logo text

Ika-14 na Pahina

November 19, 2010
10:01 p.m
Dear Diary,
Halos isang buwan na ang nakalipas nang sagutin ko si Clay at sa susunod na linggo ay eksaktong magdadalawang buwan na kami. Ang bilis lang ng panahon, 'no? Totoo nga ang kasabihan nila na, 'hindi mo namamalayan ang takbo ng oras at panahon, 'pag kapiling mo ang taong mahal mo'.
Nang malaman din iyon nila Jenny at Marky ay halos ipagdiwang na rin nila iyon. Mga baliw talaga kahit kailan. True to Clay's word, he really made me fall for him everyday. Hindi kami magka department pero hindi niya ipinaparamdam sa akin na hadlang iyon sa relasiyon namin.
Siyanga pala, birthday ngayon ni Clay kaya kahit nasa loob pa ako ng klase, hindi na ako mapakali dahil wala pa akong nabibili na regalo para sa kan'ya!
***
"HOY, ayos ka lang?"
Napaigtad ako sa pagkalabit na iyon ni Mich sa may balikat ko.
"H-Ha?"
"Anong 'Ha' ka riyan? Kanina ka pa wala sa hulog," aniya saka hinipo ang noo ko upang pakiramdaman. "Wala ka namang lagnat. May masakit ba sa iyo?"
"Wala naman," sabay tingin ko nalang sa harap.
Kasalukuyan ngayong nagtuturo ang isa sa mga Prof. namin pero wala talaga akong naiintindihan.
Ang totoo kasi niyan, namo-m-roblema ako dahil kaarawan ngayon ni Clay tapos wala pa akong regalo sa kan'ya. Last week ko pa 'to pinoproblema. Hindi kasi ako maka tiyempo sa pagbili dahil kung saan-saan niya ako dinadala pagkatapos ng klase at kapag weekends naman ay dinadala niya ako sa bahay nila rito sa Maynila.
"Nag away kayo ni Clay?" kapagkuwa'y salita na naman ni Mich.
Isa pa 'tong chismosa, eh! Kumbaga, siya 'yong substitute ni Jenny. Nakakairita minsan, pero hindi ko magawang tarayan dahil siya lang 'yong madali kong malalapitan 'pag may hindi ako maintindihan sa klase. Matalino eh.
"Hindi naman," sabi ko saka napabuntong hininga dahil sa kawalan ng pag asa.
Mamayang alas sais pa naman ang celebration do'n sa bahay nila at alas k'watro na ngayon.
"Bakit gan'yan mukha mo?" pang echos niya ulit na halatang hindi interesado sa discussion.
Hingian ko kaya 'to ng opinyon? Tama! Narinig ko kasing marami na itong karanasan sa pagno-nobyo.
"Pa'no kung birthday na ngayon ng boyfriend mo, tapos wala ka pang nabibiling regalo, anong gagawin mo?"
"Edi, bibili!" diretsong aniya na hindi man lang pinag iisipan ang sagot.
"Pero wala ng oras,"
"Bakit naman kasi hindi ka bumili no'ng mayroon ka pang mahabang panahon?"
"Busy,"
"Walang salitang 'busy' kapag para sa taong mahal mo,"
May point nga siya. Anong klaseng girlfriend ba ako? P'wede naman akong magpabili nalang kay Cristy kung sobrang busy ko nga, 'di ba? Shit!
Nanghihina akong napasalampak sa mesa. Ano na gagawin ko?
"Teka nga, 'yan ba ang pinoproblema mo ngayon? Dahil ba birthday ngayon ni Clay at wala ka pang regalo sa kan'ya?" pabulong niyang tanong nang mapatingin sa gawi namin ang Prof.
Tanging tango lang ang naging tugon ko sa kan'ya.
"Ano ka ba! Hindi naman required na may regalo ka sa kan'ya. Ang importante, ay ang presensiya mo,"
---
PAGKATAPOS ng klase ko ay agad akong dumiretso sa building nila Clay. Isasabay niya na kasi ako papunta sa kanila.
Habang nasa labas ako nang huling klase niya ay hindi na ako mapakali. Okay lang naman siguro kung wala akong maiaabot sa kan'yang regalo, 'di ba? Oo naman, 'no! Nanggaling na nga iyon mismo kay Mich. Presensiya ko lang ay ayos na.
"Pero alam mo kung anong pinakamagandang regalo na maibibigay mo sa kan'ya ng hindi gumagastos?"
"Ano?"
"Ikaw,"
"Ako?"
"Oo, ikaw!"
Marahas akong napapikit nang maalala ang huling usapan namin kanina ni Mich. Puta, gusto pang isuko ko ang bataan. Hindi, hindi mangyayari iyon.
Pilit ko nalang kinalma ang sarili ko. Bakit ba ang praning ko tungkol sa regalo, eh, sa hindi naman materyalistiko na tao si Clay.
"Waiting for someone?"
Napalingon ako sa may ari ng boses na iyon dahilan para manlaki ang mga mata ko. Siya iyong pinsan ni Clay na nagpahiram sa akin ng t-shirt isang taon na ang nakalipas. Hanggang ngayon hindi ko pa rin iyon naisauli. Pa'no ba naman kasi magmula ng araw na iyon ay hindi ko na siya ulit nakita.
"Iyong t-shirt mo pala---" hindi ko natapos ang iba ko pang salita nang magsalita siya.
"Nah, don't bother." nakangiting aniya.
Kung nakilala ko lang 'to sa ibang pagkakataon kung saan walang nag e-exist na Clay? Siguro crush na crush ko na 'to ngayon. Nasa dugo na talaga nila ang kag'wapohan.
"Pero, nakakahiya---"
Aba't bastos rin pala 'to kausap!
"Really, you can keep it."
Sumandal din siya sa pader ilang hakbang ang layo sa akin. Napansin kong may dala siyang isang paper bag na medyo may kalakihan.
"Sinong hinihintay mo sa klase na ito?" tanong niya na nagpaangat ng tingin ko sa kan'ya.
Sasagot na sana ako nang magsilabasan naman ang mga estud'yante kaya napaayos ako ng tayo saka hinintay na lumabas si Clay.
"Crissy!" nakangiting sigaw ni Jenny.
Magkaklase pala sila ni Clay sa last subject?
"Hinihintay mo si Clay, ano?" nanunuksong tanong niya.
Napansin ko pa ang paglipat ng tingin no'ng pinsan ni Clay sa akin. Nagulat din si Jenny ng makita niya ito. Mayamaya lang ay tanaw na namin si Clay na kumakaway pa sa mga kaklase niya at ang iba pa ay pinapasalamatan dahil sa pagbati sa kan'yang kaarawan.
Hindi ko na naman mapigilan ang makaramdam ng guilty dahil ako na girlfriend niya, wala man lang karega-regalo.
Agad siyang napangiti nang makita ako saka nagmamadaling naglakad palapit sa akin.
"Kanina ka pa?" tanong niya nang makalapit na mabilis kong inilingan.
"Happy birthday, insan!" biglang sabi no'ng pinsan niya dahilan para lingonin niya ito.
"Salamat!" masayang tugon niya saka kunot-noong tinanggap ang iniabot nitong paper bag.
"I'm sorry, hindi ako makakapunta sa handaan. Marami kasi akong kailangang tapusin," pagpapaumanhin nito.
"Okay lang. Naiintindihan ko, insan. Nagdoktor ka pa kasi,"
"Wala eh, kailangang sumunod sa yapak ni Papa. Siyanga pala, girlfriend mo?" baling nito sa akin.
Medyo nagulat pa ako nang hawakan bigla ni Clay ang kamay ko at hinila ako palapit sa kan'ya.
"Hindi ko pa pala siya naipakilala sa 'yo. Sobrang busy mo kasing tao," tumatawang aniya. "Siya si Crissa, girlfriend ko. Crissa, siya naman si Vin, pinsan ko."
"Pleasure to officially meet you," sabay lahad nito ng kamay sa 'kin kaya agad ko naman itong tinanggap.
"Me too," nakangiti kong turan pero kaagad iyong nawala nang maramdaman ko ang kakaibang paghawak niya sa kamay ko.
Mabilis ko iyong binawi at nag iwas ng tingin. Masama ang kutob ko sa lalaking ito, parang may hindi magandang gawin.
"By the way, pupunta na ako sa birthday celebration mo."
Gulat akong nag angat ng tingin nang marinig iyon mula sa lalaki na nakangiting nakatingin sa akin. Isang kakaibang ngiti.
"Akala ko ba marami kang gagawin?" tanong ni Clay.
"Makakapaghintay naman ang mga 'yon,"
"Mabuti naman kung ganoon, kita nalang tayo sa bahay, okay? Una na kami," paalam ni Clay saka ako hinila pababa ng kanilang building.
Parang ayoko nang pumunta. Knowing na makikita ko lang din ang lalaking iyon doon. Tumango lang ito bilang tugon sa pag-alis namin.
"Kita nalang tayo mamaya, Crissy! Happy birthday ulit, Clay!" si Jenny nang makarating na kami ng parking lot.
Imbitado rin naman sina Jenny at Marky sa birthday celebration ni Clay at ilang mga kaibigan niya rito sa unibersidad.
---
"KUMUSTA, hija? Na miss kita," salubong kaagad sa akin ni Tita Jamie pagkapasok palang namin ni Clay sa bahay nila.
"Okay lang naman po hehe,"
Nahihiya pa rin talaga ako sa Mama ni Clay at medyo naninibago pa ako sa pakikitungo niya sa akin.
"Nandito lang si Crissa, kinalimutan niyo na ako, Ma." kunwari nagtatampong sabi ni Clay.
Nakatanggap tuloy siya ng kurot mula sa kan'yang ina.
"Ma! Birthday ko ngayon, wala ka man lang konsiderasiyon diyan!"
"Sige na, mag ayos ka na! Maya-maya lang ay narito na rin iyong mga bisita mo," pagtataboy sa kan'ya ni Tita. "Hindi ka ba sinasaktan no'n?" baling niya sa 'kin nang mawala na si Clay sa harapan namin.
"Hindi naman po. Sa katunayan nga, araw-araw niya po ako binibigyan ng rason upang mahalin pa siya lalo,"
Nakangiti sa kawalang turan ko na tila nakalimutan kong nasa tabi ko lang pala ang Mama ni Clay.
"Namana niya talaga ang ka-sweet-an ng Papa niya!" kinikilig na sabi ni Tita.
---
MAKALIPAS ang ilang sandali ay nagsasaya na ang lahat dito sa hardin nila Clay. Maya't-maya rin ang pag aasikaso namin ni Tita sa mga bisita.
"You should join them, hija." sabi ni Tita sa akin nang kasalukuyan kaming nasa kusina upang kumuha ng kanin.
Actually, kanina niya pa ako sinasabihan niyan. Maging sina Jenny ay kinukulit din ako para makihalubilo sa mesa nila pero mariin ko lang na tinanggihan dahil sa presensiya ng pinsan ni Clay.
Hindi ko talaga feel ang vibes ng lalaking iyon.
"Mamaya na lang ho, tulungan ko na muna po kayo rito," sabay kuha no'ng dala niyang lagayan ng kanin saka naunang lumabas sa kusina.
"Naks! Hands on na hands on, ah?" dinig kong pang aasar ni Jenny nang mapadaan ako sa mesa nila.
"Hindi ka talaga mahihirapan 'pag naging asawa mo na 'yang si Crissa, Clay!" si Marky na halatang lango na sa alak.
Napalingon sa gawi ko si Clay nang magkantiyawan ang mga kaibigan niya. Ngumiti ako nang magtama ang mga mata namin. Ang lalaking ito, kahit wala siyang gawin ay kusa akong napapangiti.
"Thank you," bulong niya matapos akong hapitin sa baywang na naghatid ng kakaibang kiliti sa kalooban ko.
"Lasing ka na?" tanong ko nang mapansing lalango-lango na rin siya kagaya ni Marky.
"Medyo," nakangising aniya.
"Halika, magpahinga ka na." sabay hila ko sa kan'ya papasok sa loob ng kanilang bahay.
Hindi naman kami napansin ng mga bisita dahil busy rin sila sa kan'ya-kan'yang pag uusap at pag iinuman.
Pagkapasok namin sa loob ng kan'yang k'warto ay nagulat ako nang isandal niya ako sa pintong nakasara. Grabe 'yong kalabog ng puso ko dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.
"C-Clay, lasing ka---"
"What's bothering you, Crissa?"
Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko inaasahan iyon.
"Siyanga pala, maligayang kaarawan!" ni hindi ko man lang siya nabati kanina.
"C'mon, tell me." aniya sa nanlalambing na boses at binalewala lang ang sinabi ko. Putek!
Should I tell him that I'm bothered by the presence of his cousin? Baka naman isipin niya na may gusto ako sa hinayupak na 'yon. 'Wag na nga lang.
"Ang totoo niyan, wala akong regalo para sa 'yo."
Napayuko ako nang sabihin ko iyon. Narinig ko pa ang pagngisi niya.
"That's it? Be mine forever, Crissa. That's all what I wanted,"
***
Waaaahhhhh! Oo na, ako na ang mahadera! Bakit ba kasi napakadali lang sa kan'ya ang pakiligin ako? Well, si Clay 'yan eh! Hindi ko nga lang masabi sa kan'ya ang kakaibang kilos at titig ng pinsan niya sa akin. Baka naman kasi ako lang talaga 'yong praning, 'di ba? Ayoko naman na maging dahilan upang mag away silang magpinsan. Hangga't wala namang ginagawang masama sa 'kin 'yong tao, tikop muna itong bibig ko.
Crissa

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    Kristine Esguerra Valmonte

    maganda

    11/08

      0
  • avatar
    Dimple Cabañero Saban

    ❤️❤️❤️

    23/07/2025

      0
  • avatar
    Ashley Nicha Agustin Cuerdo

    good

    07/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata