Homepage/She's dating with a mysterious man/
CHAPTER 28
Author's note:
Una po sa lahat gusto ko pong magpasalamat sa panginoon dahil ginagabayan niya po tayong lahat araw-araw. At nagpapasalamat din po ako sa pamankin kong si Alma (Hindi po malayo ang agwat namin sa edad 😅) dahil nandyan din po siya para sa akin. Tinutulungan niya ako sa bawat chapter na ginagawa ko at nais ko ding magpasalamat sa ate ko dahil sinusoportahan niya ako kung ano man ang gusto ko sa buhay.💜 Nagpapasalamat din po ako sa mga magulang ko dahil sila ang naging inspirasyon ko sa buhay, and ofcourse... Maraming-maraming salamat po sa lahat ng mga readers ko dahil na appreciate niyo ang work ko, hindi ko po talaga inaasahan na magustuhan niyo ito. 😊 Akala ko po talaga noong una na hindi niyo magustuhan ang novel ko, kasi first time ko lang po kasing gumawa ng novel kaya kinakabahan po talaga ako ng sobra ng may nagcomment sa novel ko... Masyado pong negative yung pang-iisip ko noon kaya ngayon binigyan niyo po ako ng lakas ng loob para gumawa muli ng ibang storya. Sobra po akong thankful sa inyo! 💜 Sana po ay hindi mawala ang supporta niyo sa akin at hindi mawala ang gana niyong bumasa sa mga novel. 💜😊Marami man ang nangyari dahil sa pandemiya at sa bagyong Odette sana po ay ayos lang ang inyong kalagayan ngayon. Love you mga readers! 💜😘 and keep safe everyone! 💜
And now you are in the finale Chapter! 😊 Hope you keep reading guys! 😘 And hope you read the coming season 2! Love you and Happy Valentine's Day! 💜💜
(Marco)
"Congratulations! You're going to be a dad!" sabay na ani ng dalawang doktor sa kanilang harapan. Napatulala si Marco sa kaniyang narinig mula nito hindi niya alam kung tama ba ang kaniyang narinig mula sa kapatid ng kaniyang kaibigan "paki-ulit nga Marvin...." aniya "tama ba ang narinig ko dok?" tanong naman ni Miguel nito. Bagkus sa mukha nilang dalawa ang pagkagulat at hindi makapaniwala "Marco, you're going to be a dad." pag-uulit nito sa kaniya "and yes, you too Miguel..." rinig niyang ani din ng isa. Agad silang nagtinginan ni Miguel sa isa't-isa and then suddenly they both shouted because of they feel. Napayakap sila sa isa't-isa dahil sa kanilang nararamdaman, agad namang napatawa ang dalawang doktor sa kanilang harapan dahil pati ang mga ito ay masaya para sa dalawang taong magiging ama na sa batang nasa sinapupunan nila Bena at Johan.
(Bena)
"Buntis ako?!" tanong niya sa doktor na ngayon ay nasa harapan niya may ngiti itong nakatingin sa kaniya. "yes! actually mag tre-3 weeks na ang fetus na nasa tyan mo and good to know na healthy naman ang fetus. At suggest ko lang sa inyong dalawa ni Marco na every month magpapa check-up ka para malaman natin ang kalagayan ni baby." paliwanag nito sa kaniya, tumingin si Bena sa nobyo na ngayon ay nakahawak ang kamay nito sa kaniya. Bagkus sa mukha nito na masaya ang binatang nalalaman na magiging ama na ito. "and also take some vitamins para sa inyo ni Baby, para kahit naman paano ehh.. mas magiging masigla ito sa sinapupunan mo." pagpatuloy pa nito sa kaniya. "opo... salamat." sagot niya sa binata. "so pano, alis na ako." pagmamaalam nito sa kanila. Napahawak si Bena sa kaniyang tyan, masaya siya sa kaniyang narinig ngunit kusa namang tumutulo ang kaniyang luha sa mata "bakit babe.? may masakit ba?" agad na tanong ni Marco sa kaniya na nagtataranta pa. "wala... masaya lang ako, kasi magiging ina ako sa magiging anak natin." ngiting ani niya sa nobyo, hinalikan naman ni Marco ang kaniyang kamay "ako din, ano kaya ang magiging pangalan ng baby natin?" tanong nito sa kaniya, agad namang napatawa si Bena sa kaniyang narinig mula sa nobyo, masyado kasi itong excited para mag suggest ng pangalan "ano ka ba... hindi pa naman siya lumalaki." ani niya nito "'ehhh.. kasi mas maganda kung may naipangalan na tayo sa kaniya hindi ba?" sagot nito sa kaniya, napaisip naman si Bena a sinabi ni Marco "kung sa bagay may tama ka rin naman." ani niya nito. "Ano kaya ang bagay para sa baby natin.?" anito na nag-iisip, agad napangiti si Bena sa kaniyang napansin sa nobyo hindi niya maiwasan na nakyutan siya nito. "Ahhh! alam ko na!" anito "How about Ben Mark?" ngiting ani habang nakatingin na ito sa kaniya. "Ben Mark? Bakit?" tanong niya sa nobyo "Kasi para Bena and Marco." Paliwanag nito sa kaniya, mas napangiti si Bena sa kaniyang narinig hindi niya inaasahan na may taste din pala ang kaniyang nobyo pagdating sa ganitong pangalan. "eehhh... panglalaki yun ehh! pano kung babae ang anak natin?" tanong niya nito, muling nag-iisip si Marco "Ben Marie?" anito. Napabuntong hininga si Bena inaamin niyang hindi niya gusto ang pangalan na inisip ni Marco para sa kanilang magiging anak "ang badoy ayaw ko yan...." aniya "ehhh.. ano sa tingin mo ang babagay?" tanong ng nobyo "Bethanie..." ngiting sagot niya sa nobyo, agad namang napatango si Marco sa kaniyang naisip, masaya siya dahil kahit na maraming nangyari sa kanila ni Marco ay matatag ang kanilang paniniwala sa isa't-isa at ngayon ay may darating pang bago nilang angel sa kanilang buhay.
(9 months later)
"MARCO!!!!!" Tawag niya kay Marco mula sa sala ng kanilang mansyon, masakit ang kaniyang tyan na sa tingin niya ay manganganak na siya sa ano mang oras "Ahhh!! MARCOOO!!!" ulit niya pa nito habang nakahawak siya ng kaniyang malaking tyan. Agad siyang napaluhod ng maramdaman niyang nanghihina na ang kaniyang tuhod, naramdaman niya naman na may padadating sa kaniya kaya ay napatingin siya nito "OH MY GOODNESS!" gulat na ani ng kaniyang ina ng makita siya nito. Sa mansyon kasi sila muna nananatili kasama ang kaniyang dalawang pamilya walong buwan na kasi ang nakalipas magmula noong natuluyan ng namamaalam ang kaniyang nanay Agnes at masaya naman ito dahil kahit na mawawala ito ay may dadating ding bagong membro ng pamilya. Agad namang lumapit ang kaniyang ina upang tulungan siya nitong makatayo... maya-maya lang ay nakita ni Bena ang apat na lalaki na halatang nagmamadali galing sa kanilang bakuran, lumapit ang mga ito sa kanila "Anong nangyari?" sabay tanong ng kaniyang dalawang ama "Manganganak na yata ako.." mahina niyang sagot sa mga ito. dali-daling siyang binuhat ni Marco at wala pang ilang minuto at isinakay na siya nito sa kotse "Yung mga gamit dalhin niyo!" tarantang sigaw ng kaniyang ina mula sa loob ng bahay "AHHHHH!" sigaw niya mula sa kotse "Wait ka lang Babe.." ani ni Marco na siyang dahilan na mapabunutan niya ito ng buhok dahil sa sakit ng kaniyang nararamdaman, nasa tabi kasi si Marco sa kaniya kaya ay madali niyang naaabot ang buhok nito. Napansin naman ni Bena na umaandar na ang makina ng kotse at nakita niya na ang kaniyang ama ang nag da-drive nito. "Wait lang hon.. ok, everything will be fine." ani ng kaniyang ama sa harapan habang hawak-hawak niya parin ang buhok ni Marco "woohh.. Marco pag may mangyari sa anak natin! lagot ka talaga sa akin. AAHHH!" ani niya pa nito "Babe... Walang mangyayari sayo at kay Baby, pero sa akin meroon... mawawalan ako ng buhok pag lagi mong hahawakan ito ng malakas." pagrereklamo naman ni Marco sa kaniya sa gitna ng kanilang pagbebyahe. Ngunit hindi talaga magawang bitawan ni Bena ang buhok ni Marco, mas naging kompertable siya paghahawakan niya ang buhok nito hanggang sa dumating sila sa ospital, may mga doktor at nurse naman agad ang sumasalubong sa kanila kaya ay nabitawan niya ang buhok ni Marco dahil agad siyang isinakay sa wheelchair at madali siyang ipinasok sa delivery room upang mailabas ang bago nilang angel.
(Marco)
Paikot-kot siyang naglalakad sa labas ng delivery room habang hinihintay ang resulta sa pagpanganak ng kaniyang nobya, inaamin naman si Marco na sobra siyang kinakabahan sa nangyari "Marco!' napatingin naman si Marco sa tumawag sa kaniya and he see his Parents na nag-alalang palapit sa kaniya. "Ok na ba siya?" tanong nito sa kaniya "I don't know mom, hindi pa namin alam kung ano ang resulta." sagot niya naman nito, napansin naman ni Marco na nakipagsadatingan na din ang iba pa nilang kakilala maliban lamang kay Miguel at JOhan, kakapanganak lang din kasi ni Johan at nalaman nilang kambal ang anak nito at kung tutuusin ay nasa kwarto na ito ngayon upang makapagpahinga, mas lalong kinakabahan si Marco sa kaniyang inisip. "She will be fine. Trust me." Ani ni Emilyn sa kaniya ng makalapit ito sabay tapik nito sa kaniyang balikat "I hope so.." Sagot niya naman nito habang pilit na ngumingiti. Nasa upuan na din ang pamilya ni Bena tahimik itong na nanalangin na sana ay maging successful ang deliver ni Bena sa kanilang baby. Hindi nagtagal ay lumabas ang isang nurse mula sa loob ng kwarto ngumiti ito sa kaniya "Mr. Flores, Congratulation! You have a Baby Boy." anito. Napatalon naman sa saya ang kaniyang mga kasamahan, masaya din siya ngunit mas nag-alala siya sa kaniyang nobya. "how about Bena?" tanong niya nito, mas lalong ngumiti ang babaing kaharap niya "AAAAHHHH!!!" muling narinig ni Marco ang sigaw ni Bena mula sa loob ng kwarto na syang dahilan na mas lalong napag-alala ni Marco sa nobya, at unti-unti nilang narinig ang iyak ng isang sangol mula sa loob. Bumalik ang Nurse sa loob ng kwarto at naguguluhan si Marco sa nangyari. Hindi muling nagtagal ay lumabas ang isang doktor na sa pagkakaalam ni Marco ay ito ang assistant ni Marvin "Dok... ok na po ba si Bena?" tanong niya nito, naramdaman naman ni Marco na may humawak sa balikat niya at nakita niya ang ama ni Bena na si Greg ngumiti ito sa kaniya "She's fine and she deliver the twins so well." sagot ng doktor sa kaniya "TWINS?!" sigaw nilang lahat, tumawa naman ang doktor sa naging reaksyon nilang lahat "Yes! its Twins, and gladly it's a Boy and a Girl." anito. Napahinga ng maluwag si Marco sa kaniyang narinig masaya siya sa kaniyang nararamdaman lalo na at hindi lang isa kundi dalawa ang angel nila ni Bena. Hindi niya maiwasan na hindi mapaluha, at luha ito sa saya ng kaniyang nararamdaman.
(Johan)
"Here's your baby!" masayang ani ni Norman sa kanilang dalawa ni Miguel, nasa kwarto sila ngayon at nakapagpahinga naman siya ng maayos, at nang magising siya ay nasa tabi niya na ang lalaking ama ng kaniyang dalawang anak. Napansin niya naman na wala ang kaniyang mga kaibigan at ang kaniyang pamilya at kay Miguel lang ang meroon "Wow ang cute nila..." masayang ani ni Maggie nang mahawakan na ni Johan ang isa sa kanilang anak at na kay Miguel naman ang isa "ano ang gusto mong pangalan sa kanila?" tanong ng isang nurse na may dala-dalang papel na kasama ni Norman , napatingin naman siya sa kaniyang kapatid na ngayon ay masayang nakatingin sa kaniya. Hindi niya naman maiwasan na hindi maalala ang gusto nilang ipangalan sa mga anak nila noon, "may naisip ka na ba hon?" tanong ni Miguel sa kaniya, ngumiti siya "Mizzyr Joo Curtes and Maxxine Jonah Curtes" aniya habang nakatingin sa kakambal. Napansin niyang nagulat si Jonah sa narinig nito ngunit agad naman itong nakabawi at mas lalong ngumiti "thank you." mahinang ani ni Jonah sa kaniya, ngayon ay naintindihan na ni Johan ang kapatid, galit man siya noon nito dahil sa mga ginagawa nitong kalukuhan ngunit ngayon ay nag-alala siya dahil may matindi itong karamdaman. Pero kahit ganun ay umaasa parin si Johan na magiging maayos ang kapatid at mananatili itong masaya sa piling nilang lahat. "maganda ang pangalan, gusto ko rin iyan.." ani ni Miguel "iyan na miss ang pangalan sa baby girl at baby boy namin." pagpatuloy nito. (Mas nauna kasing lumabas si Maxxine kaysa ni Mizzyr) "sige po salamat." Sagot naman ng nurse at tsaka ito umalis pagkatapos e-take note ang mga pangalan na kanilang ibinibigay. Hindi nagtagal ay nakipagsidatingan ang kaniyang mga kaibigan na may mga ngiti sa labi "good news! Twins din ang anak nila Bena!" Masayang ani ni Rose sa kanila. Nagkatinginan naman agad sila Miguel at napangiti.
(Bena)
Napangiti si Bena ng makita niya ang dalawa niyang anak nasa kamay nila Marco, inaamin niyang nagmana kay Marco si Ben Mark at sa kaniya naman si Bethanie. Iniikot niya ang paligid sa silid at nakita niyang nag se-Cellphone lang ang kanilang mga kasamahan at habang kanilang ama't-ina ay nag-uusap sa upuan na hindi masyadong malayo sa kanila. Agad siyang napatingin kay Marco ng biglang umiiyak si Ben Mark sa kamay nito. "I think he want you to hold him." ani ni Marco sa kaniya na hindi sigurado, napabuntong hininga nalang si Bena nito at tinawag niya si Emilyn na ngayon ay kausap ang nobyo "pwede mo bang hawakan mo na si Bethanie?" tanong niya nito, ngumiti naman si Emilyn sabay tango nito... inaabot niya ang bata at tsaka ibinigay ni Marco si Ben Mark sa kaniya. Nang nasa kamay na niya si Ben Mark ay nagtataka si Bena ng may isang bagay siyang nahawakan mula sa damit nito "Ba't parang may bilog?" tanong niya sa sarili habang kinakapa niya pa ang likod ng damit ng sanggol "bakit may problema ba?" tanong ni Marco ng mapansin nito ang hitsura ni Bena "ano kasi parang may mali sa damit niya." sagot niya nito. "talaga? kunin mo baka iyan ang rason kung bakit sya umiiyak." ani ni Emilyn sa kaniya na seryoso ang mukha. "ito na nga ehh--" sagot niya sabay kuha ng bagay na iyon. Hindi nagtagal ay nakuha din ni Bena "Sing-sing?!" gulat niyang ani, "Ba't may---" nagulat nalang bigla si Bena nang makita niyang kinuha ni Marco ang sing-sing sa kamay niya at napatakip siya sa kaniyang bibig gamit ang isang kamay ng biglang lumuhod si Marco sa kaniyang tabi. "Benadith Bernardo Reyes..." banggit ni Marco sa kaniyang buong pangalan "Marco--" banggit din niya nito "I know na sobrang madali sa atin ang lahat, parang kailan lang naging tayo and now you give birth to our little Prince and Princess." masayang ani ni Marco sa kaniya. "Marami man ang nangyari sa atin but... My love for you... never change I love you... and I promise that I will always do..." pagpatuloy ni Marco. Agad na pansin ni Bena ang pagdating ni Johan na naka wheelchair at ang nobyo nitong si Miguel, ibinalik ni Bena ang kaniyang paningin sa lalaking minamahal niya "WILL YOU MARRY ME?" tanong nito habang madiin na nakatingin sa kaniya at hawak-hawak parin ang sing-sing. "Gago!... OO alangan namang HINDI?" sagot niya nito. Muling naghiyawan ang mga tao sa loob ng kwarto, lahat ay masaya para sa kanila, agad isinusuot ni Marco ang singsing sa kamay ni Bena, habang may luha ito sa mata dahil sa sayang nararamdaman at ganoon din si Bena. "teka... ito ba ang dahilan kaya ka hindi agad sumulpot kanina?" tanong niya nito. ngumiti naman si Marco at tsaka tumango. "I'm sorry about it." anito sabay halik nito sa kaniyang noo. "don't be.." sagot niya naman nito muli siyang hinalikan ni Marco sa labi at ipinadama nila pareho ang kanilang pagmamahal para sa isa't-isa.
(2 months past)
(Marco)
Kinakabahan si Marco na naghihintay mula sa loob ng simbahan inaamin niyang hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili ngayong araw lalo na at mula ngayon ay isa na siyang ganap na asawa sa babaing pinapangarap niyang makasama habang buhay at ama ng kaniyang dalawang anak. "Nandyan na siya." ani ng kaniyang bestman na si Norman, tinatanggi kasi ni Vincent na magiging best man sa kasal nila ni Bena, dahil hanggang ngayon ay hindi parin ito maka move-on sa babae. Hindi din ito umaattend sa importanting event at laging sinasabi na may importante siyang ka meeting na business partner. "are you ready?" tanong ni Norman sa kaniya at tumango naman si Marco sa tanong ng kaibigan. Bawat hakbang ni Bena papalapit sa kaniya ay siya ding pagtibok ng kaniyang puso. Mas lalong gumaganda ang babae dahil sa suot nitong wedding dress pero para kay Marco ay habang tumatagal ang kanilang pagsasama ay mas gumaganda si Bena araw-araw. Napansin ni Marco na dalawa ang amang naghahatid kay Bena sa altar at hindi niya naman ito masisisi dahil gusto ni Bena na kompleto ang kaniyang pamilya. "Alagaan mong mabuti ang anak namin Marco.." ani ni Mr. Reyes ng ibinibigay na nito ang kamay ni Bena "I will tito." sagot niya nito agad naman itong napakunot sa noo sa narinig na syang dahilan na mapatawa ng mahina sina Mrs. Reyes at si Mang Corning "Dad! call me that from now on." "yes... dad." aniya. nagpipilit naman si Bena na hindi matawa sa kaniyang nakita kay Marco napansin kasi nito na kinakabahan si Marco sa mga oras na ito. Nang umalis na ang magulang ni Bena ay agad silang humarap sa altar na parehong may ngiti sa labi at sinamulan ang serimunya hanggang sa dumating na ang part na kanilang hinihintay "groom you will now kiss the bride." ani ng pari at tsaka nagharapan silang dalawa. Itinaasa ni Marco ang belo ni Bena at masaya siyang bumulong nito "Kiss muna ngayon Babe... maghintay ka lang sa pangalawang honeymoon natin." anito kaya ay napamula nalang si Bena sa narinig nito "ikaw talaga puro ka biro." mahina din nitong sagot sa kaniya. "ano ba yan..! kiss mo na iyan Marco!" sigaw ni Miguel na ngayon ay kasama si Johan sa upuan. Nagsimula namang naghiyawan ang mga tao at sinisigaw nito ang salitang kanina lang dapat nila ginawa "kiss daw." maikling ani ni Marco. Mas namumula na ngayon ang mukha ni Bena at nakita niya ding napakagat labi ito dahil sa nararamdaman, dahan-dahan inilapit ni Marco ang kaniyang mukha sa babae sabay hawak niya sa kamay nito "I love you." ani niya nito "I--" hindi pa naituloy ni Bena ang kaniyang dapat sabihin ngunit bigla niya itong hinalikan ng malalim at ipinadama ang kaniyang pagmamahal. Pagmamahal na walang hanggang.
(THE END)
Author's note:
Once again... ako'y nagpapasalamat sa inyong lahat mga readers! sobra po akong na inspire sa mga comment niyo sa novel ko. At kahit na hindi agad ako nakapag-update hinihintay niyo talaga ang sumunod na pangyayari sa kwento. At dahil Valentines ngayon, give more love to each of you. 💜💜💜 at hindi lang po dito magtatapos ang kwento may susunod pa po, Hope you keep reading guys! and also for the upcoming novel of mine. Saranghae Everyone!!💜😘😘
(Prologue:)
Agad napahawak ang dalaga sa kaniyang ulo, hindi niya kasi inaasahan na malalasing siya agad sa wine na kaniyang iniinom mula sa wedding party ng kaniyang kakambal na si Johan. "ahhh! sana hindi nalang ako pumayag sa lalaking iyon." aniya sa kaniyang sarili habang naglalakad siya patungo sa sinasabi ng kaniyang kapatid na kwarto. "ano... ba to?"tanong niya sabay kuha ng susi sa kwarto, hindi maayos ang kaniyang paglalakad ngunit pinipilit niya parin ang sarili na maglalakad at makarating sa hotel room "169?" pagpatuloy niya sabay hanap sa numerong nakita, at hindi nagtagal ay napangiti nalang siya ng makita niya na nga ang kwartong para sa kaniya "Finally!" masayang ani niya nito sabay hawak sa door knob sa kaniyang harapan ngunit napakunot-noo naman siya bigla ng mapansin niyang bukas ang pintuan at dahil gusto niya ng matulog ay binabale wala niya nalang ito at pumasok. Dahan-dahan niyang hinubad ang kaniyang damit dahil sa init ng kaniyang nararamdaman, sanay naman siyang nakahubad matulog kaya ay ok lang ito sa kaniya lalo na at siya lang ang nag-iisang tao sa kwarto. She feel so relief ng makahiga na siya sa kama at naging kompertable siya nito at may ngiti sa kaniyang labi habang natutulog, ngunit kinabukasan ay nagulat nalang siya sa kaniyang nakita she sleep with the guy she never meet before and na lamang may nangyari sa kanila nito.
Hindi niya inaasahan na mangyayari ito sa buong buhay niya. Jonah have a heart disease kaya ay hindi siya maaring mabuntis o masaktan dahil lang sa lalaking hindi niya kilala. And now She actually having sex with a Stranger and have a baby with him.
10TH MONTHS WITH HIM.
(She's Dating with a Mysterious man S2)I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (89)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
wow wonderful story.I know the ending is Her father is the misterios guy
21/01/2022
4keep going its nice to read your storys im looking forward for your other story
19/01/2022
5nice
06/06/2024
1Tingnan Lahat