logo text

Wakas Part II

Kahel's POV
Nang mga sumunod na araw, naging abala ako dahilan kung bakit hindi ko napuntahan Si Abacus sa bahay ng mga Mendoza. Ilang araw ko na ring hindi nakikita si Anastacia, alam kong ilag siya sa akin dahil sa mga huling sinabi ko sa kaniya. Siguro iniisip niya na ayaw ko sa kaniya. Hindi kasi niya naintindihan ang sinabi ko.
Nagtangis ang bagang ko nang makita si Jacques at Anastacia na nakasakay kay Abacus. Bumaba ang tingin ko sa kamay nito na nakahawak sa braso ng lalaki. Uminit kaagad ang dugo ko sa nakita at hinintay silang makalapit sa akin. Kaagad kong hinawakan si Anastacia sa baiwang at maingat itong ibinaba. Sinamaan ko siya ng tingin.
Bakit kung kani-kaninong lalaki lang siya sumasama?
"P-pasensiya na Kahel, hindi na kami nakapagpaalam sa'yo na hihiramin namin si Abacus-
"Alam ba ito ng kuya mo?" iritadong tanong ko sa kaniya. "Bakit hindi ka makasagot?"
"Kahel." nagbabantang tawag sa akin ni Jacques. "Nagpaalam ako sa Lolo niya."
Wala akong pakialam kung nagpaalam siya, ang ipinupunto ko rito, bakit kung kani-kaninong lalaki lang siya sumasama?
"Eh kay Kuya Gilbert?" pagalit kong tanong.
"Hindi ko na nasabi, may kausap ang kuya niya kanina kaya hindi ko na naipagpaalam. Pumayag naman si Lolo Menandro kaya ayos na-
"Kita mo na?" bumaling ako kay Anastacia. Kita ang takot sa mukha niya habang nakikita ang galit ko.
"S-sorry. Magpapalam naman talaga dapat kami. Wala ka kasi kaya kay Lolo na lang namin naipagpaalam si Abacus-
"Wala akong pakialam sa kabayo niyo." mabilis kong hinigit ang kamay niya at hinila siya patungo sa bahay nila. "Isusumbong kita kay Kuya Gilbert." pananakot ko sa kaniya. Nakita ko naman ang takot na bumakas sa mukha niya.
Hindi ko ito magagawang palampasin. Nawala lang ako ng ilang araw, sa ibang lalaki na kaagad siya sumasama? Ganito na lang ba ang madadatnan ko palagi? Mabuti na lang talaga at dito na siya titira, mababantayan ko na ng maigi ang mga lalaking aaligid sa kaniya.
"Umalis na kanina pa si Ana. Ayaw yatang malate ng batang iyon sa unang klase niya." tugon ng lola niya nang magpunta ako roon. Iritado akong humanap ng masasakyan papunta sa school. Bakit bumyahe siya ng mag-isa? Bakit hindi niya ako hinintay na dumating?
Nang makarating ako sa classroom, hindi ko siya nadatnan doon. Mas lalo akong nairita nang makita siya sa labas ng classroom at doon mag-isang nakaupo. Paniguradong nahihiya siyang makahalubilo. Palagi naman siyang nahihiya, at iyon ang hindi maganda sa katangian niya. Masyado siyang mabait at mahiyain. Ang mga taong kagaya niya ang madalas inaabuso. Kaya dapat talagang mas bantayan ko pa siya ng maigi. Dapat hindi ko hahayaan na saktan siya ng mga tao. Masyado siyang babasagin, masyado siyang mamahalin. At ang dapat sa kaniya, iniingatan at inaalagaan.
Pero siguro, minsan napapasobra ako ng paghihigpit sa kaniya. Kagaya na lang ng nangyari sa canteen. Napagsalitaan ko siya ng hindi magagandang salita dahil sa selos. Ang siraulong Sayon kasi na iyon, unang araw pa lang ay umaaligid na kaagad sa kaniya. Nagdidilim kaagad ang paningin ko sa mga ganoong tao.
"Uy may facebook pala si Anastacia?" manghang anas ni Vera sa aking unahan. Naglalakas kami papunta sa canteen ngayon.
"Walang facebook si Anastacia." sagot ko. Alam ko iyon dahil nai-search ko na siya dati.
"Huh? Heto oh, picture pa nga nila ni Sayon ang profile." ipinakita sa akin ni Vera ang cellphone niya. Mabilis na nagtangis ang bagang ko sa nakita. Bumaling ako sa likuran at hindi nahanap si Anastacia at si Sayon. Kagagawa lang ng account, paniguradong kaya sila nawala ay dahil dito. At bakit kailangang makasama silang dalawa sa profile? Bakit hindi na lang picture niya ng mag-isa? Baka isipin ng mga makakita na magkasintahan sila!
"Gusto mong isumbong ko sa kuya mo na nakikipaglandian ka sa school?" nagbabantang tanong ko sa kaniya.
"A-anong nakikipaglandian? Ginawan lang ako ni Sayon ng facebook account." nagbaba siya ng tingin sa lupa kagaya ng palagi niyang ginagawa.
"Bakit picture niyong dalawa ang profile?" iritadong tanong ko. Kung kaming dalawa sana ang nasa profile picture ay baka mas ayos pa. Hindi ako magagalit. Isa pa, hindi sila bagay!
Sa mga ikinikilos kong ito, doon ko napagtanto na gusto ko nga si Anastacia. Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Siguro noong nakita ko ang picture niya sa bahay ng mga Mendoza. O baka naman noong hapon na nakita ko siya na basang-basa ng ulan.
Alam kong ilang siya dahil sa pagtrato ko sa kaniya. Alam kong hindi ganoon kaganda palagi ang tono ko kapag kinakausap ko siya. Pero hindi naman iyon dahil sa ayaw ko siyang kasama. Ginagawa ko lang na palaging iritado at galit ang tono ko para hindi niya malaman kung gaano kabilis ang paghuhurumentado ng dibdib ko sa tuwing nakatingin siya sa akin. Para hindi niya malaman kung gaano ako kapatay na patay sa kaniya.
Gusto ko siyang ikulong para hindi na siya makita ng ibang tao. Gusto ko siyang sarilinin, pero alam kong masyado pa kaming bata para roon. Ni hindi ko pa kayang magsarili. Wala pa akong maipagmamalaki.
Alam kong gusto niya lang akong maging kaibigan. Kaya naman nagulat ako isang hapon nang abutan niya ako ng isang papel.
"Sana magustuhan mo ang laman niyan." nakangiting aniya saka pumasok sa bahay nila. Nakatulala kong pinagmasdan ang kapiraso ng papel na ibinigay niya.
Sobra sa bilis ang tibok ng puso ko habang binabasa ko ang nakalagay doon. Gusto niya ako. Gusto niya raw ako maisip ko pa lang na magkaparehas kami ng nararamdaman ni Ana, nagsasaya na ang puso ko.
Pero nagunaw ang mundo ko nang malaman na hindi pala sa kaniya galing ang sulat. Hindi siya ang nagsulat. Tangina, habang binabasa ko iyon ay kinikilig ako dahil siya ang iniisip ko. Siya ang iniisip kong nagtatapat sa akin dahil siya ang nagbigay.
"Hindi ko siya gusto, iyon ang totoo." pag-amin niya sa buong klase namin. Para akong nanlamig sa sinabi niya. Saglit akong natulala bago umalis doon. Hindi ko matanggap. Alam ko namang hindi ako iyong tipo ng tao na magugustuhan niya pero hindi ko pa rin matanggap. Hindi pwedeng hindi niya ako magustuhan. Kung hindi kami ang para sa isa't-isa, hindi ako papayag.
Pero mahirap dahil ang dami palaging nakaaligid sa kaniya. Noong una si Sayon, ngayon naman nadagdagan na nang maging kaklase namin ang Diego na iyon. At talagang katabi pa niya sa upuan si Anastacia. Sana talaga hindi na ako nagpakipot at tumabi na lang sa kaniya nang alukin niya ako.
Nakakairita. Akala ba ng Diego na iyan ay hindi ko nakikita ang madalas na pagtitig niya kay Ana? Akala ba niya hindi ko nakikita ang pagngiti niya rito ng palihim. Akala ba niya hindi ko nakikita ang pagnanakaw niya ng sulyap. Kung pwede ko lang tanggalin ang mata niya, ginawa ko na.
Hindi ko lang malapitan si Anastacia dahil nagpasya akong lalayuan ko muna siya. Matapos nang ginawa niyang pag-amin na hindi niya ako gusto, napagtanto ko na kailangan ko muna siyang bigyan ng oras. Hindi pwede iyong dikit ako nang dikit sa kaniya dahil baka mairita siya at magsawa sa akin. Mas maigi na iyong ako ang lalayo kaysa siya.
Pero nakakairita lang dahil palaging nakakapit sa akin si Fatima. Para siyang linta. Hindi ko naman siya gusto, ipinagkakalat pa niya na magkasintahan kaming dalawa. Nagsimula lang naman ito nang manalo kaming dalawa bilang representative noong grade seven. Mula noon ay hindi na niya ako tinigilan.
"Ligawan mo na kasi, Sayon." iritado akong nakikinig sa usapan ng kabilang table. Tinutukso nila si Sayon at Anastacia sa isa't-isa.
"Sus! Style ka pa eh palagi ngang si Ana ang bukam-bibig mo sa tuwing in game tayo! Puro ka Ana, simp na simp!" Nagkantiyawan ang kabilang grupo. Nakisali pa si Fatima at tinukso rin ang dalawa.
"Bawal pa raw iyang ligawan sabi ng kuya niya." iritado kong pakikisabat sa usapan. Natahimik silang lahat at hindi na nagawang dugsungan pa ang tuksuhan.
"Bibili muna ako ng inumin."
"Samahan na kita." saad ni Sayon.
Mabilis akong tumayo at padabog na ipinatong ang tubig na binili ko sa harap ni Ana. Gulat siyang napatingin sa akin. Siguro ay iniisip niya na ito ang una kong pakikipag-usap sa kaniya simula nang hindi ko siya pansinin.
"Ubusin mo iyan." masungit na anas ko saka lumabas ng canteen.
Kumalat lalo ang balita na kaming dalawa na ni Fatima dahil ipinagkakalat niya ito. Sinabi ko na sa kaniyang tumigil siya pero ayaw niyang makinig sa akin. Sa mga panahong iyon, doon ko nakita na mas lalong naging close si Diego at Ana. Halos palagi na silang magkasama at magkasabay. At iyon ang nakakairita para sa akin.
"Kaya hindi tayo natatapos kasi ang daming nagkukuwentuhan." pagpaparinig ko sa kanilang dalawa. Kanina pa sila nagbubulungan sa harap ko, hindi man lang nila napapansin na ang sakit nila sa mata.
Natahimik silang dalawa dahil doon. Mabuti naman. Magpractice na lang kayo riyan imbes na mag-usap!
These past few days, napapansin ko ang madalas na paglabas ni Ate. Minsan pa ay nakikita ko silang magkasama sila ni Kuya Gilbert. I don't know what's the catch or if they have something between them. Hindi naman kasi nagsasalita si Ate. But I figured out na nagkikita silang dalawa. Hindi naman ako nakikialam dahil matatanda na sila.
Nang matapos ang shooting para sa isang project, nagkaakitan sina kuya na magbasketball dahil ngayon lang ulit kami nakompleto. Si Kuya Ferrer kasi ay madalang na umuwi dahil seaman ito. Si Kuya Yessan naman ay engineer sa Maynila at madalang magbakasyon.
Napamura ako nang madatnan ang grupo nina Twelve sa court. Nagkakantyawan sila habang nakatingin sa gawi nina Ana. At alam ko kung sino ang tinitingnan nila!
"Ang ganda raw no'ng nakaputi!" sigaw ni Warton. Nag-igting ang panga ko sa sinabi nila. Iisa lang naman ang babaeng nakaputi sa grupo namin, si Ana lang! Maliban na lang kung si David ang kursunada nila!
Hinubad ko ang t-shirt ko at ibinigay ito kay Anastacia. Kita kong natigilan ang iba sa ginawa ko. Lihim akong napangiti sa reaksyon nila.
Tama 'yan, akin 'to eh. Hindi ako mabait para ipamigay sa kanila ang babaeng gusto ko.
"Chiks ata ni Guevarra eh. Ano bang pangalan?" rinig kong usapan nina Twelve sa kabilang bleachers.
"Hindi ko nga rin alam, bago lang ata iyan dito eh."
Kahit noong nagsisimula na ang game ay naririnig ko pa rin ang pag-uusap nila tungkol kay Ana. At iyon ang dahilan kung bakit mas lalo akong naging agresibo sa court.
"Kapag nanatalo tayo, tatanungin ko kung anong pangalan no'ng nakaputi. Paniguradong ma-iinlove kaagad iyon sa akin." tumawa ang nagsalita kaya mas lalo akong nairita. Hawak ko ang bola at hindi ito mai-shoot dahil hindi ako makapagfocus. Lumingon ako sa gawi nina Anastacia at tiningnan kung nanonood siya sa amin. Naabutan ko si Diego na pinupunasan at titig na titig sa labi nito.
Sa iritasyon ay mabilis kong ibinato sa may gawi ni Diego ang bola. Nagulat sila at napatigil. Muntik pang matamaan ang camera niya. Hindi ako nagsisi sa ginawa ko. Dapat nga sa mukha ko isinaktong ipatama para pumangit ang mukha niya at hindi na siya nito tingnan kahit kailan.
Nakakainis lang na dahil sa isang babae ay nagiging ganito na ang ugali ko. Hindi ko na rin maintindihan ang nararamdaman ko. Patay na patay na ako sa kaniya. Pakiramdam ko ay kaya kong gawin lahat para sa kaniya. Ayoko siyang nakikitang umiyak.
Kaya naman hindi ko maiwasang hindi magalit nang makita siyang umiyak dahil sa mga nawawala niyang gamit. Gusto kong hanapin kung sino ang may gawa niyon sa kaniya. Paniguradong babae dahil wala namang lalaki ang gagawa nito at maiinggit sa kaniya.
Kaya habang hindi ko pa nahahanap kung sino ang may gawa nito sa kaniya, ako muna ang gagawa para sa kaniya.
"Kumain ka na muna. Ako na ang gagawa nito." anas ko matapos ilapag sa table niya ang mga pagkain na binili ko. Alam kong hindi siya lalabas dahil tatapusin niya muna ang mga kulang niya sa school bago niya unahin ang sarili niya.
Nagulat siya sa ginawa ko at tumanggi pa noong una pero hindi ako nagpapigil. Hindi pwedeng siya lang ang maghihirap. Kailangang samahan ko siya sa lahat ng pagkakataon.
Christmas party nang pahapyaw kong aminin ang tunay na nararamdaman ko para sa kaniya. Nagtatanong sila ng tungkol sa kung anu-anong bagay. Minsan puro walang kwenta.
"Anong tipo mo sa isang babae?" nakangiting tanong sa akin ni Fatima. Saglit akong nag-isip bago itinuon ang atensyon ko sa isang babae. Kaagad na nagtama ang tingin naming dalawa. Kita ko ang kaba sa mukha niya habang hinihintay ang isasagot ko.
"Wala akong tipo sa isang babae. Wala rin naman akong nagugustuhan." pagsisinungaling ko. Nakita ko ang mahinang reklamo ng ilan, pinakamalakas ang kay Fatima.
Nagpatuloy ang Christmas party. It really bores me a lot. Mas kakayanin ko pang titigan maghapon si Anastacia kaysa makilahok sa ganitong kasiyahan na hindi rin naman ako natutuwa.
Napili pa akong kumanta sa unahan. Pinilit nila ako, of course wala akong magagawa kapag bunganga na ni Vera ang kalaban. Kaya sinunod ko na lang ang gusto nila. Kumanta nga ako sa harap nilang lahat.
"Kiss! Kiss!" pag-uudyok nila sa akin. They think that I offered the song for Fatima. Inuudyukan nila akong lapitan siya at halikan pero sa iba ako lumapit. Dumiretso ako sa puwesto ni Anastacia ng hindi niya namamalayan at hinalikan siya sa pisngi. Nagulat ang lahat sa ginawa ko. Nagulat din ako. Hindi ko alam na kakayanin kong gawin ito sa harap ng lahat.
Kita ko ang pagkatulala sa akin ni Anastacia. Gulat na gulat siya sa ginawa ko.
"K-Kahel." dumaan ang sakit sa dibdib ko nang makita ang mukha niya. Ayaw niya ng atensyon. Ayaw niya sa ginawa ko. O baka naman... ayaw niya talaga sa akin.
Tipid akong ngumiti sa kaniya.
"Umuwi na tayo." marahang anas ko. We ditched the Christmas party. Nang lumabas kaming dalawa ay walang nagtangkang tumutol. Nagsimulang umulan. Kanina ay makulimlim pa lamang ang langit. Ngayon ay tuluyan na itong lumuha.
Kagaya ng nararamdaman ko ngayon.
"Ayaw mo ba sa ulan?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin siya sa akin. Kanina pa niya ako tinatawag at inuudyok na makisukob sa kaniya. Hawak niya ang payong ko dahil hindi naman siya nagdadala ng sarili niyang payong.
"Kahel..."
Kahit basang-basa na ako ng ulan, hindi ko tinangkang punasan ang mukha ko. I want to see her every seconds. I want to watch her... kahit ayaw niya sa ulan. Alam kong ayaw niya... kasi kung oo, sasamahan niya ako ritong magpakabasa sa ilalim ng ulan.
"Ayaw mo ba... sa akin?" marahang tanong ko sa kaniya. May kung anong nagsisikip sa dibdib ko. She's too fragile. She's too transparent... but most of the time, I can't read her. Hindi ko malaman kung anong nararamdaman niya para sa akin. I know she wants me to be her friend... pero hindi ko alam kung hanggang doon lang ang gusto niya.
But whatever her decision is... I will wait for her. Matagal ko na itong napag-isipan. Siya ang babaeng gusto ko. I always imagine us together living under the same roof someday. I want to be part of her life. Kahit hindi ngayon, basta kapag handa na kami parehas, magtiwala lang siya sa akin, ako na ang bahala sa lahat. Ako na ang kikilos para sa aming dalawa.
After that afternoon, I guess... somehow we became closer. Balik kami sa dati na ako na palagi ulit ang kasama niya. Hindi ko na rin naman hinahayaan ang iba na makaporma pa sa kaniya. I don't know if it's real... pero pakiramdam ko magkaparehas na kami ng nararamdaman. There's no confirmation yet. There's no label but we have that certain understandings between us. Ewan ko ba, iyon lang kontento na ako.
Hindi ako maghahangad ng mas higit pa. Kung ano lang ang kaya niyang ibigay, tatanggapin ko. It was peaceful, wala halos problema bukod sa mga taong nasa school. They are so toxic. But one day, I've noticed something from Anastacia's reaction when she saw her Tito Alfonso. Kita ko ang pagkabalisa sa mukha niya. Tinanong ko siya kung anong mali, kagaya ng inaasahan hindi niya sinabi.
Pero alam kong may problema, alam kong meron. Naghihintay lang ako na magsabi siya sa akin.
I'm looking forward for tomorrow because I'm going to visit their house again. Madalang ko na ring puntahan si Abacus lalo na at may pagkakaintindihan na kami ni Anastacia. Ginamit ko lang naman ang kabayong iyon para makakuha ako ng mga impormasyon tungkol kay Ana.
Nagpunta kami sa pastulan kasama ang kabayo. Nag-usap saglit bago nagpasyang maupo sa nakahapay na puno sa gitna. And then... after how many minutes of staring at her... bigla akong nag-init. Meron sa loob ko ang nauudyok sa aking gawin iyon. At nang hindi ko na napigilan ang sarili ko, I kissed her. Sobra akong kinakabahan habang ginagawa ko iyon.
Her lips is so soft. Nakakapanggigil. Kung pwede lang na hindi ako tumigil sa paghalik sa kaniya, ginawa ko na. Pinasadahan ko ng dila ang labi at muling tumitig sa kaniya. She's not talking. Bigla akong nagsisi sa ginawa.
"Huwag kang magsorry." nagulat ako sa biglaang pagputol niya sa akin. "Nagsisisi ka ba?" kinakabahang tanong niya.
"Hindi ako nagsisisi." mariing anas ko.
"Eh bakit ka nagso-sorry?"
"Iniisip ko lang na baka nabastos kita."
That would be a foul for me. I will always respect her in any way. Hindi pwedeng masaktan siya at mabastos lalo na kung dahil sa akin. Ang akala ko lalayo siya sa akin matapos ng nangyari sa pastulan. But no, hindi niya ako iniwasan. It made me think that maybe, she likes it too. She likes me too. Maisip ko pa lang na ganoon nga ang nararamdaman niya para sa akin, para na akong nakalutang sa tuwa.
Our kissing session didn't ended up there. Nasundan pa ito ng ilang ulit. Minsan ay hinihila ko siya papunta sa bakanteng classroom ng EIM sa fifth floor. I really want to kiss her. Kung dati ay kaya ko siyang titigan ng maghapon, ngayon naman ay kaya ko siyang halikan buong maghapon. Hindi ako magsasawa. In fact, naaadik na ako sa labi niya. Her lips taste really sweet. Ngayon ko lang nalaman. Dapat yata dati ko pa siya hinalikan.
At dahil doon, pakiramdam ko ay may karapatan na ako sa kaniya. Gusto kong ipagsigawan iyon sa lahat. Kasi kahit walang kumpirmasyon, akin siya.
Nahalikan ko na ito, kaya akin lang siya!
Kaya naman galit na galit ako nang makita ang suot niyang damit sa performance namin sa isang subject. Labas ang pusod niya at kitang-kita ang maputi niyang hita! Kanina pa ako gigil na gigil na tanggalin ang mata ng mga lalaking tumitingin at sumisipol sa kaniya.
"Ano iyang suot mo?" galit na tanong. Kita ko ang takot na bumakas sa mata niya.
"N-nawawala kasi ang mga damit ko kanina. Hindi namin mahanap kaya pinahiram ako ni Fatima." kinakabahang sagot niya.
"Sana sinabi mo sa akin para nagawan ko ng paraan. Tingnan mo nga kung gaano kaikli iyang damit mo?" hindi nawala ang galit sa tono ko. Naibaba niya ang tingin sa takot.
"M-magbibihis naman kaagad ako."
"Dapat lang." sa iritasyon ay mabilis ko siyang hinila palabas ng gymnasium. Bawat lalaking nadadaanan namin, napapatagal ang tingin sa kaniya lalo na sa balat niya. Mas lalong nag-init ang dugo ko.
"Ana! Ang sexy mo!" sigaw ng isa sa grupo ng mga kalalakihan na nadaanan namin. Narinig ko pa ang pagsipol nito.
"Gago, bastos ka ah?!" galit na sigaw ko rito. Konti na lang talaga at mapuputol na ang pasensya ko. Kung hindi lang ako hinawakan ni Anastacia ay baka nasipa ko na sa mukha ang lalaking iyon.
"Maghihiwalay din kayo!" pahabol pa sa amin ng lalaki nang awatin siya ng mga kasamahan. Balak ko pa sanang sumugod ulit.
Maghihiwalay mo mukha mo, papaduguin ko muna iyang nguso mo bago mo kami mapaghiwalay.
We fought that day. Hindi ko siya pinayagang sumama sa akin sa court dahil sa suot niyang damit. I am not controlling her. Ayaw ko lang na mabastos siya roon at masilipan ng mga pangit na kalalakihan. She got pissed at me at umalis ng hindi ako pinapansin. It was my fault. Siguro nga masyado akong naghihigpit at nakikialam sa kaniya kahit wala namang kami. But I won't do it without a purpose. Pinoprotektahan ko lang siya. Iniingatan. She's too precious for me to be tainted.
Sinundan ko siya sa kanila at nagkaayos kami ng hapong iyon. I thought it'll be the last. But I notice something strange in her acts. I know there's something wrong. Hindi ko lang siya pinupuna dahil ang gusto ko ay siya mismo ang magsasabi sa akin.
I joined a horseback riding competition in the nearby town. Hindi ko ipinaalam kay Anastacia dahil alam kong aabsent siya para panoorin iyon. I don't want her to absent. Yes gusto kong ako ang unahin niya, but I don't want to make our relationship toxic. Kailangang isipin ko na hindi lang sa akin iikot ang mundo niya. She still have her life. I don't want to suffocate her.
"Ganda nga noon eh, nakita ko dati no'ng binisita ko girlfriend ko sa LNHS." saad ng isa sa mga kalaban ko habang inaayos ko ang suot na damit. Tapos na ang competition, I didn't won. Alam ko na iyon dahil hindi naman na ako nakakapagsanay nitong mga nakaarang buwan.
"Oh anong pangalan? No'ng minsan mo iyan sinasabi sa akin." anas ng kausap niya. Nakita ko si Sayon na papalapit sa akin.
"Anastacia San Rafael nga, nai-message ko na 'yon sa facebook hindi nagre-reply."
"Pa-famous baka."
Nag-init kaagad ang dugo ko nang magtawanan sila. Bumaling ako sa gawi nila at nakita na abala pa rin sila sa pag-uusap.
"Kapag nasaktuhan ko iyon sa daan yari 'yon sa akin, papalasapin ko iyon ng tunay langit-
Hindi ko na natantiya ang sarili at mabilis na lumapit sa kanila. Sinuntok ko sa mukha ang lalaking nagsasalita. Napasalampak siya sa lupa na mabilis dinaluhan ng kaibigan niya.
"Gago, anong problema mo, pare?" maangas na tanong nito sa akin.
Huwag mo akong ma-pare pare, hayop ka.
"Baka girlfriend ko pinag-uusapan niyo?" tinapunan ko sila ng masamang tingin. Halata ang gulat sa mukha ng lalaking nagsasalita kanina.
"B-bakit? Masama na bang humanga?" tumayo ito at masama rin akong tinitigan.
"Nakakabastos ka eh." hindi ko hahayaang mag-usap sila ng mga ganoong bagay tungkol kay Anastacia. Bakit ba kasi hanggang dito sa kabilang bayan ay sikat ang pangalan niya?
"Nagbibiro lang naman eh." tumawa ito sa akin. "Siguro hindi ka pa nakakaisa doon ano? Kaya ganitong nagagalit ka sa sinabi ko."
Muli ko itong sinuntok sa mukha. Parehas na kaming pikon sa isa't-isa kaya nagkasuntukan. Sa huli, umuwi ako ng may bangas sa mukha.
"Ayos mukha natin ah? Nakailang suntok ka naman?" pang-aasar sa akin ni Papa nang makarating ako sa bahay. Hindi ko ito pinansin at umupo na lamang sa salas. Medyo masakit ang katawan ko dahil sa away kanina.
"Ang hina mo naman pala sa rambulan eh, noong kabataan ko hindi nakakasuntok sa akin miski isa ang mga kalaban." tinapunan ko ng masamang tingin si Papa.
"Wala akong katulong!" taga-awat lang kasi si Sayon kanina kaya wala akong katulong sa suntukan.
"Wala rin naman akong katulong, kung makikita mo lang kung gaano kaastig ang papa mo noon, baka pinapaulanan mo na ako ng mga papuri ngayon." tumawa siya na parang nakakatuwa ang sinabi. Umismid lang ako at hindi siya pinansin.
Noong hapong iyon ay dumalaw sa akin sina Vera, nagtaka ako nang hindi ko makita si Anastacia. Ang sabi nila maaga lang daw itong pinapauwi sa kanila. Akala ko okay lang. Hanggang sa mapansin ko ang unti-unting pagbabago ng mga kilos niya.
Hindi na niya ako masyadong kinakausap. Kapag nakakausap ko naman, palaging kabado o hindi kaya ay takot. Alam kong may problema. Alam kong may gumugulo sa isip niya. Gusto kong magtanong, pero nagdadalawang-isip palagi ako dahil ayaw kong makialam. Gusto ko sabihin niya sa akin ng diretso.
Days after days... it started to become worse. She started lying to me. Ang sabi  niya may gagawin lang siya sa kanila. Ang sabi niya pinapauwi siya ng maaga. But one afternoon, I saw her with Diego. Gustong-gusto kong suntukin ang lalaking iyon pero ayoko namang mag-eskandalo at matakot sa akin si Ana.
Dalawa beses ko siyang nahuling nagsisinungaling. Iyong ikalawa, sa harap ko mismo.
"Bakit hindi ka sumabay kay Kahel?" tanong ng Lola niya. Tahimik naman akong nakaupo sa may hapag.
"M-may gagawin daw po kasi siya kaya nauna na siyang umuwi." she answered that made my heart sunk. Wala akong sinabi sa kaniyang may gagawin ako. Hindi ako naunang umuwi dahil siyang ang unang umalis kanina.
Tumingin sa akin ang lola niya. I didn't spoke. Napatingin din sa gawi ko si Anastacia at nagulat nang makita ako. After that day, I gave her space. More space. Naisip ko na baka masyado na akong nanghihimasok sa buhay niya. Baka nagsasawa na siya sa akin. Baka nakukulitan na kaya hindi na ako nakialam muna. Hindi muna ako nagtanong kung bakit biglang ayaw na niya akong makasama.
It's okay for me. Ang hindi ayos, iyong makikita ko silang magkasama ni Diego at magkayakap. Ramdam ko ang tingin sa akin ng mga kaklase ko. They're waiting for my reaction but I gave none. Pinilit kong magmukhang wala akong pakialam para hindi nila makita kung gaano ako nasasaktan.
Imbes na magbitiw ng masasakit na salita ay umalis na lamang ako. This is me everytime I'm in pain. Imbes na manumbat ay mananahimik na lang ako.
I want to somehow... make her suffer for making me feel this way. Bakit nakakaya niya akong saktan ng ganito? May nagawa ba akong mali? May nagawa ba akong masama? Wala akong natatandaan. Kung meron man, sana naman sabihin niya. Sana magsalita siya. Hindi ko ito kaya.
"Kahel, pwede ba tayong mag-usap?" tanong sa akin ni Emily isang hapon. Blangko akong tumingin sa kaniya.
"Alam ko ginawa mo." malamig na anas ko sa kaniya.
Umiwas siya ng tingin at parang kinakabahan. Alam ko na siya pala ang nagtatapon ng mga gamit ni Anastacia. Siya rin ang nagtago ng mga damit nito kaya wala siyang naisuot noong nakaraang araw. Siya rin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng record si Anastacia sa guidance office dahil sa pagnanakaw ng pera na hindi naman niya ginawa.
"Kung lalaki ka lang, baka nasuntok na kita ngayon." walang emosyong anas ko sa kaniya.
Mas lalo siyang kinabahan.
"A-alam ko, nagsisisi na ako sa mga ginawa ko. Kaya nga gusto kitang makausap."
"Kinakausap mo na ako."
"H-huwag sana rito." aniya. Hindi nabawasan ang lamig ng tingin ko sa kaniya.
"Ano pa bang kailangan mong sabihin? Hindi dapat ako ang kinakausap mo."
"A-alam ko, naisip ko na ikaw muna ang kakausapin ko bago si Ana. Huwag sana dito dahil baka makita niya tayo at... m-magselos siya sa akin."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Hindi siya magseselos sa isang kagaya mo lang." parang napapahiyang nagbaba siya ng tingin.
"P-pero hindi mo pa rin alam ang mararamdaman niya kapag nakita niya tayong magkausap ngayon. Selosa ang mga babae
"Sige." pagputol ko sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit sa fifth floor pa kaming dalawa mag-uusap. Ang tagal niyang magsalita. Naiirita ako.
"Kung wala ka namang sasabihin, aalis na lang ako."
"T-teka." tarantang pigil niya sa akin. Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang hubarin ang uniform niya sa harap ko.
"Anong ginagawa mo?"
And then she kissed me.
She fucking kissed me.
"K-Kahel?"
Mabilis kong naitulak si Emily nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Napalingon ako sa may pintuan. Then there... I saw Anastacia looking at us with that kind of reaction. Nakita niya. Namumula ang mata niya. Nakita niya ang nangyari. Nagkukumahog akong lumapit pero pinigilan ako ni Diego. Tumakbo si Anastacia palayo.

Komento sa Aklat (175)

  • avatar
    QuindaraImelda

    I really enjoyed reading this novel inspite of busy days. I try to read. So inspiring specially the main character Anastasia and Kahel. The time sequences is extremely important. The moral values of the characters are very good coz they show the value of being patience and if you really love the person you can wait until the right timing. Its give suspense for the reader to wait what will happen on the next chapter. My heart beat make me in love again, fall in love again.Thank you for this novel

    23/11/2021

      2
  • avatar
    Anna Faith

    good

    27/01

      0
  • avatar
    JabonJihoQ

    magiging Masaya ako dahil nag karoon ako ng kaibigan

    26/01

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata