logo text

Chapter 23.1 Malas na araw

Madilim na halos ang paligid dahil nagbabanta nanaman bumagsak ang ulan ng sandaling iyon, ngunit malayong-malayo na sa buhay na mayroon sila Hazel at Nikki. Kung noon ay halos hindi sila mapanatag dahil may Omorfia na bigla nalang susulpot. Ngunit ngayon kumakalma na sila dahil wala nang Omorfia sa buhay nila. Subalit sa kabilang banda, ganoon pa rin ang kalagayan ni Ilker. Walang nagiging magandang result sa kaniyang kalagayan. Nakahiga pa din at parang lantang gulay, kahit anong gawin ng mga doctor wala silang solusyon na magawa dahil tila iyon na ang iniwang kapalit sa mga naging kasalanan ng nanay ni Hazel kay Omorfia.
"Doc! Wala na bang pag-asang mabigyan ng karampatang lunas si Ilker?" Malungkot at tila patang-patang sambit ni Hazel.
"Sorry miss, ginawa na namin yung best namin. Sobrang himala na nga po yung ginawa ng pinsan mo dahil nabuhay niya ang taong patay na. Gusto sana namin siyang anyayahan mayroon kaming gagawing briefing para sa imposibleng misyon upang magamot si Ilker. Sa ngayon kasi, kung aasa tayo sa science ang masasabi ko lang he's already dead that time. But now when it comes na may nagpatunay ng miracle, palagay ko it's time na pagsamahin ang science at mga alam ng mga healer at kung anu ano pa." Sambit nito, nagbigay iyon ng kaaya-ayang pakiramdam kay Hazel. Antok na antok na siya dahil three days na siyang walang tulog at patuloy lang sa ganoong sistema. Mabuti nalang at kasama niya sina Selim at Nikki, ngunit ngayong araw siya lamang mag-isa.
"Ilker! Gumising kana. Nung nakaraan okay ka naman eh nagising kana eh." Mayamaya pa ay tila inaantok na siya at hindi maintindihan ang pakiramdam dahil mayroong kung anong nagpapa-antok sa kaniya.
"Ilker, ang lakas mo naman manghawa. Nakakaantok naman dito sa kuwarto mo." Sambit niya at unti-unti na nga siyang dinalaw ng antok.
**
"Mahal, gusto ko kapag nagkaroon tayo ng baby dapat parang si Hope din. Mapinsog, maputi, tapos kulot." sambit ni Nikki kay Selim.
"Mahal straight buhok mo, ganoon din sakin. Kaya magtigil ka diyan." Pagsusungit ni Selim kay Nikki. Hinagkan naman ni Nikki si Selim sa pisngi upang maalis ang inis nito.
"Selim! Is that you?" Sambit ng babaeng sexy, malaki ang hinaharap, pati likuran, blond hair, kutis porcelana, matangkad. Natigagal si Nikki ng mapansing bakat yung nipples nito.
"Hi Myca! How are you?" sambit ni Selim.
"I'm fine!" sambit nito sabay hinagkan si Selim. Napalingon si Nikki kay Selim hindi niya maexplain yung nangyari.
"Excuse me miss, I'm Nikki Gurel!—" Naputol yung sinasabi niya ng magsalita ulit ito.
"Nice to meet you! Selim kailan ka available, punta ka samin may pa party ako!" sambit ng babaeng nagpakilalang Myca.
"Teka lang! It's me, girlfriend, fiancee, soon to be wife. Hello, I am not invisible I'm still here!" Inis na inis na sambit ni Nikki, samantalang si Selim tila proud na proud pa sa kaniyang naririnig at sa inaasta ni Nikki.
"Totoo ba iyon, Selim? Omg, pansin ko lang medyo bumaba na pala ang standard mo sa babae!" Maarteng sambit ng babaeng nagpakilalang Myca.
Akmang susugurin na ni Nikki ang babae subalit pinigilan siya ni Selim, hinaltak papunta dito dahilan upang masubsob siya sa dibdib nito. Narinig ni Nikki ang pagsinghap ng babaeng kaharap nila.
"So, iyon na nga Myca. I love low quality girl but kahit na low quality siya. She loves me so much and she makes me feel special in every way, as much as possible lahat ng good quality ng babae mas sobra ko pang nakita sa kaniya. Super galing magluto, super galing maglaba, super galing sumayaw at higit sa lahat super akong napapasaya!" sambit ni Selim at napasimangot si Nikki, dahil hindi siya kagalingan magluto, hindi rin sumasayaw siguro sa kama baka pa, hindi din ganoon kabango yung laba niya. Umalis naman yung babaeng kasama nila. Subalit, masama naman ang tingin na ipinukol ni Nikki kay Selim.
"Ano pinagsasabi mo doon, 'di naman ako magaling sumayaw. Lalong hindi naman ako ganoon kagaling maglaba at hindi rin ako ganoon kagaling magluto, illusion mo ayusin mo. Baka naman ibang tao ang nasa isip mo, at saka yung description mo napakalayo sa katauhan ko!" Sambit ni Nikki kay Selim sabay tinalikuran niya ito, hinabol naman siya ni Selim. Pero binilisan niya yung pagtakbo niya upang hindi na mahabol, binilisan naman nito ang takbo ang upang mahabol naman siya.
"Teka sandali, huwag kang tumakbo. Nikki, wait!" Sigaw ni Selim. Pero hindi lumingon si Nikki, subalit natigagal si Nikki ng marinig ang malakas na busina ng sasakyan, kasunod niyon narinig niya ang huling sigaw ni Selim.
"Nikki, sabi ko sandali!" Napatakbo siya patungo kay Selim, gulat na gulat siya ng makitang may dugo yung binti ni Selim na nasanggi ng motor.
"Selim, sorry!" Sambit niya.
"Ano ba naman kayo! Hindi ka kasi tumitingin sa traffic sign eh. Naabala mo pa kami," inis na sambit ng lalakeng nakasakay sa motor.
"Teka nga kuya, unang-una sa lahat dapat nagme-menor ka. Paliko 'tong daan may tendency talagang may padaan-daan dito. Alam mo kuya imbes na mag-sorry kami sa'yo parang gusto pa kitang hambalusin nitong payong na dala ko." Inis na sambit ni Nikki, tinulungan niyang tumayo si Selim.
"Kung hindi sana tata—" natigagal yung lalake ng ipasan ni Nikki si Selim.
"Kuya may sinasabi ka ba?" Pang-iinis ni Nikki, alam niyang nagulat ito sa ginawa niyang pagbuhat niya kay Selim.
"Miss, sakay na kayo dalhin ko kayo sa ospital." Sambit ng babaeng nakasakay sa isang e-bike na kasya dalawang tao sa likuran.
"Miss salamat po! Makaalis na nga, bwesit na kalbo ito!" Pang-aalaska pa ni Nikki akmang aambahan ng lalake si Nikki pero yung babaeng nasa e-bike binato ito ng tinapay.
"Siraulo ka kuya, babae iyan." Sambit ng babae. Kapagkuwan na nakasakay na agad na pinaandar ng babae ang e-bike upang madala si Selim sa ospital.
"Sorry mahal, ikaw naman kasi nakakairita ka kanina eh. Bakit kasi hindi ka nag-iingat at saka bakit hindi ka natingin sa dinadaanan mo?" Tanong ni Nikki at galit na galit sa nangyari kay Selim dahil sa kaniya.
"Ayoko kasi mawala ka sa paningin ko!" Nahihiyang sambit ni Selim. Tila kilig na kilig naman si Nikki dahil sa mga pinagsasabi ni Selim.
"Sana all!" Natatawang sambit ng babaeng nagda-drive. Natawa silang dalawa, nakalimutan nilang may iba nga pala silang kasama sa E-bike.
"Salamat 'te." Sambit nina Nikki at Selim.
"Anong salamat holdap 'to. Ilapag niyo lahat ng gamit niyo diyan at mga alahas at mga suot na may pakinabang." Sigaw ng babae, may hawak itong baril. Nataranta sina Selim at Nikki, akala nila mabait ito.
"Siraulo ka, akala namin mabait ka mas malala ka papala sa lalakeng kalbo." Inis na bulong ni Nikki.
"Huwag ka maingay mahal sundin nalang natin siya." sambit ni Selim. Nang mailapag na nila yung mga gamit at pati wedding ring nila nakuha din.
"Talon!" Sigaw ng babae.
"Ha! Pwede bang ihinto mo nalang!" Sigaw ni Nikki.
"Talon o puputok ko 'tong dala ko!" Galit na sambit ng babae.
"Oo na tatalon na." Sambit ni Selim. Niyakap ni Selim si Nikki at mabilis na tumalon, gumulong-gulong sila sa damuhan na tinalunan nila. Walang cellphone si Nikki mabuti nalang at si Selim may secret pocket sa brief at doon niya nilagay yung cellphone.
"Mahal ayos kalang ba?" Nag-aalalang sambit ni Nikki, nagtamo ng maraming galos si Selim, si Nikki naman nadaplisan lang sa binti.
"Ayos lang ako mahal. Tawagan mo na si Tolits kabisado ko number niya." Sambit ni Nikki.
"Wala si Tolits dito." sambit ni Selim.
"Ha? Eh nasaan?" sambit ni Nikki.
"Pinasama ko kila mama. Guard nila mama." Sambit ni Selim. Napakamot si Nikki.
"May new number kana ba ni Hazel?" sambit ni Nikki, umiling si Selim.
"Call the police nalang!" Nakakahiya man pero nakabra at panty lang si Nikki, samantalang si Selim naka-boxer lang. Yakap-yakap lamang siya ni Selim hanggang sa dumating ang mga kapulisan.
**

Komento sa Aklat (516)

  • avatar
    PhilippinesFameink

    Behave at first but there's a lot of twist in the middle

    31/05/2022

      0
  • avatar
    TroyHaley

    quite thrilling and makes me chill 💁

    31/05/2022

      0
  • avatar
    PutalanCriselda

    this is a wonderful story that i've read

    13/05/2022

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata