Homepage/Hurt Me, Love Me/
Chapter 22.2
Kinaumagahan, umuwe muna sina Nikki at Selim upang ikuha ng pamalit sina baby Hope at Hazel. Gutom na rin siya kaya naman bumili na sila ng makakain sa Mang Danny Lechonan. Panatag naman silang iwan sina baby Hope at Hazel dahil naroon na rin si Henry yung friend ni Hazel na doctor din. Dahil sa kakaibang nangyari sa hospital hindi sila makapaniwala na isang nurse at mga non-practitioner ang nakapagligtas sa pasyente. Nag-offer sa kaniya ang hospital ng trabaho, ngunit tinanggihan niya ito. Hindi dahil ayaw niya kundi dahil sa mayroon na silang permanent na trabaho ni Ilker.
"Mahal, hawakan mo nga ako sa kamay. Parang nanghihina ako! Parang gusto ko nang lambing ngayong umaga." Malambing na sambit ni Nikki, yumakap siya kay Selim at lumambaras kay Selim. Malaking tao naman ito kaya kinaya siya nito. Kinarga siya nito at salong-salo ng mga braso nito ang salum-puwet niya.
"Mahal, alam mo ba nung nakaraang mga taon panay ang pakita sa akin ng ex-girlfriend mo!" Sambit ni Nikki. Napasimangot naman si Selim.
"Ginugulo ka ba niya? Gusto mo kausapin ko siya, para tigilan ka na niya." Sambit ni Selim na para bang walang pag-aalinlangan sa sinasabi nito.
"Mahal, hindi mo pa ba alam? She died for almost 7 years!" Sambit ni Nikki kay Selim, gulat na gulat naman ito sa nalaman. Hindi makapaniwala sa nalaman, wala ba talagang nagsabi rito ng tungkol kay Zeynep.
"Seryoso mahal, wala akong alam tungkol sa nangyari kay Zeynep. Ang nalalaman ko lang ay nasa ibang bansa siya, and hindi ko pa siya nakikita after niyang umalis." Malungkot na sambit ni Selim kay Nikki.
Pumasok na sila sa loob ng mansion, wala roon ang mommy ni Selim. Kasama ito ng mama niya na nagbakasyon sa Baguio, doon kasi yung napili ng mga ito na magpasyal-pasyal. Mula nang magkaaminan sina Nikki at Selim, naging close pa lalo ang mga nanay nila. Dahil na rin sa naging mag-close friends ang tatay nila noon, kaya naman napagkukwentuhan ng mga ito ang mga bagay-bagay tungkol sa mga yumaong asawa.
"Mahal, napaka-tahimik ngayong gabi. Saka parang malamig ngayong gabi!" Sambit ni Nikki, napatingin si Selim kay Nikki na ikinatawa naman niya.
"Ano nanaman naisipan mo?" Medyo istriktong sambit ni Selim.
"Hoy! Anong ginagawa mo!" Tarantang sambit ni Selim, patakbong hinabol niya si Nikki dahil tinutukso siya nito. Nagtatanggal kasi ito ng botones.
"Nikki!" Bulyaw niya dahil lalo pa siyang inasar nito ng nasa pintuan na ito tinanggal yung panty at hinagis sa kaniya. Mabuti nalang at walang tao ng sandaling iyon, kung nagkataon baka maging katawa-tawa si Nikki.
"Catch me!" Sambit ni Nikki, ngumiti naman si Selim at hinabol siya, nang mahuli siya ay binulungan siya nito.
"I'm falling for you!" Sambit ni Selim at pinugpog ng halik si Nikki.
"Hala ginagawa niyo!" Sigaw NG familiar na boses.
"Klent, kailan ka pa bumalik?" Sambit ni Selim.
"Kanina lang, nasaan si Kuya? Tawag ako nang tawag sa kaniya hindi ko siya matawagan." Sambit ni Klent. Napansin ni Klent na malungkot sina Nikki at Selim kaya naman na-praning ito at tila nahulaan kung ano ang nangyari dito.
"Nasaan si Kuya?" Seryosong sambit ni Klent.
**
Tanghali na ng sandaling iyon wala pa din sina Selim at Nikki. Medyo gutom na din siya wala siyang balak na iwan si Ilker, ayaw niyang masuong muli ang buhay nito sa kapahamakan. Sobra na siyang nahihiya sa naging sitwasyon ni Ilker, tila ito pa ang nagsakripisyo kahit na nanay niya talaga ang may sala sa nakaraang buhay ni Omorfia.
"Baby, mag-dede ka muna. Okay lang sakin na magutom huwag lang ikaw." Sambit ni Hazel sa kaniyang anak na si Hope.
"Dada!" Pagbaby-talk nito. Tuwang-tuwang si Hazel kapag narinig na nagsasalita ang baby niya. Sinubukan niyang ipahawak sa anak niya ang kamay ni Ilker. Tila may isip naman ang sanggol at sinambit ang katagang "Dada," hindi mapigilan ni Hazel na hindi maging emotional. Napaiyak siya dahil sa kalagayan ni Ilker. Nagulat siya ng biglang bumukas yung pintuan at iniluwa niyon si Klent.
"Klent!" bulalas niya.
"Hazel? Anong ginagawa mo dito? Bakit ka umiiyak? Anong nangyari sa kuya ko?" Bulyaw ni Klent kay Hazel. Nagulat si Hope kaya naman umatungal din ang bata dahil akala nito sinisigawan ito ni Klent.
"Kuya Ilker!" Sugod na lumapit si Klent habang panay ang daloy ng luha. Halos maabala yung katabing mga ward, hindi napansin ni Klent ang paggalaw ng mga daliri ni Ilker kaya nagulat silang lahat ng tila gulat na gulat na nagmulat ng mata si Ilker.
"Kuya!" umiiyak na tawag ni Klent kay Ilker.
Hindi pa nakapagsalita si Ilker gawa ng may intubated ito sa bibig. Napansin ni Klent na tila inaabot ni Ilker yung baby na karga ni Hazel!
"Kilala mo kuya? Kaninong anak iyan Hazel!" intrimitidong tanong ni Klent kay Hazel. Ibinigay naman ni Hazel ang malusog at cute na cute na si baby Hope.
"Anong meron, bakit mo sa akin ito pinakakarga?" Sambit ni Klent kay Hazel.
"Anak mo! I mean soon to be inaanak mo! Anak namin ni Ilker!" sambit ni Hazel kay Klent.
"Hala! Seryoso?" naiiyak na sambit ni Klent.
"Yes!" Sambit ni Hazel, si Ilker naman tumango-tango lamang.
"Grabe kayo! Kailangan ba talaga kapag nawala kayo, pagbalik niyo may surprise din?" umiiyak na sambit ni Klent kina Hazel at Ilker.
**
Ilang araw na ang nakalilipas medyo umaayos na ang pakiramdam ni Ilker, nakaratay pa din ito sa hospital. Nakakatango at nakakagalaw ang mga kamay at ibang parte ng kamay at paa pati mata. Subalit nanatiling tikom ang bibig nito.
"Kailan kaya lalabas si Kuya? Naaawa na ako sa kaniya ang lalake ng mga karayom na iniinjected sa kaniya. If I have magic, lahat ng masakit na nararamdaman ninyo ako nalang sasalo!" Sambit ni Klent sa kanila.
"Huwag mong hilingin mahirap magkasakit, saka wala ka pang girlfriend. Mahirap na kapag may jowa ka tapos sakitin ka, tapos maaga mo sila nakikilala iwan. Huwag ganoon." Sambit ni Nikki.
"Powers of healing naman, Nikki. Ayoko pa din mamatay! Wala pa nga ako girlfriend eh. Saka hindi ko pa nararanasan lumigaya ng bongga." Natatawang sambit ni Klent.
"Sana all, lumiligaya ng bongga!" kantiyaw ni Selim.
"Kelan kasal. Best man mo ko!" Sambit ni Klent.
"Paggaling ng kuya mo!" Sambit nito.
"What the heck!" bulalas nito
--I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (516)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Behave at first but there's a lot of twist in the middle
31/05/2022
0quite thrilling and makes me chill 💁
31/05/2022
0this is a wonderful story that i've read
13/05/2022
1Tingnan Lahat