Chapter 28

11 years and it's still you.



Napatingin ako sa billboard habang nasa bus. Something caught my attention.

-KH & F Medical Center in Paris-
Psychiatric Mental Health Nurse Masashi Masatoshi

Why him? Of all people, yung lalaking niloko ako...
Para tuloy gusto ko na magbackout. Yes, I took the offer to work here in France and build a team with Sabrina. Pero paano ko nga ba kakayanin to? I don't think I'm even capable of doing that. Hindi ko alam kung paano ako magiging okay kasama ang lalaking yun. Napakapit na lang ako sa bag ko at nilapitan ako ni Sabrina and she tapped me, "Huy kabado ka."
"Ikaw din," I fight back on her,"Ex mong architect nandito din," Pambabara ko sa kanya
Ako pa hinamon talaga ng babaeng to. Ngumuso naman si Sabrina at inirapan na lang niya ako. Isa kami sa napili para sa project eh. And apparantly, Psychiatric Mental Health Nurse Masashi needed someone to design his house and his medical school kaya ako ang kinuha niyang architect in charge pero sa totoo lang pwede ko naman na ipasa sa ibang civil engineers na magtutuloy ng designs para sa project niya but he freaking declined those engineers! Tsaka malalaman ko pa kung paano ang gagawin namin sa project.
Nung makarating kami ay halos napatulala na lang ako at napatingin ako sa bintana. And while I'm out of it, ay binunggo naman na ako ni Sabrina. "Hoy andito na tayo. Andito ex mo, back out ka na?"
"No," I flipped my hair at inayos ko na lang ang salamin ko. "Excited nga ako eh. Ano pa iniintay natin Sab? T--Tara na." Nauutal kong sinabi at inayos ko na lang yung bag ko at tawang-tawa naman si Sabrina sakin. Iba din ang babaeng to eh.
Pumunta naman na kami sa loob at mukhang may kausap siya. He looked so manly now. Ang tagal na nung huli ko siyang nakita. Honestly, I don't even know what to say. He excused himself sa ibang mga kausap niya and he got closer to me at ang seryoso lang ng mukha niya. Katulad ng dati, ang cold pa din ng hitsura niya. He seems not to care at all. This jerk.He stared at me for a moment at halos mapaurong na lang ako. Ngumisi naman siya at tinignan na lang niya ako ng seryoso, "What's with that? Naging mag-ex lang tayo naging wary ka na sa akin. Ngayon pa lang binabalaan na kita, I do hope na professional sana tayo sa isa't-isa Architect Wakana Ilyria Kaneshiro."
Napakasama talaga ng ugali! Hindi ko na siya matantiya! Kahit ayoko naman ay wala din ako magagawa. I gave him a fake smile and I stared at him, "Kelan kami mag-start in the designs of your house and your medical school, Nurse? You know that I have a precious time so don't waste it." I smirked at him. Sinimulan niya ako ng pambabara eh, edi tatapusin ko.
"Kailangan pa ba itanong mo sakin yan Miss Kaneshiro? You had your team to do those designs wag mong sabihin na kailangan mo pa talaga na itanong sakin kung kelan mo balak simulan o hindi.You're the Architect in charge here. Ikaw dapat ang may alam sa mga tao mo at sa mga Civil Engineers mo."
Napa-rolled eyes na lang ako sa kanya, "Fine! Next week then. Ipapadala ko agad yung designs para di ko na makita yung pagmumukha mo. Deal?"
"Deal." He said
Weeks passed, halos ilang gabi din namin pinaghirapan yung designs na ginawa ko and these days wala na ako pahinga puro drawing na lang. Mukhang isa sa malaking project to eh kahit na bahay lang naman niya at medical school niya ang ipapagawa niya.Isa pa, isa ako sa mga magagaling na architect ang kinuha nila dito. Kaya kahit ayokong itong sitwasyon ko, whether I like it or not sister company ng Koyama Advertising Company ang Koyama Constructions. And plus beside architecture, i'm also dealing with visual and arts there as their freelance graphic designer.Pagpasok ko sa loob ay laking gulat ko ng ma-meet ko siya.
Seryoso nga talaga si Seven ever since he became an Architect. Dahil he's meeting a client about the designs of the cafe right now at etong lalaking ito ang kailangan mapadpad sa pagmumukha ko. Seriously, is this a curse? Bakit ba pinaglalapit ang landas namin? Okay na sana na si Architect Seven na lang sana eh bakit siya pa?
Tinignan ko na lang ito ng seryoso and I crossed my arms, "So ikaw talaga yung kailangan ko makatrabaho dito right Psychiatric Mental Health Nurse Masashi Masatoshi?" Pagtataray ko kay Masashi
Bakit kasi sa dinami-dami nang clients, sa kanya pa ako kailangan na bumagsak. Hindi rin maganda ang pinagsamahan naming dalawa. At oo, gustong-gusto ko siya iwasan. Masama ba na gawin ko yun? I was compared...by Chandria.With Sammi. Alam ko naman na mabait yung manager ni Hydra and they were friends pero talagang kapag nakikita ko ang babaeng yun hindi ko talaga maiwasang masaktan. Nung nag-high school ako at una ako nagka-crush kay Masashi nuon, palagi silang close nuon. At halos isinasampal na sa akin na dapat tigilan ko na yung nararamdaman ko.
Pero wala. Hanggang ngayon siya pa din yung lalaking gusto ko. Kaya nga ngayon pa lang na makita ko siya, masakit na. Tinignan na lang niya ako ng seryoso at inayos naman niya yung bag niya, "Malamang Ms. Kaneshiro, may iba ka pa bang gwapong Psychiatric Mental Health Nurse na nakikita bukod sakin? Dalian mo na. Patingin nung design."He ordered at napa-irap na lang ako sa kanya. Tinanong ba niya sa akin na gusto ko to? Hindi ko gusto na mangyari din ito fyi. He glared at me at wala na ako nagawa kaya binigay ko na sa kanya yung folder, "Oh."
"Kupad," He glared.
Luh. Makapagutos naman tong lalaking to.
He's getting on my nerves. Tinignan naman na niya ito ng seryoso and looking at my designs. Ewan ko ba, kabado ako ngayon. Bakit ba ganito ang dating ng lalaking to sakin. Samantalang sinaktan naman na niya ako. This feelings is so fucked up...
"I can expect Sabrina to code the website for next week then? Kailangan ng maihabol yan." Sabi ni Masashi at tinitignan na lang niya yung portfolio designs na gawa ko and I tried to look away from as much as possible. Oo alam ko naman na dapat ay hindi kami masyadong nagpapadala sa nararamdaman namin. Dahil trabaho lang naman to. But what do you expect?
Hanggang ngayon, I was still left with many questions. Na kung gusto ba talaga niya si Chandria, at kung ganun bakit hindi niya sinabi sakin? It was useless to think about it anyways. Hindi na rin naman mahalaga yun because whatever happened between the two of us, it was over. Ang tanging mahalaga na lang sa akin ngayon ay maalagaan ko si Koharu and my cousin needs me. Yun lang ang mahalaga sa akin ngayon.
Sa dami-dami kasi ng papasukan ko bakit kailangan ko pa siya makasama eh. Nakakairita. I crossed my arms at tinaasan ko siya ng kilay, "Wag ka mag-alala dahil i-follow up ko na lang kay Sab yung website so you don't need to be worried Nurse." I said to him and I tried not to make an eye contact to him.

"Ms. Kaneshiro,"


Inayos ko na lang yung bag ko at napatingin na lang ako kay Nurse Masashi at halos ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Ganito ba talaga kalakas ang epekto niya? Kahit na simpleng pagtawag lang niya sa akin hindi ko maiwasan na hindi kabahan. Kung ano man ang kaugnayan namin, maybe dahil sa designs lang involved nun. Nothing else. As if naman pwede akong magreklamo.
Malaking kompanya din itong trabahong pinapasukan ko. It's Koyama Advertising Company, sister company to ng Koyama Constructions, pagmamayari ni Sir Yuuto. Kaya nga kahit mahirap sa akin tong sitwasyon kailangan kong maging okay. I gripped my bag at napatingin na lang ako sa gilid, "I still need to do my work...magkita na lang tayo sa soon meetings natin. I need to go sorry." Sabi ko
Kitang-kita ang dismaya sa mukha niya. May sasabihin ba siya?At kung ano man yun wala na ako sa mood para pakinggan ang lahat ng yun. Napagod lang ako. Dahil madalas na akong ikumpara kay Chandria, and he doesn't have any idea kung gaano kasakit para sa akin yun. Sa bagay, yung mga masasakit na salita na natamo ko nuon may idea ba talaga siya kung gaano kasakit sa akin ang lahat? Kailangan ko lunukin ang sinasabi ng iba dahil ayaw nila sa akin bilang girlfriend niya. Panget ako. That's why they love Chandria. She graduated in States, at sobrang ganda at talino pa niya. Oh, saan pa ako lulugar dun?
Pero imbes na pakawalan niya ako ay hinigit na lang niya ang kamay ko and he looked at me seriously, "Ganyan ka pa rin Wakana. Ang hilig mo akong takbuhan! Ang hilig mo akong itaboy kahit na gusto ko lumaban para sayo.."
Don't fall for him.
Ipinikit ko na lang ang mata ko at napahawak na lang ako sa dibdib ko. I shouldn't be feeling hurt. Ako naman talaga ang nagdesisyon para sa aming dalawa, kaya ano bang karapatan ko para masaktan. I decided to ended it dahil sobra-sobra na akong nasasaktan. Isang bagay lang naman na talaga ang mahalaga para sa akin ngayon. Yun ay yung pinsan ko. Kaya kung ano pa man tong nararamdaman ko sa kanya, kailangan ko tong pigilan. I should be with Koharu right now dahil kailangan ako ng pinsan ko.
"Dahil wala na.."
Natawa na lang siya at ginulo na lang niya ang buhok niya at tinignan niya ako ng seryoso, "Just like how your last message, ang sakit pa rin na bumitaw ka na lang na ganun kadali. Ilang beses ko pa ba sasabihin sayo? Chandria, she's just like a big sister to me. Wala kaming relasyon. Kaya kung ano man yung narinig mo sa iba wag mo nang paniwalaan.Just come back to me please. Hindi ko kaya na mawala ka Wakana."
His eyes looked so sincere. Hindi ko pa nakita sa kanya ang ganitong mga mata niya, kung paano man niya ako titigan. I can say that it was affecting me. But If I can be cold, I'll do it. Kung yun lang ang paraan para tigilan ko ng kahibangan na to. Dahil simula pa lang, isinasampal na sa akin ang katotohanan na pinagtagpo lang kami....pero kahit kelan I'll be the girl who's out of his league. Yung babaeng kahit na kelan ay hindi niya mapapansin.
Hindi na rin niya ako pinilit matapos nun at pagdating ko sa bahay ay halos manghina na lang ako at napaluhod na lang at halos di ko mapigilang umiyak. Haru is also there, mukhang binibisita niya si Hydra. Napansin naman nila ako kaya pumunta siya sa akin and he lend his hand, "Are you okay?"
"Wakana..is this about that Nurse again?" Tanong ni Hydra at napailing na lang siya sa akin. Kailangan ko ng tigilan tong nararamdaman ko pero bakit kapag magkita lang kami ng lalaking yun palagi na lang ako masasaktan? Akala ko okay nako sa naranasan ko dati, na halos lunukin ang lahat ng sinasabi ng iba kahit na alam ko naman na masakit na ay hinayaan ko na lang ang mga sinasabi nila.
Dating with him is the hardest part that happened to me. Akala ko nuon na mas masasaktan ako nung mga panahon na nagkakacrush pa lang ako sa kanya, yun pala mas masasaktan lang ako nung naging kami na. Alam ko naman eh, na si Chandria naman na talaga sila boto. Matagal na silang magkakilala ni Masashi and they always liked her for him, hindi ako. Alam kong mabait si Chandria, but for some reasons I cannot just erase the uneasiness that I feel. Kahit pa na kinakaibigan pa niya ako, ang hirap pa din sa akin na totally na makipag-close sa kanya.
I couldn't tell it to Hydra either, alam ko na magkaibigan sila ni Chandria at ayoko lang na may mabuo na tension. Matagal naman na panahon to, bakit ba sobrang sakit pa din sakin? Bakit ba kasi kailangan ko siya makita ulit? I am trying...na huwag na lang kaming magkita. Kahit na sister company yung advertising company at yung construction company ayoko siyang makita. Marami namang clients na iba, bakit sa lahat ng tao si Psychiatric Mental Health Nurse Masashi pa ang kailangan kong makita?
Pinunasan ko na lang ang luha ko at sinamaan ko siya ng tingin, "Hindi lahat kasi kagaya mo na may gwapong boyfriend. Edi sana nakamove on na ako diba? Sige na, atupagin mo na si Kuya Pogi," Turo kay Haru at sabay irap sa kanilang dalawa. Don't get me wrong okay? I am happy na nagkatuluyan silang dalawa pero syempre there's a part of me na nakakainggit. Simula kasi nung magbuntis yang si Hydra eh hands on na talaga sa kanya si Haru. Kaso ang gaga gusto na mag-tv commercial pero wala siyang magawa kay prof. Dahil hindi umuubra ang pagpapacute niya.
"Hay naku ewan ko sayo. Tumayo ka na diyan mag-isa, di ko kaya na lumuhod para sayo. Buntis ako remember?" Tinaasan niya ako ng kilay
Hindi ko alam kung kelan huhupa tong sakit na nararamdaman ko. Pero ang alam ko lang talaga sa ngayon, kung ano man ang meron sa amin ngayon ni Psychiatric Mental Health Nurse Masashi isang bagay na lang yun na dapat na ibaon sa nakaraan. Dahil isang bagay lang naman kung bakit pa kailangan naming magkita. Yun ay dahil sa project and because he was my client...yun lang. Kung kailangan kong itago ang nararamdaman ko para magawa ko agad yung trabaho gagawin ko. Ganun na nga siguro ako katanga sa kanya.










Komento sa Aklat (45)

  • avatar
    BunaganGlenilyn

    nice story

    07/08

      0
  • avatar
    TesionMarjon

    good story 😊

    05/08

      0
  • avatar
    BalquinMilyn

    Ang ganda ng story, Kudos to the author. Hope to read all of your novel.

    11/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata