Homepage/She's dating with a mysterious man/
CHAPTER 4
“Ma-Marco?!” lahat ay napatulala sa biglang pagdating ng binata, hindi nila ito napansin na pumasok ang binata dahil sa panggugulo ng dalaga. Napahinga naman ng maluwag si Emilyn at Rose sa counter sobra silang nasisiyahan na may nagtanggol sa kanilang kaibigan “wh-what are you doing?!”tanong ni Marco sa dalaga sabay bitaw ng kamay nito gulat na gulat naman ang mukha ng dalaga “I…I’ll explain-“ anito ng dalaga na nanakit kay Bena agad naman lumapit si Marco kay Bena upang tingnan at itanong kung ayos lang ba ito, hindi naman agad makapagsalita si Bena dahil sa biglang pasulpot ng binata “Marco!” inis na sigaw ng babae sa harapan nila na nagyuyukum na ng kamao dahil sa inis “I AM YOUR FIANCEE!” sigaw ng babae ng makita niyang kay Bena ito nag-alala, agad naman napatingin si Bena sa paligid may nakita pa siyang may nag video sa kanila mas sobra na siyang nahihiya, hindi niya ito inaasahan “may fiancée na pala at gusto pang mang flirt” ani ni Bena sa sarili “you’re crazy Christine! You are not my fiancée and you know that!” sagot nito sa dalaga na si Christine… “no! I am!” pagtatalo pa nito, napakagat labi nalang si Bena hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya sa gitna ng mga ito biglang sumakit ang ulo niya at pakiramdam niya ay nanghihina na siya, tinignan niya ang sariling kamay namumutla na pala siya gusto man niyang umalis sa kinatayuan ngunit hindi niya ito magawa, maya-maya lang ay napasigaw ang lahat ng tao sa Coffee Shop dahil sa kanilang nakita, biglang bumagsak si Bena sa kaniyang tinatayuan at nawalan ng malay, agad naman nataranta ang mga tao at yung iba ay tumawag agad ng ambulansya… iniwan ni Emilyn at Rose ang counter buti nalang at may mga kasama sila dito na hindi umalis at agad pumunta sa kaibigan na may pag-alala, tsaka naman dumating ang kanilang manager na galing pa sa labas ng coffee shop nagtanong naman ito tsaka niya nalaman ang lahat, reponsibilidad niya ang nangyari kay Bena. “You all!” turo ni Marco kay Christine at sa kasamahan nito “you will pay for this!” galit niyang ani tsaka niya binuhat si Bena sabay alis, wala namang magawa si Christine dahil pati siya ay nataranta na… she is so scared and she admit it, ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang mukha ni Marco na galit na galit hindi naman kasi ito ganito dati napaka concern ito pagdating sa kaniya kaya lang ng umalis ito papuntang America ay nagbago ang lahat. Hindi niya alam kung ito pa ba ang Marco na nakilala niya dati o hindi na. “We have to go now..” ani ng isa sa kasama ni Christine sa likuran niya, pero bago paman sila makaalis ay may biglang tumawag sa kaniya “hoy!” sigaw ng boses babae agad siyang napatingin nito at sa hindi niya inaasahan ay bigla siyang sinugod ni Emilyn na galit na galit “ITO PARA SA KAIBIGAN KO!” sabay sampal nito “ITO PARA NAMAN SA MGA TAO DITO SA COFFEE SHOP!” sampal naman nito sa kaliwang bahagi ng kaniyang mukha “AT ITO PARA SA AKIN!BWESIT KA!” galit na galit na ani ni Emilyn, hindi naman agad na tulungan si Christine sa mga kasamahan niya dahil pati sila ay na gulat din sa ginawa ng babae. This is the first time na may naglakas loob na saktan si Christine lahat kasi ng nakakilala sa kaniya ay takot itong saktan ang dalaga lalo na at senador ang ama nito at spoiled ito sa ama. “YOU?!!” sigaw ni Christine sa dalaga sabay tingin nito ng maayos, pero ng makita niya kung sino ang sumampal sa kaniya ay agad siyang napanganga, she never thought na muli silang magkikitang dalawa. “A-Ate?” anito… na nanlalaki ang mata dahil sa kaharap “kanina lang ako nagtitimpi sayo hayop ka!” susugod pa sana si Emilyn nito but Rose stop her “ahhh… miss pwede umalis na kayo bago pa maging lion tong kaibigan ko.” Pakiusap ni Rose sa mga ito, agad namang umalis ang mga ito na siyang napatahimik ng lahat, ang daming nangyari at ang dami ding hindi kanais nais. Maya-maya lang ay nagsalita ulit si Rose “may kapatid ka pala?” tanong nito, napayuko naman si Emilyn sa tanong ng kaibigan…hindi niya kasi ito pinagsasabi sa lahat dahil ayaw niya ng gulo and yes, she was the legal daughter of Senator Ramirez but when her Mom died from illness her life was changed wala siyang balak na sabihin sana ang totoo lalo na at masakit parin para sa kaniya ang mga alaala ng kaniyang nakaraan kaya siya umalis ng kanilang mansion. She wants to be independent like her mom was at ayaw niyang maging isang spoiled katulad ng kaniyang kapated. Nang maramdaman ni Rose na wala itong balak sumagot ay tumahimik na lang siya at bumalik sa counter at ganun din si Emilyn. “ahhh.. guys we have to close the Coffee shop tonight dahil sa nangyari and also Emilyn and Rose we have to talk right now sa office.” Ani ng kanilang Manager. “ahhh.. sir hindi po ba tayo mag open bukas?”tanong ng isa sa kasamahan nila “actually yes, nag usap na kami ng may ari dito sa store at siya mismo ang nagsabi na i-close muna natin ang store for 2-3 days…” anito “pero sir bakit ang haba naman yata?” they ask “some personal reason…” sagot na lang nito sabay kibit-balikat.
“hmmmm…hmmmm..”rinig ni Bena na huni ng isang lalaki, agad naman siya napadilat at napangiti, nakita niya si Vince sa tabi niya parehas silang naka higa ngayon sa damuhan, tulad parin ng dati ay napahanga parin siya sa ka gwapohan ng lalaki. “baka matunaw na ako niyan..” anito. Agad namang inalis ni Bena ang kaniyang tingin nito na ikinangiti naman ng binata “kapal mo!” sagot ni Bena nito tsaka bumangon, napanganga naman siya sa kaniyang nakita maganda ang lugar na ito, halos lahat ng mga bulaklak ay namumungadkad na. Alam ni Bena na dinadala nanaman siya ng kaniyang panaginip sa malapantasyang lugar, kaya mas gusto niyang mas sulitin pa ang pagkakataon. “kumusta na pala ang mga magulang mo?” tanong ni Vince sa dalaga “ayon… ok lang naman sila..” napatango na man ang binata sa sagot nito. “ehhh- ikaw?” agad napatingin si Bena nito tsaka sumagot “ayos lang naman.” “ayos nga ba?” tanong ni Vince nito. Hindi agad makasagot si Bena sa tanong ng binata kaya mas pinili na lang nito na tumahimik… maya-maya lang ay may napansin si Bena sa tabi nito isang gamit na pangguhit ang kaniyang nakita. “marunong ka pala niyan?” tanong niya nito “ahhh… oo minana ko kasi ito sa tatay ko.”sagot ng binata sa dalaga “gusto mo ba tingnan ang mga gawa ko?” pagpatuloy nito, tumango naman si Bena at tsaka inabot ni Vince ang kaniyang mga ginawa, mas lalong napahanga si Bena sa kaniyang nakita, maganda ang mga ginuhit ng binata napaka simpli pero parang totoo kaya mas tinignan niya pa ang sunod-sunod nitong mga pahina ng sketch book hanggang may nakita siyang guhit ng babaing nakatalikod, masyadong pamilyar sa kaniya ito pero binabali wala nalang niya lang ito… tinignan niya ang sumunod na pahina at doon niya nakita ang kaniyang mga mukha at ang kaniyang bawat kilos… may larawan doon na natutulog siya, may roon din na ngumingiti siya at iba pa. agad siyang napatingin sa binata na ngayon ay hindi na alam ang gagawin “anong-“ ani ni Bena “ahhh… iyan ba? Ano kasi… kasi,” sagot ng binata na nauutal “huh?” pagtatakang tanong ulit ni Bena “kasi ano., ginawa kasi kitang mudelo, alam mo na hehehe…” aniya napatango naman si Bena sa sagot ng binata hindi niya ito niaasahan na may mga larawan pala siya nito na ginuguhit lang ng binata, aaminin niyang masaya siya sa kaniyang nalaman at komportabli siya nito “ahhh… ano kaya kung iguhit kita ngayon?” tanong na binata sa kaniya “sigurado ka?” she ask “oo naman…” sagot ng binata sa kaniya. Masaya sila sa kanilang ginawa, unti-unti na din may nalalaman si Bena sa binata pero hindi parin maiwasan ni Bena na napaka misteryoso parin ang binata para sa kaniya. Nang matapos na ay nagtanong ulit ang binata sa kaniya “masaya ka bang nakilala mo ako?”nagtataka naman si Bena kung bakit ito nagtanong sa ganoon na paraan “oo naman, bakit?” anito “wala lang… masaya kasi ako dahil nakilala kita…” sagot ni Vince nito na may ngiti sa mga labi “paano kung malaman mo na hindi ako ordinaryong tao na katulad ng iniisip mo?” tinignan ito ni Bena ng maigi hindi niya alam ang isasagot, oo syempre hindi ito ordinaryong tao dahil nasa panaginip niya lang ito makikita, pero habang tumatagal ay mas napalapit si Bena sa binata hindi niya maiwasan na mahulog ang loob niya nito. Alam niya na isa itong kalokohan pero ano ang magagawa niya kung ang puso niya mismo ang pumili nito, agad siyang namumula ng mapansin niya ang labi ng binata maganda ang labi nito at napaka linis para itong nagsasabi sa kaniya na hawakan at halikan niya ito, tinignan niya ito ng maigi kaya hindi niya namalayan na nakahawak na pala ng kaniyang kamay sa labi ang binata “pinagnanasaan mo ba ako?” tanong ni Vince nito agad namang inalis ni Bena ang kaniyang kamay ng mapansin niya ang kaniyang ginawa mas sobra pa siyang namumula dahil dito napatawa naman si Vince sa ginawa ng dalaga kaya para kulitin ang dalaga ay mas inilapit niya pa ang kaniyang mukha sa dalaga pero sa pagkakataon na iyon ay siya na naman ang napatingin sa magandang mukha ng dalaga kitang-kita niya ang pang blu-blush ng mukha ni Bena, at tsaka niya naramdaman na nagwawala na pala ang kaniyang puso halos nabibingi na siya dahil sa lakas ng kabog nito at ganun din si Bena agad napapikit si Bena sa kaniyang naramdaman hindi niya alam kung bakit siya pumikit pero kusa kasing gumalaw ang kaniyang katawan maya-maya lang ay naramdaman ni Bena na may gumapang sa kaniyang kamay agad siyang napatingin nito at napatalon dahil sa isang uuod na siyang dahilan na magkabongoan ang kanilang mga ulo. Agad naman nilang hinawakan ang kanilang mga ulo at nagkatinginan tsaka sila na patawa sa nangyari.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Vince kay Bena nag-aayos na sila ngayon dahil napansin nilang papagabi na “oo, ayos kang ako..” sagot niya nito “buti naman kung ganun…” anito sabay ngiti sa dalaga “matatakutin ka talaga sa mga hayop noh..?” ani ni Vince kay Bena “may truma kasi ako sa mga iyan..” pagpapaliwanag niya hindi na nagtataka si Bena sa kaniyang sinasabi parang nasanay na siya nito, ano ba naman ang magagawa niya kung alam niya naman na hindi ito totoo. “ahhh.. ganun ba? Sorry” anito napatingin naman si Bena sa binata “bat ka naman nag sorry?” takang tanong ni Bena nito “wala lang” sagot nito sa kaniya “o siya na at ihahatid pa kita?” ani ni Vince sa dalaga “sigurado ka? Hindi ka ba natatakot sa pamilya ko?” tanong ni Bena nito “hindi…” sagot nito sabay ngiti. Ngayon ay naglalakad na sila papunta ng mansyon ng dalaga masaya na man silang nag kwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. Ngunit ng dumating na sila sa mansyon ay agad nilang nakita ang babaing nakatalikod naka pang kasambahay at matangkad, halata mong may hinihintay ito, nang maramdaman ng babae na may tao sa kaniyang likuran ay agad itong humarap at halatang namumutla na sa kaba ng kaniyang naramdaman “hay naku! Salamat naman at nandito kana senyorita!” ani ng babae agad napanganga si Bena ng makita niya ito hindi niya akalain na pati ang kaniyang kaibigang si Rose ay masali sa kaniyang panaginip tsaka lang napansin ni Bena ang damit na suot nito, ito ay isang pang 90’s na damit makikita lamang sa pelikula, tinignan niya din ang kaniyang damit at ganun din ito napahinga na man ng maluwag si Bena “hay.. buti naman at panaginip lang ito.”anito sa kaniyang sarili “bakit senyorita may masakit ba sa inyo?” tanong nito ng mapansin na hindi umiimik ang kaniyang amo. “wa-wala lang.” Sagot ni Bena sa dalaga “kung ganoon ay hali napo kayo at pumasok, hinahanap napo kayo ng iyong ina.” Napatingin naman si Bena sa binata na kasama niya “sige Vince, maraming salamat sa paghatid .”ani niya nito sabay ngiti “maraming salamat din…” sagot ng binata sa kaniya, agad na pumasok si Bena sa maliit na butas sa isang pader hindi niya nalaman kung bakit may butas doon pag pasok niya sa doon ay sumalubong sa kaniya ang mga magagandang bulaklak na siyang napagpahinto sa kaniya. “senyorita?” tawag ni Rose sa kaniya “oh..” sagot niya nito “bilisan napo natin at baka maabutan pa tayo nito.” Anito, sumunod naman si Bena kung saan sila pupunta nagtago naman sila agad ng maramdaman nilang may tao at tsaka sila nag patuloy sa paglalakad, nang makarating na sila sa isang silid ay agad silang pumasok roon. “hay- sa wakas ay nakaabot din tayo!” masayang sabi ni Rose nito agad naman humiga si Bena sa katre at napatingin sa bawat sulok nito inaalala niya ang nangyari at agad napangiti. “senyorita, yun ba yung binata na sinasabi mo?” tanong ni Rose sa kaniya “oo..” maikling sagot niya naman nito “ahhh.. kaya pala hindi mo agad masagot si-“ hindi naituloy ni Rose ang dapat niyang sabihin ng may biglang dumating “BENA! TOTOO BANG HINDI MO NAMAN SINISIPOT ANG LAKAD NIYO NI MR. FLORES?!” tanong ng isang lalaki na galit na galit ng pumasok ito agad naman napabangon si Bena dahil sa gulat hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan nito ngunit ang lalaking kaharap niya ngayon ay hindi niya kilala. “pasensiya na po may ginagawa lang po kasi kami ng kaibigan ko” pagsisininungaling niya nito. “sinong kaibigan?” tanong nito “si Emilyn po..” napaisip na lang si Bena sa mga pinagsasabi niya hindi niya kasi ito ginusto “ahhh- yung anak ni Mr. Ramirez kamo?” anito “kasama pala kayo yun mabuti at nagkabutihan kayo yun, hay.. nako sana naman at ganun din sila ng kaniyang kapated… sino ba naman ang mag-aakala na may anak pala si pare Victor sa labas at ngayon pa nila nalaman na malaki na ang mga bata…” ani ng lalaki “oh; siya at akoy aalis na para magpatuloy sa aking trabaho, bukas na bukas ay pupunta dito mismo si Mr. Flores upang ika’y sunduin.” Ani nito sabay talikod “ahhmm… dad!” tawag niya dito “yes?” kinakabahan man ay pinilit niyang maglakas loob “go-good night po” ani niya nito dismiyado siya sa kaniyang sarili hindi naman ito ang gusto niyang sabihin ngunit hindi niya magawang tanggihan ang ama. “ok, good night too.” Sagot nito may ngiti sa labi…
“Rose..” ani niya sa kasama na ngayon ay tinutumpi ang kaniyang mga damit humihiga siya ulit ng pag alis ng lalaking kinilala niya ama. “bakit po?” sagot naman nito “sino ba si Mr. Flores?” she ask muli naman siyang napaisip “bakit ba kasi ang haba ng panaginip na ito? Sana may taong gigising sa akin at bumalik na ako dati kong buhay.” Ani niya sa sarili “ahhh.. si Mr. Flores ba kamo, siya lang naman ang iyong magiging asawa balang araw.” Masigla nitong sagot sa kaniya, agad naman na pa bangon si Bena sa sagot nito “ano?! You mean Fiancee?” pag klaro niya nito, tumango naman si Rose bilang sagot nito “ahhh! Oo nga pala at hindi pa kayo nag kikita niyan, alam niyo ba senyorita nang dumating siya dito kahapon ay napatulala ako sino ba naman ang hindi kung sobrang napaka gwapo niya at malinis pa kung manamit!” anito na may paghahanga sa binatang nakita “ganun ba?” napikit nalang ng mata si Bena, inaasahan niya na sa pag gising niya ay nasa totoong mundo na ulit siya.
“Ate…” rinig ni Bena sa isang boses babae “Ate…” muli niyang rinig nito, dumilat siya ng kaunti at nakita niya ang isang batang babae na nasa 10 years old, may pagkahawig ang kanilang mga mukha nito “ibang panaginip na naman ba ito?” tanong niya sa sarili “ate gising na…” ani ng bata sabay yugyug sa kaniya, napabangon naman si Bena at hinawakan ang ulo ng bata “oo na ang kulit mo naman Marga.” Ani niya nito na may ngiti sa labi “Hali ka na nga at kakain na daw tayo sabi ni mama.” Anito agad naman umalis si Bena sa kaniyang katre tsaka lang niya napansin na malaki pala ang kwartong ito may mga mamahaling mga gamit pa, hinawakan ng batang babae ang kaniyang kamay napaka lambot nito at napaka sweet pa ang batang babae. Nang makalabas na sila ng kwarto ay agad niya nakita ang isang magandang babae na nasa mahabang lamisa may mga kasama ito pero naka tuon lamang ang kaniyang paningin nito may pagkahawig din sila katulad ng batang babae na si Marga at medyo may edad narin ito at halatang may dugong espanyol dahil sa balat na meroon nito, matangos ang ilong at namumula din labi at pisngi nang maramdaman nito ang kanilang presensya ay agad itong tumingin sa kaniya at ngumiti. “oh! Nandiyan kana pala anak, hali kana at sabay na tayong kakain.” Anito lumapit naman si Bena sa mga ito hindi niya alam pero sobra siyang kinakabahan, umupo si Bena sa sarap ng kaniyang kapated na babae at nagulat siya ng inabutan siya ng kaniyang paboritong adobong manok at agad napatingin sa nag abot “it’s your favorate, right?” tanong nito sa kaniya, at kinuha naman niya ito sa kamay ng babae “so, how was your date yesterday?” tanong nito sa kaniya, sasagot na sana si Bena ng may biglang sumagot sa likuran niya “okay lang naman po tita.” Agad napatingin si Bena nito at nanlaki ang kaniyang mata sa biglang pag sulpot ng binata “MARCO?!” gulat na ani niya sa kaniyang isipan ngunit iba ang lumabas sa kaniyang bibig “who?” tanong niya nito “oh hi Carlo! Come join us..” ani ng kaniyang kinakilalang ina, wala ang kanilang ama dahil busy ito sa kanilang negosyo “no thanks tita… bago pa akong umalis sa bahay ay nag breakfast na ako tsaka ako pumunta dito.” Ani nito dahil sa hindi inaasahan na pagdating nito ay mas ginusto ni Bena na mas kumain ng marami sa harap ng binata para ma turn off ito sa kaniya, pero imbes na ma turn off ay kabaliktaran naman ang nangyari dahil mas humahanga pa ang binata sa ginagawa niya “hey hon,.. hinay-hinay lang.” ani ng kaniyan ina pero hindi ito ginagawa ni Bena, napatingin naman ang kaniyang kapated na si Marga pati kasi nito ay sobrang napanganga sa nasaksihan. “ate… ganiyan ka ba kagutom?” tanong naman nito, napatawa naman ng mahina ang binata na ngayon ay nasa tabi niya na pala sobra itong na aaliw sa nakita, nang mapansin naman ng binata na nabaliukan siya ay agad niyang kinuha ang tubig sa kamay ni Rose at ibinigay kay Bena “oh, ayan ang takaw mo kasi.” Ani nito sa dalaga, pero imbes na pasalamatan ay tinaasan niya lang ito ng kilay at sinusupladahan. “wow.. ang sweet mo naman iho…” paghahanga naman ng babae sa binata nakita naman ni Bena ang mga matang nagniningning dahil sa nakita, napakunot noon a lang si Bena nito “maraming salamat po.” Ani ng binata sa ginang.
Agad na umalis si Bena sa kusina ayaw niya kasing makita ang lalaki na nasa labas ng kwarto niya dahil parang na bwebweset siya nito. Aamin niyang napatawa nalang siya sa kaniyang sarili dahil pati ba naman sa panaginip ay naiinis siya kay Marco at ang masaklap pa ay siya pa ang fiancee nito. “ipekto kaya ito sa nangyari kanina?” tanong na niya sa sarili ng maalala ang mga pangyayaring gulo sa coffee shop “ayyy!! Ewan ko naloloka na ako!” pagpatuloy niya nito habang napahawak sa kaniyang batok. Paikot-ikot lang siya sa kaniyang kwarto hanggang sa marinig niya ulit ang boses ng kaniyang ina “Bena, bilisan mo riyan, at kanina lang naghihintay si Carlo sayo.” ani nito mula sa labas ng kaniyang kwarto. Hindi alam ni Bena kung ano ang dapat niyang gawin pero maya-maya lang ay napag desesyonan niyang maligo nalang bago umalis ng kwarto. Nang matapos na siya sa kaniyang Gawain ay agad siyang lamabas ng kwarto at agad naman na panganga ang lahat dahil sa kaniyang suot “anong nangyari sayo?” tanong ni Rose ng makita ang bihis ng kaniyang amo. Hindi naman siya nanibago sa suot ni Bena pero hindi niya kasi alam na ganito pala ang susuotin ng kaniyang amo. Naka t-shirst lang ito ng malaki at malaki din ang pants na suot nito at may kalo pang nakasabit sa ulo ng dalaga. Muling napa hanga ang binata sa ginawa ni Bena dahil ano man ang susuotin ng dalaga ay nababagay ito sa kaniya, napalakpak ang binata sa nakita at siya namang napakunot ng kaniyang noo. “bakit?” tanong ni Bena nito “wala lang hindi ko kasi inaasahan na nasaiyo na ang lahat na gusto ko sa isang babae..” sagot ng binata sabay kindat nito sakaniya kaya mas naiirata si Bena sa binata.
Nasa parke na sila ngayon kumakain si Bena ng isang Ice cream at ganun din si Carlo, palagi siyang kinukulit nito ngunit hindi niya ito pinapansin “kailan pa kaya ako magising?” anito niya sa sarili “oh ito ganito nalang, magbiseklita nalang tayo doon at tsaka tayo manood ng cine.” Ani ng binata sa kaniya tinignan niya lang ito at tumango pero bigla siyang napangiti ng makita sa dikalayuan si Vince ngunit agad naman nawala ang ngiti niya ng mapansin na may kasama din itong babae, halatan maganda ang pangangatawan nito at matangkad at makinis ang balat, hindi alam kung bakit naiirata siya sapagkakataon na iyon parang may tumusok sa kaniyang puso ng makita niya na ngumiti ang binatang si Vince dahil sa kasamang babae at ngayon ay hindi niya alam kung ano ang tawag ng kaniyang nararamdaman bigla kumirot ito napahawak siya sa kaniyang puso at biglang tumulo ang kaniyang luha “Ben, ayos ka lang ba?” tanong ni Carlo sa kaniya ng mapansin na lumuluha na ang dalaga “ok lang ako.” Agad niyang pinunasan ang kaniyang sariling luha hindi niya alam kung bakit siya nasasaktan agad siyang tumalikod sa binata at napalakad ng mag-isa papalayo kay Vince. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (89)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
wow wonderful story.I know the ending is Her father is the misterios guy
21/01/2022
4keep going its nice to read your storys im looking forward for your other story
19/01/2022
5nice
06/06/2024
1Tingnan Lahat