Chapter 15

Visiting UST.
Napatingin na lang ako sa gilid at medyo malawak tong UST. Right now, I'm together with Sabrina. Sobrang lawak din pala nito. There's a hospital inside at halos ang lawak ng field nito and it even had the church inside. Ugh, tama nga ba na pumunta ako dito? I stopped for a moment at napataas kilay ni Sabrina, "Oh? Wag mo sabihing back out ka na? Halos isang byahe din pinunta mo dito tapos wala lang?"Napamewang na lang si Sabrina, "Alam mo misunderstanding lang yan eh. Sabi lang ng iba pinaniwalaan mo naman agad?"
I don't know.
Anong sasabihin ko kapag nagkita kami? It will be hard. Kahit ayoko, wala na akong choice kasi hinila na ako ni Sabrina para mahanap ko na si Masashi. She has been always been like this, she was pushing me whenever I feel down. Alam ko naman kasi na sobrang gaga ko na eh. Alam ko na magkaibigan lang naman talaga sila ni Sam, but look at my features. I don't think na bagay ako sa kanya kasi ang panget ko.
I have to deal with that reality. Buong buhay ko. I saw Masashi sitting on the bench and he was drawing a house. I bit my lip at napayuko na lang ako. Napairap naman si Sabrina tsaka niya ako hinatak and then I started panicking because of it, "Sab!!!! Wag ganito gaga!!"
Napakunot naman na ang noo ni Masashi and he looked at me seriously and then he glared at me, "Why are you here?" He didn't even looked at me tsaka niya ako iniwasan. Napahawak na lamang ako sa dibdib ko. Dapat ko ba siyang pigilan? Ano namang sasabihin ko? Hinila ko naman yung damit niya and my tears started falling.
I hate this. Him, being cold with me. Why would he act like this to me? Hindi ko maintindihan kung bakit na kailangan na mangyari sa amin ang ganito eh. Alam kong mali ako pero why does he treat me like an air? Siguro nga sensitive na ako but it really hurts how he treat me like now. He looked at me seriously at ang sama ng tingin niya sakin, "What?"
"I'm..."
"You what?" He glared again
"Hindi ko alam!I know I agreed that we should take a slow pace, na hindi natin madiliin tong relasyon natin Masashi. Pero hindi ko na alam ang iisipin ko. Sobrang close mo kay Sammi and it was too much for me to see that! Nagseselos ako na parang tanga kasi ang hirap na ng walang label! Tangina, landian tayo ng landian ni wala naman kasiguraduhan!" I said to him at di ko mapigilan ang luha ko.
I was never good at conversations. Dahil alam ko that every word that I fight back on him, alam kong masisira ko na naman to. I'm afraid to say what I think dahil baka maitulak ko lang siya na palayo. Oo alam ko na he reassured me about this relationship, pinanghawakan ko yun. Pero ang sakit na para bang ako na lang yung nagmamahal sa aming dalawa! Na para bang ako lang yung may gusto sa kanya. Ang sakit na umasa, ang sakit maghintay sa tao na puro pa-fall na lang ang ginagawa sayo!
"Do you really think that? You're breaking my heart Wakana." He looked at me at tumulo yung luha niya. I can see the pain in his eyes. Am I too much? Dapat ba hindi ko na lang sinabi yun? Dapat ba prumeno ako? Masama ba na hingin ko sa kanya yung kumpirmasyon kasi hindi ko na alam!
"Then tell me, ano ba ako sayo Masashi ha? Tell me, do you even looked at me as the woman that you wanted as a girlfriend? Kasi hindi ko na alam!"Sigaw ko sa kanya at napaluha na lang ako.
"Oo. Ikaw yung babaeng yun. Damn it Wakana, maglalakas loob ba ako umuwi at ipakilala ang sarili ko kay Eng. Kaneshiro kung hindi? Kahit na walang tiwala yung tatay mo sakin, hell I know that I am trying my best here as your suitor. Nakakapagod umuwi sa Bulacan dahil sa traffic pero tinitiis ko yun para sayo! Ano bang kumpirmasyon ang gusto mo ha? The way that I played chess with your brothers para ipakita na seryoso ako sayo! And what else huh? To cook your favorite sinigang para ligawan ka! Pucha, di ako marunong magluto pero nagpaturo ako kay Dra. Kaneshiro, ngayon sabihin mo sakin ano pang kumpirmasyon ang gusto mo?" He asked
Aba malay ko sa kanya! Ano gusto niyang isipin ko? How can I know what he feels about me when he is not telling me about it? Gusto ko lang siguraduhin na tama ba talaga to. Dahil nasasaktan na ako. Hulog na hulog na ako sa kanya. Hindi ko na alam kung hanggang saan patutunguhan nito. Should I bother even telling him kung ano yung binabato sa akin ng mga tao sa paligid? Tangina, ang hirap! Hindi ganun kadali sakin yun.I just don't know kung ano ang dapat ko sabihin sa kanya.
He got closer to me and he just hold my cheeks, "Seryoso ako sa sinabi ko. Paniwalaan mo naman ako Wakana. Wala ako ibang babaeng mahal kung hindi ikaw. You're really hurting me.." Agad siyang bumitaw sa akin and he walked away.
Sobra siyang nasaktan. Anong nagawa ko?
Dinala na muna ako ni Sabrina sa room nila. Napayuko na lamang ako at hindi ko mapigilang maghagulgol dun. Sabrina sighed at pilit niya ako pinapatahan, "Yan na nga sinasabi ko. Hindi ka maasikaso ni Ami pero sinasabihan niya ako na tignan ka. Tell me, ano ba talaga estado niyo?Ayokong mamili sa inyong dalawa, problema niyo yan. Pero sabihin mo, ano ba ang nangyayari?"
"Hindi ko alam Sab..." Sabi ko na lang. Sobrang sakit na. Would it be really better if he's with Sammi? Ewan ko. I don't want to think this pero sobra na akong nasasaktan.
Looks like I don't have any choice huh. If there's anyone who knows me better, it would be her. Palagi siyang nasa tabi ko before even I got close to Masashi. Kaya alam ko na kung meron man na mas nakakaintindi sakin, that would be her. "Sab, pinanghawakan ko yung pangako niya. Okay lang naman sakin na slow pace kami eh, at okay naman na yung pamilya ko sa kanya. Na ayaw namin madiliin yung pagkakaroon ng relasyon. Pero ang hirap lang kasi na ganito ako," Sabi ko sa kanya
"Na ano?" She asked
"Did Nina say that? Tangina, hindi pa rin siya move on sa pangungutya niya sayo?Tell me, what did she say?"She asked at sa hitsura pa lang ni Sabrina para bang handa siyang kumalaban na kahit na sino. And it makes me so worried for her. Ayoko maging problema sa ibang tao because of this.
"She was telling me na ilusyunada ako Sab! Wala akong ginagawang masama sa kanya. Can't she just leave me alone? Hindi ko alam na kung bakit ipamukha niya sa akin na ganito lang ako Sab! Na panget ako. Sawang-sawa na ako marinig yun kasi simula nung bata pa lang ako pinamumukha na sakin yun!Ang sakit-sakit na kahit alam ko naman na mahal naman ako ni Masashi but my insecurities are eating me alive. Alam ko naman na wala sila ni Sammi, But I can't help but to compare myself. Sobrang ganda niya Sab. Eto lang ako," Sabi ko sa kanya at hindi ko mapigilan ang pagluha ko. "Alam kong magkaibigan sila pero kung nasa posisyon kita at makita mo na sobrang close nila Sab masasaktan ka. Kasi ano bang karapatan ko magselos? Hindi naman kami."
"Hoy Wakana Ilyria Kaneshiro, tumingin ka nga sakin." Utos ni Sabrina
Tawagin ba naman buong pangalan ko?Luh.
"Anyways simple lang kasi yan. Either magpapababa ka sa sarili mo sa mga sinasabi nila or you'd choose to stand up. Hindi naman kasi mahalaga kung ano yung opinyon ng tao sayo Wakana. At wala namang ginawang panget si God. You were just feeling insecure dahil sa kaletsehan ni Nina. Tarantadong yun," She rolled her eyes, "Wakana kasi malay mo talagang magkaibigan lang sila nung Sam. Malay mo talagang close lang sila. Gaga, sabi nga sa commercial Wag mahihiyang magtanong. Ganun yun! Magtanong ka kasi bago ka magselos.Paguuntugin ko kayong dalawa eh!"
Ano namang itatanong ko? Samantalang kanina, I can't even bring myself to ask some questions.Baka masaktan ako. Kahit anong gawin ko na wag isipin hindi ko maiwasan na hindi isipin yung kanina. Siguro tama nga si Sab, na sobrang gaga ko nga talaga. Anong gagawin ko? Honestly hindi ko na alam kung paano ko siya kakausapin sa nangyari. I don't know, sanay ako na hindi naman na ipaliwanag yung side ko tutal hindi naman kasi ako pinapakinggan ng tao and they think if I explain myself mali pa din ako.
"But I hurt him," Sabi ko
"Oh tapos?" She raised her eyebrows, "Alam mo kung may higit na mas nakakilala sa kanya ikaw yun. 4th year pa lang tayo, kitang-kita kung paano ka niya alagaan. Maybe you were just thinking too much don't you think?"
"Pero paano ko siya kakausapin? Now I feel guilty.." Ngumuso ako
"Wala akong coding bukas. Dalhin ko sa Cabanas, ako bahala sa inyo." Sabi ni Sabrina
May utang ako sa kanya. Kailangan ko bumawi sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako and I sighed. Dahil wala din ako napala, I decided to go home. 1 oras lang naman yung byahe kaya madali naman akong nakauwi. Nagpalit na muna ako ng damit at namili na muna ako ng games ng psp. I decided to take the Tekken at yun na muna laruin ko. Gusto ko muna matanggal yung mga iniisip ko ngayon. While I was playing, tumabi naman sa akin si Shou at binitawan muna niya yung notebook niya.
"Ate Ia, ang tahimik mo naman."Shou pouted
"Wala to hehe," I awkwardly said. Napatingin-tingin naman sa gilid si Shou and he began to ask me, "Wala si Kuya Nurse? Hindi ka niya hinatid or dinalaw man lang?" He asked and I gripped on my controller and I raised my eyebrows. Really, kid?
Talagang itanong niya sa akin yan kung kelan di kami nagkakaintindihan? Napansin naman niya na para bang worried ako about something so he got closer to me and he bumped me, "Hahaha LQ kayo noh? Ayiieh, di ka na weird ate. May jowa--"
"Oh my gosh! Shut up will you!?I just wanted to play Tekken peacefully. Pwede ba wag mo na ngang ulit-ulitin yung pagbabanggit sa lalaking yun." I glared at him
I even feel more bad because he keeps on looking for Masashi. Basta bahala na, hindi ko alam kung kelan kami magkikita. We stopped chatting on messenger either. Wala din sa twitter. Or even text from him! Ha, as if naman hahanapin ko yun. Edi bahala siya. Edi wag na niya akong kausapin. Bwisit talaga! Hindi naman kasi ako dapat nababadtrip na ganito eh. Pa-fall siya. Ugh, I really hated him when he is so cold to me. Whatever! Bahala na siya. Hindi ko na siya hahanapin.

Komento sa Aklat (45)

  • avatar
    BunaganGlenilyn

    nice story

    07/08

      0
  • avatar
    TesionMarjon

    good story 😊

    05/08

      0
  • avatar
    BalquinMilyn

    Ang ganda ng story, Kudos to the author. Hope to read all of your novel.

    11/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata