Kabanata 60 Marry -- Gumawa ng ang bonfire sila Kyle nang gumabi na. Malamig ang simoy ng hangin at dinig na dinig namin ang malakas na paghampas ng alon ng tubig dagat sa harapan. May mga pagkain at inumin na rin rito. Maingay na si Kyle at gusto na agad uminom. Nandito na rin si Irene. Maayos na sya at ngumingiti na na para bang walang nangyari kanina. Panay ang sulyap ko sa kanya dahil nag aalala pa rin ako. Sumusulyap rin sya sa akin at ngumingiti na para bang sinasabi nya na ayos lang sya at hindi ko na dapat sya alalahanin. This time I can see that her smile is real. Her eyes were sparkling. Nabawasan ang pag aalala ko pero may kaunting pag aalala pa rin. I'm glad she's a bit fine now. I'm happy for her. Nilingon ko si Elise na kanina pa nakatitig sa akin. Nasa tabi ko sya at sa kabilang tabi ko ay si Anton, tapos si Irene, Jaz, Kuya, Kyle at Elise. Naka pabilog kaming lahat sa bonfire. May kanya kanya na kaming pagkain at inumin. Nagtatawanan ang lahat lalo na kapag nagbibiro si Kyle. Bahagya akong kinabahan sa titig ni Elise. Nakangiti naman sya pero kinabahan pa rin ako. Naisip ko na baka hindi pa rin sya sanay na nakikitang magkasama kami ni Anton pero nang nagsalita sya, para akong nabunutan ng tinik. "I want you to know that I'm happy for the both of you. Continue your relationship with him and don't worry about me anymore, okay?" She smiled. Tumango ako at ngumiti. Inangat nya ang kanyang basong may alak kaya inangat ko rin ang sa akin. "Cheers?" "Cheers!" Wala na yata akong isasaya pa sa gabing iyon. I'm really happy. Especially since I'm with my two siblings, my friends, and of course the person who's always by my side, Alexander Anthony Lavarias, my one and only love in this whole world. Nilingon ko si Anton na nakikipag tawanan kay Kyle pero nang nakitang lumingon ako ay nilingon nya rin ako. I smiled. Nagtaas sya ng isang kilay at bahagyang lumapit sa akin. He kissed my head and then whispered on my ear. "What is it, hmm?" "Nothing. I just realized how lucky I am to have you. I can't believe that you are my boyfriend." He stared at me for a moment and then he cursed. Muntik na akong matawa. He pulled me closer to him, wrapped his arm around my waist and leaned his head against the side of my forehead. "No. I'm more lucky to have you in my life..." he whispered. Ngumiti ako at hindi na nakipag talo. Basta ako ang alam ko swerte akong sya ang boyfriend ko. I don't think I can find another man here in the world like him, at wala rin naman akong balak maghanap. Dahil nag iisa lang sya. Sya lang ang lalaking mamahalin ko. Kahit anong mangyari, sya lang. Alam ko marami akong naging kasalanan sa kanya. Sinaktan ko sya at iniwan. Pero kahit ganon, patuloy nya pa rin akong minahal. I don’t know how he did that with everything I did to him. Akala ko tuluyan na nya akong kakalimutan dahil sa lahat ng ginawa ko. Pero hindi. Nanatili sya kung saan ko sya iniwanan noon, nanatili ang nararamdaman nya para sa akin, nanatili syang tapat kahit hindi sigurado kung babalik pa ba ako sa kanya. I love him even more because of that. Ngumiti ako at pinagmasdan ang mga masasayang kaibigan. They say I have a loving heart. Yung tipong hindi uunahin ang sarili, mas uunahin pa ang iba kesa sa sariling kapakanan. Hindi iniintindi ang sariling kaligayahan basta masaya lang ang mga tao sa paligid, ayos na. Well, maybe they are right. Dahil ngayon palang masaya na akong nakikita silang ganito kasaya. I have nothing more to ask for. Everything is fine. Elise and I are fine, Anton and I are fine. All of that was enough for me. Even though I went through a lot of pain, I still became strong. I still got through all that. Even though my whole world felt so dark, I was still able to fight and get on with my life. And I think that is the most important thing of all. A loving heart only means a strong heart, after all. Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi ako pinagbawalan uminom ni Anton pero hindi ako uminom. Kaya rin siguro maaga akong nagising ngayon. Bumaba ako para sana magluto ng agahan pero nakita ko si Irene na naghahanda na ng mga pagkain sa lamesa. Ang alam ko uminom sya kagabi kaya hindi ko inaasahan na maaga rin syang magigising. O mas maaga pa sa akin. "Good morning! Nagluto na ako. Maaga akong nagising, eh," anya nang nakita ako. "Good morning. Hindi ka ba puyat?" "Hindi naman marami ang ininom ko kagabi kaya maaga ako ngayon. Let's eat!" Tumango ako at naupo sa kaharap nyang upuan. Nagluto sya ng egg, bacon, ham, fried rice at meron pang pancakes. "Hindi ko alam na marunong ka palang magluto." Nagsimula na akong kumuha ng mga pagkain. "Ito naman! Of course marunong ako, noh! Mag isa lang ako sa condo ko sa Manila kaya natuto na rin ako. Tsaka hindi ako kumukuha ng yaying dahil masyadong magastos." "Wow. Hindi ko alam na matipid ka pala?" Ngumisi ako. "Kailangan iyon kahit malaki na ang kinikita ko. Tsaka natuto na rin talaga ako sa life. Hindi mo alam kung paano makipag laro ang tadhana. Baka mamaya mawalan ka bigla ng trabaho. Kaya mas mabuti nang may savings ako." Tumango tango ako dahil tama naman sya. Maybe I should do that too? Katulad nya malaki na rin ang kita ko sa aking restaurant. Pero tama sya na kailangan pa ring magtipid kahit ganon. Niyaya ako ni Irene na magswimming pagkatapos magpahinga sa pagkain. Mukhang na-miss nya ang dagat kaya excited na excited sya. Ako hindi man mahilig sa dagat, masasabi ko ring masarap talaga maligo sa mga ganito. Minsan lang ako makapunta sa mga ganito kaya susulitin ko na. Nahanap agad ako ni Anton sa dagat ilang minuto lang ang nakalipas. Pinagsuot nga ako ng swimsuit ni Irene kaya halos ilubog ko ang sarili sa dagat nang nakita kong naghubad ng damit si Anton habang nakakunot ang noo. My chest throbbed because I know he will come to me! Nagpapahinga na si Irene sa sun lounger dahil naglalangoy sya kanina. Wala syang tigil na lumangoy, pabalik balik na para bang gusto talagang magpaka pagod. Ganon ang ginawa nya sa halos limang minuto kaya pagod na pagod sya ngayon. Hindi naman ako marunong lumangoy kaya sa mababaw lang ako. Para akong aatakihin sa puso nang naglakad nga palapit sa dagat si Anton. Hindi ko alam kung lalangoy ba ako sa malalim para hindi nya ako makita o mananatili nalang rito. Pero hindi nga ako marunong lumangoy So I also had no choice but to sigh and just wait for him to come closer. Naramdaman ko agad ang kanyang malaking palad sa aking baywang nang nakalapit sya. Halos hindi ako nakahinga sa sobrang kaba. "Nawala ka sa kwarto mo," he said. "Nagyaya si Irene na magswimming." Tumango sya. "You're wearing a swimsuit?" Kumabog ang dibdib ko. Nalaman nya agad! Pero sa linaw nga naman ng dagat, paano nya hindi malalaman? Damn! "Yeah. Pinagsuot ako ni Irene. She requested it so... pinagbigyan ko." He nodded slowly but his jaw clenched. I know he doesn't want me to wear this but he can't forbid me or scold me. That made me smile. Imbes na mas lalo pang kabahan, parang nabawasan pa ang kaba ko. Ngumiti ako. "You don't want me to wear clothes like this?" "No. You can wear whatever you want. As long as you're comfortable with it." Mas lalong lumapad ang ngiti ko. He pulled me closer to him and gently kissed my forehead. I looked up at him when he finished. "Do you know how to swim?" With that question, I realized that I didn't know much about him. Maybe because we've been apart for so many years. Pero ngayon sisiguraduhin kong makikilala ko na sya ng lubos pa. Mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking bagay na tungkol sa kanya. "Yes. How about you?" He asked. "No. You can swim and I'll just stay here, then." Hindi sya sumagot. "I'll wait for you." Ngayon tumango na sya habang titig na titig sa akin. Lumangoy nga sya ng ilang sandali at pinanood ko lang syang ganon. Marunong nga syang lumangoy. I don't know where he learned but he's good. Bahagya akong napatili nang lumangoy sya papunta sa akin. Hinawakan nya ang mga hita ko at kasabay ng pag ahon nya ang pag angat nya sa akin. Kumabog ang dibdib ko sa gulat at kaba. Hinampas ko ang braso nya. "Anton!" There was a small smile on his lips, happy with my reaction. Habang ako iritadong iritado dahil sobra akong kinabahan roon. "Ibaba mo ako!" Utos ko. "I'll put you down but answer my question first." "W-What question?" Medyo kinabahan ako. There was still a small smile on his lips but I could see the seriousness of his eyes. Lalo tuloy akong kinabahan. Mukhang seryoso sya sa itatanong nya. Lalo na nang kinagat nya ang kanyang labi habang seryoso akong tinititigan. "Will you marry me?" Sa rahan ng pagkakasabi nya noon, para akong natunaw. Para akong nabingi. Parang tumigil ang lahat ng nakapalibot sa paligid ko. Ang hampas ng alon ay tila bumagal sa paningin ko. My lips parted slightly, not only in shock but also in amazement. Hindi ko inaasahan iyon kaya hindi ako agad nakasagot. Kita ko ang seryosong seryoso nyang mga mata pero nakita ko rin ang pagdaan ng kaba. Pero parang guni guni ko lang iyon dahil mabilis lang namang nawala. "W-What?" Noon palang ako nakabawi. "Marry me," ulit nya. Ilang sandali ko syang tinitigan. Binaba nya ako at muntik na akong matumba sa panlalambot ng mga tuhod kung hindi nya lang hawak ang baywang ko. Parang pinupunit ang puso ko sa mga kirot nito sa bawat pagtibok, hindi sa sakit kundi dahil sa sobrang saya. He raised one of my hands and in one quick motion, he slid a ring on my finger. My eyes widened. It was a silver ring with a glowing heart in the middle. My lips parted in shock and amazement. Tears welled up in my eyes. Anton hugged me. He buried his head in my neck while I still raised my hand, still staring at the very beautiful ring I've ever seen. "When you left, I swear I tried to forget you..." he whispered. Natigil ako sandali. Dahan dahan kong binaba ang aking kamay. "I distracted myself with studying and doing things just to get you out of my mind, but I couldn't. I tried it over and over again but it's still the same. I'm still deeply in love with you. Walang nagbago, hindi nabawasan, mahal na mahal pa rin kita." My heart hurts so much at its speed. Hindi naman dapat ako nasasaktan sa mga sinasabi nya pero eto ako at naiiyak na. "I know it's too late to say these all. But I want you to know that even that nine years... can't never change my love for you. Whatever happens, I will still love and come to you. Ikaw na ang buhay ko ngayon, Victoria..." Tumulo ang luha sa mga mata ko. Nilingon ko sya ng bahagya at nakitang namumungay ang mga mata nyang nakatitig sa akin. He gently wiped away my tears. "So please... marry me. I can't live without you anymore, Victoria. I can't..." My tears flowed. Tinitigan ko sya ng mabuti at wala akong ibang nakita kundi ang namumungay nyang mga mata pero seryoso. Seryoso sya sa lahat ng sinabi nya. Gusto nya akong pakasalan. Gusto nya akong makasama habang buhay. At alam ko... alam ko sa sarili ko na ganon rin ako. Gusto ko rin syang makasama... habang buhay. "Can I ask you something, then?" Namamaos kong tanong. Inangat nya ang kanyang ulo at umayos sa pagkakatayo. Ramdam kong hindi nya inaasahan iyon pero marahan pa rin syang tumango. "Why do you love me so much?" Parang may nagbabara sa lalamunan ko. "Sinaktan kita. Iniwan kita. Kaya sabihin mo sa akin, bakit sa lahat ng iyon, nandito ka pa rin?" He stared at me for a moment. Maya maya ay umiling sya at gumuhit ang malungkot na ngiti sa kanyang labi. Parang kinukurot na naman ang puso ko. "I also don't know..." he whispered. Patuloy ang mga luha ko. "There's so many reasons why I like you, Victoria. But there's no reason why I love you..." Bahagya syang yumuko para mapantayan ang mukha ko. Marahan nyang pinunasan ang mga luha ko sa pisngi. "I just love you..." he whispered. My tears flowed again. He wipes every drop of my tears. I kept staring at him and he did the same to me. Alam kong seryoso sya sa mga binitawan nyang salita. At hindi ko alam kung durog na ba ang puso ko sa sobrang saya. "Okay, then..." namamaos kong bulong. "I will marry you..." I saw how his eyes filled with happiness the moment he heard what I said. Lumapit sya at pinagdikit ang aming mga noo, hindi na nya napigilan ang pagngiti. Pumikit sya at sandaling nanatiling ganon. Pumikit rin ako at kinawit ang mga braso sa kanyang leeg. Ramdam ko pa rin ang mga luha ko. "I'll marry you..." he said. "From now on... sisiguraduhin kong ikaw na ang kikilalanin nilang fiancee ko." I closed my eyes even more. He hugged me tightly and I also hugged my arms tightly around his neck. Narinig ko ang sigawan sa hindi kalayuan kaya napadilat ako bigla. Nilingon ko ang dalampasigan at nakita ang lahat na nanonood sa amin! Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. "Whoo!" Si Kyle ang narinig ko habang pumapalakpak pa. Pumapalakpak rin si Irene, Jaz at Elise. Si Kuya naman ay may maliit na ngisi sa labi habang deretso kaming pinagmamasdan. Napatingin ako kay Anton, bahagya pa ring gulat. I saw him just staring at me while there was a small smile on his lips. Because of that I couldn't help but smile too. Muli nya akong niyakap at agad ko rin syang niyakap sa kanyang baywang. Hinalik halikan nya ang ulo, noo at pisngi ko habang ginagawa iyon. Mas lalo akong napangiti habang naririnig pa rin ang sigawan ng mga kaibigan namin sa harap. This is just the most important thing right now for me. I have Anton, and I have my ring. We will get married and will build a family soon. I'm very content and happy at that. I have no more to wish for. This is just the life that I want. The life that just full of love and happiness.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (44)
Pautan Cañete Ivy
it's good
27/11/2024
0
Faidal amilussin
happy and healthy heart will gave you peaceful mind🌹
it's good
27/11/2024
0happy and healthy heart will gave you peaceful mind🌹
11/11/2024
0Loving ❤️
20/10/2024
0Tingnan Lahat