CHAPTER 11

"Pwede kang matulog kung gusto mo." agad napatingin si Bena sa katabi niya ngayon na nagmamaneho, ngumiti ito sa kaniya ngunit hindi niya ito pinansin "hmm... i know that you are still mad at me but--" "sinong nagsabi na galit ako sayo?" pagpuputol ni Bena sa sasabihin ng binata sabay tingin nito; napatingin si Marco sa sinabi ni Bena at muling napangiti dahil ito and unang pagkakataon na nagsasalita si Bena sa binata ngayong araw na ito. "Bakit may mali ba sa sinabi ko?" takang tanong ni Bena sa binata "nope! I'm just happy that finally you talk to me this time..." sagot ni Marco na patuloy parin nagmamaneho papapunta na kasi sila ngayon sa Baguio upang mag outing kasama ang mga katrabaho, na late kasi si Bena sa Bus na dapat na doon siya sasakay kasama ang mga kaibigan ngunit ng dumating na siya sa lugar kung saan magkikita ang lahat ay wala ito, at nagkataon din na nandoon pa si Marco sa store dahil may ginagawa pa itong importante bago siya umalis ng store kaya wala siyang nagawa kung di makisakay nalang sa binata "pasensya na sir--" aniya "Marco-- just call me Marco..." anito na ngayon ay nakatingin parin sa daan "ahhh-- ok." sagot naman ni Bena nito at nagpipigil ng kaniyang antok upang hindi mahalata ng binata na inaantok na siya dahil sa totoo lang ay wala naman kasi siyang tulog dahil sa nangyari. "ehhemmm-- kung inaantok ka na ay pwede ka namang matulog"ani ni Marco ng mapansin na namumula na ang mga mata ni Bena dahil sa antok na naramdaman nito, agad napatingin si Bena sa binata dahil sa sinabi nito. "manghuhula ba 'to" tanong niya sa kaniyang sarili, tumawa naman ng mahina si Marco naikinataas naman ng kilay ni Bena "hindi naman ako inaantok..." pagsisinungaling ni Bena nito sabay tingin sa labas ng kotse. "i know that you are tired, lalo na at maraming nangyari sa buhay mo, but still you need to rest--- 'wag mong hayaan na magkakasakit ka dahil--" hindi na tuloy ang sasabihin dapat ni Marco ng mapansin niyang walang umiimik tinignan niya ito at tsaka siya napangiti dahil sa kaniyang nakita, itinabi niya muna ang sasakyan sa kilid ng kalsada at tsaka niya pinagmasdan ang dalaga ng maiigi habang parang batang natutulog. "how I wish na sana maging maayos din ang buhay natin pareho..." anito sabay hawak nya sa mukha ng dalaga.
"Ano sa tingin mo?" agad napatingin si Bena sa lalaking kaharap niya ngayon... hindi niya inaasahan na muli niyang makikita ang taong minsan din niyang na mimiss, tinignan niya ang paligid at pinagmasdan ito maganda ang mga makukulay na mga bulaklak na nakapaligid sa kanila ngayon at namangha din siya sa kaniyang nakikita sa taas ng kisame may mga iba't ibang kulay na magagandang bulaklak din dito... "saan mo nakukuha iyon?" turo niya sa kisame, ngumiti naman ang lalaking si Vince " sa bakuran sa bahay ng lola ko-- sabi kasi niya na maswerte daw ang taong meroon niyan, minsan lang kasi iyan mamumukadkad" anito "huh?"tanong ni Bena na hindi naintindihan ang ibig sabihin ng lalaki, "ahh-- ang ibig kong sabihin... minsan lang iyan magbubunga...queen of the night ang tawag niyan at sabi pa niya na pag mamumukadkad daw ang bunga ng bulaklak na iyan ay pwede kang humiling ng kahit ano at matutupad din daw ito ngunit sa gitna ngalang ng gabi." paliwanag nito sa kaniya "talaga?" "oo.." huminga ng malalim ang dalaga at mas pinagmasdan pa ito, at sa kalagitnaan ng kaniyang ginawa ay may napansin siya nito. "ohh! may bunga oh!" tuwang-tuwa niyang sabi "talaga? saan?" tanong naman ni Vince sa kasintahan "ayon!" masayang turo niya pa nito napatawa naman sila pareho dahil sa tuwang nararamdaman... Maya-maya lang ay may naisip si Bena "pwede-- dito muna tayo hanggang bukas?" Anito ng dalaga "huh? Ahh-- oh--" Tumango nalang si Vince dahil ito din ang kaniyang na isip para sa kanilang dalawa.
"Hindi ka ba natatakot na baka hinahanap ka na ng mga magulang mo?" tanong ni Vince sa dalaga habang nakatingin siya nito. Nakaupo na kasi sila ngayon sa upuan habang hinihintay ang pagmumukadkad ng bulaklak "natatakot... pero-- ok lang kasi kasama ko ang taong mahal ko." anito na nakatingin na ngayon sa binata, labis niya itong na mimiss at inaamin din ni Bena na masaya siya ng muli niya itong nakita, hinawakan niya ang mukha ng binata at pinagmasdan ito, tumingin na din si Vince sa nobya na may ngiti sa labi at hinawakan niya din ang kamay ng dalagang nakahawak sa mukha niya. "mahal kita sobra!" anito ikinasaya naman ng damdamin ni Bena "mahal din kita" masayang sagot naman ng dalaga... unti-unting nagkalapitan ang kanilang mga mukha at sabay napapikit, dahan-dahang nagkalapit ang kanilang mga labi at dinama ang kanilang pagmamahalan. maya-maya lang ay naghiwalay ang kanilang mga labi na may mga ngiti, dahan-dahang inimulat ni Bena ang kaniyang mga mata at ganun din ang binatang si Vince at ngayon ay ang kanilang mga noo naman ang nagkadikit. huminga ng malalim si Bena at naramdaman din niya na ganun din ang binata agad naman silang napatawa ng mahina na nagkasabay pa.
"Anong wish mo?" tanong ni Bena sa binata na nakatingin sa bulaklak na ngayon ay namumukadkad. “simple lang… ang makasama ka habang buhay--” agad napatingin si Bena sa binata dahil sa sinabi nito inaamin niyang kinikilig siya sa bawat simpling banat ng binata “at kung hindi man iyon mangyari—sana mabubuhay tayong muli sa anomang henerasyon at ipagpatuloy ang ating pagmamahalan.” Patuloy pa nito sabay tingin din sa dalaga, agad namang namumula si Bena dahil sa kilig ng kaniyang nadarama, ngumiti naman si Vince sa naging reaksyon ni Bena “at kung mangyari man iyon ay sisiguraduhin kong ako ang unang makakilala sayo dahil dito.” Ani pa ng binata sabay hawak ng kaniyang sariling dibdib na ngayon ay kumakabog ng malakas. “ikaw? Anong wish mo?” tanong na ngayon ni Vince sa nobya “wish ko na sana kung anoman ang wish mo ay matutupad iyon—at sana balang araw makakasama mo na ang totoo mong pamilya.” Sagot ni Bena , napakunot noo naman si Vince sa naging sagot ng dalaga hindi niya inaasahan na ito pala ang iniisip ng kaniyang nobya “bakit?” tanong niya dito, “naisip ko kasi… hindi mo man lang nakilala ang totoo mong pamilya, gusto ko na maranasan mo din ang pagmamahal ng isang ina at ama, at tsaka—naisip ko din na… masyado ka paring misturyoso pagdating sa akin.” Paliwanag ni Bena sa nobyo na ngayon ay nakayuko. Huminga naman ng malalim si Vince, totoo naman kasi ang mga sinasabi ni Bena tungkol sa kaniya, ni minsan ay hindi niya sinabi sa kanyang nobya ang kaniyang pagkatao. Humiga siya sa hita ng nobya at pumikit “siguro tama ka nga—masyado akong natatakot na malaman ang totoo kong pagkatao… at ni minsan ay hindi ko man lang nasabi sayo ang gusto kong gawin at sabihin..” aniya, agad naman hinawakan ni Bena ang kaniyang kamay at nagdadalawang isip na mag change topic nalang, ngunit ng magsasalita na sana si Bena ng ibang topic ay nagulat nalang siya ng nagpatuloy ang nobyo “sa totoo lang kasi, hinahanap ko rin ang yakap ng isang magulang noong bata pa ako, na iingit ako sa mga batang ka klase ko noon dahil may mga magulang na gumagabay sa kanila bawat araw… hindi naman nagkulang sila lola at lolo sa pagmamahal sa akin at pagpapalaki, ngunit—iba parin ang pagmamahal ng isang magulang.” Anito “wala akong alam tungkol sa totoo kong ina at ama—ang tanging alam ko lang ay iniwan ako sa labas ng gate sa mansyon ng nagpapalaki sa akin…hindi naman ako nagsisisi na napunta ako sa pamilyang Curtes—nila lolo at lola dahil ni minsan ay hindi nila ipinagdamot sa akin ang kanilang pagmamahal. Ngunit ng malaman ko na isa lang pala akong ampon ay inaamin kong hinahanap ko ang aking totoong pamilya, hanggang—“ patuloy pa nito na pumipikit dahil sa sakit ng kaniyang naramdaman. Mas hinawakan pa ni Bena ang kamay ng kaniyang nobyo upang iparating nito na nandyan lang siya para nito “hanggang nawalan na ng hininga ang parehong kumopkop sa akin, 15 na taong gulang pa ako noon… pero tinanggap ko ang lahat ng sakit dahil alam ko na balang araw magiging masaya din ako; hanggang nakilala kita at minahal..” anito sa dalaga na nakatingin na nito sa mga mata “kaya ngayon—sobra akong nagpapasalamat na minahal mo din ako at binago mo ang ikot ng aking mundo, alam kong marami tayong pinagdaanan at hindi pagkakaunawaan… ngunit sobra akong nagpapasalamat at hindi mo ako iniwan.” Patuloy pa sa binata sabay halik sa kamay ng kaniyang nobya. Muli namang namumula si Bena dahil sa kilig ng kaniyang nararamdaman, pakiramdam niya na wala na yatang mas makakahigit pa sa kaniyang pagmamahal kay Vince at muli naman siyang napaisip sa sinabi ni Vince sa kaniya tungkol sa wish nito para sa kanilang dalawa “kung ganun—kung mangyayari man ang wish mo para sa atin… sana din na kasama mo na ang pamilya mo sa panahon na iyan..”anito “at sana din na hindi ka na takot sa mga hayop para hindi na ako mag alala pa sayo.” Pagbibiro naman ni Vince sa dalaga kaya agad naman siyang hinampas ng mahina ni Bena habang tumatawa pa ang binatang si Vince. Sobra silang masaya sa mga oras na iyon, pakiramdam nila ay sila lang ang tao sa mundo at hindi iniisip kung ano man ang mangyayari sa susunod na mga araw… wala na silang pakialam basta para sa kanila ay masaya sila para sa isa’t isa.
Napamulat si Bena ng may marinig siyang katok galing sa labas ng bintana, tinignan naman niya ito at nakita niya ang kaniyang matalik na kaibigan na si Emilyn na may ngiti pa sa labi, hindi niya napansin na nakatulog pala siya sa kotse ng binatang si Marco habang nasa byahe sila, bumaba naman siya agad at tsaka niya tinignan ang kaibigan na nagtataka “bakit?” tanong niya nito, ngumiti naman ang kaibigan na may pang-aasar na tingin sa kanya “bakit nga?” pag uulit niya natawa naman nito ng mahina “ehemm—wala lang masaya lang ako para sayo.” Sagot naman nito naikinataas naman ng kilay ni Bena dahil hindi niya ito naintindihan, ngunit biglang nanlaki ang kaniyang mata sa kaniyang naisip "don't tell me na may ginagawa si Marco sa akin habang nakatulog ako? " Ani niya sa kaniyang sarili habang niyayakap ito. Nanlaki din ang mata ni Emilyn at napatakip sa kaniyang bibig hindi niya maiwasang isipin na may nangyari nga sa kaibigan at kay Marco "SO TOTOO?! " Sigaw pa ni Emilyn nito na hindi din maiwasang mapatawa ng malakas, agad namang namumula si Bena sabay tingin sa paligid dahil pakiramdam niya ay na sa kanila na ang mga atensyon ng iba "shhh!! Ano ka ba naman Mil?! Nakakahiya ka.! " Sabi niya sa kaibigan "so... ngayon ka pa nahiya?" pagbibiro ni Emilyn sa kaibigan "hi-hindi naman ganun..."sagot niya na nakatingin parin sa paligid, nasa parking lot kasi sila ngayon kaya may ibang mga tao din, tinignan ni Bena ang bus na kung saan nakasakay ang lahat "nasaan ang iba nating kasama?" tanong niya kay Emilyn "nasa loob na...tayo nalang ang hinintay... ang tagal mo kasing gumising kaya ayan-- teka ngalang may nangyari ba talaga sainyo ni Marco?" pangungulit pa nito habang nagsimula na silang maglakad para pumasok sa entrance "w-wala nga ang kulit mo naman!.. at tsaka ano ba naman 'yang iniisip mo?" she ask her "aahhhhmmm--- simple lang naman ang iniisip ko... yung parang nasa pelikula lang, while natutulog ka tas-- dahan-dahang nilapit ang mukha ni Sir Marco then sabay halik sayo.." paliwanag nito sa kaniyang imahinasyon agad naman siyang nabatukan ni Bena ng malakas dahil sa iniisip ng kaibigan "ARAY KO NAMAN!!!" malakas na sigaw nito habang nasa loob na sila ng resort "SSHHHHHH!!! SORRY! napalakas ko pala." anito na nagpipigil ng tawa dahil sa nangyari "sakit nun huh?" ani naman ni Emilyn na ngayon ay hinihimas ang kaniyang likod dahil sa sakit ng kanyang nararamdaman "pero ok lang as long as-- totoo ang nasa isip ko.. " anito sabay lakad ng mabilis, sinundan naman siya ni Bena sa paglalakad at hindi din pumusok sa isipan ni Bena kung gaano siya nasasaktan sa nangyari sa kaniya kahapon.
"Bena!" agad na tawag ni Jayson ng makita niya ang dalaga upang mapansin siya nito, napatingin naman si Shin sa katabi at tumingin din sa dalagang papalapit, "si Bena nanaman.." ani ng kaniyang isipan "nandito pala kayo.." ani ni Bena ng makalapit na siya nito na may ngiti sa kaniyang labi, agad namang umiwas ng tingin si Shin dahil pakiramdam niya ay walang-wala siya kay Bena ng makita nya na kung gaano ka ganda si Bena sa kaniyang simpling ayos "ok ka lang ba Shin?" tanong ni Bena sa dalaga ng mapansin niya na parang umiiwas na si Shin sa kaniya, tumingin naman si Shin kay Bena at pilit na ngumiti "oo naman ok lang ako!" pagsisinungaling niya dahil wala naman siyang karapatan na magalit o magsungit sa dalaga "that's good to hear!" agad silang napatingin sa babaing nasa likod ni Bena hindi nila ito napansin na lumapit pala ito sa kanila “well, did I disturb you all?” tanong naman nito ng mapansin na natahimik ang tatlo “ahh! No ma’am… actually nahahanga lang kami sa kagandahan mo.” Pambubula naman ni Jayson nito, tumawa naman ito kaya nakisabay nalang din sila “well, Bena I have an appointment with you that’s why I am here… “ anito na nakatingin kay Bena “ako lang po?” paninigurado naman niya “ahh! No, hindi lang pala tayong dalawa… apat tayo.” Sagot naman nito “ahh—sige po,” “ahm.. right now!” ani ni Vanessa sabay hawak sa kamay ni Bena “so- guys! Please excuse us!” pagpapaalam nito at tsaka umalis kasama si Bena. Napahinga naman ng maluwag si Shin dahil ngayon ay masusulo niya na ulit ang bestfriend niyang si Jayson, balak niya na kasing umamin sa binata na may gusto siya nito at nagbabakasakali naman siya na mahalin siya ng kaibigan hindi bilang kaibigan kun di bilang babae. “May sasabihin ako sayo…” sabay pa nilang sabing dalawa “ahh—ikaw muna.” Muli nilang sabay kaya napatawa nalang din sila sa isa’t-isa… huminga naman ng malalim si Shin upang ihanda ang kaniyang sarili “sige ako muna..” this time ay si Jayson na ang nagsalita, tumingin naman si Shin nito at inaamin niyang kinakabahan siya sa anumang sasabihin ng binata sa kaniya, at mas lalo siyang kinakabahan ng tumingin si Jayson ng diretso sa kaniyang mga mata at walang anumang hinawakan ang kaniyang mga kamay “mahal kita—hindi ko alam kung bakit ikaw ang pinili ng puso ko basta ang alam ko lang ay ikaw ang gusto kong makasama araw-araw, kinikompleto mo ang araw ko pagnakita kita… at—ngayon na alam ko na na sigurado na ako sa nararamdaman ko, ayaw kong mawala ka saakin.” Anito, nanlaki naman ang mga mata ni Shin, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya ngunit sa pagkakataon na’to ay masaya siya sa kaniyang naririnig mula sa taong mahal niya “will you be my Girlfriend?” pagpatuloy pa ni Jayson sa dalaga naikinamula naman ng pisnge ng dalaga “yes!” masayang sagot naman ng dalaga, yayakap sana ni Shin ng biglang binitawan ni Jayson ang kaniyang kamay at tumayo pa ito “so, ayos ba?” tanong naman nito naikina kunot-noo naman ng dalaga “huh?” tanong niya sa binata ng hindi niya ito naintindihan “anong huh ka dyan? Ehh—tinatanong lang naman kita kung ayos lang ba iyong mga inahanda kong confession para kay Bena..” takang tanong naman nito sa kaibigan, tumawa nalang si Shin ng pilit kahit na pakiramdam niya ay para siyang binagsakan ng langit at lupa sa kaniyang sitwasyon ngayon “a-ayos naman, maganda siya—hehehe“ pilit pa niyang tawa nito upang hindi ito mahahalata ng binata na nasasaktan na siya sa mga nangyayari “ahh—mag c-cr muna ako…” aniya sabay tayo at tumalikod upang hindi makita ng binatang kaibigan na tutulo na ang kanyang mga luha na kanina lang niya pinipigilan… “ok ka lang ba Shin?” tanong pa nito sa kaniyang likuran tumango na lang si Shin at nag thumps up tsaka nagpatuloy sa kaniyang balak.
Inayos na ni Bena ang mga gamit na kailanganin nila ngayong araw binibusy niya ang kaniyang sarili upang maiwasan niya naisipin ang kaniyang malaking problema agad naman lumapit si Marco sakaniya at tinulungan siya nito na mag ayos. “ako na...kaya ko naman ehh—“ anito para sa binata, ngunit hindi ito pinansin ni Marco at nag patuloy lang sa kaniyang ginawa, huminga nalang ng malalim si Bena dahil ayaw niyang makipagtalo sa binata tinignan niya ito at tinaasan ng kilay ng mapansin niyang ngumiti ang binata habang inaayos ang mga gamit… tumikhim naman si Vanessa sa kaniyang nakita at agad na napatawa ng mahina dahil sa mga diskarte ng kaniyang pinsan, “couz, Bena… kayo na bahala dyan huh… may bibilhin lang kami ni Andrew(Mr. Salvador) sa labas..” pagpapaalam pa nito “sure you can go!” sagot naman ni Marco, napayuko nalang si Bena dahil alam niyang sinasadya talaga ito ng mag pinsan nasa isang room kasi sila ngayon upang magmeeting para sa kanilang store at hindi nila pinapaalam sa iba dahil baka madisturbo sa kaniya-kaniyang ginagawa. Agad namang umalis ang dalawang mag kasintahan na nakahawak pa ang mga kamay, para sa kanila ay araw nila ito. Tinignan ni Bena ang naka open na pintuan at huminga “sana hindi nalang ako umalis sa groupo, ayan tuloy kasama ko ang taong ayaw ko sanang makasama..” ani niya sa kaniyang sarili “ah—Bena paki kuha nga ‘iyan.” Pakiusap naman ni Marco ng makita niya na nasa tabi ni Bena ang isang Envelop na may laman na importante para sa negosyo, agad naman kumilos si Bena upang gawin ang sinabi ng binata, maya-maya lang ay nagulat sila ng biglang sumirado ng malakas ang pintuan sa kwarto na kung saan sila ngayon, parihong nanlaki ang kanilang mga mata dahil sa pagkakaalam nila ay sira ang doorknob ng pintong ito pagabi pa nanaman at malayo ito sa mga may tao sira pa ang ilaw nito dahil hindi ito agad na ayos sa mga empliyado dahil natatakot ang iba, minsan kasi may mga nagmumulto sa silid na ito kaya hindi agad natuunan ng pansin agad na lumapit si Bena sa pintuan at pilit na buksan ang pinto ngunit hindi niya kaya “sir— I mean Marco, tulungan mo nga ako dito.” Ani ni Bena ng mapansin niyang hindi kumikibo ang binata “Marco!” ulit niya pang tawag, ngunit nagtataka nalang siya ng makita at mapansin niyang hindi parin ito kumikibo, nakayuko at nanginginig si Marco sa kaniyang pinagtatayuan kaya lumapit nalang si Bena nito upang hawakan ang binata. Tumingin lang si Marco sa kaniya na puno na ng pawis, kaya sobra ng nataranta si Bena kung ano na ang kaniyang gagawin.. Hindi naman kasi siya takot sa multo O anuman ang sa kaniya lang ay baka mag-alala ang kaniyang mga kaibigan kung bakit hindi siya agad nakabalik sa kanila... "Marco, ok ka lang ba? " Tanong niya nito ng makita niyang parang wala ito sa sarili, nanghihina na ang tuhod ni Marco kaya pinaupo niya nalang ito at hinawakan niya ang kamay ng binata, tinignan niya ito at walang pag alinlangang niyakap niya ang lalaki upang kumalma ito "shhh.. --- nandito lang ako... " Ani niya nito nang mapansin niyang hindi kalmado ang lalaki "may trauma ba siya kaya siya ganito? Bakit parang ibang Marco yata tong na kasama ko? Ano bang nangyari sa kaniya noon? " Sunod-sunod niyang tanong sa sarili ngunit wala naman siyang matanggap na sagot. Maya-maya lang ay naramdaman ni Bena na kumalma na ang binata kaya napahinga nalang siya ng maayos Isang oras silang naghintay na baka bumalik ang dalawang umalis ngunit ganun nalang ang nanaramdaman nilang pagkadismaya ng walang dumating O dumaan man lang na kakilala nila.
"Kumustang pakiramdam mo? " Tanong ni Bena habang naka upo sa sahig na nakatingin sa labas ng kwarto "I'm sorry--" Biglang sagot ng binata habang nakayuko iniisip niya kasi na dahil sa kaniya ay hindi na eenjoy ni Bena ang outing nila, napatingin nalang si Bena sa binata at muling napataas ang kilay nito "ba't ka nag sosorry? " Tanong niya nito huminga ng malalim si Marco habang nakayuko parin "dahil sa akin mas dinagdagan ko pa ang problema mo." Anito, huminga nalang din ng malalim si Bena at sabay tingin sa kaniyang cellphone na ngayon ay pa lowbat na, ito lang kasi ang nagsisilbing ilaw nilang dalawa. Naiwan kasi ni Marco ang cellphone niya sa kaniyang sariling kwarto "may load sana 'to, wala nga lang signal.. " Ani sa kaniyang isipan "'wag kang mag sorry-- ayos lang naman ako, at tsaka ang importante natin ngayon ay kung paano tayo makakalabas dito. " Sagot ni Bena sa binata, ngunit biglang may pumasok sa isipan ni Bena na gusto niya sanang malaman pero nagdadalawang isip siyang magtanong sa binata. "may sasabihin ka ba?" tanong ni Marco ng maramdaman niyang hindi mapakali ang dalaga "h-huh?" anito "I know that you have something to ask -- so do it.." ani ni Marco na ngayon ay nakatingin na sa katabing dalaga, umiwas naman si Bena ng tingin nito sabay tanong "ahhmm... may nangyari ba sayo noon-- kaya takot ka sa room na ito? I mean-- dito..." tanong naman ni Bena na hindi niya din alam kung tama ba ang naitanong niya sa binata, ngumiti naman si Marco sa tanong nito at pinipigilan din ang sariling hindi matawa "actually-- hindi naman ako takot sa room na'to, dito kasi ako nagtatago noon pag naglalaro kami nila lolo at lola, marami akong memories dito at sobra akong masaya pag pupunta ako dito-- magaan kasi ang loob ko sa lugar na ito-- pakiramdam ko ito ang naging bahay ko..." paliwanag nito "when i was 8 years old-- may nangyari na hindi maganda sa pamilya ko, my older brother locked me in the storage room-- whole day, I don't know why he do that but--- i feel so scared that moment--- he didn't even ask me if I'm ok or not--- that's why I have---" "trauma?" pagpuputol ni Bena sa binata, tumango naman ito sa sinabi ni Bena, hindi alam ni Bena kung ano ang gagawin niya para sa lalaki, marami na siyang natutunan tungkol nito at inaamin niyang naawa siya sa kalagayan ng binata ngayon "I am afraid of darkness... kaya I'm sorry ---" patuloy pa ulit ng binata, hinawakan naman ni Bena ang kaliwang kamay nito upang maramdaman ng binata na hindi ito nag-iisa "may pagka pareho pala sila ni VInce, hindi maganda ang nakaraan..." ani ni Bena sa kaniyang sarili. Agad naman napatingin si Marco sa kamay na nakahawak sa kamay niya, hindi niya din alam kung ano ang iniisip ni Bena sa sandaling ito pero masaya siya ngayon at kahit papaano ay kasama niya ang taong minsan niyang pinapangarap.
Agad napatayo si Bena ng may mapansin siyang kakaiba sa isang sulok ng silid na ikinagulat naman ni Marco dahil sa ginawa ng dalaga "ba-bakit may tao na ba?" tanong naman nito sa dalaga "wala, nakita mo ba'yun?" tanong din ni Bena sabay turo sa isang sulok na kung saan makikita ang kaliwanagan ng buwan "ahh- yes, but---" hindi naituloy ni Marco ang dapat niya sanang sabihin ng balak itong pumunta sa kung saan makikita ang kaliwanagan, agad niyang hinawakan ang kamay ng dalaga upang pigilan ang balak nito "What are you doing?!" anito na kinakabahan "titignan ko lang yun-- malay mo yun pala ang ibang daan papalabas dito.." buong loob na ani ng dalaga "ahhhmmm-- yung kamay ko, pwede?" patuloy pa niya ng makitang hindi parin binitawan ni Marco ang kaniyang kamay at agad namang binitawan ni Marco ito tsaka tumayo narin upang sabayan ang dalaga sa paglalakad... bawat hakbang nilang dalawa ay siya ding palakas ng palakas ang tibok ng kanilang mga puso, hindi nila alam ngunit pakiramdam nila ay kusang lumakad ang kanilang sariling mga paa papasok dito. Nang papasok na sana sila ay biglang may dagang nahulog at pumatong sa ulo ni Marco na siya namang ikinataranta ng binata at napasigaw pa ito "kunin mo! KUNIN MO!" paulit-ulit na ani ng binata na ikinatawa naman ni Bena ng malakas, umiikot-ikot pa si Marco dahil sa takot. "huwag ka ngang malikot! hindi ko kaya makita masyado ang nasa ulo mo!" sabi pa ni Bena na pinipigilang tumawa, ngunit mas nangingibabaw ang takot ni Marco dahil isa ito sa kahinaan niya, kaya hindi niyang mapigilan ang kaniyang sarili--- hindi namalayan ni Marco na may malaking bato pala ang nasa unahan niya kaya natapilok siya nito papunta kung saan si Bena at parehong na tumba habang nakapikit pa ang kaniyang mga mata at habang nanlaki naman ang mga mata ni Bena dahil sa nangyari "ba't ang lambot yata ng nahawakan ko ngayon at nasa lips ko?" ani ni Marco sa kaniyang sarili na hindi man lang tinignan ang sitwasyon nila ngayon ng dalaga, he accidentally kiss her habang nasa dibdib ng dalaga ang kaniyang isang kamay, he is on the top of her.. maliwanag ang buwan at maganda ang simoy ng hangin na dumadapo sa kanilang dalawa-- while their both heart beating so fast at the same time.

Komento sa Aklat (89)

  • avatar
    pelaezxainna ryza l.

    wow wonderful story.I know the ending is Her father is the misterios guy

    21/01/2022

      4
  • avatar
    abesochel

    keep going its nice to read your storys im looking forward for your other story

    19/01/2022

      5
  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06/2024

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata