Chapter 50

∞∞∞∞∞∞∞∞∞
"Huy narinig niyo ba?"
"Ang gwapo nung nasa Section 3!"
"Anak daw ng CEO eh, kyaaah!!! Pang-boyfriend material!"
Transferee lang ako dito at agaw atensyon? What's wrong with those girls? Inayos ko na lang yung bag ko at may padaan na nerd girl at para bang ang sama ng tingin niya dun sa mga babae. She seemed so cold and her eyes seemed sad. Habang naglalakad siya, hindi niya napansin yung ibang estudyante.
"Aray!" Sigaw niya at napahawak na lang siya at halos mapaiyak na lang. Come on, you should be careful miss. Ganun ba talaga siya? Na parang walang emosyon at parang wala siyang pake sa paligid niya? I don't know..Come on, Masashi! Nag-transfer ka pa lang dito sa St. Louisa Academy malamang hindi mo alam yun. Hindi ko lang din kasi mapigilan eh.
"Uy, curious." Sabi nung babae at mukhang kaklase ko siya. Tumango na lang ako at pumasok na ako sa loob ng Section 3.
"Yna Sabrina Perez nga pala. Ikaw kuya, anong name mo?"She asked
"Masashi Masatoshi." I said seriously
Maya-maya narinig naman ni Sabrina na may nagkakasigawan sa baba ng hallway. Ano yun? It feels like someone is getting bullied. Halos nagulat na lang kami ni Sabrina nung pinagkakaisahan yung babae kanina. Yung nerd. Come on, why are they ganging her up?I gripped my fist at di ko maiwasang magalit sa nakikita ko. Halatang-halata.
They're bullying her.
"Sabi na nga ba at eepal din ang panget na tulad mo--"Sasampalin sana siya kaso humarang yung taga-journalist club and she smirked at the girl. Mukhang kinukuhanan niya ito ng video and threaten her of course para iligtas yung secretary. Hay buti naman. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may masamang nangyari sa kanya. "Ms. Park, gusto mo bang ilabas ko ang pambubully mo sa Secretary ng Student Council? Siguradong magandang scoop to sa Newspaper mamaya para sa Journalist Club, so what do you say?" Halatang napikon naman yung mga babaeng nang gang up sa kanya kaya naging okay naman na ang pakiramdam ko dun kahit papano.
Nung nakaalis na yung mga nambubully, nagulat na lang ako nung hilahin ako ni Sabrina so that we can meet her? Yung nerd. I--I don't know what's her name basta cute siya. Halos mapasampal na lang ako sa sarili ko. This is not happening. She looked intimidating. Pero naiintindihan ko. She was bullied. Kaya normal lang naman talaga kung bakit parang malayo yung loob niya sa marami. Napaurong ako saglit at nagtaka naman si Sabrina duon, "Sigurado ka ba?"
"Magkakasundo kayo! Tara na," Ngumiti naman si Sabrina saka niya ako hinila papunta dun sa baba para ma-meet namin yung babae. "Oh yan yung magaling magdrawing na kaibigan ko. For sure magkakasundo kayo niyan." Sabi ni Sabrina at kumunot naman yung noo niya and she looked at us seriously. She don't usually smile, isn't she? Hindi naman sa nagpapaka-feeling close ako sa kanya. It's just it really seemed to me na parang ang lungkot niya. Na mas pinipili na lang niya lumayo. That's why I'm curious about her.
I guess I've gotta give it a try. Na kilalanin ko siya. Ngumiti naman na ako sa kanya and I decided to approached her, "From Section 2 right? I'm Masashi Masatoshi, I heard you're cartoonist?"
Ang tahimik pa din niya. Hindi siya nagsasalita. Para bang naninibago siya na may kumausap sa kanya na iba. Siguro matagal na siyang nabully. Kaya siguro hindi siya sanay na may kasama siyang iba. I can see Sammi on her. Yung kababata ko. Nabully din kasi yon. Kaya kahit papaano naiintindihan ko kung bakit ganito tong taga-Section 2 na to. Hindi niya maiiwasan na maging wary na lang sa paligid niya. Then I guess I have to push more further. Wala namang masama kung maging magkaibigan kami diba? I really wanted to get to know her.
"Gusto ko din kasi magdrawing kaso mukhang kumpleto kayo sa editorial cartoonist, alam mo ba kung saan yung art club?"I asked her at saka ako inilahad yung kamay ko and I smiled at her.
"Tara, hatid kita. Wala pa naman akong klase,"
"Oh really?" Tanong ko naman sa kanya at halos magning yung mata ko. Sabrina laughed a bit and then inayos ko na lang yung bag ko and then I waved at her, "Salamat Sab. I'll go with her, mamaya pa naman yung mosaic natin noh?" Tanong ko saka nag-thumbs up naman si Sabrina pero bago naman kami umalis ay pinalahanan pa niya ako. "Oy ingatan mo yan. Best friend ko yan!"
Grabe to. Pinagisipan pa ako ng masama. =_=
Ang bilis maglakad nung secretary—kaya hinabol ko naman siya. Then I quickly stared at her id. Wakana Ilyria Kaneshiro.
Oh! That must be her name then. Ang ganda ng pangalan niya. Everything about her is beautiful. Sana ngumiti naman siya. I bet that she'll be more beautiful if she could just smile even just one second. Kumatok naman si Wakana and then she knocked the door para naman maihatid niya ako, "Uh Miss, may gusto po sumali ng art club. Dinala ko po siya dito," Seryoso nitong sinabi.
Napatingin naman sakin yung ibang estudyante pero hindi ko sila pinapansin. My attention goes for her. Wakana. She's really pretty. Ang hirap na hindi niya titigan. Napaubo naman na yung teacher and she giggled. Napakamot na lang ako sa buhok and I asked her, "Hi po. Pwede pa po ba?" Nahihiyang tanong ko
"Aba oo naman iho, halika sa loob." Sabi nito at nag-bow naman na si Wakana at tuluyan na siyang umalis. Sayang, gusto ko pa sana siya na makausap. Kaso ang seryoso talaga niya.
"Curious ka pre noh? Ah, Seven Cairo Wei nga pala." Pakilala naman ni Seven and he grinned, "3rd year ako."
"Mukhang kilala mo si Wakana..can you tell me about her?" Tanong ko
"Sige pre. Dun tayo sa dulo. Baka maging issue eh, palagi pa namang nabully yun dito." Sabi ni Seven
It made me curious. Bakit ba siya binubully? She seemed quiet. At mukhang genius. Mysterious pa nga eh. I don't know, maybe for me she's someone who can do everything. Siguro nga kailangan ko lang din alamin kay Seven ang lahat. "So why is she getting bullied? Mabait naman si Wakana hindi ba?"
"Pre hindi ko nga rin alam. Kung 4th year lang din ako baka umaksyon na ako. Kasi laging 3rd yan sa test Matalino yan eh. Kaya ang daming galit diyan yun ay dahil simula nung napasama siya sa student council. Halos 1st- 4th year galit sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit. Wala namang ginagawang masama yung tao. Pabor halos lahat ng teacher sa kanya lagi, eh mabait kasi siya tapos editorial cartoonist pa namin. Multi-tasker yan oy. Nung wala ka pa, may poster making tayo siya yung pambato. 1st place yan. Kaya malaking tanong pa din kung bakit inaaway siya ng marami. Eh kung hindi lang din dahil sa pinsan ko hindi magkakaroon ng kaibigan yang si Wakana. Dude, she's very lonely." Sabi ni Seven
Halos napasuntok na lang ako sa table nung malaman ko na yung rason. "Eh gago pala mga yun eh!"
Hindi naman niya kasalanan yung lahat ng yun. Now I can see why she don't talk to much. Na parang galit sa mundo, and that she looked cold at walang emosyon. Maybe it scares her to trust anyone. Sa dinami-dami ng tao siya ang gusto ko makasama dito sa school. I don't know why, something tells me that she needed a guy who can protect her. And after I knew about her, hindi ko na tinigilan si Wakana. I wanted to become her friend..badly.
It was after class and I saw her waiting in the waiting shed. Kaya naman sobra akong na-excite so I decided approached her,
"EDITORIAL CARTOONIST! Miss Kaneshiro!"
I was so excited to be with her at gustong-gusto ko sa tabi niya. I really wanted to get to know her. At eto na yung pagkakataong yun. Gusto ko na talaga siya makilala. Kaya nga sinabi ko kay Sab na kailangan namin siyang samahan. Nag-thumbs up naman na kaming dalawa at nagtawanan. Lumapit naman na ako sa kanya and I started asking questions, "Late ba ako? Buti hindi! Sabay na tayong tatlo umuwi.Mabait ka naman di ba? So ibig sabihin pwede na tayong best friend?"
Maya-maya lang din ay may tumigil na sasakyan sa harap namin. Whoa, her mom's pretty. Parang may halong espanyol. No wonder she's very pretty too. Ibinaba naman niya yung window and then she giggled at us, "Wah! You two are my daughter's friends hindi ba?" Kitang-kita yung excitement niya kaya naman inakbayan ko na lang si Wakana. "Yes po. Tara na,"
"Gwapo, nak." Her mom whispered at halos mamula na lang si Wakana duon. I couldn't help it but to smile when I'm looking at them. Wakana is really awkward about these things. Hindi kasi siya expressive kaya irritable siya when it comes to talk about "crushes"
I really want to get to know her. At gusto ko siyang tulungan, sa nalaman ko kay Seven. I wanted to protect her.
"Palagi ka bang naghihintay sa waiting shed?"Tanong ko
"Yes she is, tambayan na rin kasi namin yun bago umuwi eh."Paliwanang naman ni Sabrina
4th year na din kami kaya wala naman siguro masama kung mas kikilananin ko pa siya. Pagsisihan ko kapag hindi ko siya naging kaibigan. It was really fun to be with her. Yung simpleng pagsulyap ko sa kanya tuwing nagdrawing siya sa newspaper. I can really see that she was driven when it comes to arts at iyon din ang isang bagay na magkatulad kaming pareho. After all, I plan to take architecture in college.Kung palarin. Pero kung hindi baka about biology since I wanted to take nursing then kahit maging engineer na lang din ako. Depends on what will happened to the future. Pero matagal pa naman yung college eh.
Kahit saan naman papasa ako. Ewan. Malayo pa naman yung college. Kaya naistress ako kapag iniisip ko pa yun.
"Nga pala, saan ka mag-college? Ako kasi pinagiisipan ko kung sa Ateneo or UST ako. Duon kasi may programming."Sabi ni Sabrina
"Baka sa De La Salle kasi may Fine Arts, then for Architecture baka Ateneo de Davao or PUP at sa STI naman or LPU may Graphic Arts & Design e," She explained at tumingin naman sakin si Wakana and she smiled a little and there's a hint of blush on her cheeks, "Ikaw ba?"
"Architect kunin ko. Kung di palarin, baka Microbiology na lang. I don't know, any related courses in science.Parehas kami ng choices ng university ni Sab. Duon kasi sa Ateneo at sa UST since nandun yung choices ko."Sabi ko
There it is! Iyon yung hinihintay ko. To see her smile. Kahit papaano ngumingiti na siya. Then I guess, hindi rin naman masama yung pangungulit ko and being pushy around her. Kahit na napapansin ko na naiingayan na siya sakin but she didn't hate my company. Gusto ko lang talaga siya maging best friend. Wala naman kasi sakin yung hitsura niya.
So what if she wears glasses? So what if kulot yung buhok niya? I don't need to be with someone high and mighty at sadyang ganda lang ang meron. I see that Wakana is a true person kaya hindi ko na rin talaga mapigilan ang sarili ko if I was too attached with her. When we got inside, hindi ko maiwasan na hindi mamangha sa nakikita ko kaya naman lumapit yung mom niya and she smiled at me, "Maganda noh? It's her art. Gawa ni Wakana yan. Basta kung ano ang mai-imagine niya ayun idrawing niya. She usually admired places in Japan." She said at itinuro naman niya yung Shrine, Cherry Blossoms at yung ramen shop na paintings.
"You must love drawing."Sabi ko na lang sa kanya and I smiled at her,"Now that explains when I saw you drawing a girl with a Kimono."
Nung makita ko siyang mamula di ko maiwasang mapangiti. She looked so expressionless nitong mga araw but now I can clearly see when she was reacting then that means that she was starting to open up herself. Alam ko mahirap sa sitwasyon niya ang pambubully pero sa nakikita ko mukhang comfortable naman siya sa tabi ko.
Napangiti naman si Sabrina when she saw us, "Magkakasundo talaga kayo! Pakita mo drawing mo Masashi." Excited na sinabi ni Sabrina
Alam kong kahit di sabihin ni Sabrina. She wanted Wakana to confess to me. Pero kahit di niya sabihin nakikita ko na crush na niya ako. Wala namang masama dun. But it was Wakana that we're talking about here mukhang mahihirapan siya na aminin yun. Sa sitwasyon pa niya ngayon. Ngumiti na lang ako sa kanila tsaka ko inilabas yung mga drawing ko din. Most of them were cottages, beach houses, then restaurants and some beautiful houses.
Kapag nagiisa kasi ako mga lugar talaga ang drinodrawing ko. Isa pa hilig ko lang. Hindi pa rin talaga ako sure kung ano ba talaga kukunin kong kurso once I entered college. Sa ngayon gusto ko muna enjoyin last year ko sa high school.
Nung matagal na nakatitig si Wakana sa papel nakaramdam ako ng hiya. Napakamot na lang ako sa ulo ko and I took the paper away from her, "Gago Sab! Ipapahiya mo pa ako kay Editorial Cartoonist."
"I have a proper name. Call me by my first name instead..."
Napalunok na lang ako and I blushed when I looked at her. T---That means pwede ng informal diba? Edi best friend ko na siya? Ganun ba yun? Ano ba yan! Di naman ako mahiyain pero pag dating sa kanya nararamdaman ko to. Hindi naman kasi basta lang babae si Wakana eh. She's more than that.
Wakana,"
Lumapit na lang ako sa kanya and I lend my hand to her tsaka ko siya nginitian, "Can we become friends?"
"S--Sure...." Nauutal pa niyang sinabi. She must be really shy around me. Cute.
"Go on. Have fun with your friends. Aba 4th year na kayo. Minsan ka na lang maging bata kaya hayaan mo sarili mo mag-enjoy. Panay papel at color pencils ang lagi mo hawak eh!"Binunggo naman siya ng Mama niya at natawa na lang ako.
"Wag kayo mag-alala kukulitin ko si Miss Editorial--uh, Wakana pala haha."Sabi ko na lang at tsaka ako napakamot and then I laughed.
"Kahit Tita na lang,"Sabi nung Mom niya and she tapped my shoulders
Dinala naman niya kami sa kwarto niya. Her house is simple. Compound kasi yun at tama lang. Kaya nga mas hinahangaan ko siya bilang isang tao dahil dun. I was surprised to see that she had the same interest that I had. Anime. Kaya siguro ang tahimik niya, she didn't want others to know about the interest that she had now. Mas lalo tuloy ako na-excite and I couldn't help but to touched her figurines."No way! Di ko alam na meron dito sa Pinas ng anime figurines? At vocaloid pa? Where did you get them?"
"Ah that..."She said shyly at napahawak na lang siya sa buhok niya and she giggled, "Kasama ko si Sab nun, pumunta kami sa MOA. Kaso may singing competition siya kaya late nakadating eh."
"You're an otaku as well right?"I asked her
Mas natuwa ako nung malaman ko na may pagkakatulad kaming pareho. Whoa, is this really a coincidence? Kaya mas lalo ko siyang gusto pa makasama. We're about to take a picture kaso bigla siyang nailang dun. Does she hate pictures? Nag-aalala tuloy ako para sa kanya.
"Alam mo girl, mamatay na lang mga kaklase mo sa inggit. Tsaka di ba sabi ko naman sayo wag mong pagpapansinin yun. For sure may kinakalat na naman yung si--you know kung sino. But don't mind her."Paliwanag naman ni Sabrina
"Is taking a picture making you uncomfortable?" Tanong ko naman sa kanya
"It's because I looked like this...I'm ugly,"
"I looked pathetic huh?"
Kitang-kita na talagang apektado siya dun. Sa narinig ko kay Seven mas lalo ako naiinis dun kay Rose. Kaya nga sinusungitan ko na lang sila kapag napapadaan ako sa kanila. They wanted me to be part of their party but no. Si Wakana ang kaibigan ko kaya tanging siya lang ang girl best friend na sasamahan ko. Mas feel ko kasi kapag si Wakana ang kasama ko, na hindi ko kailangan magpanggap sa lahat ng bagay. At alam ko na mas magiging masaya ako kapag kasama ko siya.
"Edi ako na magtatanggol sayo.Kahit anong oras pa yan, pupuntahan kita. Pwede mo ako tawagin sa waiting shed dahil tambayan natin yun. Ano pa yung naging kaibigan kita kung hindi kita aalagaan?"Tanong ko
"Ayieeeeh!!!" Tulak naman ni Sabrina
At simula nung napunta kami sa bahay niya, that was the first day of our friendship. Kaya sa lahat ng bagay nagtutulungan kami. Halos buong 4th year siya na ang kasama ko. Kasama ko sa panonood ng anime, sa paglalaro ng ML, sa drawing at masaya ako kapag kasama ko ang isang Wakana Kaneshiro. She makes me happy. I never found someone na halos kung ano yung ginagawa ko, iyon din ang ginagawa niya. Naging mahalagang tao na sakin si Wakana, kaya nga kapag pinapaiyak siya nila Rose fuck I want to smash their faces.
Wala akong pake ni babae siya o hindi! Wala siyang karapatan na i-bully si Wakana. We were good friends at sobrang mahalaga sa aming pareho yun. Not until naging masyado akong komportable sa kanya and I never see her feelings at all. At alam ko sa puntong yun, nasaktan ko ang best friend ko.
"Masashi. Do you really care for me as a friend or as a girl? This...it's confusing me, whatever we had."
"Syempre. Kaibigan kita,"
"Yeah right friend..."She cried. Tangina, ang gago ko ba? Hindi ko ba talaga nakita na nasasaktan siya? Para akong tinutusok nung makita ko siyang umiiyak. If there's one thing na hindi ko kayang makita iyon ay yung masaktan siya ng ganito. Ayoko ng makita na umiyak siya sakin ng ganito.
That's why I made a choice the moment that she confessed her feelings to me.
"Do we have a problem---
"Crush kita! Nuon pa lang, nagtransfer ka pa lang dito. Hindi mo ba talaga ako kaya mapansin? Ganun ba talaga role ko sayo? Yung babaeng hindi mo mapapansin?"
At alam ko hindi ko ito pagsisihan. Dahil alam ko na hindi siya mahirap mahalin. And I sealed it with a kiss.
"Wait for me. Once we entered college, I'm going to date you." Sabi ko na lang sa kanya at tsaka ko siya nginisian.
Alam kong hindi ko iyon pinagsisihan. Nanligaw ako ng tatlong taon. Hindi madali iyon. Late ko na din na na-realize na maaring hindi na lang basta best friend ang tingin ko sa kanya. Na maaring siya na nga ang girl of my dreams. At nagsimula iyon nung nireto ni Sabrina si Qing Xua sa kanya. Yung Nurse na taga-FEU. It makes me mad kaya nga ipinakita ko sa kanya na may kung isa mang lalaki ang mas bagay sa kanya, ako na yun.
Na maaring siya na nga ang girl of my dreams. At nagsimula iyon nung nireto ni Sabrina si Qing Xua sa kanya. Yung Nurse na taga-FEU. It makes me mad kaya nga ipinakita ko sa kanya na may kung isa mang lalaki ang mas bagay sa kanya, ako na yun. We were happy, ilang taon ko din siya niligawan and I waited for her. Umabot din sa walang label at nagkasakitan. Alam ko namang maraming mababago because we started as best friends then slowly turning into lovers. Malaking sakripisyo itong gagawin namin. Na itatapon namin ang pagiging magkaibigan namin because I loved her and I wanted something more than that.
Alam kong sugal yun perso sinubukan ko pa din. Masaya naman kami. Kahit tago ang relasyon namin, nagagawa pa din naming magdate. Support each other as a volleyball players, maglaro ng ML, watch some animes. Halos wala namang pinagbago. Pero I can say na naging mas greedy ako because I wanted to keep her with me. Gusto ko siyang angkinin kahit ayaw pa ng tadhana sa amin. Mahal namin ang isa't-isa pero umabot sa puntong bibitawan din pala niya ako. Pero bakit? Mahal ko siya eh, siya na yung buhay ko but she chooses to let go of me? I can never understand why she chooses to let me go when I still wanted to fight for her.
Wakana Kaneshiro:
Let's break up.
My Future Nurse Masashi 💗:
No! You can't do this to me, whatever this is pag-usapan natin to. At pupuntahan kita diyan.
We were so happy. Siya na yung babaeng pangarap ko at wala ng iba. I never found someone na halos kapareha ko sa lahat ng bagay. Kaya hindi ko kinaya when my girlfriend decided to leave me. Hindi ko maintindihan. She was suffocated, she wanted to give up everything pero ako? Handa ba ako na masaktan? Handa ba ako na kumawala siya sa akin?
"T--That was a lie right? We promised that we won't break up no matter what happened. Hindi mo ako hihiwalayan hindi ba?" Tanong ko sa kanya at napayuko na lang siya tsaka umiling without even looking at me, "No, that was the truth. I want to end this,"
"Fuck no!"Sigaw ko naman sa kanya at napaluha na lang. "We were okay..right?"
"Eto ang nakakabuti para satin,"
"How can you know Wakana? Sana napaghandaan ko di ba? Kung makikipag break ka sakin sana alam ko kung kelan at sana handa ako. Paano mo nagagawa na okay lang sayo ha? Kasi sakin hindi!"I shouted, "Hindi kita kayang pakawalan kasi alam ko ikaw na yung babae para sakin."
"Please, let go of me..." She begged me at ayokong tanggapin iyon. At talagang hindi ko kayang tanggapin ang bagay na yun. Na iwanan na lang niya ako ng ganun-ganun na lang. Dahil kung kaya niyang bumitaw, ako hindi. Ni hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong umabot sa sitwasyong ito! Ginulo ko na lang yung buhok ko and I cried."Bakit gusto mo akong iwan?"
"Dahil kay Sam!Tignan mo ko...ng mabuti.Hindi tayo bagay. Ang sakit na isinasampal sayo na mas bagay siya sayo kesa na ako na girlfriend mo. Ayoko na Masashi! Bitawan mo na ako. Nahihirapan na ako dito eh!"
I was shocked to know that. Alam kong nagseselos nga siya kay Sam pero napagusapan naman namin yun dati ha. Bakit gusto na naman niya akong bitawan? Ang sakit na. You're really hurting me Wakana.
"So you're breaking up with me because of Sam? Kababata ko lang siya. At kung dahil ito sa kanya, please wag naman ganito. Hindi ko kaya ng wala ka Wakana. Di kita kaya bitawan."
Hindi ko kaya na mawala siya sakin. Tanging siya na lang ang meron ako ngayon. Hindi ko kaya kapag nawala na lang siya sakin ng ganun. Kaya naman niyakap ko na lang siya ng mahigpit at di ko maiwasang mapaluha na lang,"Then i'll stop college and stop my dreams as an nurse Wakana! Kasi kung wala ka naman, anong saysay ng pangarap ko na kasama ka! Pucha ang sakit naman nito. Wag naman ganito,"
"No!Wag na wag mong sasabihin yan sakin ngayon Masashi. I don't need that shit right now. You need to pass your boards, ang tagal mong pangarap na maging nurse and you said you wanted to become a biology professor..at yung engineering mo tapos susuko ka na lang? Kahit naman na wala ako, alam ko na makakaya mo na gawin ang lahat kahit wala ako sa tabi mo. Kaya wag mo sabihin ang salitang yan, na mag-give up ka na maging nurse dahil sakin dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag hindi ka naging nurse!Bakit bigla mo na lang itatapon ang lahat ha? Porket i-break kita itatapon mo yung pangarap mo ha! Are you throwing your future because of me? That was so selfish!"She shouted
"Then don't leave. Kasama ka sa mga pangarap ko, ano ang saysay ng lahat ng ito kung iiwan mo lang din ako ha? Wakana naman..."I hugged her tight and I can't help but to cry.
"I have to, eto ang mas makakabuti satin."
But she still did. She let go of me.
Kaya binago ko ang sarili ko. After 11 years, I found her. Hinintay ko siya. Kaya kahit na itulak pa niya ako na palayo sa kanya, I'd find my way para naman mapasakin siya. Kaya nga nung malaman ko na sa iisang kompanya lang kami nagtratrabaho then it would be easy for me to flirt with her. Kahit anong paraan gagawin ko para mapasakin siya. Na kung kailangan siya ang maging architect to build my house and my med school gagawin ko. And if we have to become partners because I'm the Drafting Engineer at that time...gagawin ko yun para sa kanya! Ang tagal niyang nawala sakin and it gives me pain sa mga nangyari sa amin. Kaya ayoko sumuko kahit na siya ay sukong-suko na sa aming dalawa. Gusto ko siyang maangkin sa pangalawang pagkakataon pero taksil na naman ang tadhana.
We ended up letting go of each other in second time. Palagi na lang kaming nagkakasakitan at para bang ayaw ng tadhana na maging kami. Gusto kong magwala. Bakit? Siya yung babaeng gusto ko, pero bakit ayaw niyo sa kanya para sakin? Sinubukan ko..gusto ko siyang angkinin pero para bang hindi pa rin ito ang tamang panahon para sa aming dalawa. Para bang ang sakit pa din.
"Ilang minuto pa Wakana. Matapos ng araw na to, pwede mo na ako bitawan katulad ng gusto mo. Kahit masakit, kahit ayoko papalayain na kita.Mahal na mahal kita pero ang hirap mong bitawan. Simula pa lang, ikaw na. Pero alam ko na di ko pwedeng pilitin ang sarili ko dahil ayaw mo na..."
Kaya nga kahit masakit, kahit ang hirap niyang bitawan bumitaw ako dahil iyon ang gusto niya.
"Panghahawakan ko yan. Dahil sinabi mo yan Wakana. This is not a goodbye, and a new beginning for the two of us...magkikita pa tayo at baka sa panahong yun pwede na tayo."
Hindi ako nagalit sa kanya. Napagod na din ako. Hindi ko na ipinilit ang sarili ko. Kaya hindi ko inasahan na sa pagpunta ko pabalik sa kanya, iyon na pala ang tamang panahon para sa amin. Hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya kaya sa pangatlong pagkakataong ito, aangkinin ko na siya. Hindi ko na hahayaan na kuhanin pa siya ng tadhana sakin.
"But you made me turn to you Wakana. Because of your canvas.."Sabi ko sa kanya at humarap ako sa kanya, "Nagdadalawang isip ako. Kung pupunta ba ako at angkinin ka na. Dahil baka may boyfriend ka na. Or kung kaya mo pa ba ako tanggapin. It took me a lot of courage to go here in NY para surpresahin ka. But that nurse.." I said to her at napailing na lang, "Kung kanino pa ako nagselos siya pa ang nagturo sakin kung ano pa bang dapat ko gawin. And it's worth waiting for you."
And it was worth waiting for you. Kahit ilang taon pa, kaya ko ding maghintay katulad ng sakripisyo mo. And I know this time, makikita na natin at masisilayan ang araw na magkasama tayo at hindi na tayo mapaghihiwalay nito. Wakana, you're the light that made me turn to look at those colors..at dahil sayo nagkaroon ng direksyon ang buhay ko.
Ikaw yung 'what if' na karapat-dapat na balikan. I sucessfully come after the canvas.
~ end~
[Author's note: Epilogue plus special chapters will be coming up!]

Komento sa Aklat (45)

  • avatar
    BunaganGlenilyn

    nice story

    07/08

      0
  • avatar
    TesionMarjon

    good story 😊

    05/08

      0
  • avatar
    BalquinMilyn

    Ang ganda ng story, Kudos to the author. Hope to read all of your novel.

    11/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata