Wakas

This is the last chapter of Loving Heart. Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagbasa at magbabasa pa lamang. I hope you learned a good lesson from this story of mine. At sana rin ipagpatuloy pa natin ang pagsuporta sa dalawang taong tunay na minamahal ang isa't isa, na kahit napaka raming taon na ang lumipas ay nanatili pa rin ang pagmamahal na kahit na sino ay walang makakatibag. Thank you very much for loving Anthony and Victoria. Enjoy the last chapter!
Wakas
--
"This is our son, Anthony Lavarias," pakilala ni Papa sa mga Villanueva na nasa harapan.
Sinama ako ni Mama at Papa rito sa building dahil may ipapakilala daw sila sa akin. Marami silang pinakilala na nga ka-business partner nila at kasama na roon ang mga Villanueva.
"Nice to finally meet you, Anthony," naglahad ng kamay ang mukhang istrikto na si Victor Villanueva.
"Nice to meet you po..." tinanggap ko ang kamay nya.
Tipid syang ngumiti ngunit istrikto pa rin ang itsura. Elisa Villanueva also held out her hand and smiled sweetly at me. Kumpara sa kanyang asawa, siguro mas mabait at palangiti sya. She slightly pinched ny cheek after we shook hands.
"He looks so cute, Diana. So sad that Gabriel is not here. Hindi sumama," she said.
"Bakit nga ba hindi sya sumama?"
Nag usap sila habang nalipat ang mga mata ko sa mga babaeng nasa likuran nila. They looked very look alike. Magkaiba man ang damit, parehong pareho pa rin ang mukha. The other girl looks sweet. She's smiling at the people around her while the other girl looks cold and mad. Kumunot kunot ang noo ko habang tinititigan ang mukhang mataray na babae.
"Oh! And these is my two daughters, Victoria and Vallerie Villanueva. Say hi, mga anak," si Elisa Villanueva na umupo pa para mapantayan ang mga anak nya.
"Hello!" The sweet girl waved.
"Good evening..." marahan at pormal man ang boses ng isa, malamig pa rin ang kanyang mga mata at hindi manlang ngumiti.
Tumawa si Victor Villanueva. "Pasensya na kayo. Nagmana lang sa akin itong isa."
Nagtawanan ang mga kasamahan namin. They find the two girls adorable while I'm confused of the cold girl. Bata pa man ang isipan, hindi ko napigilang mag isip tungkol sa kanya. She looks very cold, just like her father. She doesn't even look at the people around her. Her attention was focused only on emptiness and her face was emotionless. Ngayon lang ako nakakita ng halos kasing edad ko na babae na ganito hindi ka-interesado sa mga bagay. Yung iba masigla at palangiti, kagaya nalang ng kapatid nyang si Vallerie.
Sobrang tagal na panahon na non. Pero naalala ko pa rin ang araw na iyon nung nakita ko sya ulit. At first hindi ko sya namukhaan. Pero nang nagtagal ang titig ko sa kanya, napagtanto ko na sya iyon. Hindi ako pwedeng magkamali.
She still have her cold eyes even when she smiles. Mataray rin at madalas umirap. Noon ay nagtataka ako sa mga kilos nya pero simula nung nakita ko ulit sya at nakasama na, hindi ko na mapigilan ang mapangiti. Siguro natutuwa ako dahil ngayon lang ako nakakita ng babaeng sobrang cold at halos walang pakialam sa paligid nya. Sanay kasi akong nasa akin agad ang atensyon, lalo na pagdating sa mga babae.
"Miss, are you alright? Come here. I'll take you to the clinic."
Hindi ko sya sinasadyang natamaan ng baseball. Gusto kong kalatukan ang sarili ko dahil hindi ako nag iingat. I was so nervous when I saw the blood on her head. I quickly picked her up and took her to the clinic.
Sa lahat ng matatamaan ko, sya pa talaga? Damn it. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. Maybe because I'm afraid she'll get mad at me? Bakit naman ako matatakot na magalit sya? Siguro dahil baka magalit ang mga tita nya kapag nalaman ang nangyari sa kanya at baka magkaroon pa ako ng record sa school. Even though the Lavarias are much powerful than the Villanuevas, they could still do that.
Pero alam ko sa sarili ko na kahit anong sabihin ko, nag aalala ako sa kanya. There was a lot of blood on her head earlier. I was almost cold when I saw that. Kabadong kabado ako. Akala ko kung ano na ang mangyayari sa kanya. Mabuti nalang mababaw lang ang sugat na natamo nya. It's not that much blood, I'm just too oa.
"Hindi ako galit," she said coldly.
"You look like one..."
Bahagya syang ngumiti sa akin. Napatitig ako sa kanya.
"It's really okay. I'm not mad. You said sorry and it's enough for me."
It's my first time to see her smile like this to me. Yung tipong pati mata bahagyang nakangiti. Her eyes are still slightly cold but she's smiling. I can't stop staring at her because of that. She looked away.
Akala ko dati mataray at mahirap syang pakisamahan. Akala ko hindi ko na sya magagawa pang kausapin pagkatapos noon.
But I was wrong.
Yes, she's cold and looks very strict but she's also kind. When I made friends with her thought she wouldn't accept my hand but she accepted it and she even smiled.
"Victoria," she said.
That's the first time I saw her genuine  smile. Hindi ko na naman napigilan ang pagtitig. I probably look like a creep man right now. Hindi ko kasi mapigilan dahil palagi syang malamig at mataray ang itsura. Now that she's smiling, I can't help but be amazed.
Oh, what the hell, Anton? Really?
I bit my lower lip and held back a smile as I watched Victoria return to their badminton game. I just got her number. Libo libong lakas ng loob ang inipon ko para makuha ang number nya. And now I get her number I can't help but be happy.
She gave her number to me! Oh, fuck!
Okay, calm down, Anton. She gave her number to you because she's now treating you as a friend. Don't give a meaning to that!
Pero hindi ko pa rin napigilan ang bahagyang pagtawa sa sobrang pagkatuwa. Tinukso ako ng mga kaibigan ko at binalaan pa na mahirap daw makuha ang loob ng isang Victoria Villanueva.
I smirked. I already know that. Pero makikipag kaibigan lang naman ako. Pagkakaibigan lang naman ang habol ko.
Talaga ba, Anton? Kaibigan your ass.
Hindi ako madalas pumunta sa coffee shop na pinapabantay ni Mama sa akin pero simula nung nagtrabaho roon si Victoria, nagkagana akong pumunta palagi.
Okay, fine. I like her, I admit it. I don't know but there's something about her cold eyes that always getting me. Halatang hindi sya interesado sa maraming bagay, halatang mataray, halatang masungit, pero hindi ko alam kung bakit iyon pa ang nakakuha ng atensyon ko.
Siguro dahil sanay ako sa mga babaeng interesado sa akin at ngayon nacha-challange dahil may hindi interesado. Iyon ang akala ko nung una. Pero sa pagdaan ng mga araw, napagtanto ko na hindi dahil roon nagsimula ang nararamdaman ko.
Actually, there's no reason. I just like her cold but sweet eyes, I like her smile, I like the way she speaks, I like her voice, I like everything about her. It's like I just liked her all of a sudden, for no reason or anything. She just got my attention, even though she showed nothing but disinterest in me.
I smirked when I realized that. She's not my type but she's the one I like. I always want her attention. I always want her eyes on me. I want her to always talk to me. O gusto ko palagi nya akong kinukulit na alam kong hindi nya gagawin. I chuckled. Well, she's very masungit.
And that’s what I like most about her. Ang pagiging masungit at cold nya ang nakakuha sa atensyon ko kaya iyon rin ang unti unti kong minahal sa kanya. Yes, I know I'm slowly falling. And I have no intention of stopping it. Because that's what I really want. Ang mahulog pero gusto ko sa kanya lang.
She handed me her black umbrella. Tinignan ko iyon at tumingin ulit sa kanya. Umiling ako agad.
"Hindi na. Magpapatila nalang ako. Gamitin mo nalang iyan."
"Magsha-share kami ni Jaz sa payong nya. Hindi ko na ito kailangan," seryoso nyang sinabi.
She's very kind. I can’t deny that this is one of the things I like about her. Ang mabuti nyang kalooban na hindi nya madalas pinapakita. And I'm falling again, slowly but deep.
"Are you sure?" Tanong ko.
"Yup. Sige na. Isauli mo nalang sa akin yan bukas. Kailanga mo nang bumalik sa building nyo."
I stared at her umbrella on my study table. Paulit ulit na nag-play sa utak ko ang pagpapahiram nya sa akin ng non. I couldn’t help but let out a small smile on my lips every time I remembered her serious eyes while lending me her umbrella. She's doing kind things but her face looks very strict. I chuckled and bit my lower lip. I can't help but adore her.
Victoria:
Yes, you have a class now so you should put your phone down and focus on what your teacher is saying. Don't text me.
Ngumisi ako habang binabasa ang reply ni Victoria. I'm in the middle of the class. Tama naman syang dapat nakikinig ako pero hindi ko mapigilang mangulit.
Anton:
Yes, Ma'am.
Hindi na sya nagreply. Binaba ko ang phone ko at hinawakan ang pang ibabang labi, nagpipigil ng ngiti dahil baka makita ng professor ang wala sa lugar kong ngiti.
"Who's that guy?" Tanong ko.
"That's Kyle. Sinabi ko na, diba?"
"Why are you with him?"
"Because he's Jaz's cousin. At anong masama kung kasama ko sya?"
"Tss..."
I'm annoyed. Muntik ko nang makalimutan na kapag nagkagusto ka syempre magseselos ka rin. Pero wala naman akong magawa dahil gusto ko lang si Victoria. She's not my girlfriend and I don't have the right to forbid her to not see that guy ever again. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko sya paghihigpitan ng ganon kapag naging kami na. She's still allowed to be friends with guys but not much. I'm seriously a jealous boyfriend.
Masama tuloy palagi ang expression ko kay Kyle Valderama sa tuwing nagkikita kami. Lalo na kapag nakikita kong kasama nya si Victoria. I can't help but be annoyed because he has the time to be with her while me I'm busy with my studies because I'm already in college. I can't help but feel insecure.
But I can't still do anything. I'm not her boyfriend to complain. It makes me sick everytime I think about that.
"Are you dumb? You didn't even saw that your shoelace was not in place," sabi ko habang tinatali ang sintas ng sapatos nya. Nakaluhod ako sa harapan nya.
I know she's avoiding me. But I don't know the reason. She likes me too. She already admitted to me. We are also close now and I can say that she's always comfortable with me.
But suddenly everything changed. Bigla nalang syang lumamig katulad nung dati. I don't know what happened, masaya naman kami nitong mga nakaraang araw.
"You're so careless."
Lumayo sya sa akin. It hurts seeing her step back as if I'm such a dirt she should avoid. Hindi ko sya maintindihan at gusto ko sanang mag usap kami pero pati iyon, iniiwasan nya.
"Do you still... like me?" I feel so stupid to ask that.
But I want to know. I wanted to know so bad. Para malaman ko kung saan ako lulugar. Kasi ngayong iniiwasan nya ako, pakiramdam ko hindi na kami katulad ng dati.
"Don't answer it. I'm sorry. You can go now..." sabi ko at nag iwas ng tingin.
Naging malabo. I want to talk to her but I'm afraid she might avoid me even more. She's no longer smiling at me now. Tipid nalang at palaging malamig ang mga mata. Madalas ring mag iwas ng tingin sa tuwing pilit kong binabasa ang mga mata nya.
"Kahit isang yakap lang, ngayong birthday ko, malaking regalo na..."
Tinitigan nya ako. I saw her eyes spark because of tears. She was crying and I didn't know the reason for that. She's avoiding me. Halos hindi na nya ako kinakausap kaya ngayon nalilito na naman ako.
Pero sa ngayon gusto ko munang humingi ng yakap. Kahit isang yakap lang. Pang regalo na nya ngayong birthday ko. Alam kong hindi makukumpleto ang araw ko kapag hindi ko sya nakasama o kahit nakayakap manlang. I want her hug. I want to feel her. Gusto kong maramdaman ko ulit ang Victoria na pakiramdam ko naging akin noon.
And she hugged me. Mahigpit pa ang yakap nya kesa sa yakap ko kaya mas lalo ko ring hinigpitan. I can feel that she's about to cry. I kissed her head lightly and ignored those watching us.
I just want this moment. Birthday ko naman kaya pagbigyan nyo na ako. Ilang araw nya akong iniwasan at kahit hindi ko alam ang dahilan, gusto ko pa rin syang makasama.
I hugged her tightly. Pumikit ako. Doon ko lang naramdaman ang takot na bumitaw sa kanya. Dahil pakiramdam ko, nararamdaman ko, na mawawala na naman sya sa oras na bitawan ko sya ngayon.
"Do you have a girlfriend already?" Nakangiting tanong ni Elise.
Nandito kami sa karinderya kung saan palaging kumakain si Victoria kapag off na nya sa trabaho. Dito ko sya palaging sinasamahan. Pero wala sya ngayon dito. Kinailangan nyang umuwi dahil tinatawag daw sya ng mga tita nya. I don't know if she's telling the truth but I chose to believe her. Hindi ko nga lang naiwasang makaramdam ng lungkot dahil wala na naman sya sa tabi ko.
"I have no girlfriend," sagot ko kay Elise at tipid na ngumiti. Uminom ako sa binili kong kape.
"Oh!" Her cheeks turned red. "How about... someone you like? Do you have one?"
I don't know why she's very interested with my lovelife. May duda ako nung una pero mas pinili kong paniwalaan ang kagustuhan nya lang na makipag kaibigan.
"Yes, I have one," sagot ko.
Tinitigan ko si Elise. Magkamukhang magkamukha sila ni Victoria. All parts of their body are almost identical. But for me they are different. Very different.
They have the same face, body and smile. But they have different eyes. Malamig, mataray, suplada at snob ang mga mata ni Victoria. Una ko palang kita sa kanya ay iyon na ang napansin ko kaya hindi na mahirap sabihin kung sino sya sa dalawang mukha.
While Elise have a soft eyes. Madalas rin syang ngumiti na hindi ginagawa ni Victoria. Ganon rin ang mga mata nya na halatang friendly at mabait.
Elise smiled waiting for my answer. Hindi ko alam na hindi nya pala alam na gusto ko ang kapatid nya. Victoria didn't tell her? Well, hindi naman ganon ang ugali ni Victoria kaya hindi na dapat ako nagugulat na hindi nya sinabi kay Elise.
"I like your sister, Victoria," I smiled.
Unti unti, nakita ko ang pagkawala ng ngiti nya.
"Matagal ko na syang gusto. Hindi ko alam na hindi nya pala sinabi sayo."
Kumurap kurap sya at pilit na binalik ang ngiti. Tumango tango sya.
"D-Does she like you too?"
Hindi agad ako nakasagot. Sa ilang araw nyang pag iwas sa akin, hindi na ako sigurado kung ganon pa rin ba ang nararamdaman nya para sa akin. Siguro oo? Siguro hindi? Hindi ko rin alam.
"She said she also like me. But... this past few days she became cold," I said as I remember how Victoria avoid me.
Ang hindi ko alam, iyon pa pala ang magiging dahilan ng mas lalo pang pagbabago ng lahat.
"Bakit mo sinabi sa kanya iyon? Nag iisip ka ba?" Galit nyang sumbat sa akin.
"What?" Hindi ko maintindihan.
Natawa sya. "Wag mong sabihing hindi mo naiintindihan?"
"Naiintindihan ang alin? Victoria, ano bang sinasabi mo?"
Lumapit ako pero mabilis syang umatras. "Dyan ka lang," mariin nyang banta.
I stopped and stared at her. Kakaibang takot ang naramdaman ko habang nakikita ang galit na galit nyang mga mata. She's been avoiding me for weeks now and I'm scared she will never see me again. Hindi ko alam kung bakit sya galit na galit pero parang alam ko na. But I'm not sure yet.
"Victoria--"
"Elise likes you!" She cut me off.
"What?"
Ramdam ko naman nang ito ang dahilan pero nagulat pa rin ako ngayong nakumpirma ko na.
"Yes! She likes you and do not tell me that you didn't know that because you definitely knew! You definitely knew!"
Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na iyon. Galit na galit ang mga mata nya, nakikita ko rin ang sakit na alam kong nandoon rin sa mga mata ko.
"Sige! Hindi mo alam! But that doesn't matter anymore! What's matter now is that my sister is angry with me because of you! Because you told her that you like me!"
Habang pinapakinggan ang mga sinasabi nya, parang may napagtatanto ako. Tumango tango ako nang makumpirma ang napagtanto. I didn't even notice. I'm so stupid.
"Now I know... Kaya pala... Kaya pala umiiwas ka, tama?" Sabi ko at tinitigan sya ng mabuti.
Hindi sya nagsalita.
"That's why you have been avoiding my texts and calls for weeks now because of her? That's why you suddenly avoided me and only talked to me once because your sister likes me? Huh? Is that it, Victoria?" I said it all painfully.
"Pero hindi na mahalaga iyon. Galit ako sayo. Galit ako sayo dahil sinaktan mo ang kapatid ko. Galit ako sayo dahil nang dahil sayo galit na galit na sya sa akin ngayon!"
Lahat ng mga binato nyang salita ay tinanggap ko. Dahil pakiramdam ko tama sya. Kasalanan ko nga siguro ang lahat. Kasalanan ko kung bakit nagkakagalit sila ngayon ng kapatid nya.
"I'm sorry..."
Hindi sya nakapag salita.
"It's my fault. Dapat hindi ko sinabi sa kanya. I'm sorry..."
May napapansin na ako sa mga galaw ni Elise pero pinili kong balewalain iyon dahil una sa lahat, akala ko alam nya ang namamagitan sa amin ni Victoria at pangalawa, akala ko pagkakaibigan lang ang habol nya sa akin. That's also what she said so that's what I believed.
Pero kahit anong sabihin ko, kasalanan ko pa rin ang lahat. Kanino pa ba magiging kasalanan ang lahat ng ito? Kahit saang anggulo tignan, ako at ako ang may kasalanan. Sa akin nagmula ang lahat.
"Naiintindihan ko kung galit ka. Naiintindihan kita. Hindi ko... sinasadya..."
Tinitigan ko sya ng mabuti. Tinitigan ko ang mukha nyang alam kong tatatak hindi lang sa isip ko, kundi sa puso ko rin. Kinabisa ko na ang buong mukha nya dahil nararamdaman ko, alam ko, na hinding hindi na ulit kami babalik sa dati. Sa lahat ng nangyari na ito, nararamdaman ko na hindi na nya ulit ako kakausapin.
"Anong magagawa nyang sorry mo? Hindi na nyan mababalik ang dating kapatid ko. She's mad at me now and that is because of you!"
Tumango ako, tinatanggap ang lahat. "It's useless but I still want to say sorry. I'm sorry..."
I accept my mistake. I also accept that she will never forgive me again. I accept her anger towards me and I also accept if... she doesn't want to see me anymore. After all, it's my fault. Ako ang puno't dulo ng lahat, kahit saan tignan.
Umuwi ako sa bahay at halos hindi ako nakatulog. Dagdagan pa ng pagbisita ni Mama at Papa sa condo ko para lang ibalita sa akin ang gusto nilang mangyari.
"No," mariin kong sinabi habang nasa harap kami ng hapag. "I will not marry her."
"A-Anak, ayaw mo manlang bang i-try? I'm sure you will like her. She's a very nice woman and--"
"I said no, Mama."
Natigil sya. Tumawa si Papa at umiling. "Kung ayaw nya, wag mo nang pilitin, Diana."
My mother sighed and looked at me worriedly. "Is there something wrong, son?"
How funny. Alam nya agad na may mali sa akin. Pero wala akong balak sabihin sa kanila ang problema ko. I don't think kailangan pang sabihin sa kanila iyon. Umiling ako.
"Why don't you just try, anak? She's kind and smart," pilit pa ni Mama.
"I already love someone else."
Natigilan sila sa sinabi ko. Nagkatinginan sila. My father laughed and shook his head.
"Iyon naman pala, eh..."
"L-Love someone else? Sino?" Si Mama.
Hindi ako sumagot. Muli silang nagkatinginan. Nagkibit ng balikat si Papa habang bumuntong hininga naman si Mama.
"Do we know her, son?" She asked.
"Victoria Villanueva," walang pag aalinlangan kong sinabi.
But she doesn't like me anymore. She's mad at me. She hate me.
Nagulat si Mama. Ngumisi naman si Papa at muli na namang umiling. Uminom sya sa kanyang tubig habang may mapaglarong ngisi sa labi.
Hindi ko na sila hinintay na makapag salita. Tumayo na ako at nagpaalam. Hinalikan ko si Mama sa pisngi at umalis na roon. Mabilis akong naglakad paalis kahit hindi ako sigurado kung makakapag aral ba ako ng maayos sa araw na ito.
Ginawa ko ang lahat para iwasan sya. Dahil ang sabi nya ayaw na nya akong makita. Ginawa ko ang lahat para hindi nya ako makita. Kapag nakikita ko sya sa malapit, nag iiba ako ng daan para lang hindi nya ako makasalubong. Alam ko naman na iyon ang gusto nyang gawin ko.
Ilang araw na hindi nya ako nakita. Pero sya palagi ko syang nakikita. I always look at her from a distance. I always see her laughing with Jaz or Kyle. And I'm happy. I'm happy that she's happy. That's all I want to happen to her. And that will only happen if she never sees me again.
Despite what happened to the two of us, I still chose to go to her graduation. I watched her go up with Gabriel on stage. I watched her successfully graduate. I was just at the door, quietly watching the woman I love the most.
They went down to the stage, she smiled at her brother, and her eyes found my eyes. I saw how stunned she was when she saw me. Nanatili naman akong nakatitig sa kanya, masayang masaya para sa pagtatagumpay nya.
Mabilis akong nagsisi. I know she doesn't want to see me anymore. Dapat hindi na ako pumunta pa rito. Baka magalit lang sya. Baka masira ko lang ang pinaka espesyal na araw para sa kanya.
Pero gusto ko kasing nandoon ako. I want to see her go up and receive her diploma. I want to support her even in a quiet way. I want to see her happy, smiling as she succeeds in her four years in high school.
Natigil sya sa paglalakad kaya natigil rin si Gabriel. Mabilis akong nag iwas ng tingin at tumalikod para maka alis na. I might ruin her day. I don't want her to be in a bad mood just because of me, especially now that this day is very special. I just want her to be happy.
I clenched my jaw to surpass the emotional feelings I'm starting to feel. Labag sa loob akong naglakad paalis. Binuksan ang kotse at hirap na hirap pang paandarin iyon. Dahil alam ko sa sarili ko na ayaw kong umalis roon. Gusto ko syang suportahan. Gusto ko syang makitang masaya. Pero alam kong kailangan ko nang umalis. Alam ko kailangan ko.
I lost her. I lost the only girl I ever loved. I lost the girl who's always making me smile. Ngayon sino na ang magpapangiti sa akin? Sino na ang magpapasaya sa akin? Sino na ang bubuo ng mga araw ko? Kung wala sya sino nalang ako?
Tahimik kong pinagmasdan ang restaurant nya sa malayo. Natatanaw ko syang tipid na nakangiti habang kinakausap ang mga customers at staffs nya.
Simula nang magbukas ang kanyang restaurant, pabalik balik na ako rito. Wala yatang araw na hindi ako nagpunta rito. Now it's been one year since I started to watch her restaurant over and over again. I watched her politely welcoming the customers who's entering.
She fulfilled her dream of becoming a chef like her Mom. I'm happy for her. I'm very proud of her.
If only I could tell her how happy I am for her. If only I could accompany her every day to her restaurant. If only I could support her in everything she does. But I know I can't. I know she doesn't want to see me anymore.
But I can support her quietly, right? Pwede naman iyon. As long as I support her, that's fine.
"You stalked her again?" Nakangising si Kyle ang bumungad sa opisina ko.
Hindi na ako nagulat na nandoon sya. Hinubad ko ang aking coat at naupo sa swivel chair ko. Hinilot ko ang sintido ko.
"You know you can always ask my help if you want her back. I can talk to her."
"She doesn't want to see me anymore. And I don't need your help."
"Oh, that's sad."
"It's more sad when the girl you like is in love with your friend."
Nagdilim bigla ang paningin nya sa akin. Ngumisi ako.
"Do you want me to tell Victoria that you just said that?"
"Tss. Obviously, Elise doesn't like you. Kulit ka pa nang kulit sa tao."
"Why? Are you bothered na palagi ko syang kinukulit? Do you like her now?"
Tumawa ako. As if. Nag iisa lang ang babaeng gusto ko. Magkamukha man sila, magkaiba pa rin ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Tss. Hindi ko alam kung anong meron ka na wala ako. Bakit sayo pa sya nagkagusto?" Halos irapan ako ni Kyle.
Tumawa ulit ako at hindi na nagsalita. Ayokong makialam sa kanilang dalawa. I have my own problem.
Nang nagkita ulit kami sa hospital nang ma-aksidente si Jaz, ginawa kong pagkakataon iyon para makausap sya. Alam kong mas lalo syang magagalit sa akin dahil roon pero umasa pa rin ako na pagkatapos ng napaka raming taon na iyon, magkaka ayos na kami. Kahit hindi na kami bumalik pa sa dati, basta magka ayos lang kami.
Pero ayaw nya pa rin. Galit pa rin sya sa akin. Gusto ko sana syang kamustahin pero wala syang ibang ginawa kundi ang barahin ako. And that’s when I realized that I still don’t lose my feelings for her. It was still there, I was still hurting.
"Do you still... like me?" I feel so stupid to ask that.
Pero gusto kong malaman. I know it's ridiculous. Siyam na taon na ang nakalipas kaya siguradong wala na ang nararamdaman nya para sa akin pero umasa pa rin ako. Umasa ako na kagaya ko, ganon pa rin ang nararamdaman nya. Umasa ako na sa kabila ng galit nya sa akin, may pagmamahal pa rin na natira.
"No. Not anymore," mariin nyang sinabi bago umalis sa aking opisina.
Ilang sandaling nagtagal ang titig ko sa pintuang nilabasan nya. Parang nay kung anong gumuho sa puso ko. Iniwas ko ang tingin roon at sumandal sa swivel chair. Nagbuga ako ng isang malalim na hangin.
Yeah, right. Bakit pa nga ba ako umasa na meron pa? Sa laki ng kasalanan ko, siguradong wala na syang natitirang pagmamahal, o pagkakagusto manlang sa akin.
Pero kahit ganon, hindi pa rin ako sumuko. Natatakot akong mas lalo pa syang magalit sa pangungulit ko pero mas natatakot akong mawala ulit sya sa akin. Ngayong nagkita na ulit kami, ayoko na syang pakawalan pa. Gusto kong subukan ulit. Baka sakaling may magbago, kahit sobrang labo nang patawarin nya pa ako.
"Anong ginagawa mo rito? Bakit ka nandito!?" Salubong nya nang nakita ako sa labas ng bahay nila.
"Sinundan kita--"
"Bakit mo ako sinundan? Hindi ba't sinbai ko nang hindi tayo pwedeng magkita? Baka makita ka ni Elise rito!"
"I just want to know--"
"Know what? My house?! Bakit ba kailangan mo pang malaman?"
"I just want to see you, Victoria," I said it while staring at her angry face.
"Bakit? Do you still like me, huh? Can't get over me?!"
"Yes."
She was stunned for a moment. Yes, Victoria. I still fucking like you. Or I'm still fucking in love with you. I tried to stop it but I couldn't. I tried so hard, I did everything, pero wala pa ring nangyayari.
"I already told you that Elise still likes you until now! What if she sees you here? Edi mas lalo na naman syang magagalit sa akin?! Are you thinking, huh?!"
I stared at her as she said that. Kung sa kanya wala lang iyon pero para sa akin napaka sakit non. Alam kong hindi dapat ako nagrereklamo na palagi nyang inuuna ang kapatid nya. Kapatid nya iyon kaya natural lang na mas aalalahanin nya.
Pero paano naman ako?
Paano ang nararamdaman ko? Nung umalis sya wala akong ibang ginawa kundi abalahin ang sarili ko sa pag aaral dahil umaasa ako na makakalimutan ko rin sya. But no matter what I do, I still couldn't forget her.
I'm miserable for nine years. I waited so long for the opportunity to return to her life that I almost lost hope. Pero nagpatuloy pa rin ako. Humanap ako ng timing para magpakita sa kanya pero dahil hindi ko magawa, ang tadhana na mismo ang gumawa ng paraan.
Ngayong nandito na ulit sya sa buhay ko, ayaw ko na ulit syang mawala. Pero pakiramdam ko nagmumukha nalang akong tanga. Ni hindi ko alam kung gusto nya pa ba ako pero nagpapatuloy pa rin ako. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin. I want her back but I don't know what's the first move I should do. Lalo na ngayong sinasaktan na naman nya ako.
But I know she's hurting too. Hanggang ngayon hindi pa rin sya kinakausap ni Elise kaya sigurado akong nasasaktan sya. Naiintindihan ko iyon. Kaya naisip ko na siguro mali ang ginawa kong pagbalik ulit sa buhay nya. Dahil mas lalo nga lang magagalit si Elise sa kanya.
Kaya nung gabi ring iyon, kahit sobrang labag sa loob ko, tinanggap ko nalang ang lahat. Hindi na dapat ako magpakita sa kanya. Ako ang sumisira sa kanilang dalawa. I should never show up again. I have to stay away. Dapat abalahin ko nalang ang sarili ko sa mga bagay na dapat kong gawin. Hindi ko na dapat sila guluhin.
I was in the middle of making a decision when suddenly someone called me. Nag iimpake na ako ng damit para umalis at bumalik na ng Manila para hindi na sila magulo pa.
Kinuha ko ang phone ko at nakitang unknown number iyon. I don't answer unknown numbers but for some unknown reason, I answered it.
"Hello?" Pormal kong sagot.
"Hello? Anton?" Isang marahan na boses ang narinig ko.
Hindi ko kilala ang boses na iyon pero pamilyar. Gusto kong umasa na si Victoria iyon pero alam kong umasa lang ako.
"This is Elise, uh..."
Hindi ko inaasahan na tatawag sya. At saan nya nakuha ang number ko?
"Elise..." I said formally.
"I'm sorry. Kinuha ko ang number mo kay... uh... Kyle."
Hindi ako nagsalita. Bumuntong hininga lang ako. Mabuti binigay nya sayo ang number ko? Baka patayin ako non.
"I know it's already late but can we meet? I want to talk to you."
"Talk about what?"
"Talk about the three of us. Gusto kong ayusin ang lahat. I hope I'm not too late to make things right."
Hindi ako nakapag salita.
"Gusto kong ayusin ang mga bagay na ginulo ko. So please, can we meet?"
I sighed and agreed with her. Nagkita kami sa restaurant sa isang hotel. Nandoon na agad sya nang nakarating ako. Umupo ako sa harapan nya at tinignan sya.
Maraming nagbago sa kanya. Magkamukha sila ni Victoria pero hindi ko masabi na sya si Victoria. Hindi ko rin kayang magpanggap na sya si Victoria. Dahil nakikita ko talaga ang pagkakaiba nila.
"Do you want something?" She asked first.
Umiling ako. "I already ate."
Tumango sya at hinintay na matapos ang waiter na ilagay ang kanyang juice at cake. Nang umalis ang waiter ay huminga sya ng malalim at tinignan ako. Hinintay ko ang sasabihin nya.
"I really hope hindi pa ako huli. Gusto kong itama ang mga pagkakamali na nagawa ko sainyo noon," she started.
I sighed.
"Yes, I loved you before. Nagalit ako dahil hindi sinabi ni Victoria na sya ang babaeng gusto mo. Nabulag ako sa pagmamahal ko sayo kaya nagawa ko ang lahat ng iyon. But I know that's not a good reason. I was being immature that time. I'm sorry..."
Tumango ako. Ayos lang naman sa akin iyon. Lahat naman dumadaan sa ganyan. Pero hindi mawawala sa akin na sya ang dahilan kung bakit kami nagkaganito ni Victoria.
"Ngayon nagkausap na kami ni Victoria. Finally after nine years, nagising na ako sa katotohanan. I'm very ashamed of myself for all I did. That's unreasonable. Lalo na dahil hindi ka naman kailanman naging akin..." malungkot syang ngumiti.
Nakinig lang ako sa kanya.
"Ngayong napagtanto ko na ang lahat, hindi na sya mag aalala dahil hindi na ako magagalit sa kanya. Hindi ka na nya iiwasan. Hindi na sya matatakot na mahalin ka."
Tinitigan ko sya.
"Sana hindi pa huli ang lahat. Alam ko mahal mo pa rin sya. At mahal ka pa rin nya--"
"She doesn't," putol ko.
Sandali syang natigilan. Napakurap kurap sya. "H-How sure are you?"
Nag iwas ako ng tingin at hindi sumagot.
"She just avoided you because of me, Anton. Pinigilan nya ang nararamdaman nya para lang sa akin--"
"Noon. Pero ngayon hindi na nya ako mahal, Elise. Kahit tanggap mo na ang lahat at hindi ka na magagalit, hindi pa rin kami babalik sa dati dahil hindi na tulad ng dati ang nararamdaman nya para sa akin. She doesn't love me anymore, Elise. I'm not even sure if she loved me back then."
Natawa sya at nag iwas ng tingin sa akin. Nagsalubong ang kilay ko sa naging reaksyon nya.
Binalik nya ang tingin sa akin at umiling. "Ako ang kasama nya sa nagdaang taon, Anton. Kahit hindi ko sya pinapansin, alam kong nasasaktan sya, hindi lang dahil sa pag iignora ko sa kanya, kundi dahil na rin sa pagkakalayo nyo sa isa't isa."
Hindi ako nakapag salita.
"If you don't want to believe me, then don't believe me. Basta ako nagsasabi lang ako ng totoo. Or pwede rin na ikaw na mismo ang magtanong sa kanya. Or pwede ring... ligawan mo ulit sya. I'm sure she'll say yes to you," she smiled sweetly.
Hindi pa rin ako nakapag salita. Parang gusto kong umurong sa pag alis papuntang Manila dahil lang sa mga sinabi nya.
"Did she tell you about her feelings for me?" Tanong ko.
"Wala syang sinasabi. Hindi naman talaga yon nagsasabi. Pero kilalang kilala ko sya para hindi malaman ang nararamdaman nya para sayo. Kanino ka maniniwala, sa bibig nyang magaling magsinungaling o sa kapatid nyang sobrang malapit sa kanya?"
Of course I will believe Victoria. Kapani paniwala naman ang sinabi ni Elise pero... kay Victoria pa rin ako naniniwala.
Natawa si Elise nang siguro ay nabasa ang iniisip ko. "Bahala ka. Basta ako nagsasabi ako ng totoo. I won't force you to believe me. Nandito lang ako para itama ang mali ko. Ngayong nasabi ko na ang lahat, kayo na ang bahala. Kung sakali mang hindi kayo magkatuluyan, hindi ko na problema yon dahil sinabi ko naman na sayo na kagaya mo, may nararamdaman pa rin sayo si Victoria."
Kahit mas gusto kong paniwalaan si Victoria, sinubukan ko pa rin para alamin kung tama ba ang sinasabi ni Elise. Hindi ko tinuloy ang plano kong umalis. Sa mga sinabi nya, parang ayoko nang bumalik sa Manila.
"You didn't mean it all?" Tanong ko kay Victoria nang sabihin nya sa akin ang totoo.
"Hindi nga," inis nyang sinabi.
Nangingiti ako. "Really?"
"Oo nga," naiinis na sya sa paulit ulit kong tanong.
"Even the one you said that you don't love me anymore?"
Natigilan sya pero matalim akong tinignan.
"Sabi ko nung gabing yon lang, sa may coffee shop. Hindi yung nakaraang gabi na huli nating pag uusap."
"Mmm. So you don't really love me anymore?"
Hindi sya nakasagot kaya mas lalo akong nangingiti.
"Mmm?"
Hindi pa rin sya sumagot. Hindi ko na napigilan ang aking ngiti kaya kinagat ko ang pang ibabang labi ko.
"Victoria."
"What?" Iritado nyang sagot pero hindi makatingin ng deretso.
Ngumisi ako. Alright. Ayaw mong sagutin. Edi wag mong sagutin. But soon I will make sure you will say that three words to me. I'll make sure you will love me again. This time, hindi na kita pakakawalan.
"Y-Yes! I'm still in love with you! P-Pero hindi ibig sabihin noon na pwede na tayo! E-Elise still likes you," she said it.
Napatitig ako sa kanya ng ilang sandali hanggang sa lumabas na ang pinaka tatago kong ngiti. Oh damn. Ngayong gabi ko rin pala sya mapapa amin. Ngumisi ako. Ngayong umamin na sya, hinding hindi ko na talaga sya pakakawalan.
"About Elise... galit pa rin ba sya sayo?" Tanong ko.
Nagkausap naman na kami ni Elise pero gusto kong makasigurado. Ayoko nang maulit pa ang nangyari noon. I don't want to lose Victoria ever again.
"Nagkausap at nagka ayos na kami. Nung isang buwan lang. Kapareho nung araw na huli tayong nagkausap."
I felt relief  because of that. Masaya ako na ayos na silang magkapatid. Ngayon pwede nang gawin ni Victoria ang kahit anong gusto nya. Kasama na roon ang mahalin ako ng malaya.
Damn you, Anton. Napaka kapal ng mukha mo.
I chuckled at myself. Nilingon ko si Victoria na masayang nakangiti habang pinagmamasdan ang singsing na bigay ko sa kanya. She's in a sun lounger surrounded by Jaz, Elise and Irene. Nakatayo naman kaming tatlo ni Gabriel at Kyle sa tabi ng ibang mga sun lounger, medyo malayo sa apat na babae.
Nakapag paalam na ako sa mga tita nya. Of course I need their approval. Noong una nagulat sila dahil wala yata silang alam sa nangyayari sa amin ni Victoria. Sa huli ay pumayag rin naman sila dahil syempre, payag si Gabriel.
"Take care of my sister, Anton. Iningatan ko yan," anya at tinapik ang balikat ko bago naunang umalis sa kanilang bahay.
May date yata sila ni Jaz.
Ngumiti sa akin si Florence Valerio. "I'm happy for the both of you. Take care of my niece, hijo."
Sa kanilang apat, mukhang sya lang ang may alam sa lahat. Mukhang wala ring alam si Francesca Valerio, ang pinsan ni Victoria. Kunot noo nya akong pinagmamasdan na para bang isa akong puzzle na hindi nya mabuo buo.
"Victoria... has a boyfriend? Akala ko babae ang gusto non?"
"Francesca!" Saway ni Florence Valerio. Ngumiti sya sa akin. "Pasensya ka na."
Umiling si Kyle habang tinatanaw rin ang apat na babae.
"Ako kaya? Kailangan ako sasagutin ni Elise?"
Sabay kaming napatingin ni Gabriel sa kanya. Ngumisi ako. Si Gabriel naman ay nagdilim ang paningin.
"Hindi mo ba alam na puro may kasama kang babae ang articles tungkol sayo? Paano ka sasagutin ng kapatid ko? Magbago ka muna."
"I have no girls!"
"Patunayan mo yan sa kanya kung ganon," ngumisi ako.
Kunot na kunot ang noo nya. I know he's serious with Elise. Alam rin naming nagbago na sya. Pero sa paningin ni Elise, babaero pa rin sya.
I hugged Victoria from behind as she watched the setting sun and the waves crashing into the sea. Naramdaman ko ang pagkakatigil nya sandali pero bumuntong hininga rin kalaunan nang mapagtantong ako yon.
"What are you doing here?" Marahan kong tanong.
Dinikit ko ang pisngi ko sa gilid ng kanyang noo. Bahagyang tumagilid ang ulo nya dahil roon. Hinawakan nya ang mga kamay kong nasa kanyang tyan, niyayakap sya.
"I'm just watching the sunset, obviously."
I chuckled at that. Napaka sungit talaga ng isang to. Nagtatanong ka lang binabara ka na agad.
"Anton..." she called after the long silence.
"Mmm?"
"Thank you for coming into my life. Thank you for always making me happy. Thank you so much..."
Hinalikan ko ang gilid ng kanyang noo hanggang sa kanyang tenga.
"No. Thank you for coming into my life. Kung hindi dahil sayo, baka hanggang ngayon wala pa ring kulay ang mundo ko."
Natawa sya roon. "Bolero."
"It's true!"
"Tss. Oo na..." she smiled and leaned on me slightly.
Ngumiti ako at niyakap muli sya ng mahigpit. Sabay naming pinagmasdan ang paglubog ng haring araw sa itaas. Kulay kahel na ang langit at nagiging repleksyon na rin iyon ng dagat. It was so nice to watch this all with her in my arms. I'm very content and happy.
All this time, she's the one who's always sacrificing, she's always the one who gives, she's always the one who's hurting. Pero ngayon, sisiguraduhin ko na hindi na sya masasaktan. I will take good care of her loving heart. Her loving heart that did nothing but give.
Ngayon, ako naman ang magbibigay sa kanya. I will give her everything. Ako naman ngayon ang magsasakripisyo, magbibigay at mag aalaga sa puso nyang sobrang mapagmahal. I promise that no matter what happens, I will protect her, I will take care of her and I will love her more than my life... and more than anything else in this world.
--
Instead of taking a revenge for the people who hurt you, let them be and just pray for them. Let them realized the wrongs they did. Let God teach them a lesson. - jhelly_star

Komento sa Aklat (44)

  • avatar
    Pautan Cañete Ivy

    it's good

    27/11/2024

      0
  • avatar
    Faidal amilussin

    happy and healthy heart will gave you peaceful mind🌹

    11/11/2024

      0
  • avatar
    Dancel Bonaobra Suclom

    Loving ❤️

    20/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo