Homepage/Reincarnated as the Substitute Wife of a Mafia Boss/
Chapter 44
Nagising ako kina-umagahan ng labis na pagduduwal. Halos maisuka ko na pati mga bituka ko. Sobrang panghihina ang nararamdaman ko habang naka-upo sa marumi at malamig na sahig at ang harap ay ang isang kubeta. Mas napasuka pa ako lalo sa pandidiri kahit laway lang naman ang lumalabas. Hindi ko na maiwasan na mapaluha pa sa sakit at paghihirap na nararamdaman. Pagkalipas ng ilang sandali ng tila bumuti-buti na ang pakiramdam ay flinush ko yung kubeta at nanghihina akong lumapit sa isang tray na kagabi pa inilagay ni Shelley. Mabilis kong kinuha yung plastic cup na may laman ng konting tubig at ininom iyon para maalis ang uhaw na nararamdaman at ang pananakit ng lalamunan sa kaka-duwal. Hindi ko na mabilang kung ilang araw na ang nakakalipas simula ng makulong ako dito. Hindi ko rin masabi kung umaga na ba o sumapit na yung gabi dahil sa hindi ko naman nakikita ang labas, masyado ring sirado ang loob dito sa basement. Halos pahirapan rin makalanghap ng hangin, dahil sa init at sa mga amoy na nakaka-suka. Patuloy kong pinupunasan ang pagmumukha ko na basa ng pawis at luha gamit ang likod ng palad ko. Hindi ko maiwasan na mas lalo pang napaluha ng makita ko ang kalagayan ko. Malaki rin ang naibawas sa timbang ko at ang dumi-dumi ko na rin dahil hindi rin naman ako nakakaligo dito. Hindi paman nakakabawi ng lakas ay tumakbo agad ako papalapit ulit sa kubeta ng maramdaman ko ulit ang pagbaliktad ng sikmura ko. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa'kin. Dahil na siguro ito sa paulit-ulit nalang na pagkain ang kinakain ko. “Oh 'eto pagkain.” malamig sa tinig na ani ni Shelley sabay lapag ng panibagong tray na may laman na ng pagkain. Katulad ng sinabi ni Lessia ay si Shelley nga ang naging taga-hatid ng mga pagkain ko. Ngunit hindi ko man lang magawang ma-enjoy yung pagkain dahil halatang labag sa kalooban niya ang ginagawa niya. Tanging matigas lang rin na tinapay at tubig lang ang inihatid niya sa'kin. Sa pamamagitan rin ng paghatid ng pagkain ay medyo may alam na ako kung anong oras na ang nakalipas. Dahil hinahatiran niya lang ako tuwing tanghalian at hapunan kaya sobrang gutom na lang ang nararamdaman ko sa tuwing sumasapit ang kina-umagahan. Hindi pa nakakatulong sa'kin ang pagsusuka. Mabilis akong lumapit agad sa tray at napapangiwi na lamang sa tuwing gumagalaw dahil sa bumabahid na sakit at kirot mula sa mga sugat ko sa likuran. Hindi pa ito masyadong naghihilom at sagabal pa ito sa pag-tulog ko dahil minsan nagigising ako sa gitna ng pagtulog dahil sa sakit at bangungot. Minsan rin ay nilalagnat na rin ako dahil sa sakit, mabuti na ngalang ay nabibigyan pa ako ng pagkakataon na magising sa panibagong araw. Pinulot agad ko na agad ang may katigasan na tinapay at walang pagdadalawang isip na kinain. Kahit nawawalan man ng gana at bumabaliktad na rin ang sikmura ko sa paulit-ulit na pagkain ay pinipilit ko parin itong ubosin, kung gusto ko pang mabuhay ng matagal. Uminom agad ako ng tubig—pampatulak na maramdaman kong halos mabulunan ako sa pagmamadali sa pagkain. Pagkatapos kong kumain ay bumalik na agad ako sa higaan para magpahinga ng makaramdam ako ng antok. Pagod na rin akong magmaka-awa kina Shelley na pakawalan nila ako dahil hindi lang rin naman nila ako pinapakinggan. Hindi pa lumalalim ang tulog ko ng mabilis akong nagising ulit ako dahil sa isang malamig na tubig ang ibinuhos sa mukha ko. Mabilis akong napabalikwas sa kakadapa at bumangon, habang patuloy sa pag-ubo. Nang kumakalma na ay bumungad agad sa'kin ang matalim na tingin ni Lessia. Nakita ko rin ang hawak na timba mula sa kamay ng tauhan niya. Mabilis akong nanginig sa takot. Nanlalamig na rin ako at alam kong namumutla na ako sa harapan nila. “A-ano ang gagawin niyo sa'kin?” napapaos at nanginginig kong tanong. “Patayuin niyo siya.” malamig sa boses niyang sabi sa tauhan niya. Agad akong namutla at nanlamig dahil sa gagawin nila sa'kin. Ganito ang ginagawa niya sa tuwing nawawala siya ng mood. “Please... t-tama na, Les. Nagmamaka-awa ako sa'yo.” garagal sa tinig kong sabi pero tila wala siyang narinig sa'kin at walang awang ginawa niya ang pakay niya. “This is your fucking fault! How about I kill you? Right here and right now?” puno ng gigil sa galit niyang sabi. “I'm really wondering how would he react this time?” pagdudugtong niya habang walang tigil sa ginagawa. H-hindi pwede... Ayaw ko pang mamatay. Ang dami ko pang gustong sabihin na hindi ko pa nagawang sabihin lalo na kay Maetel. Napapadaing ako ng malakas sa sakit na nanunuot sa katawan ko. Patuloy na rin sa pagbuhos ng malakas ang mga luha ko at napapahikbi na. Mariin na lamang ako napapapikit at napapaluha sa tuwing nararamdaman ang sunod-sunod na pagtama sa likuran ko. Ilang minuto rin lumipas at ang ininda ko nang tuloyan siyang makaramdam ng pagod at iniwan akong nanghihina. Napasalampak agad ako sa sahig at walang buhay na tinignan sila. Habang tahimik ng umaagos ang mga luha. Alam ko kapag nagpatuloy pa ito ay tuloyan na talaga akong mawawalan ng buhay pa. Mabilis kong tinakpan ang buong mukha ko gamit ang mga kamay at umiyak ng malakas, pagkatapos iniwan na ulit nila ako. Tangina. Para akong hindi tao. Para akong laruan lang sakanila. Gusto ko nalang mamatay sa mga oras na ito. Maetel... Nasa'n kana ba? “Nasa'n kana ba, Maetel? Gago, iligtas mo na ako dito lalo na't kasalanan mo pa naman ang lahat na ito.” Hindi ko pa nasasabi na mahal kita kaya pwede ba, iligtas mo ako dito. Malakas akong napahagulgol habang yinakap ang mga tuhod ko at pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi na alintana ang sakit ng buong katawan dahil mas walang nakakatumbas sa sakit nararamdaman ko ngayon sa kalooban ko. I think this is my karma from doing such a big sins and being too greedy. From coveting the identity of someone at mas naghangad ng higit pa. Lumipas ang ilang oras ay napapatulala na lamang ako sa hangin. Sobrang panghihina na ang nararamdaman at labis na pagkapagod. “R-Ren... Are you there?” Mabilis na umangat ang tingin ko at pilit na hinahanap ang nagma-may-ari ng boses na iyon. “Ren.” garagal sa boses niyang pagtawag ulit sa pangalan na hindi naman sa'kin. Hindi ko maiwasan na mapaluha dahil nababakas yung pagod at sakit sa boses niya. It was Nathalie, ilang araw ko rin nalaman na nandito lang rin pala siya. Ngunit mas lalo lang akong nasasaktan sa tuwing naiisip ko ang kalagayan niya ngayon. She was also facing a hell in here. Katulad ko ay walang puso ring sinasaktan nina Lessia. Pinipiga ang puso ko sa tuwing naririnig ko ang boses niyang hirap na hirap at tila kinakapos na ng hininga. “I-I'm here, Nath.” napapaos kong ani. “Ren...Can you make some kwento? I'm so bored na here.” Hindi ko maiwasan na mapatawa sa conyo niyang pananalita. Pero madiin kong kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang kumakawala na hikbi mula sa bibig ko. Alam kong nahihirapan na siya. Sa paghinga at sa pananatiling matatag. “How about this one...” I almost choked from my own sobs. Pinipilit ko lang hindi pinapahalata ang pag-iyak ko ng tahimik. “About a girl who was given a second chance to live as the same face of the heroine and to meet the characters in person that she just only reading from the book.” pagdudugtong ko. “I l-like that.” “Okay.” napapaos kong ani. Kahit nahihirapan man sa pagsasalita ay ikunu-wento ko parin sakaniya ang naging karanasan ko dito. Ngunit paminsan-minsan rin ay napapahinto ako at kinakamusta ang kalagayan niya. “Nath, are you still there? Baka tinulogan mo na ako.” pagbibiro ko pa. “Y-yeah. Ren, can I have some favor from you?” “Yes, sure. What is it?” “If ever I didn't make it to get out of her, kicking and alive. Can you make a sabunot for me sa witch na Lessia na iyon?” galit niyang sabi. Napahalakhak ako sa pamamagitan ng pagsabi niya, pero kahit tumatawa ako ay patuloy parin sa pagbuhos ng mga luha ko. “Sure babe. I can also kill her for you.” nanghihina kong ani. “Yiee. Thank you. And lastly pala, can you tell my parents how much I love them?” “How about, ikaw iyong magsabi sakanila tungkol diyan. Makaka-alis tayo dito ng ligtas at buhay, Nath. H'wag kang mawalan ng lakas na loob. We can get through this all together.” “Pretty please?” hindi papatalo niyang sabi. Napabuntong hininga na lamang ako at sumang-ayon. “Okay, I will.” ani ko sabay tumango pa. “Thank you, Faustina. I'm really glad to met you.” so sobrang tahimik ng paligid ay narinig ko ang malalim na paghinga niya hanggang kumalma na ito tuloyan ng kinain ng katahimikan ang paligid. Doon ko hinayaan na mapahikbi ng malakas. Hindi ko inaasahan na mas maigaganda pa pala ang pangalan ko sa pagbigkas. At mula pa talaga sakaniya na hindi ko inaasahan na sasabihin niya sa huling hininga niya. “Me too. Nathalie, I'm really glad to meet you for short span of time.” I said between on my sobs and then I breakdown.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Good job
23/07/2025
0sana Ako din
09/04/2025
0Ang ganda sana may story din tungkol sa anak nila
15/05/2024
0Tingnan Lahat