Kabanata 54 Engaged -- Wearing a white shirt dress and sneakers, I walked down on our grand staircase. Nakita ko si Jaz na nakataas ang kilay habang pinagmamasdan akong bumaba. Papunta sya sa kusina nang makita ako kaya natigil sya. Kumunot ang noo ko. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa bago sumagot. "Pinapunta ako ng Kuya mo rito at hiniling na magluto daw ako ng lunch para sa kanya. Ikaw? Saan ka naman pupunta at ganyan ang ayos mo ngayon?" "Date," simple kong sagot at ngumisi. Nakababa na ako at nakaharap sa kanya. Ngumisi rin sya. "Nagkabalikan na kayo?" "Hindi naging kami noon, Jaz, kaya walang nagkabalikan." She rolled her eyes. "Fine. Kayo na?" Ngumisi ako at hindi sumagot. Nilagpasan ko sya para makalabas na ng bahay. Hindi na ako nagpaalam sa kanya at hinayaan ko lang sya roon na manghula kung ano ba ang sagot sa tanong nya. "Hey! Ikaw talaga..." si Jaz. Kumaway lang ako sa kanya habang nakatalikod pa rin at lumabas na ng bahay. No. Hindi kami ni Anton. But I have no intention of saying what is happening to us right now. I don't want to tell them that I gave him a chance. Hindi naman kailangang ipag sabi iyon. Tsaka malalaman rin naman nila kapag naging... kami na. Ngumisi ako sa naisip. Hindi ko alam kung bakit good mood na good mood ako ngayon. When I got out, I immediately saw Anton's car parked outside our gate. I immediately saw him leaning against his car, preskong presko ang mukha. He's wearing a polo shirt and slacks. Nakatupi hanggang siko ang mahabang manggas ng kanyang polo. Alam kong galing pa syang trabaho kaya ganyan ang suot nya pero napaka gwapo nya pa rin sa paningin ko. Parang tinambol ang puso ko at hindi ko naiwasan ang mapangisi. Nagtama ang mga mata namin at nakita ko agad ang pagsilay ng maliit na ngisi sa kanyang labi. Hindi man ganon nakangiti ang mga labi nya, ngiting ngiti naman ang kanyang mga mata. Tinignan nya pa ako mula ulo hanggang paa tapos ngumisi. Naglakad ako palabas ng gate. Umayos agad sya ng tayo at sinalubong ako. Nakangiti pa rin ang mga mata nya, hindi ko tuloy mapigilan ang pag angat ng gilid ng labi ko. He stared at me and I bravely looked up at him. Ang ngisi ay nasa labi ko pa rin at ganon rin sya. "You looked beautiful," he said. I rolled my eyes. "Is that your way now of getting a woman?" He chuckled. "Am I not allowed to compliment you now?" Ngumisi ako. Kinagat nya ang pang ibabang labi at nilahad na ang kanyang kotse. "Shall we?" He said. I nodded and let him open the door for me. Pumasok ako roon habang pinipigilan pa rin ang pilit na lumalabas na ngiti. Sinarado nya ang pintuan ko at umikot para makapasok na sa driver seat. Pinagmasdan ko syang maglakad papunta sa kabilang pinto. Nakapameywang sya at kinakagat pa rin ang labi na para bang tulad ko, hindi nya rin mapigilan ang kanyang ngiti. Tumingin nalang ako sa bintana nang pumasok sya. Para akong nakalutang. Pakiramdam ko rin sasabog na ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog noon. Pinag iinitan ako ng pisngi lalo na dahil hindi ko mapigilan ang ngiti. Nahihiya akong makita nya iyon. "Bakit napili mong kumain sa restaurant ni Jaz?" Tanong ni Anton maya maya. "Isang beses palang akong nakakapunta roon. Gusto ko pang tikman ang ibang luto nya." Tumango sya. "Nakapunta ka na doon?" Tanong ko at tumingin sa kanya. "Yes." "Madalas?" "No. Kapag lang nagpapasama sa akin si Gabriel." Kumunot ang noo ko. "Bakit nagpapasama si Kuya sayo roon?" "Nahihiya sya kay Jaz noon," anya at ngumisi. What? Hindi ko napigilan ang bahagyang pagtawa. Si Kuya? Si Gabriel Villanueva? Naihihiya kay Jaz? Seriously? Natawa ulit ako. Lumingon sa akin si Anton. "Kapag nalaman ng Kuya mo na tinatawanan mo sya, lagot ka roon." "Nakakatawa naman talaga. Hindi ko pa sya nakitang nahihiya sa babae," humalakhak ako. He smiled and looked back at the road. Hindi nawala sa isip ko ang bagay na yon habang nasa byahe. Hindi ko mapigilan ang pagtawa sa isip isip ko. Nakakahiya! Kapatid ko ba talaga iyon? When we arrived at Jaz's restaurant, he opened the car door for me. Umiling ako at lumabas nalang. He closed the door and looked at me. There was a ghost of smile on his lips and he held out his hand. "Let's go?" He said. I raised an eyebrow but I just raised my hand to reach his hand. Mas lalong ngumiti ang kanyang labi at binaba ang mga kamay namin. He bit his lower lip and pulled me into the restaurant. Malakas ang kabog ng puso ko. Pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi na ako nakakaramdam ng ilang. Wala akong ginawa roon kundi ang magpigil ng ngiti. "Good afternoon, Mr. Lavarias and Ms. Villanueva. This way, please..." isang babaeng nakangiti ang sumalubong sa amin. Sumunod kami sa kanya. Napatingin naman ako kay Anton. He reserved a table for us? Nilingon nya ako at mukhang alam nya agad ang tanong sa mga mata ko. He just smiled and tightened his hold on my hand. I shook my head and smiled. He really prepared for this, huh? Medyo malayo ang table namin kumpara sa ibang nandoon. Pumwesto kami roon at nag order. Pagkatapos naming mag order ay naiwan na ulit kaming dalawa roon. "How's your day?" He asked. Nagtaas ako ng isang kilay. "Fine..." "Bakit ang sungit na naman ng mukha mo? Ano na naman bang ginawa ko?" Tanong nya agad dahil sa nakataas kong kilay. Ngumisi ako. "What are you doing right now? Courting me or what?" Malakas ang loob kong tanong. Sige. Ipagpatuloy mo lang yan, Victoria. Para na namang kamatis yang mukha mo. His lips rose for a smirk. "Why are you so straightforward? Of course I'm now courting you. Binigyan mo ako ng chance at hindi ko na sasayangin yon." Uminit ang pisngi ko. Sinasabi ko na nga ba, Victoria, eh! Sige! Ipahiya mo ang sarili mo! Tumapak ka sa apoy! Mas lalong ngumisi si Anton. "Or you're just asking that because you're shy?" "Tss. Hindi ka ba talaga busy ngayon?" Pag iiba ko sa usapan. Ngumisi sya pero hindi na nangulit. "I'm not. Don't worry about it." "Baka mamaya meron kang pasyente pero hindi mo inaalagaan." "Hindi ako ganong klase ng doctor, Victoria." "Good, then..." Uminom ako sa tubig na nandoon. "Why? Hindi mo ba ako gustong nakikipag kita sayo ng ganito?" Seryoso nyang tanong. Nagulat ako roon. Hindi ko inaasahan na maiisip nya iyon! "Of course not. Nag aalala lang ako dahil baka busy ka..." totoo iyon. He sighed. "I'm not busy. Don't worry." Tumango ako at hindi na nagsalita. Tss. Kung ano ano agad ang iniisip. Nag aalala lang talaga ako sa mga pasyente nya. Baka mamaya iniiwan nya ang nga iyon para lang sa akin. "Kailan ka uuwi ng Cebu?" Tanong nya. "Bakit mo tinatanong?" Nagtaas ako ng isang kilay. "Dahil pupunta rin ako roon kapag umuwi ka." "What?" Nagulat ako. "For work. I'm going there for work, Victoria," bawi nya. Matalim ko syang tinignan dahil pakiramdam ko hindi sya nagsasabi ng totoo. He chuckled because of that. "I'm telling the truth. I also have a work there, you know. That's also my hospital." May point naman sya pero ganon ba talaga kapag may ari ka ng dalawang hospital? Kailangan palipat lipat ka? May ganon ba? Parang ngayon ko lang narinig ang ganon, ah? "Tsaka para sayo na rin. I have my chance now so I shouldn't waste it. I... also want to be with you..." he added. My heart pounded. "You know that I missed you. Ilang taon tayong hindi nagkita o nagkausap. Galit ka pa sa akin kaya..." I sighed and looked at the glass of water in front of me. Ngumuso ako. Umiinit na naman ang pisngi ko at kahit pigilan kong makaramdam ng saya, umaangat pa rin ang gilid ng labi ko. "Did you liked someone else when I'm gone?" I asked, halos hindi ko na marinig ang boses ko. Ni hindi ko nga alam kung narinig nya ba iyon. "No. Never..." he also whispered. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Parang kinukurot ang puso ko. Hindi ko alam na ganito kasakit ang maging masaya. "How about you? Did you liked someone else over the years?" He asked seriously but I can see the hope in his eyes. "I won't give you a chance if I did..." I said. His eyes suddenly filled with happiness. Ngumisi sya at nag iwas ng tingin sa akin. It was as if there was still emotion in his eyes that he didn't want to show me. Emosyong alam kong nararamdaman ko rin ngayon. It's still hurts. Many years have passed but we still feel the same way. Ngunit pareho pa ring nakakaramdam ng sakit ng nakaraan. The last time we talked was not good. I was very angry with him while he just accepted all my accusations even though he knew what I was saying was not true, kahit alam nyang wala naman syang kasalanan. Alam kong nagkausap naman na kami tungkol dito nung nakaraan pero alam kong kailangan ko pa ring humingi ng tawad sa lahat. Hindi sapat ang isang sorry lang. O sapat na sa kanya... pero para sa akin hindi pa sapat iyon. "I'm sorry..." maliit ang boses kong sinabi. Tumango sya at muling tumingin sa akin. "It's okay. Nakapag usap na tayo nung nakaraan. Ayos na sa akin ang lahat." "Pero alam kong hindi pa sapat iyon..." "Sapat na yon sa akin. Kahit maraming taon na ang lumipas, isang sorry mo lang, sapat na sa akin..." Parang kinukurot ang puso ko sa sinabi nya. "Everything is fine now, Victoria, so you have nothing to apologize anymore. What's matters now is the present. Elise is fine with all of these now. We should now move on too..." Tumango ako at huminga ng malalim. Sa kabila ng kalungkutan na nararamdaman ko, naisipan ko pa ring maglaro. Ngumisi ako at tinagilid ang ulo. Bahagyang nanliit ang mga mata ko sa kanya. "Ganyan ka pala kabaliw sa akin?" Sabi ko. Kumunot ang noo nya. "Isang sorry ko lang, sapat na? Ang swerte ko naman pala..." I teased more. "We're talking seriously here, Victoria. How can you put that words in this situation?" I chuckled. "I just want the atmosphere to be light. Masyado na tayong seryoso." "Tss..." Mabuti nalang dumating na ang pagkain namin kaya mas lalong nawala nag drama. Ngumiti ako habang halos masamang masama na ang tingin sa akin ni Anton. I chuckled. "You're really good at changing the mood, huh?" He said. I chuckled again but didn't speak anymore. Ngumiti lang ako habang hindi nya naman natiis na, napangiti na rin sya ngunit umiling nalang. We talked of a lot of things after that. He told many stories about being a doctor. I also talked about being a chef and after that he asked me about many things about me. He's very interested in my life that I can't help but smile. Hindi pa rin sya nagbabago. Katulad na katulad pa rin sya noon. Chismoso at maraming alam. "What are you going to do this afternoon?" Tanong sa akin ni Anton habang palapit kami sa sasakyan nya. We finished eating and he had to go back to the hospital. He didn't want to leave yet but many people were already calling him. He ignored that at first pero nung pinuna ko na ay wala syang nagawa kundi ang tumayo at umalis na sa restaurant. "I don't know. Busy si Jaz kay Kuya at ganon rin si Irene sa trabaho. Si Elise hindi ko alam kung nasaan. Maagang umalis sa bahay kanina." Tumango sya. "Sa bahay nyo nalang kita ihahatid kung ganon?" "Hindi ka ba hinahanap na sa hospital? I can just text our driver." "No. I'll drive you back," he said with finality kaya hindi na ako nakapag reklamo. He took me home and after saying goodbye to each other, he left. Pumasok naman ako sa bahay para makapag pahinga. Mamaya susunduin nya ulit ako para kumain ng dinner sa labas ulit. Sabi ko wag nalang dahil baka busy sya but he insist it. So I just agreed. I also want to go with him because I have nothing to do here at home. Irene: Did you heard the news? Sumandal ako sa headboard ng kama ko at nagtipa ng mensahe para kay Irene. Victoria: What news? Irene: Mayumi Flores and Anthony Lavarias are getting married! What? Napa ayos ako ng upo sa nabasa. Kumunot ang noo ko at hindi agad nakapag tipa ng reply kay Irene. Irene: Kalat na rito sa building namin! I checked on social media because it may not be true but there are already many articles about them! All articles say they are engaged! Hindi pa rin ako nakapag tipa ng sagot. Mabilis ang kalabog ang puso ko sa kaba pero hindi ako nagpadala roon. Irene: Did he tell you that? If he doesn't tell you anything, it might not be true. Sorry kung sinabi ko to sayo but I know you need to know it. But don't believe immediately! Ask him first! Irene: Victoria? Are you okay? Please reply. Kahit nagkakagulo na ang isipan, nagtype pa rin ako ng reply para kay Irene para hindi na sya mag alala. Victoria: I'm fine. I'll ask him. Irene: Yeah, that's right! Alam kong hindi ka naman nagpapadalos dalos sa mga desisyon, diba? Victoria: Yeah. I'll just shower for now. Irene: Oh... Okay... Alright. Binaba ko ang phone ko at sandaling nag isip. Malakas pa rin ang kalabog ng puso ko at hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Mayumi Flores? Engaged with Anton? How did that happen? Umalis ako sa kama at nagpunta sa laptop ko na nasa table. Umupo ako roon at sinimulang pagpipindutin ang laptop. I searched for their names and it immediately revealed that they are really engaged! Mayumi Flores and Anthony Lavarias are getting married! Anthony Lavarias and Mayumi Flores, both from a good family are engaged! Anthony Lavarias, the hot and sexy doctor is engaged with the model, Mayumi Flores! Kung ano anong articles ang nakita kong ganon ang nakalagay. Ang sabi pinagkasundo daw ng pamilya at wala naman daw angal ang dalawa roon dahil pareho naman nilang gusto ang isa't isa! Hindi ako makapaniwala. Tinanggal ko ang kamay sa aking laptop at bahagyang lumayo. Tinitigan ko ng mabuti ang bawat articles na nandoon at para akong nilalamig. Nagtiim bagang ako. Pinagkasundo sila ng pamilya nila? Both Lavarias and Flores are known all over the Philippines. Noon pa man alam ko na talaga na medyo malapit ang mga pamilya nila pero hindi ko masyadong binibigyan ng pansin dahil galit ako kay Mayumi. At ngayon, parang mas lalo lang nadagdagan ang galit ko sa kanya. Kung hindi to totoo, hindi naman siguro sila maglalabas ng ganito, diba? At maraming pictures nila ang nandoon! Magkasama at nagtatawanan pa! Halatang halata na sila ngang dalawa kaya pwedeng... totoo nga ang lahat ng ito, diba? Sinarado ko ang laptop ko at tumayo. Sandali akong nag isip ng mabuti. Anton was with me just a while ago and he never told me anything. Ang tagal naming magkasama pero kahit isang tungkol rito, wala syang binanggit! Bakit hindi nya sinabi? Dahil totoo? Dahil totoo ang lahat ng ito? Because he's really engaged to Mayumi? In their pictures, they are obviously together! Pareho pa silang nakangiti sa isa't isa at kapag naiisip ko iyon para akong sasabog! Kung silang dalawa pala, ano ako? I almost laughed at myself. Why are you asking that, Victoria? How stupid of you. Hindi ganyan ang isang Villanueva. Kung sila dalawa, edi sila! Wala akong pakialam! At bakit mo nga ba iniisip ito ng mabuti? Hindi ka naman girlfriend ni Anton! Hindi mo naman sya boyfriend! Wala namang namamagitan sainyong dalawa kaya bakit nya sasabihin ang tungkol rito? Wala kang karapatang malaman dahil hindi ka naman nya kailanman naging girlfriend! Kung ganon bakit nya ako kinukulit? Bakit inaya nya akong lumabas ngayon? Inaya nya rin ako mamayang gabi! Para saan ang lahat ng iyon? Para paglaruan ako? Bakit? Gusto nya bang maghiganti? I know he's not that kind of person but that was the first thing that came to my mind! He wants a revenge for all the pain I did to him before! With all my blame on him even though he's not at fault! With all the bad words I threw at him! I'm sure he wants a revenge! Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng galit ko, nangilid pa rin ang luha sa mga mata ko. How dare he! Kung naghihiganti nga sya, panalong panalo na sya! Because my heart is seriously breaking right now! Padabog akong pumasok sa walk in closet ko at nag impake ng damit. I'm leaving now. I shouldn't be leaving for Cebu yet but I want to leave! I don't think I can handle it if I see Anton later! Baka kung ano lang ang masabi ko sa kanya! Alam kong dapat tinatanong ko muna sya ngayon kung totoo ba ang lahat ng iyon pero tumatanggi ang puso't isip ko. Ayoko syang pakinggan ngayon at ayoko munang makita sya! Hindi ko alam ang magagawa ko kapag nakita ko sya! I called all my bodyguards and told them to get the chopper ready. Nagdalawang isip pa sila kung susundin ba ako o hindi. Matalim ko silang tinignan. "Kailangan pa po muna nating sabihin ito kay Sir Gabriel, Ma'am," one bodyguard said. "Hindi na kailangan pang malaman ni Kuya to! Ihanda ang chopper at aalis na tayo! O baka gusto nyong masisante?" Banta ko. Agad silang kumilos at may tinawagan. Iminuwestra sa akin ng isa ang van at agad na akong sumakay roon. Dinala ng isa ang maleta ko at mabilis na kaming umalis. Nagtungo kami sa Villanueva Building. Sa rooftop daw ng building papunta ang chopper. Wala na sina Kuya at Jaz sa bahay nang makarating ako kanina kaya hindi nila nakita ang pag alis ko. Wala rin ang mga tita ko roon at si Elise. Sigurado akong alam na ng mga tita ko ang pagpapakuha ko ng chopper pero alam kong hindi nila ako pakikialamanan. Iisipin lang nila na uuwi na ako ng Cebu. Mabuti nalang rin at wala si Kuya sa building sa mga oras na iyon. Nag date pa yata sila ni Jaz. It was windy on the rooftop when we arrived especially when the chopper arrived. Inalalayan ako ng mga bodyguards ko sa pag akyat. Mabilis akong nagsalita. "Not in Cebu. Take me to Tagaytay. May bababaan tayo roon, diba?" Napatingin sa akin ang isang tauhan namin na nagmamaneho. Hindi agad sya nakapag salita na para bang nag aalangan sa sinabi ko. "Ako na ang bahala kay Kuya. Take me to Tagaytay!" Utos ko. "Y-Yes, Ma'am," mabilis nyang sinabi at pinalipad na ang chopper paalis.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (44)
Pautan Cañete Ivy
it's good
27/11/2024
0
Faidal amilussin
happy and healthy heart will gave you peaceful mind🌹
it's good
27/11/2024
0happy and healthy heart will gave you peaceful mind🌹
11/11/2024
0Loving ❤️
20/10/2024
0Tingnan Lahat