Homepage/Come after the Canvas [ # Living the Dream Series 2]/
Special chapter (part one)
∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞
I was in grade 6. Bago kaming salta nila Sam dito. On my grade school, sa Clifton Exclusive Boys School ako nag-aral. It was an exclusive boys school and we even sleep on their dorms. Nasa Mcdo ako, malapit sa CEU. Bibili ako ng burger then I saw the girl na humahagulgol.
"Ate Ia, wag ka na umiyak uy!" Sigaw nung bata. It must be her brother huh?
Napahampas naman siya ng table at sinamaan ng tingin yung kapatid niya, "Bakit ha! Ipapamukha mo din sakin na panget ako! Magagalit ka din ba dahil 3rd or 4th place ako! Bakit kasalanan ko ha! Pucha kasalanan ko ba talaga? Haha, tangina..." She gripped on her skirt at umiyak na lang, "Is it really my fault that I'm part of student council? That I was the teacher's favorite? Ano pa ha! Pati pagiging editorial cartoonist at pagiging top ko sa poster making contest kasalanan ko pa din! Dahil panget ako! Shou ayoko na. Pagod na ako..."
She just took away her bag at and she went away. Simpleng t-shirt na white, then pink ribbon. As for her skirt, checkered na pink and white. Mahaba yung palda niya, and tama lang haba ng socks niya and for her shoes, gibi yung suot niya. Ngumiti naman ako at inayos ko yung salamin ko at tumabi ako sa kanya. Halos puno na ng luha yung mukha niya at nahiya naman siya and she rolled her eyes, "Luh...sino ka?"
"Obviously I'm not a bad guy. I'm from Clifton Exclusive Boys School. Student Council President Masashi Masatoshi. And President of the Art Club, how about you?" Tanong ko
"Ininglish mo pa ako huhu pucha edi di tayo magkaintindihan eh!" She cried at napangisi na lang ako at natawa na lang ako. "Sorna haha! Grabe, nagtatagalog naman ako. Eh sa boys school kasi namin puro sila english awit haha!"
Mas lalo siya umiyak and my face went pale. A--Are you kidding me!? Why is she crying? Ako ang mayayari dito eh. May napapadaan na ibang tao at hiyang-hiya ako dahil iyak lang siya ng iyak. I was wearing a simple yellow polo and for my pants, it was grey pants at inayos ko na lang yung black tie ko and then inakbayan ko siya. Ano ba kasi nangyari para umiyak siya ng ganyan? Ginulo ko na lang yung buhok ko at tinignan ko siya, "Miss, wag ka na umiyak."
"T--They're bullying me..."
Whoa! I didn't expect that she'd actually tell it to me right away. Samantalang stranger lang ako. But I wonder why though? Hindi naman siya masamang tao. I pulled her close to me and I hugged her, "Sige lang ibuhos mo na ang lahat. Wala namang masama kung ilalabas mo iyan miss. Sometimes it will make you feel better to tell your heartbreaks on a stranger. I won't judge you." I smiled at her
"Panget ba ako?" She asked me.
I don't think she's ugly. Oo at hindi nga siya masuklay at kulot ang buhok, at simpleng nakasalamin siya and she's old-fashioned but so what? If she prefers simple clothes bakit kailangan pa siyang i-bully ng iba? If I was her friend, hindi ko i-question ang way ng pananamit niya. She's a girl who just wanted to be appreciated and yes I wanted to appreciate her. Inayos ko naman yung salamin ko and I pat her head, "You're not."
"Sinungaling," She sniffed and she gripped her skirt, "Alam kong panget ng tingin sakin ang lahat..."
Hindi ako nagsisinungaling! Maganda naman talaga siya para sakin eh. Ugh, I hope that she won't get mad at this. I took a deep breath at lumapit ako sa kanya and I kissed her forehead, "Hindi ka panget okay? So wag mo ng i-question ang sarili mo because you're beautiful in your own ways. Stop crying okay?" I asked her at pinunasan ko yung luha niya, "Let's get you fixed."
Nagtaka naman siya sa gagawin ko and I only gave her a smile. May kapatid kasi akong babae kaya madali na lang para sa akin to. Kinuha ko yung panali and then I fixed her hair at yung salamin niya. See? Umaliwalas siya. She's pretty kaya naman hindi ko nga maintindihan kung bakit nga ba niya ibinababa yung sarili niya samantalang hindi naman dapat. Kinuha ko yung cellphone ko and I took a picture of her. Mukhang di naman niya napansin yun at napangisi na lang ako.
"Masashi? Baby, where are you?"
Narinig ko naman na si Mama so I just pat her head, "Sige miss larga na ako. Basta wag mo isipin yung mga nambubully sayo. In 7 years, you're going to be my girlfriend at kapag nangyari yun isampal mo sa lahat na gwapo ang boyfriend mo." I winked at her at nagtatakbo na ako kina Sam. Di ko maiwasan ang ngiti ko at nakatingin ako sa litrato nung nerd girl. Ang ganda niya. Hindi nakakasawa titigan yung hitsura niya. Kita naman na nagulat siya at tinakpan naman niya hitsura niya at di mapakali.
Wala naman talaga sakin yung hitsura ng isang babae. Basta gusto ko lang iyong totoong tao. And that's what I see in her. Habang nakatingin ako sa phone ay binunggo ako ni Sam, "O ano yan? Kadiri ka nanghablot ka ng babae bud? Grabe siya." She rolled her eyes
"Hindi ako nanghablot! Crush ko to. Dun ka nga," Sabi ko sa kanya at binatukan ko na lang siya at kitang-kita na irritable naman na siya. Napatingin ako sa litrato at di ko maiwasang mapangiti. Sana makita ko pa siya. And when that time comes, ako na ang magproprotekta sa kanya. I can be her shield sa tuwing iiyak siya. I wanted to protect her. Hanggang sa kotse, napairap si Sam sakin. Psh, inggit lang yan kasi wala siyang crush.
Paano may crush siyang taga-samin pero busted e! Haha! Basta alam ko na makikita ko yung babaeng yun uli. Sana kahit papaano gumaan ang pakiramdam niya. Mukha kasing ang bigat ng pakiramdam niya kanina. Iba siya sa lahat ng babae. Totoo siya. Konting english ko lang akala niya imported ako. Kung alam lang niya di naman ako pa-sosyal. Yeah, galing ako sa mayamang pamilya pero ayoko naman na iyabang yun. Basta friendly lang talaga ako. At sapat na iyon sakin. I really wondered if I can see her, sana nga noh..
And ever since I met that girl, lahat nang nagkakagusto sakin rejected. Ewan ko ba. Di ko rin maintindihan ang nararamdaman ko. And ever since I met her, lahat ng events ng Emmeline Catholic High School hindi ko pinalampas. Well based on my picture at nagpatulong ako kay dad para lang makita yung nerd girl na yun. Even though I'm the type who doesn't want to use my own connection but because of her..nakagawa ako ng kabaliwan.
"Emmeline to diba? May jowa ka dito?" Ngumisi si Zayne at siniko ko siya, "Sira! Crush lang," Paliwanag ko at ngumisi
Looks like they're doing a play. Sinuot naman namin yung id na provided nila for guest kasi bawal kapag wala nun. There's a girl na nasa upuan. Kasama niya ulit yung kapatid niya. Naka-dress siya ng orange at naka-set ng curls yung buhok niya. She's in her glasses though pero nagningning pa din yung ganda niya. Mukhang inaayos niya yung pakpak. Oh, she's an angel? Bagay naman sa kanya.
"Shou itaas mo kasi yung pakpak! Mapipilipit yung bra ko!" Reklamo niya at napakamot na lang yung kapatid niya, "Ang laki mo kasi ate--"
"Anong sabi mo!?"Sigaw naman niya
"I'll help her instead." I said to them at ngumiti ako. Napakurap naman siya and she pointed me, "Yung kuya sa mcdo!Hello!" She said and she waved her hand at ngumiti naman sakin. Damn, this is unfair. She's too cute.
Isa to sa naging kabaliwan ko. Zayne didn't want to go kung hindi ko lang siya tatakutin tungkol kay Karin. And at that time, I already knew Wakana is. I always see her in her darkest moments, and when she's beautiful. But at the time that I transferred in St. Louisa during 4th year, she clearly didn't know about me. How matter how I explained, hindi niya iyon nakita. Habang nag-aayos ng libro si Wakana ay umirap siya, "Palagi mong sinasabi yan pero malabo nga iyon Masashi. Baka ibang babae yung pinangakuan mo haha!Iba na yan," She said to me
It was you...
Alam ko. All along, ikaw na best friend ko ikaw yung babaeng pinangakuan ko. I know that she was just dodging that because she was scared that others might bully her again. Pero handa na ako para sayo Wakana. Ang sakit naman na itanggi mo ako. I can feel that she loves me, but I didn't want to push her away. Ganun ka kaimportante para sa akin Wakana. Hinding-hindi kita kayang saktan. But seeing how you disregard yourself to me parang ang sakit. Hindi ko tuloy maiwasan na manahimik na lang. Talaga bang hindi niya naalala yun?
"Pero paano kung ako yun?Paano kung crush na din pala kita?" I asked her at kinuha ko na lang yung braso niya tsaka siya ihinarap sakin. I can clearly see that she was blushing right now. Wala akong pake kung makita kami ng ibang tao dito. If there's anyone that I'd fall in love with, alam ko na siya na yun. Ikaw na yun, Wakana Ilyria Kaneshiro.
Halos mabagsak na lang niya yung mga libro at halos mamula siya. She didn't know what to do at patingin-tingin lang siya paligid. I took it a chance at tsaka ko siya nilapitan. I can hear it from here. She's hiding her feelings. I didn't want to push it to her too much pero totoo ang nararamdaman ko para sa kanya. Dahil hindi ko siya hahanapin ng ganito para mapalapit sa kanya if I didn't knew that she's that girl that I met.
"There's no way--"
I completely cut her off, "Hindi ako nagkakamali. Does my eyes looked like they were lying Wakana? Tell me, if I fall in love with you would you take a chance with me? Dahil seryoso gusto na kita ligawan. I'm just being patient dahil 4th year pa tayo. At totohanin ko ang lahat. Na hindi mo na kailangan pang umasa ng matagal sakin dahil gusto din kita." I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (45)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story
07/08
0good story 😊
05/08
0Ang ganda ng story, Kudos to the author. Hope to read all of your novel.
11/05/2025
0Tingnan Lahat