Chapter 25

Know your place.
I'm in the lab at isesend ko na yung psd file na drinowing namin. It's a two-storey house design at yun yung pinagawa sa amin. At through email namin ipapasa yun. Then when I got online sumaglit muna ako on my facebook and I was shocked to see a message from Nina. Sinend ko na yung activity namin at chineck ko yung chat ni Nina sakin. Suspend na nga siya, ano namang kagagahan tong gusto niyang gawin?


Nina Sadie Caguioa sent a photo.

Nina Sadie Caguioa:
Ang sweet nila noh? So now you can see that Sam & Masashi is perfect for each other then know your place Wakana! Ang panget-panget mo! Sa tingin mo ba talaga magtitiis siya sa PANGET!? NAKAKAAWA KA, GUMISING KA NA!
No.
Ayokong maniwala dun. Impossible naman kasi yun. It's Masashi, he wouldn't hurt me right? It's just a picture of him and Sammi, magkatabi lang naman sila. Sam is just on disguise because she's scouting on New York as a model, y--yun lang yun di ba? Kaya naman ni-log out ko naman na agad yun at umiling ako. Hindi yun pwedeng mangyari. I refuse to believe it.
Hinding-hindi mangyayari yun. And I refuse to believe it so ano mang kalokohan yun, hindi yun mangyayari, it's impossible. I decided to grabbed my phone at tinawagan ko si Amanda. I couldn't stop on crying at halos bumagsak na lang ako. Buti na lang sinagot niya yun agad, [Wakana? Anong--


"Ami, can you come here and get me?"


Hindi ko mapigilan ang luha ko. Patuloy lang ang luha ko at di ko mapigilang umiyak. I can hear that Amanda is getting worried at napayuko na lang ako, [Wait lang, nasa PUP ka ba? Pupunta ako diyan! Stay where you are, don't do anything else. I promise you that I'm coming.]
Ipinikit ko na lang ang mata ko and I sighed deeply at pinunasan ko na lang ang luha ko. Nung dumating naman si Amanda, nginitian ko naman siya at tinarayan niya ako. "Wag mo ako lokohin babae, you can't fool me with your smiles. Tignan mo yung mata mo namumugto na sa maga. Sino ba nagpaiyak sayo? Tara, resbakan natin!"
She can really see everything in me. Kahit na ilang beses ko pa sabihin na okay lang ako, Amanda can see whether I'm fine or not. That's why mas comfortable ako when Amanda is around alam ko kasing nasa tabi ko lang siya parati. Dinala naman na ako ni Amanda sa classroom and she pat my back at tinignan na lang niya ako ng seryoso. "Sige na, iyak mo yan. Sabihin mo lang sakin, makikinig ako sayo." She said to me
"I saw a photo," Sabi ko and I looked down. Sammi is in her disguise pero kahit pa na jacket at cap si Sam, there's no way na hindi ko mapapansin iyon! Bakit ba sila magkasama? Ni hindi ko alam kung ano nga bang dapat kong gawin sa ngayon. Sobra akong nasasaktan. Tama nga ba si Nina? T--That I should wake up from this dream? Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.
I couldn't stop on crying and I just hugged her tight, "Why did he do this Ami? B--Bakit niya ako niloko? Putangina, ang sakit-sakit! Ami, bakit ba kasi ganito ako? Bakit ba ang panget ko! Mali ba talaga na magmahal ang panget na tulad ko Ami? Bakit ganito na lang ang pakiramdam ko? Selos na selos na ako sa kanya, dahil alam ko walang-wala ako kay Sammi. Kasi maganda siya,"
My tears won't stop on falling. Hindi ko alam kung ano ba dapat ko isipin. If Nina wanted to get it back to me then congrats she did it. Hindi lang niya ako nagising, dahil naipamukha lang naman niya sa akin na wala naman na lugar ang mga panget na tulad ko na magmahal di ba? Dahil ganito ako. Na average lang yung mukha, I looked plain.
Na kailangan ko pang plantsahin ang buhok ko dahil sa buhaghag at kulot yung buhok ko. Na kailangan kong mag make up sa araw-araw dahil walang lugar ang panget na katulad ko sa school. Dahil next thing I know, pagtritripan na nila ako. Na babatukan na lang nila kapag ginusto nila. Mali ba na hilingin ko sa tao na kahit isang respeto lang! Isang respeto lang sapat na. Tratuhin lang din nila akong tao, sapat na.Yun lang ang hinihiling ko...
Mali ba na hilingin ko yun? Pagod na ako. Buong buhay ko, naririnig ko na yang salitang panget sa tao eh. Kahit na wala naman akong ginagawa sa kanila palagi na lang nila ako kinukutya eh! Yung simpleng magsasalamin ako sa cr ng girls at nag-aayos at kapag may napadaan na mas maganda sayo tatawanan ka na lang. Sasabihin nila na 'hindi bagay sayo,' 'Ang panget mo, wag kang trying hard,'
Pagod na ako sa mga yun. Ilang beses ko ng naririnig ang mga yun. Kelan ba matatapos to? Amanda got closer to me and she hugged me, "Come on, stop saying that. Did Nina say that? You know that Masashi loves you so much..he--"
"Ang sakit Amanda! Yung nakilala ko na kababata niya. Si Sammi. Close sila nung simula pagkabata. Akala ko wala akong ipagaalala dito pero ano to!" I opened my messenger at ipinakita ko kay Amanda yung picture na sobrang sweet nila. Hindi ko na kasi alam kung ano pa dapat na gagawin ko eh. Di ko mapigilan yung iyak ko, sobrang sakit na. Hindi ko na alam kung ano bang iisipin ko kasi sobrang sakit na.
Bakit ba ganun na lang silang lahat? Kailangan ko pa ba malaman kung saan ako lulugar ha! Dahil ba ako yung panget? Hanggang kelan ba to magpapatuloy pa ha? Hindi ko na alam eh. Why is it so hard to be at his side? Mahal ko siya pero bakit ganito? Kailangan ko ba talagang masaktan ng ganito? I couldn't tell him. Dahil alam ko magkaibigan sila ni Sam. At ang sakit lang na mai-compare ako sa kanya.
Wala naman ako ginagawang masama. I tried to be a good girl that everyone wanted and yes I become the good girl that they want. Ayoko na. Pagod na ako maging mabait. Kasi lahat na lang tao kakaibiganin ka lang because they wanted something from you. Ayoko namang magreklamo dahil kahit kaunti lang ang kaibigan ko they treasured me, and they love me so much. At ganun din naman ako sa kanila. Na pinapahalagahan ko sila and I love them too. Pero kailangan ko bang makibagay sa lahat ng tao ayaw sakin!?
Patuloy lang ang luha ko and I tried to explain everything to Amanda, "Ang sakit na Ami! N--Na kailangan ko lagi makibagay sa lahat ng tao. Kasi tignan mo oh, ang panget ko nga naman. Siguro nga umasa lang ako sa panaginip ko na minsan hinangad ko na magkaroon ng mala-prince charming na lalaki na mamahalin ako. Ayoko namang sisihin si Sam kasi alam ko na childhood friends lang sila, she also said that. Pero sa nakita kong litrato na ibinigay ni Nina, ang sakit Ami! Ang sakit-sakit na..."
She got closer to me and she hugged me tight, "I'm always here okay? Nandito lang ako sa tabi mo kaya wag mong iisiping mag-isa ka because you're not. Ano man ang maging desisyon mo girl, always remember that I'm always here."
Kailangan ko ng tapusin to.
That way, mawawala na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Yun lang ang magagawa kong paraan para palayain ko na ang sarili ko. This is not healthy anymore. I'm so suffocated of everything. Gusto ko ng makahinga ng maluwag. Yun na lang ang paraan para mawala ang sakit. Hinigpitan ko lang ang hawak ko kay Amanda and I cried, "Ami, I want to end this...ayoko na."
"Wakana, are you sure about that?" She asked me. Alam kong gustong-gusto niya ako para kay Masashi and she has been my number one supporter into our relationship pero nahihirapan na din ako.There's only one way to end this. Na tapusin na lang ang lahat ng to. I did my best, na huwag na lang pansinin yung mga sinasabi nila sa akin. Pero ang hirap pala. Ang hirap na magpanggap na wag na lang pansinin ang mga sinasabi ng iba. Wala ng ibang paraan pa kung hindi ito na lang. Na mas mabuti na lang na tapusin ko na ang lahat.
Nahihirapan na ako. I just want to breathe. Hindi ba't ito naman na yung matagal na gusto nila Nina? Na lumayo ako dahil hindi ako bagay sa mundo niya. And that's what I'm doing. Na lumayo na lang sa kanya dahil ito ang mas makakabuti sa lahat. Na umalis na lang ako. I just don't know what to do anymore. Patuloy na lang yung iyak ko and I gripped on Amanda, "This will be better...for the two of us Ami. Ayoko din siyang bitawan...siya lang yung lalaking nagparanas sa akin ng ganito pero ang lupit ng tadhana. Di porket masaya ka, masaya ka na lang palagi. This is the real truth Ami. Sa isang tulad kong panget, bawal ako maging masaya. Lahat ng lalaking magugustuhan ko it will be a big question for them. Ayoko magreklamo, pero bakit kasi ganito ako Ami? Bakit ang panget ko?"
Why is the world is not fair to me? Palagi na lang ako kailangan masaktan ng ganito. Masyado ba talaga akong mabait? Why do I just let anyone tell anyone what they want to, kahit na masakit pa yung mga salitang binibitawan nila wala silang pake kung may masasaktan silang iba. Kaya kahit gusto ko pa ding magpatuloy nahihirapan na ako. I choose not to tell him because it will be better na ako na lang yung makutya ng mga tao sa paligid. Pero ang sakit pala. Yung katotohanan na isasampal sayo, masakit pala.
"Desisyon mo na yan. Wala ako karapatan na pigilan ka. Kung ano man ang magiging desisyon mo, alam mong nasa tabi mo lang ako Wakana.If you're suffocated in this, and to everything that has been happening to you then let it go hangga't maaga pa lang. Kung nasasaktan ka na, bumitaw ka na. Hindi naman pagiging duwag kung bumitaw ka minsan. I think you're torturing yourself on this..to much," Sabi ni Amanda
"I will. Tatapusin ko na ang lahat once and for all."

Komento sa Aklat (45)

  • avatar
    BunaganGlenilyn

    nice story

    07/08

      0
  • avatar
    TesionMarjon

    good story 😊

    05/08

      0
  • avatar
    BalquinMilyn

    Ang ganda ng story, Kudos to the author. Hope to read all of your novel.

    11/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata