin mo sa dalawa pero mag ingat ka baka kasi magkamali ka naman.” Anito tsaka ito binatawan ang kaniyang kamay “po?” tanong niya nito dahil hindi niya na naintindihan ang mga pinagsasabi ng babae, ngunit imbes na sumagot ito ay lumakad ito papalayo sa kaniya at tumingin ito kay Emilyn “magkaibigan nga kayo.” Muli silang nag tataka at tumingin sa isa’t- isa tsaka nag kibit- balikat nalang sa sinabi ng babae at tsaka tumingin sa babaing naglalakad palayo .

Komento sa Aklat (89)

  • avatar
    pelaezxainna ryza l.

    wow wonderful story.I know the ending is Her father is the misterios guy

    21/01/2022

      4
  • avatar
    abesochel

    keep going its nice to read your storys im looking forward for your other story

    19/01/2022

      5
  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06/2024

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata