Homepage/Circle of Winchester/
Chapter 3
CHAPTER 3: MASTER OF DISCIPLINE
LUCY
This is going to be a new start for me.
Pumasok ako sa kwartong napili ko. I closed the door and observed the room. It's literally simple. There's a white door at the side, maybe it's the shower room. The walls are painted with white. There's a bed for one person and a cabinet for my clothes. And also there's a glass window in front of the bed.
A new room for a new life.
Naalala ko na hindi ko pala nadala dito sa kwarto ang mga gamit ko at na kay Lucas ang mga ito. Kaya lumabas ulit ako ng kwarto, pero napahinto ako nang matapos kong isarado ang pinto. I was amazed when I saw my name engraved with gold letters at the door.
"This place is full of surprises," ang nasabi ko sa aking isipan bago tumungo at hanapin ang kwarto ni Lucas.
Luckily, hindi na ako nahirapan sa paghahanap dahil may pangalan na ang lahat ng pinto. Nasa tapat ng aking kwarto lang pala ang kwarto ni Lucas kaya kumatok na agad ako.
"Coming!" Narinig ko ang boses niya mula sa loob. "Ikaw pala, Lucy. Narito ka ba para kunin ang mga gamit mo?" Pagkatapos niyang buksan ang pinto ay tumungo sya ulit sa loob at may kinuha." Sakto namang kakatapos ko lang ding mag-unpack," sabay abot ni Lucas ng kanyang sling bag sa akin. "Ikaw na rin bahalang magbigay sa kanila ng mga maleta at gamit nila ha," saka ngumiti sya sa 'kin at ngumiti na lang din ako.
Bumalik ako sa kwarto ko at inilagay ang mga gamit ko sa cabinet. Pati mga pangpersonal hygiene ay naisaayos ko na rin sa mga tamang paglagyan.
I went out of my room and gave Ralph and Luna's belongings. Saka ko ibinalik kay Lucas ang mahiwaga niyang bag.
At pinalipas namin ang gabi sa pamamagitan ng mahimbing na tulog. Nakakagulat lang dahil hindi ako nailang na nandito na ako sa ibang dimension at nakatulog talaga agad ako. Maybe out of exhaustion?
Kinabukasan ay ginising ako ng napakatinis na tunog na umaalingawngaw sa buong paligid. What's that noise?
Bumalikwas agad ako at tiningnan sa bintana kung ano ang nangyayari. Lahat ng mga witches at enchanters ay nagkakagulo na sa labas. At iisang direksyon lang ang tinatahak nilang lahat. Ano kaya ang nangyayari?
"Tenth Hell! Prepare!" Narinig ko ang boses ni Calypso mula sa ibaba kaya agad akong lumabas ng aking kwarto at bumaba sa hagdanan. Nakita ko rin na nagmamadali ang ibang member na lumabas sa kani-kanilang mga kwarto. Naabutan namin si Calypso sa sala at seryoso ang kanyang mukha.
"What's happening? What's that noise all about?" Biglang naitanong ni Luna na pati ako rin ay nalilito kung ano nga ang sirenang iyon.
"That's the wake up call of Master Black! He trains us on physical combat without using any spells or magic. At tuwing umaga ang training sa kanya doon sa Diamond of Winchester, at dapat ay tatakbo lang ang lahat papunta roon at bawal ang mga teleportation spells. Ang mahuhuli ay may kaukulang parusa. We only have 3 minutes para makapunta doon. Let's go!" Paliwanag ni Calypso sa aming lahat kahit alam na 'yon ng iba nyang kasamahan pero kailangan nya rin kaming paliwanagan. At nagsimula na silang magtakbuhan palabas ng bahay kaya sumunod na rin kaming mga baguhan.
Medyo malayo pala ang lugar ng pag-eensayuhan. Hinahabol ko na ang aking paghinga at medyo napapagod na ako kakatakbo. Siguro mga tatlong daang metro na ang tinakbo namin mula sa bahay at dapat sa loob ng tatlong minuto ay makarating na kami roon.
"Shit! We only have 60 seconds," pagmumura ni Krynt at biglang mas bumilis ang kanyang takbo.
Nasa pangalawa ako sa pinakahuli dahil si Luna ay hindi nasanay sa mga ganito kaya siya ang nasa huli.
"Oh ow, 45 seconds. Come on guys, malapit na tayo!" Sabi ni Garvin.
Kaya mas binilisan na namin ang aming pagtakbo kahit hinahabol na namin ang aming hininga.
Nakikita ko na ang palatandaan ng Diamond of Winchester sa hindi kalayuan kaya mas binilisan ko na ang pagtakbo.
"15 seconds!" Riswynn shouted.
At malapit na malapit na kami sa bukana ng Diamond pero nakarinig ako ng paghiyaw sa likuran kaya napalingon ako at nakita kong nadapa si Luna kaya binalikan ko sya at tinulungan.
"Are you okay?"
"Yeah, don't worry," at sinubukan niyang tumayo pero parang napilay ang kanyang bukung-bukong. Kaya inalayan ko syang makatayo at pinaakbay ko sya sa aking balikat para suportahan ang kanyang katawan at paglalakad. Ilang metro na lang ang natitira para maabot namin ang bukana ng Diamond at nakarating na pala ang aming ibang kasama.
"Hurry! You don't have much time!" Sigaw ni Calypso at nabahala naman ako kaya mas binilisan ko ang paghakbang. Binalikan rin kami ni Lucas para tulungan.
Ilang hakbang na lang mula sa bukana ng Diamond nang bigla itong sumirado at naiwan kaming tatlo sa labas at paglingon ko sa likuran ay marami-rami rin pala ang hindi nakaabot sa tamang oras.
"Oh no, sana hindi maging harsh si Master Black sa inyo or bigyan niya kayo ng consideration dahil bago pa lang kayo," banggit ni Riswynn mula sa loob.
Anong harsh? Nakalimutan kong may parusa pala kapag nahuli. First day, first trouble.
"You, latecomers!" Isang mababang boses ang aming narinig mula sa ibabaw kaya napatingala kami sa kanya.
Isang lalaking nakalutang sa hangin at nakasuot ng kapang itim at lahat ng kanyang damit ay itim rin. His hair is also black but there's some strands of white hair. May balbas rin na parang bago pang tubo. This must be the Master Black. He looks strict and troublesome.
"Open the gates and let them enter!" Pautos niyang wika.
Bumukas nga ang gate at pinapasok kaming lahat. Nakita ko rin ang aming ibang kasamahan sa loob kaya pumunta kami sa kanila. Ang Diamond of Winchester ay parang isang stadium na hugis diamond. It has tiers of seats for spectators at the side. Bakante lang ang field nito sa gitna.
"Hey, are you okay?" Tanong ni Riswynn kay Luna.
"It's just a little sprain," sagot niya.
"Okay, where are the latecomers! Fall in line!" Sigaw ni Master Black habang bumababa mula sa pagkakalutang. Tumalima naman kaming lahat na nahuli at gumawa ng apat na linya sa harapan niya. "You!" Itinuro niya si Luna sa likuran ko. Nakita niya sigurong naghihirap ito sa paglalakad.
"Ye-yes, Sir!" Tumuwid ng tayo si Luna at ininda ang sakit sa kanyang paa.
"Come here in front!" Utos ni Master Black. Lumakad naman si Luna'ng nahihirapan. Pagdating niya sa harap ni Master Black ay nagkumpas ng kamay si Master at bigla na lang nakatayo ng tuwid si Luna.
"Thank you, sir." Pasalamat niya. Bakit ba siya nagpapasalamat?
"You must be new here. Ngayon lang kita nakita rito at kabagu-bago mo pa lang ay bininyagan ka na ng sakit at pagka-late," wika ni Master Black. "Don't call me 'sir', I'm not a teacher, I'm an Enchanter! Call me Master Black," bulyaw niya kay Luna at napayuko lamang sya.
"Yes, Master Black!" Tumuwid sya ng tayo at sumaludo.
"We're not in an army camp! Don't salute!" Bulyaw na naman ni Master Black. Kawawang Luna.
Tumango lamang si Luna at pinabalik na sya ni Master Black at maayos na ang kanyang paglalakad. Pinagaling pala ni Master Black ang kanyang pilay kaya sya nagpasalamat kanina.
"Now for your punishment..." ngumisi nang nakakatakot si Master Black at pumalakpak siya ng tatlong beses.
Sa harapan namin ay lumitaw ang parang isang obstacle course. No, it's not an obstacle course, it's a suicide course. There are blades flying in every direction. Isa lang itong malawak na space na parang isang basketball court at may mga poste sa gilid na naglalabas ng mga kutsilyo at iba't ibang uri ng blades na nakikita ko lamang na ginagamit ng mga ninja sa pelikula.
"You have to get through this course. Dapat marating niyo ang dulo nito at bumalik kayo dito sa linya nyo pero sa course pa rin kayo dadaan," paliwanag ni Master Black.
"Oh ow, he's too harsh than ever," narinig kong sambit ng isang babae na late rin sa likuran ko. Nang nilingon ko sya ay medyo napatingala ako ng bahagya dahil sa tangkad niya kaya binalik ko na lang ang tingin sa course.
Parang kakatapak ko lang sa course na 'yan ay mamamatay na ako. This is madness! But we have to get through this.
Nasira na ang mga linya at nag-uusap na ang iba kaya kami rin ay nag-usap na rin.
"Luna, Lucy, we can get through this. Kailangan lang natin makuha ang tamang timing at ang pattern ng paglabas ng mga blades at kung saan ang direksyon nito," paliwanag ni Lucas sa aming dalawa ni Luna na nanginginig na.
"But how? It's too dangerous, I can't do this!" Naiiyak na sabi ni Luna.
"Let's be positive, Luna. We can do this, together!" Paghimuk ko sa kanya.
"Start!" Pumito na si Master Black hudyat ng pagsisimula ng parusa.
Tiningnan ko si Master Black at may binibigay syang instructions sa mga hindi kasali sa parusa at nagkalat ang lahat ng witch at enchanter pagkatapos. Isa laban sa isa ay nagduwelo sila na hindi gumagamit ng mahika o sandata.
"Lucy, let's start," sabi ni Lucas kaya tumutok na ako sa course.
Sabay kaming tatlong tumapak sa course. Nagbabatuhan ng iba't ibang blades ang mga poste kahit saan pero parang may pattern nga ito. The first two poles will release five different blades in different layers across to the second set of poles. We just need to find the blindspots. We can't crawl because there are blades also flying 10 inches above the ground. Pero napansin kong umaabot ng ilang seconds bago magrelease ng panibagong blades ang mga poste, that's the blindspots.
"Lucas we need to identify how many seconds when the poles will release and rest," naiilang pa rin ako sa tuwing hindi ko tinatawag na Kuya si Lucas.
"That's what I thought too, but we have to dodge every single blade while the poles are resting," banggit ni Lucas.
Tumango naman kaming dalawa ni Luna. Alam kong sanay siya sa buhay syudad or mamuhay ng matiwasay kaya hindi pa sya nakakaharap ng mga delikadong pangyayari katulad nito. This is going to be a big challenge for her.
"Luna, ready?" Tanong ko sa kanya at napilitan naman syang tumango.
Humanap ako ng tiyempo para makapasok at maiwasan ang blades. Parang naglalaro lang ito ng patentiro. May babaeng nakablack na may katabaan ang katawan at hanggang balikat ang buhok nito na biglang tumakbo papasok ng course at parang walang pakialam sa mga blades na nagliliparan kaya natamaan siya ng maraming blades sa katawan at bigla syang nilamon ng itim na usok. What did just happened? Nanlaki ang mga mata ko nang nasaksihan ko iyon. Patay na ba siya? Ganun rin ba ang mangyayari sa amin kung mabibigo kami?
"Is she dead?" I saw Luna's terrified face.
"I don't know but we have to be careful!" Giit ni Lucas.
Tumutok muli ako sa course at pinag-aaralan ito. I see it now. I concentrated my thoughts and everything seems to be in slow motion.
I take the chance to get through of this damn course. I run through the flying blades course and dodging every one of them. Nakakita ako ng spot kung saan walang blades ang dumadaan kaya huminto muna ako. So this course is divided into two for us to rest? Bigla na lang akong nakaramdam ng hapdi sa aking balikat, binti, at sa kanang bahagi ng pisngi ko. Nadaplisan pala ako ng mga blades at hindi ko namalayan 'yon dahil sa pagtutok na makatapos. I touched my face and I saw my fingers with blood. Mahapdi talaga. Sana hindi ko ikamatay ang course na ito.
Sa pangalawang set ng course ay medyo kaunti na lang ang blades na inilalabas nito, tatlong iba't ibang blades na lang at medyo mabagal rin ang pagrelease nito kaya madali lang ito.
I started to run again but without any luck, my right leg was pierce with a knife. Napahiyaw ako ng malakas dahil sa sakit at sa una ay hindi pa ito masyadong mahapdi at masakit dahil parang naging manhid ng ilang segundo ang sugat. Nakatusok pa rin ang kutsilyo nang muli akong lumakad at umiwas sa mga blades. Yuko, talon, liyad at gumulong lang ang mga ginawa at natapos ko na ang course na bagsak ang katawan sa lupa. Oh no, hindi ko pa pala natapos ang parusa, kailangan ko pang bumalik sa linya sa pamamagitan nitong course.
Nakarinig pa ako ng mga hiyaw at tinatawag ang pangalan ko pero wala na akong lakas para bumangon pa dahil sa kutsilyong nakatusok sa binti ko.
Tinakasan na nga ako ng aking lakas at nanlalabo na ang aking paningin kaya't ipinikit ko na lang ang aking mga mata.
This is not a new start. It's a new hell of a life.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (19)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
152
02/08/2023
0ty hi
17/07/2023
0COOOOLLL
15/06/2023
0Tingnan Lahat