Kabanata 44

SINO???!!!
TUG!
TUG!
"Anak ng...!"
Teka...
Panaginip ba iyon?
Inalog-alog ni Allen ang kanyang ulo. Sa kanyang isipa'y napakalinaw pa rin ng mga imaheng kanyang nakita. Napalunok siyang napamulagat matapos mapagtanto ang isang bagay...
"Ako iyon hindi ba?? Subalit nakapagtataka..." mahina niyang bulong.
Totoong nakapagtataka nga sapagkat siya mismo ang nasa panaginip. Siya mismo ang bida doon at ang hinahalikan ng kamahalan niyang prinsipe. Ngunit nang mapatingin siya sa salamin ay ibang katauhan ang kanyang nakita!
Siya si Allen Chen sa ibang katawan...
Teka...
Ano nga ulit ang tinawag sa kanya ng kamahalan..?
Isa pa, bakit ganoon at tila nasa ibang panahon ang kanyang prinsipe. Zeke rin ang pangalan nito, natatandaan niya subalit maiksi ang kanyang buhok at napakasopistikado ng kanyang kakisigan. Nag-uumapaw ang kanyang kagandahang lalaki.
Subalit...
"Sino si Lester?" 
"Iyon kaya ang lalaking iibigin ng kamahalan pagdating ng panahon? Napakakisig rin ng Lester na iyon..."
Nakaramdam si Allen ng kakaibang panibugho at tila maiiyak siya sa hapding nadarama ng kanyang puso. 
Dahil sa nakita niyang aksiyon ng dalawa sa panaginip, magkayakap ng mahigpit habang magkahinang ang mga labi...
Ang kanilang pagtatalik...
"BWISIT!!!"
Kung ganun ay lalaki din ang gugustuhin ng kamahalan sa pagdating ng panahon?
"Paano na lamang pala ang aking damdamin?" wala sa loob na tanong ni Allen sa sarili.
Ang mga titigan nila sa kanyang panaginip ay nakakabahala sapagkat nag-uumapaw sa mga mata ng prinsipe ang pag-ibig nito sa lalaking iyon!
Dahil sa mga iniisip ay hindi na siya nakatulog pa ulit. Sa tantiya niya'y nasa alas dos pa lamang ng madaling-araw subalit pabiling-biling lamang siya sa higaan hanggang marinig niya  na ang tilaok ng mga manok sa hindi kalayuan.
Halo-halo ang laman  ng kanyang isipan, kasama na doon kung halimbawang nasa mundo siya ng mga tao, ano na kaya ang kanyang kalagayan? Baka mamatay lamang siya sa kalupaan dahil sa mga ganid niyang naging kasamahan.
Nakapanlulumo subalit ganuon nga siguro talaga ang mga tao. Mga tae sila!
Bali-baliko ang pag-iisip na kahit pinakain mo na'y ikaw pang tutuklawin, parang ahas lamang.
TOK.
TOK.
TOK.
Huh? Anong oras na ba?
Nagtatakang bumangon si Allen at nagtungo sa pintuan upang pagbuksan ang kung sinu mang kumatok roon.
"Allen, magandang umaga," nakangiting bungad ni Zeke pagkabukas niya ng pintuan.
"Kamahalan, magandang umaga rin sa'yo," hindi maiwasang iiwas ni Allen ang tingin sa kamahalan habang siya'y sumasagot.
Sapagkat ngayon ay kakaiba ang eratikong pintig ng kanyang puso. Nang mapagmasdan niya ang prinsipe at kakisigan nito'y parang pelikulang biglang rumagasa sa isipan niya ang mga kaganapan sa kanyang panaginip. Lalo na nang mapagmasdan niya ang mapupulang labi ng prinsipe.
Tumalikod si Allen at naglakad pabalik sa loob ng kanyang silid habang nilulunok ang laway na biglang bumara sa kanyang lalamunan. Kakaiba rin ang init ng kanyang katawan.
Marahil ay dahil pa rin sa nakakapag-init damdaming kaganapan doon sa kanyang gunita.
Nang bigla na lamang hinila  ni Zeke ang kanyang balikat at iniharap siya ng kamahalan. Ang sabi'y, "Ayos ka lamang ba Allen? Namumula ang iyong pisngi at mga tenga. Masama ba ang iyong pakiramdam?" Bakas sa tinig nito ang pag-aalala.
Hindi pa nakuntento'y sinalat pa ni Zeke ang mukha at leeg ni Allen upang marahil damhin kung mayroon siyang lagnat.
"Hehehe, ayos lamang ako Zeke. Mayroon lamang akong kakaibang panaginip," tugon niya at hinawakan ang kamay ni Zeke upang alisin sana sa kanyang leeg subalit napaso siya na para bang may kuryenteng biglang dumaloy sa parteng iyon ng lalaki na sumentro sa kanyang dibdib at puson.
GAGO!!!! 
Sinita niya ang isipan sa malaswang nararamdaman ng kanyang katawan. Napakalakas din ng pagnanais niyang hilahin si Zeke at dalhin sa kanyang mga bisig.
AHHH PISTI! NALOKO NA!
Tumalikod siya muli kay Zeke upang iwasan ang nakababaliw na pakiramdam saka niya sinabing, "Mag-aayos lamang ako saglit. Saan tayo ngayon pupunta?"
"Ahh tama! Magmadali kang kumain at mag-ayos. Pupunta tayo ngayon sa Olivio, nais kung maligo sa malawak na bukal na iyon at tinitiyak ko sa'yong gugustuhin mong marating muli ang lugar na iyon. Napakaganda na tila paraiso!" masiglang tugon ni Zeke habang nakatalikod pa rin si Allen dito.
"Sige kamahalan, mag-aayos lamang ako sandali at lilisan na tayo," sinikap niyang sumagot ng kampante kahit na nga tila may mga along rumaragasa sa buo niyang pagkatao.
At sinisisi niya talaga ang malaswang panaginip na iyon!
.
.
.
Sa Olivio.
"Heto na ba ang lugar?" nagtatakang tanong ni Allen kay Zeke nang huminto sa pagpapatakbo ng kabayo ang huli sapagkat wala naman siyang natatanaw maliban sa walang hanggang kaparanganang may mga sunflower. Lubhang napakaganda!
Subalit hindi tumugon si bagkos ay may binanggit itong kung ano matapos ay lumitaw na lamang sa gulat niya ang isang pintuan sa gitna nang kaparangang iyon. Matatanaw sa loob nito ang luntiang kulay nang matatayog na mga punong nakahilera sa magkabilaang bahagi ng daan.
"Papasok pa lamang tayo ng Olivio. Kumapit kang maigi Allen. Hiyahhh!" sigaw ni Zeke matapos hilahin nito ang renda ng kabayo na biglang tumakbo ng mabilis.
Hindi napaghandaan ni Allen iyon kaya naman nabigla siyang napayakap sa beywang ni Zeke at napasigaw sa gulat dahil muntik siyang mahulog, "PUTRAGIS ZEKE. NAIS MO BA AKON IHULOG??"
"HAHAHAHAHA!" Na tinugon lamang ni Zeke ng malakas na halakhak.
Ilang minuto pa'y muling inihinto ni Zeke ang kabayo.
Manghang-mangha si Allen sa ganda ng lugar! Sa tantiya niya'y nasa kuwadradong sampung metro ang pabilog na sukat nito at napakalinaw. Mayroong may-kataasang talon na bumubulwak mula sa itaas ng bundok na siyang sanhi ng bukal. Ang iba't-ibang makulay na isda sa ilalim ay tanaw na tanaw mula sa kinaroroonan nila. Ang naggagandahang mga halamang may makukulay na mga bulaklak ay nakapalibot sa gilid ng bukal maliban sa bungad nito na siya nilang daanan. May mga punong matatayog sa na salitang tumubo sa malalaking tipak na batong naka bakod sa sekretong lugar na iyon.
Silang dalawa lamang ni Zeke ang magkasamang nagtungo roon. Isa pa'y sakop iyon ng kaharian kaya wala namang dapat ipag-alala sa kamahalan.
Pagsapit doo'y dali-daling itinali ni Zeke ang kabayo na siya ring nagmaneobra sa hayop dahil wala namang kaalaman si Allen sa pangangabayo, sa isang punong nasa bungad ng bukal.
Saka naalala ni Allen ang bagay na iyon. "Kamahalang Zeke, nais kong matutong mangabayo upang sa susunod ay ako na ang magmaneobra para sa'yo."
Napatingin ang nakangiting si Zeke sa nauutal na si Allen bago sumagot, "Walang problema. Subalit nais kong magbabad muna sa bukal. Maaari ba?"
Mabilis namang iwinasiwas ni Allen ang dalawang kamay. "Oo naman kamahalan! Ang akin lamang ay matuto at maaari mo namang paturuan ako sa ibang alipin," wika niyang nahihiya.
"Hindi ako papayag!" kunot-noong tugon ni Zeke matapos ay lumakad patungo sa malamig na tubig ng bukal.
Ang akala ni Allen na magtutuloy-tuloy ang prinsipe sa pagbaba sa tubig ay isang malaking MALING AKALA sapagkat huminto si Zeke isang dangkal mula sa tubig matapos ay hinubad nito ang mahabang kasuotan at walang itinirang saplot na anuman sa katawan!
"Sumunod ka sa tubig, baka malunod ako," maawtoridad na wika ni Zeke saka lumusong sa napakalinaw na tubig. Sa sobrang linaw ay matatanaw ang mga mumunting isdang nagsisipaglanguyan sa kailaliman ng tubig-bukal...
Kasama ang napakalinaw na katawan ng prinsipeng lumalangoy sa ilalim ng tubig. Napakaputi ng katawan nito at tila sumasayaw ang abuhing buho ng lalaki sa saliw ng tubig dahil sa patuloy niyang paglangoy. Para rin siyang isda sa tubig. Makisig na isda!
Literal na naengkanto ang pakiramdam ni Allen dahil sa napakagandang katawan este tanawing nasa kanyang harapan!
Ang biglaang pagsikip ng suot niyang pantalon ang nagpatuliro at nagpaalarma sa kanyang isipan. Napatingin sa langit si Allen at napadasal ng wala sa oras, "MAHABAGING LANGIT! ILIGTAS MO PO AKO SA NAPIPINTONG KASALANANG BAKA HINDI KO MAKONTROL!"
"Allen..."
Nang mapatingin si Allen sa lalaking nasa tubig na tumawag sa kanya'y pakiramdam niya'y humiwalay ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan!
MAHABAGING LANGIT!

Komento sa Aklat (165)

  • avatar
    KauãDuda

    muito bom mesmo

    21/07/2025

      0
  • avatar
    Felecitie Marquez

    Amazing

    27/02/2025

      0
  • avatar
    Rainier Ombac Dela Cruz

    thank you

    06/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata