CHAPTER 20

(Bena)
"Ate.. may bisita ka." sigaw ni Banjo mula sa labas ng kanilang bahay. "Ba't ang aga naman yata ni Marco para sunduin ako dito?" tanong niya sa kaniyang isipan ng marinig niya ang pagsigaw ng kanyang kinikilalang kapated, nasa maliit na bahay kasi sila Banjo ngayon upang kahit naman papaano eh meroong tao ang kanilang bahay. Dali-daling lumabas si Bena sa kaniyang kwarto at tsaka siya nagsimulang magsalita kahit hindi pa siya nakakasiguro kung sino ang taong nasa labas ng kanilang bahay. "ang aga mo naman hindi pa ako handa para sa party at wala din akong--" hindi na ituloy ni Bena ang kaniyang dapat sabihin sa taong nasa labas ng kanilang bahay upang sunduin siya nito napatameme naman siya agad ng makita niya kung sino. "Ma'am Vanessa?!" gulat niyang ani ngunit ngumiti lang ito sa kanya "hi." Agad napatingin si Bena kay Banjo na ngayon ay nakatingin na din sa kagandahang taglay ni Vanessa, nagtataka ang kaniyang mga mata nakatingin pabalik sa kanilang pangalawang boss. "are you ready?" tanong ni Vanessa sa kaniya na mas lalo pang nakakapagtaka sa kaniya "po?" aniya nito. Ngunit bigla siyang hinawakan ni Vanessa sa kamay na siyang dahilan na mapunta siya sa labas ng kanilang bahay. "Banjo, tawagan mo nalang sila mama Agnes!" sigaw niya sa kaniyang kapated ng maramdaman niyang dadalhin siya ni Vanessa sa kung saan, agad namang tumango si Banjo bilang sagot nito.
"Saan po ba talaga tayo pupunta?" tanong niya kay Vanessa ng makasakay na siya sa malaking Van. Hindi niya inaasahan na si Vanessa ang sasalubong sa kaniya para sa party, "SA PARLOR!!" agad napatalon sa gulat si Bena ng marinig niya ang sabay-sabay na sagot mula sa kaniyang likuran, tumingin sya nito at agad napakunot ang kaniyang noo ng makita niya kung sino ang mga ito. "Anong ginagawa niyo dito?" takang tanong niya sa mga ito. "to be prepare?" tanong-sagot ni Rose "para sa party--" ani naman ni Juls, tumingin si Bena sa dalawa pa niyang kasamahan ngunit wala itong sagot sa tanong niya bagkos ay nakatingin lang ang mga ito sa kawalan. Bumuntong huminga nalang si Bena nito at tsaka umayos ng upo sa kaniyang pinag-upuan. "may nangyari bang hindi maganda kina Emilyn at Johan? ba't ang lamig yata ng kanilang mga awra?" tanong niya sa kaniyang isipan.
(Johan)
Wala sa sariling tumingin si Johan sa kaniyang matalik na kaibigang si Bena na ngayon ay nasa harapan niya katabi si Vanessa. Alam niyang nagtataka ito sa kaniya kung bakit wala siya sa mood para makipag-usap sa barkada ngunit anuman ang gagawin niya ay hindi mawala sa isipan niya ang nangyaring pag-uusap nila Miguel nung nakaraang araw.
(FLASHBACK)
Masayang nakatingin si Johan sa dalawang taong nasa harapan niya ngayon inaamin niya na nagulat siya ng sobra ng magsinungaling ang binatang si Jayson sa kaibigang si Emilyn kaya ay agad niya itong napalo ng di oras nang makita niya ang pag-alis ni Shin sa post nito. Agad niya namang sinabihan si Jayson na sundin ang dalaga para doon na lang gagawin ang pangliligaw nito kay Shin; At hindi naman siya nabigo dahil nagiging malinaw na din sa dalawa ang pag-iibigan nito, huminga siya ng malalim at tsaka siya napangiti. Tapos na kasi ang duty niya ngayong araw at magkasabay silang tatlo ngunit ipinauna muna ni Johan ang dalawa na magkasintahan na ngayon... upang mas magiging malalim pa ang pagkwe-kwentohan nina JAyson at Shin. "ang ganda nilang tingnan.." mahina niyang ani sa sarili "ako kaya... kailan kaya dadating yung taong para sa akin?" pagpatuloy niya pa, napayuko siya ng di oras sa kaniyang iniisip alam niya na malabo iyong mangyari lalo na at nasaktan na siya noon... at ayaw niya ng maibalik pa yung dating Mie na nakilala ng taong minsan niya ng minahal. "haaaayy--" maikling ani niya sa kaniyang sarili habang nakayuko parin. maya-maya lang ay napahawak nalang siya ng kaniyang noo ng maramdaman niyang may isang bagay na nagpauntog sa kaniyang noo "aray ko!" gulat niyang sigaw sa kaniyang nararamdaman. Agad siyang napatingin sa harapan niya at muling nanlaki ang kaniyang mga mata ng makita kung ano at sino ang nasa harapan niya ngayon, naka disguise man ito upang hindi agad makilala sa mga taong nakapaligid sa kanila ngayon ngunit unang tingin niya palang ay alam niya na kung sino... iiwasan niya na sana ang binata ngunit na bigo siya ng hawakan ni Miguel ang kaniyang damit ng mahigpit upang hindi siya makakatakas muli sa binata lalong-lalo na at mas matangkad ito sa kaniya. "Aray ko!ano ba!" sigaw niya nito sabay pumipiglas sa binata, napansin niyang nakatingin lang sina Jayson at Shin sa kaniya na may mga ngiti nito sa labi na siyang dahilan na mapataas ang kaniyang kilay sa mga ito "Good luck!" bulong ng dalawa kahit na malayo ito ay alam niya kung ano ang mga sinasabi nito tsaka ito tumalikod sa kaniya upang ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay. "Hoy! Jayson!" tawag niya sa binata ngunit hindi siya pinapansin nito, napakagat nalang siya sa kaniyang labi dahil alam niya na wala siyang sapat na lakas para makatakas sa binatang ayaw niya na sanang makita. "we need to talk." mahina man ang pagkakasabi ni Miguel sa kaniya ngunit alam niyang naiinis din ito sa kaniya dahil sa kaniyang pagtakas sa condo nito ng hindi namamaalam.'
" ano bang pag-uusapan natin Mister?" tanong nya sa binata na ngayon ay tinanggal na ang mask at ang sumbrero nito na parihong kulay itim. "marami... marami tayong dapat pag-usapan." anito habang nakatingin sa kaniya ng madiin, katabi niya lang ang binata at pareho silang nasa loob ng kotse nito, inaamin niya naman na na aawkward siya sa kanilang sitwasyon lalo na at maliit lang ang kanilang pagitan ng binata "ku-kung ganun? ehheemm-- pwede... lumalayo-layo ka muna?" ani niya sa binata habang hindi magawang makatingin nito, agad namang sumunod si Miguel sa kaniyang sinabi kahit na nahihirapan itong gumalaw "ito? ok na ba?" tanong naman agad ni Miguel sa kaniya, at tsaka siya tumango kahit na hindi siya sigurado kung ok na ba ang kanilang distansya. "well-- Unang-una sa lahat, naiinis ako sayo dahil bigla kang umalis sa place ko na hindi ka man lang namamaalam." pagsisimula ni Miguel sa kaniya "bakit magulang ba kita para magpaalam pa ako sayo?" tanong niya nito "hindi naman sa ganun... ang sa akin lang, sana sinabi mo sa akin kanina na aalis ka para hindi ako magiging isang tanga sa kakahanap sayo." inis na paliwanag ni Miguel sa kaniya "di sana hindi mo ako hinanap?" taray niyang sagot din sa binata. Napahilamos nalang si Miguel sa kaniyang sariling kamay dahil sa kaniyang narinig mula kay Johan, hindi niya naman ito masisi dahil alam niya na galit parin si Johan sa kaniya. "look-- ayaw kung magkasagutan tayo dahil lang doon, so-- please give me a chance to explain everything." ani ni Miguel sa kaniya sabay hawak nito sa kaniyang kamay, napatingin naman si Johan sa mukha ng binata, inaamin niyang walang nagbago nito ngunit nararamdaman niyang kusang sumasakit ang kaniyang dibdib ng maalala niya kung paano siya sinaktan ng binata kaya ay tinanggal niya ang pagkakahawak ng kamay ni Miguel sa kaniya "pasensya na pero wala akong panahon na makipag talo sa taong MANLOLOKO."' diin niyang sagot sa binata tsaka niya binuksan ang pintuan ng kotse upang umalis, nang makalabas na siya ng kotse ay nagulat na lang siya ng pigilan siya ni Miguel sa pamamaraang pagyakap nito sa kaniya. "please give me another chance just to show you how much I miss you and I love you." anito. Napapikit nalang si Johan sa kaniyang narinig mula sa binata, inaamin niya na sa pagkakataon na ito ay nararamdaman niya na na tutulo na ang kaniyang mga luha na matagal niya ng pinipigilan "ano ba... bitawan mo nga ako." mahina niyang sagot sa lalaki dahil sa kaniyang pagpipigil sa sarili. Akala niya ay bibitaw ang binata sa pagyakap sa kaniya ngunit nagkamali siya dahil mas hinigpitan pa ni Miguel ang yakap nito sa dalaga "oy! diba si Miguel yun?" rinig na niyang bulong-bulongan sa mga taong nakapaligid sa kanila. Agad naman siyang nataranta dahil mas dumadami pa ito "si Miguel nga--" ani ng iba pa "nakalimutan ko, artista pala tong kasama ko." ani niya sa kaniyang isipan. "Mi-Mig.." tawag niya sa lalaki "hindi ako aalis dito kapag hindi ka makikipag-usap sa akin ng matino." sagot ni Miguel, wala naman siyang magawa dahil kilala niya na ang binata pagsasabihin nito na hindi ay hindi talaga ito. Bumuntong huminga nalang si Johan ang akala niya na maging maayos ang kaniyang buhay ngunit napalitan ito ng pangamba at pag-alala. "sige payag na ako.. pero please.. huwag dito.." sagot niya nito habang nakayuko siya dahil sa mga taong tumitingin sa kanila, naramdaman naman ni Johan na napangiti ito sa kaniyang likuran ngunit hindi na ito importante sa kaniya "sige, bukas na bukas sumama ka nila Vanessa siya ang magiging guide mo... gusto ko mag-uusap tayo ng matagalan. kaya sana huwag mo na akong pahirapan pa, naintidihan mo?" agad naman siyang tumango dahil nahihiya na siya sa kanilang position "promise?" pagpatuloy pa nito sa kaniya "oo promise." ani niya naman nito ng hindi man lang nagdadalawang isip na sagutin ang sinabi ng binata sa kaniyang likuran.
(END OF FLASHBACK)
"kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari sana hindi nalang ako pumayag!" ani niya sa kaniyang sarili sabay yuko niya nito.
(Emilyn)
Napakagat-labi nalang si Emilyn sa kaniyang iniisip pakiramdam niya ay may masamang mangyayari ngayong gabi dahil narin sa kaniyang kapated at ama. Alam niya na sa pagkakataon na ito ay magkikita silang mag-ama sa party lalo na at magkakilala ang pamilya ni Marco at ang kaniyang ama. Inaamin niya na nagdadalawang isip siyang pupunta ba o hindi at dahil nga kay Norman ay kinuha siya ni Vanessa sa bahay nila ng kaniyang tiyahin, hindi naman siya makakatanggi nito dahil nahihiya siya sa kaibigan. "Ano kaya ang mangyayari doon noh?" rinig niyang tanong ni Juls sa katabi na si Rose "alam mo Juls napaka dal-dal mo." inis namang sagot ni Rose sa kaibigan "suuss-- alam kong nag-iisip ka rin ng ganiyan." pagbibiro naman ni Juls nito "teka nga lang... may mga gwapo kaya doon?" agad napatawa si Emilyn sa kaniyang narinig mula sa kaibigan, hindi niya inaasahan na sa pagkakataon na ito ay nagawa pa nitong magbiro para lang mapatawa sila. "bakit? totoo naman huh--" anito na parang bata kaya ay mas lalo pa silang napatawa "oo na ang kulit mo." sagot naman ni Rose nito at tsaka tumawa ng mahina. Agad namang napansin ni Emilyn na may text siyang natanggap galing sa kaniyang kapated na si Christine ("ate... sabi ni papa... uuwi ka daw ngayon dito.") agad napataas ang kilay ni Emilyn sa kaniyang nabasa alam niya na may ginagawa na namang kalukuhan ang kapated niya sa labas kaya ay nagte-text ito. Agad niyang ipinatay ang kaniyang cellphone at isinabali wala ang text nito. Mas gugustuhin niya ngayon na pumuntang party bilang Emilyn Roa Ramirez at hindi bilang Christine Ramirez. Dahil minsan ay ipinatawag siya ng kaniyang ama para ipinakilala siya sa mga kakilala nito hindi bilang siya kundi bilang si Christine, kaya ngayon na kasama niya na ang kaniyang mga kaibigan ay may lakas na loob na siyang pagpapakita sa mga tao bilang isang legal at tunay na anak ng kaniyang ama at anak ni Mrs. Emilia Roa Ramirez.
(Bena)
"WE are now here!"masiglang ani ni Vanessa sa kanila habang nakatingin ito sa labas ng van. Napatingin na rin ang iba niyang kasamahan ngunit nag-alala si Bena sa kaniyang dalawang kaibigan. Lumingon siya nito at tsaka siya napabuntong huminga ng makita niyang bumalik na ang sigla nina Emilyn at Johan. "Hayy---" ani niya ng mahina. "Hey! come on guys... Let's go!" agad siyang napatingin kay Vanessa na ngayon ay nakalabas na pala ng van, napansin niyang nandoon na rin and iba kaya ay lumabas na rin siya na may ngiti sa kaniyang labi.
"Mahal kaya ang bayad dito?" nanlaki ang mga mata ni Bena ng marinig niya ang sinabi ni Juls, ngayon niya lang naalala na naiwan niya pala ang pera niya sa bahay nila kanina. "ano kamo?! shh**tty-- naiwan ko ang pera ko sa bahay!" napatingin si Bena sa babaeng nagsasalita it's Johan, agad naman siyang napatawa ng mahina dahil hindi lang pala siya ang nakalimot na dalhin ang pera. "ako din ehh--" sabay na ani naman nilang dalawa ni Emilyn at tsaka sila nagtitinginan at sabay tawa muli. "ano ka ba besh-- part ko yun." ani ni Emilyn sa kaniya sa gitna ng tawa nito. "oh! ano na ang ginagawa niyo dyan? Come inside."ani ni Vanessa na ngayon ay nagtataka kung bakit hindi pa sila pumasok sa parlor. "ahh-- Ma'am sa tingin ko po hindi nalang po kami tutuloy." hiyang sagot ni Bena sa dalaga "huh?! bakit?" takang tanong naman ni Vanessa sa kaniya. "kasi wala po kaming pambayad." yukong ani naman ni Johan, agad naman itong tumawa dahil sa narinig nito. "ano ba kayo--- ayos lang iyan at tsaka libre lang naman kayo dito sa parlor ko." ngiting sagot ni Vanessa nito "ahhh.. ganun ba--" anito "teka-- sa inyo po 'tong parlor?!" gulat na tanong nilang lima dahil sa kanilang narinig "well, yes!" napatameme sila sa kanilang narinig hindi nila kasi inaasahan na may iba pa pala itong negosyo maliban sa coffee shop. "ang yaman niyo naman pala ma'am!" hangang ani ni Rose sa dalaga na hindi makapaniwala, tumawa naman si Vanessa sa kaniyang narinig mula nito "ano ba kayo-- hindi naman sa ganoon.. sadyang may tumulong lang sa akin para makapag ipon at iyon ay ang kuya ni Marco." anito "may kuya pa pala si Sir?" tanong naman ni Juls."oo tama may kapated pala si Marco." ani ni Bena sa kaniyang isipan ng maalala niya ang kwento ni Marco noong nalock sila sa secret garden. "yup!" siglang sagot naman ni Vanessa sa mga kaibigan ni Bena "may iba lang po ako ma'am.." napatingin si Bena kay Juls ng magsalita ulit ito. "ano iyon--" tanong naman ni Vanessa "bakit sa lahat po ng employado sa store eh-- kaming lima lang po ang isasama mo sa party?" tanong ni Juls ng mapansin nito na sila lang ang isinakay sa van ng kanilang boss. "ahhh-- kasi gusto ni Marco na isasama ang barkada ng girlfriend niya, ayaw niya kasing mag mukhang tanga si Bena sa party pag may kausap siyang ibang tao."paliwanag ng dalaga sa kanila "G-GIRLFRIEND?!" gulat na tanong ng mga ito, napangiti nalang din ng pilit si Bena sa mga ito dahil sabay-sabay itong nagsitinginan sa kaniya.
"Ba't hindi mo sinabi sa amin na kayo na pala?" tanong ni Emilyn. "kailan pa?" sunod na tanong naman ni Johan "nagka kiss na ba kayo?" tanong naman ni Rose na ikinamula naman agad ng mukha ni Bena "mabango ba ang hininga niya?" tanong naman ni Juls sa kaniya. "ano na?!" sabay-sabay pang tanong ng mga ito; huminga naman ng malalim si Bena para simulan ang mga katanungan ng kaniyang mga kaibigan, nasa loob na sila ngayon at sinimulan na din silang ini make-over. "una, hindi naman kayo nagtanong sa akin... kaya akala ko alam niyo na, hindi pa pala." pagsimula "pangalawa,-" agad napakagat labi si Bena habang mas namumula ang kaniyang mukha dahil sa magiging sagot niya sa kaibigan "pangalawa ano?" inis na tanong ni Johan dahil naghihitay sila kung ano ang sagot ni Bena nito "ahhmmm yes?" mahina niyang ani ngunit sapat na ito para marinig ng kaniyang mga kaibigan. Agad naman itong naghiyawan dahil sa kilig ng kanilang nararamdaman para sa kaisa-isa nilang kaibigan dahil sa wakas ay nagkaroon na din ito ng nobyo. "woahhhh! congrats besh! dalaga ka na!" biro naman ni Rose sa kaniya sabay tawa nito sa gitna ng kilig "at iyong pangatlo?" tanong ni Juls "Oo-- sobrang mabango ang hininga niya, tulad parin ng dati." muli silang napatalon sa tuwa "ehh-- teka pano yung 'kailan'?" tanong ni Rose ng mapansin niyang hindi pa na sagot ni Bena ang tanong ni Johan nito. Napahinto naman si Bena sa katanungang iyon, inaamin niya na siya mismo ay hindi alam kung kailan ba talaga nagiging sila ni Marco dahil na pansin niya din na parang biglaan ang kanilang relasyon sa binata. "tama-- kailan ba talaga nagiging kami ni Marco?" tanong niya sa kaniyang isipan ngunit napapikit nalang siya dahil hindi niya alam kung kailan ba talaga nagiging sila nito.
(Marco)
Naiinip na naghihintay ang magkaibigan na sina Miguel, Norman at Marco sa labas ng Parlor, napagkasunduan nila kasi na susunduin nalang daw nila ang mga babae para safe at makaka attend talaga ang mga ito sa party "anong oras na ba?" tanong ni Marco sa mga kaibigan ng mararamdaman niyang hindi pa lumalabas ang mga ito "it's already 6:00 pm." sagot naman ni Norman nito. Agad naman silang napatingin sa taong papalabas ng parlor at na dismaya ng makita nila ito "oh-- sir Marco, kanina pa ba kayo dito?" tanong ni Mr. Salvador sa kaniya "ahh-- no, kadadating lang namin." pagsisinungaling niya, nakita niya naman na agad napataas ang kilay ni Miguel dahil sa sinabi niya sa kaniyang empleyado "ahh.., mabuti naman po kung ganoon, huwag po kayong mag-alala nakahanda na po silang lahat." sagot ni Mr. Salvador habang may ngiti ito sa labi "really?! that's good." masayang ani naman ni Norman. Maya-maya lang ay napatingin sila sa pintuan ng parlor dahil bumukas ito at iniluwa ang mga babae na kanina lang nila hinihintay. Ngunit agad na pakunot-noo si Marco ng hindi niya makita ang kaniyang nobya sa mga ito "Vanessa." tawag niya sa kaniyang pinsan habang nakikipag-usap ito sa nobyo, lumingon naman ito sa kaniya agad. "Where's Bena?" he ask "oh! nasa loob pa, huwag kang mag-alala lalabas din iyon kasama si Emilyn." sagot nito. Agad naman siyang napahinga ng maluwag sa kaniyang narinig at tsaka siya napatingin sa kaniyang kaibigan na si Miguel na ngayon ay nakatulalang nakatingin sa mga babaeng iniibig nito. "ayos lang ba?" rinig ni Marco'ng tanong ni Johan sa lalaki. "'may-- iba ba sa hitsura ko?" tanong ulit nito but Miguel did'nt answer instead he just smile at her like crazy. Napayuko nalang si Johan nito at tsaka ito tumalikod sa binata ng maramdaman na hindi ito sasagot sa katanungan ng dalaga, agad namang lumapit si Miguel sa babae at tsaka ito yumakap at may ibinubulong nito... napahawak nalang si Marco sa kaniyang batok sa kaniyang nakita sa kaibigan. hindi niya akalain na kung ano ang isinusuot ni Miguel noon sa kanilang kalokohan ay yun din pala ang susuotin ni Johan ngayon. "Oh... here they are." muling napatingin si Marco sa pintuan at agad naman siyang napanganga sa kagandahang taglay ng kaniyang nobya, inaamin niya na kahit simple lang ang make-up nito ay mas nangingibabaw ang natural nitong ganda. Umaapaw ang sayang nararamdam ni Marco ng mapansin niya ang suot ng kaniyang nobya na gown, ito ang gown na isa sa deni-design ni Marco noong nag high school pa sila. Lumapit naman si Bena sa nobyo na may ngiti sa kaniyang labi "pasensya na huh... na late kami kasi--" "no... it's fine." ngiting pagpuputol naman ni Marco sa kaniyang nobya sa sasabihin nito. "it's suit you well.." anito ni Marco kay Bena; tumingin naman si Bena sa kaniyang suot at muling napangiti "maganda ba? ito kasi ang gusto kong gown kaya ito ang pinili ko..." paliwanag ni Bena nito, agad namang mas lumapit si Bena sa nobyo upang may ibubulong nito "Ang dami palang mga damit si Ma'am Vanessa dito kahit parlor ay may mga gown na nakasabit sa room niya." mahina niyang bulong nito na ikinatawa naman ni Marco ng mahina "bakit?" tanong naman ni Bena "nothing-" maikling sagot niya naman "so-- guys let's go na.!! baka ma late pa tayo." paalala ni Vanessa sa mga ito at tsaka sila nagsimulang mag lakad sa kaniya-kaniyang kotse na sasakyan nila.
(Bena)
Malakas ang tunog ng musika galing sa loob ng malaking bahay, inaamin naman ni Bena na kinakabahan siya dahil ngayong gabi ay ipakilala siya ni Marco sa mga magulang nito bilang kasintahan, agad naman siyang napatingin sa kaniyang nobyo ng maramdaman niya ang paghawak ni Marco sa kaniyang kanang kamay "don't worry I always be here." anito ni Marco sa kaniya na syang dahilan na mapalakas ang loob ni Bena, tinangu-an niya naman ito bilang sagot at tsaka siya napatingin sa mga taong kaharap niya ngayon na papasok na sa loob.
"Good evening, where your invitation card please. " Rinig niyang tanong sa isang lalaki na maangas ang dating, napalingon naman siya kay Marco ng hindi ito kumikibo "card daw.. " Bulong niya sa nobyo ngunit parang hindi man lang siya narinig nito kaya ay napahigpit siya ang hawak sa nobyo na syang mapatingin ito sa kaniya. "Bakit?" Tanong Marco nito habang inalapit ang kaniyang tainga sa nobya "ang sabi ko invitation card daw. " Ulit ni Bena sa nobyo, ngumiti naman si Marco sa nobya na parang may kalokohang naiisip. "Naiwan ko." Sagot niya nito kaya nagulat si Bena "paano tayo makakapasok?" Anito. "Madali lang yan." Napakunot naman ang noo ni Bena dahil sa sinabi ng nobyo "paano?" Ulit niyang tanong, ngumiti pa ulit si Marco sa nobya at tsaka siya bumulong "sa kagandahan mo." anito, agad namang napasiko ni Bena si Marco ng mahina dahil sa sinabi nito... nag-iinit ang kaniyang pisnge kaya ay mas lalo pang siyang inaasar ng nobyo. "sige kung magpatuloy ka pa sa pang-aasar sa akin ay baka magbago ang isip ko at hindi nalang magpatuloy." ani niya nito na may pagbabanta. Huminto naman agad si Marco sa kanyang ginagawa at tsaka napatingin sa kanilang harapan ng may narinig siyang tumatawa ng mahina "pffftt!" pagpipigil pa nito "eehheeeem!" sorry boss.--" pag-umanhin ng lalaki sa kaniya. Nagtataka namang napatingin si Bena sa mga ito hindi niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin sa lalaking kaharap, nang nasa may pintuan na sila papasok "pasok na po kayo sir Marco... kanina lang po kayo hinihintay ng mama mo." anito kay MArco "magkakilala pala sila.." ani naman ni Bena sa kaniyang isipan, "salamat po manong lee" sagot ng binata sabay lakad papasok sa malaking mansyon ngunit agad napahinto si Bena ng may maalala siya "kuya, wala po kaming invitation card." ani niya na syang napatawa ng mahina si Marco while he shake his head because of his girlfriend "Babe, hali ka na..." anito ni Marco sabay hila ng kaniyang nobya, dahil inaamin niyang nahihiya at napamangha pa siya nito. "pero--" "ok lang po ma'am..." tawang sagot naman ng lalaki sa kaniya na si mang lee. "talaga po-?" anito, tumango naman ang lalaki kaya nagpatuloy nalang siya nito. Nang makapasok na ay agad na hinanap ni Bena ang kaniyang mga kaibigan, ngunit hindi niya ito makita... hindi namalayan ni Bena na napabitaw pala siya sa kaniyang nobyo sa gitna ng maraming tao "saan na kaya ang mga yun?" mahina niyang ani sa sarili habang inikot niya ang kaniyang mata para lang makita ang mga kasamahan, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay may naka banggaan siya na siyang dahilan na masigawan siya nito. "WHAT THE HELL ARE YOU DOING!!" sigaw nito sa kaniya na para bang kulang nalang ay sabunutan siya ng babae, "naku.. sorry po-- hindi ko po sinasadya." paumanhin niya nito habang nakayuko "wow! what a small world." anito, agad namang napatingin si Bena sa babaeng kaharap niya ngayon at napakagat labi ng makita niya kung sino to "Christine?!" gulat niyang ani sa sarili, inaamin niyang magkahawig ang mukha nina Emilyn at Christine ngunit magka iba ang mga mata at tangos ng ilong nito. "anong ginagawa ng isang pulubi dito sa party?" panglalait ng dalaga sa kaniya, huminga ng malalim si Bena at tsaka siya napatingin sa kaniyang likuran upang hanapin ang kaniyang nobyo pero siya'y nabigo "ahh.. pasesnsya na miss Christine pero wala po akong panahon na makipagtalo sa inyo." ani niya nito, aalis na sana si Bena sa harapan nito ngunit bigla siyang hinawakan sa braso ng dalaga upang mapahinto siya "wala ka bang manners?! hindi pa ako tapos magsalita dito at aalis ka?!" taas kilay nitong sigaw sa kaniya. Napansin ni Bena na huminto na wala ang malakas na musika na syang dahilan na mapatingin siya sa paligid, pansin niyang nasa kanila na ang attensyon ng ibang tao kaya ay naramdaman na ni Bena ang pagkahiya nito "ano bang gagawin ko sa kapated mo Em?, mukha yatang tuwing magkikita kami nito ay siyang gagawa ng dahilan upang mapasaamin ang attensyon ng ibang tao." aniya sa kaniyang isipan sabay yuko niya. "so-- ano? tameme ka?!" galit nitong sigaw, "alam niyo ba na this girl! Infront of you all ay isang malaking malandi! she even stole my fiancee just to make some money for her to--" anito sabay tingin nito sa kaniya mula ulo hanggang paa "to wear some expensive cloths and gowns." pagpatuloy nito, namumula na ang mukha ni Bena dahil sa hiya ng kaniyang nararamdaman hindi niya naman talaga inaasahan na ganito ang mangyayari sa kanya ngayong gabi at ipahiya siya nito sa harap ng maraming tao, agad napa atras si Bena ng maramdaman niyang lumapit si Christine sa kaniya, ngunit hindi naman siya maka alis nito dahil sa mga taong nakapaligid sa kanila ngayon. "this! this doesn't suit you dahil ang bagay sayo ay isang basahan sa basurahan!" ani nito sa kaniya ng makalapit habang ipinunit nito ang suot ni Bena na gown, naramdaman ni Bena na may mga taong nag kuha ng video at picture sa kanila kaya ay agad niyang niyakap ang kaniyang sarili upang matakpan niya ang kaniyang sariling katawan, hindi naman siya makaiwas sa babae dahil ng hihina na ang kaniyang katawan dahil narin sa sakit ng kaniyang nararamdaman, napapikit nalang si Bena sa kaniyang mukha at nagpipigil na hindi mapa-iyak sa kaniyang sitwasyon "Marco--" tawag niya sa pangalan ng kaniyang nobyo ng mahina. Akala niya ay titigil si Christine sa ginagawa nito pero na dismaya siya ng ipinagsasampal siya nito ng paulit-ulit "tama na--" mahina niyang ani sa babae ngunit parang wala itong narinig sa kaniya "Because of you! inagaw mo sa akin ang lahat!" galit pang ani nito sa kaniya. Napa upo nalang si Bena sa kaniyang kinatatayuan dahil nawalan na siya ng lakas para makatayo, Agad siyang napatakip sa kaniyang mukha ng maramdaman niyang aatakihin nanaman siya ni Christine but this time ay may biglang sumigaw mula sa di kalayuan "STOP IT CHRISTINE!" agad napatingin ang mga tao sa lalaking papalapit sa kanila at siyang napatingin din ni Bena nito "Ma-Marco.." ani niya nito ng mahina.

Komento sa Aklat (89)

  • avatar
    pelaezxainna ryza l.

    wow wonderful story.I know the ending is Her father is the misterios guy

    21/01/2022

      4
  • avatar
    abesochel

    keep going its nice to read your storys im looking forward for your other story

    19/01/2022

      5
  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06/2024

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata