The Awakening

Verone
"M—may alam akong paraan upang maibalik sa buhay si Lind..." humihikbi at nauutal na pahayag ni Mallory habang nakahawak sa kamay ni Damien. Nabibigla naman ako sa aking narinig.
"A—ano ang sinasabi mo, Mallory?" hindi makapaniwalang tanong ni Yvon subalit nilingon lamang siya ni Mallory at bahagyang nginitian.
"G—ginagawa ko ang kontribusyon ko sa pamilyang ito..." piyok na sagot ni Lori dahilan upang mapatungo ako.
"M—mallory..." nauutal namang bigkas ni Steve sa pangalan ni Mallory.
Nilingon siya ni Lori at gano'n din ang ginawa tulad nang ginawa niya kay Yvon. "Don't worry, Steve... I'll be fine... Let's trust the process..."
Hindi ko maintindihan ang kanilang punto pero sa paraan ng kanilang pagpapalitan ng mga salita ay nakakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Pakiramdam ko ay hinihiwa ang puso ko, parang pinipisil ito.
Narinig ko ang paghagulgol ni Steve. Mas lalo akong napataas ng aking kilay kaya naman ay napalunok ako at umabante upang lumapit sa kinatatayuan ni Mallory. Hinigit ko ang kanyang balikat at nadapo sa akin ang natatakot niyang mga mata. Hindi siya sa akin natatakot kundi sa ideyang naroon sa kanyang isipan. Hindi ko mawari kung ano. Tangina naman!
"Ano ba itong sinasabi mo? Pwede ba 'wag ka namang gumawa ng dahilan upang pangambahan kami?" sarkastikong pahayag ko na tinaasan pa ang boses ko.
Nanatili namang hindi umiimik sa kanya si Damien kaya ay hinigit ko rin si Damien dahilan upang humarap siya sa akin. Maluha-luha at malungkot niya akong nginitian. Ang plastik! Tangina lang!
"Can you please elaborate to us what is going on? Steve?" nilingon ko si Steve pero iniwasan niya lamang ako ng kanyang tingin. "Damien? Putangina! Ano ba ang nangyayari?" mangiyak-ngiyak akong napahilamos sa aking mukha.
"V—verone..." suway sa akin ni Yvon.
"Manahimik ka diyan dahil hindi ko naman hinihingi ang opinyon mo!" galit kong sigaw kay Yvon. Wala akong mapaglagyan ng inis ko kaya ay sa kanya ko iyon napagbuntungan. Nagsisi rin ako sa huli.
Napalingon ako sa walang buhay na si Lind tapos kina Mallory at Damien. Wala sa kanila ang nais na magpaliwanag sa mga nangyayari pero naramdaman kong lumapit sa kinaroroonan namin si Headmaster. Nailikas na siguro nila ang ibang mga mag-aaral gano'n na rin ang mag-ama.
"Paumanhin kung ako ay nakaiistorbo, Lord Damien..." paumanhing sabi ni Headmaster.
Hayun na naman ang pagtawag nila ng ilang ulit kay Damien. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko na siya ang Overlord pero para sa akin ay siya lang ito. Ang Damien na nakilala ko noon. Hindi iyon magbabago.
Hindi umimik si Damien kaya naman ay napatikhim si Headmaster. "Kung iyong mamarapatin, Kamahalan. May karapatan pong malaman ng inyong mga Clan Leaders ang tungkol sa proseso..." sambit ni Headmaster dahilan upang lingunin ko siya.
"May alam po kayo rito?" nanglalaki ang mga matang tanong ko sa kanya at kaagad siyang napatungo at bahagyang napatango.
"Ang kakayahang makapagbabalik ng buhay ng isang nilalang ay isa sa mataas na kakayahang mayroon si Overlord Damien subalit dahil hindi pa buo ang kanyang kapangyarihan ay hindi iyon magiging posible kaya ay mayroong tatlong proseso na tinatawag kapag muling ipinanganak ang Overlord..." mahabang salaysay ni Headmaster. Nanatiling walang kibo si Damien habang nakatungo naman si Mallory at si Steve.
"Una ay ang paggising sa kanyang kamalayan. Nabuhay bilang isang normal na nilalang si Lord Damien na hindi alam ang tunay niyang katauhan pero ang kanyang kapangyarihan ay nabuksan nang malagpasan niya ang pagsubok na maaaring magpagising sa natutulog niyang katauhan. Steve attacked him using his dark spear. Nakatulong iyon upang siya ay magising..." pahayag pa ni Headmaster.
"Pangalawa ay si Lori ang napiling maging karapatdapat na sisidlan. Lumipat sa kanya ang kapangyarihan ni King Augustus at panandaliang nanirahan sa loob niya at nang sumapit ang araw nang paglilipat ay hindi inaasahan na nasa malapit lamang silang dalawa. Sina Lord Damien at Mallory na nasaksihan ninyong nangyari sa silid-aklatan, 'di ba?" litanya pa ni Headmaster. Napapatango naman ang mga kasama ko.
Tama naalala ko nga iyon. Noong mangyari iyon sa loob ng silid-aklatan. Pero hindi pumasok sa isipan kong si Damien at King Augustus ay iisa lamang. Ang buong akala ko ay napili lamang si Damien na maging sisidlan ulit dahil hindi na nakakayanan ni Mallory ang remnants ni King Augustus. Tangina! Ang sakit sa ulo nitong mga katotohanang nalalaman ko ngayon.
Napapansin ko ang pagsilay ng bilog na bilog na buwan sa kalangitan habang kumikislap sa ganda ang mga bituwin. Naririnig ko pa rin ang mga paghikbi ni Steve gano'n na rin si Damien.
"Ito ang kauna-unahang kabilugan ng buwan sa taong ito. Isa sa mga kinakailangan upang mangyari ang proseso..." nahimigan ko ang lungkot nang sambitin iyon ni Headmaster.
"A—ano ho ba ang mayro'n sa ikatlong proseso, Headmaster?" nag-aalalang tanong ni Yvon.
Hindi ko na rin maalis ang paningin ko kay Headmaster at hinihintay lamang na bumuka iyong bibig niya upang sambitin ang katotohanang patungkol sa ikatlong proseso.
"Mallory has to die in order to fulfil the last process—"
Gano'n na lamang ang panglalaki ng mga mata ko nang marinig iyon. Tumagas ang sariwang luha sa mga mata ni Mallory habang nakangiti sa aming gawi habang nakikita ko naman ang pagyugyog ng mga balikat ni Damien gano'n na rin si Steve na hindi na mapigil ang kanyang pag-iyak.
Hindi alintana ang mag luha ko sa pag-agos sa mga mata ko at mas lumapit kay Mallory at kaagad ko siyang hinagkan. Gusto kong tumangis nang tumangis dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ito na lang yata ang alam kong paraan upang maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman.
Nakaramdam ako ng galit kay Damien at marahas ko siyang pinaharap sa akin. Malakas na malakas ko siyang sinampal. Naging matunog iyon dito sa aming kinatatayuan. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob upang gawin iyon sa kanya pero iyon lamang ang alam kong tamang gawin.
"Sa dinami-rami ng pwedeng piliin ng remnant mo ay bakit pa si Lori?" bulyaw ko sa kanya at humagulgol habang kinukwelyuhan na siya.
Pero sinuway ako ni Mallory at pinakiusapan. "I am destined for this to happen, Verone—"
Dumapo rin ang palad ko sa pisngi ni Mallory. "And you let that happen? Hahayaan mo lamang ang tadhanang iyon? Tangina! Kung alam pala ito ni Steve sa una pa lamang ay bakit hinayaan din niya? Steve! Bakit mo hinayaan na mangyari ito!" pagsisigaw ko sa galit. Hindi ko matanggap.
"W--wala akong karapatang hadlangan ang mga tadhanang nakalatag na, Verone... Pasensya ka na, Hija..." lumuluhang sagot niya sa akin dahilan upang angilan ko siya. Lalapitan ko na sana upang masampal ko rin subalit hinarang na ako nang mahigpit na yakap ni Mallory dahilan upang bumuhos ang mga luha ko.
"Please... Let me fulfill my purpose, V—verone..." mas malakas ang kanyang paghagulgol nang sabihin niya iyon kaya ay mas mahigpit ko rin siyang niyakap. Naramdaman ko na rin ang paglapit nina Shield, Yvon, at Hanson. Hindi ko alam kung anong antas ng sakit ang nararamdaman ko ngayon.
Mallory is like my half-sister. Siya iyong isang tumanggap sa akin at nagbago sa akin. Nang makalaya ako sa galamay ni Tarius ay siya na ang kinilala kong pamilya. More than anybody else. Kahit na si Hanson, mas kinikilala kong pamilya si Mallory kaya ganito na lamang ang pagtatangis ko. I want her to stay with us until the end of time.
Binatukan ko siya. "Hindi ka naman namin mapipigil kung iyon ang desisyon mo. Ang swerte-swerte ni Lind sa'yo. You've saved her twice already..." iyak kong sambit.
"Basta, Ate, balik ka kaagad ha?" iyak na wika ni Hanson. Ginulo ni Mallory ang kanyang buhok at hinalikan ito sa kanyang noo. Naging mabuti rin siya sa kapatid ko.
"Ma-mi-miss ko ang pambabatok mo sa'kin..." hikbing pahayag ni Yvon.
"Papaluin ko si Steve 'pag nagloko..." tatawa-tawang wika ni Shield kahit na may luha sa sulok ng kanyang mga mata.
"Aasahan ko 'yan ha?" mangiyak-ngiyak na ani Mallory saka niya nilingon si Steve.
"'Wag ka na malungkot dahil hindi bagay sa'yo at naging mabuti kang magulang sa akin kahit na ayaw mong tinatawag kitang 'papa'..." napapangiting wika ni Mallory at tinapik sa balikat si Steve.
"Ang akala ko ay hindi magiging masakit 'pag dumating na 'yong araw na ito. Kung ako lang ang papipiliin ay sana hindi na kita sinama roon sa palasyo sa araw na iyon subalit kailangan kong gampanan ang tungkulin ko..." napapahikbing pahayag ni Steve. "Pasensya ka na ha? Kung naging makasarili ako. Hindi man ako ang tunay mong ama o pamilya ay sa puso ko ikaw ang kaisa-isa kong anak..." at doon siya natulos sa kanyang kinatatayuan dahil sa patinding pag-iyak.
Hindi lang naman siya kay Lori naging magulang, pati rin sa amin. Lahat ng ginawa niyang kabutihan ay gawain ng isang mabuting magulang.
"Pero hindi ka na malulungkot dahil hindi na ako nag-iisa diyan sa puso mo..." inilahad ni Mallory ang kamay niya sa amin at dinapuan kami ng tingin ni Steve. "Narito rin ang mga tinulungan mo. Kinikilala ka rin nilang magulang dahil sa pagliligtas sa kanila kaya ay bakit ka pa nalulungkot?" kahit na nakangiti si Mallory ay tila pinupunit ang puso ko.
"Mawawala lamang ako sa inyong paningin pero sa inyong mga puso ay naroon ako..." malungkot niyang sabi habang pilit na pilit ang mga ngiti. Nilingon niya ang humihikbing si Damien. Nagtama ang kanilang mga tingin. "O—oras na..."
Napaluhod si Damien dahil sa tindi ng sakit na kanyang nararamdaman. Hindi man niya masabi-sabi sa amin ay ramdam na ramdam namin ang koneksyong mayroon sila. Kung sino ang taong mas masasaktan dito ay walang iba iyon kundi si Damien. Pareho nilang mahal ang isa't isa. Sa paraan ng kanilang mga tinginan ay mawawari kaagad kung ano ang isinisigaw ng kanilang damdamin subalit ang pagmamahalang iyon ay mawawaglit lamang dahil sa prosesong kailangan nilang pagdaanan. Sa mapait na tadhanang kanilang kahaharapin.
"P—patawarin mo ako, Lori..."
Ngayon ko lamang narinig ang kanyang paghagulgol. Gano'n din naman kami kung umiyak kanina subalit ang sa kanya ay nakapupunit ng puso. Nadadala ako roon. Hindi ko mapigil ang sariling hindi maluha.
"Ito ang dahilan kung bakit nagpasya akong hindi bigyan ng tyansang mabuhay ang kabyak ng puso ni King Augustus subalit hind ko rin pala mapipigil ang tadhana kahit na mailipat man sa iba ang kalulwa ko..." mahaba niyang paliwanag. Sinsero ang kanyang mga sinasabi. Walang galit na mararamdaman kay Mallory.
"Hindi ako nagsising ako ang nakatadhanang maging kabyak ng buhay mo at gano'n na rin ang mapunta sa ganitong tadhana. Ang isa lamang na pinagsisisihan ko ngayon ay ang lamat na maaari kong maiukit sa puso mo sa paglisan ko..." pahayag naman ni Mallory.
Ang liwanag na nagmumula sa kabilugan ng buwan ay nagpapahiwatig na kailangan nang mangyari ang dapat na mangyari. Kahit na ayaw ko iyong panoorin ay kailangan kong manatili dahil kahit sa huling sandali ay gusto kong masaksihan si Mallory siya tuluyang lumisan.
Tumapat ang sinag ng liwanag mula sa bilog na bilog na buwan sa kinatatayuan ni Mallory dahilan upang masilaw kami roon. Pagkaraan ng ilang mga sandali ay nasa palad na niya ang ginintuang kopita na naglalaman ng hindi maipaliwanag na sumpa. Kung anuman iyon ngayon ko lamang ito masasaksihan. Isa ito sa maidadagdag sa kasaysayan ng Vladian. I am honored to be a part of this historical event.
"Ipangako mo sa aking bubuhayin mo si Lind at ipangako mo ring lagi kang nakangiti..." mapait na utos ni Mallory.
"Mangako ka, Damien..." aniya na hindi naitago ang luhang kumislap pababa ng kanyang pisngi.
Imbes na sumagot si Damien ay lumapit siya sa babaeng kabyak ng kanyang buhay at dali-dali itong hinalikan ng pagkatamis-tamis. It is their romantic yet sad last kiss. Nakalulungkot lamang.
Nakita namin ang paghihiwalay ng kanilang mga labi gano'n na rin ang pagtungo ng ulo ni Damien papunta sa leeg ni Mallory. Tumubo ang kanyang matutulis na mga pangil at walang sinayang na oras. The Overlord marked his fated bride. Nang lumayo nang bahagya si Damien ay dumaloy ang sariwang dugo mula sa leeg ni Mallory patungo sa isinumpang kopita hanggang sa mapuno iyon at umapaw.
"Drink it, my love..." utos ni Mallory.
Kahit na labag sa kalooban ni Damien ay inabot niya iyon at nang makuha na niya ito nang tuluyan ay saka tuluyang nawala ang buhay ni Mallory dahilan upang humagulgol na naman kaming lahat. Nang inumin ni Damien ang dugo ni Mallory sa kopita ay biglang nawala ang sinag ng liwanag nagmumula sa bilog na buwan. Natatakpan na ito ng mga nagtipun-tipon na mga makakapal na ulap.
Nagpaikot-ikot ang kaulapan sa itaas at biglang bumagsak ang napakalakas na kidlat sa kanyang kinatatayuan. Ang matinding nararamdaman naming kapangyarihan sa kanya ay mas nakakakaba ngayon. Ramdam na ramdam ko ang malalakas na pagkabog ng puso ko. Ilang mga sandali ay nawala ang liwanag at tumambad sa amin ang totoo niyang anyo.
Nagbago ang kasuotan ni Damien. Nakikita na namin ngayon ang kanyang nakakapangilabot na malalaking pakpak na sobrang itim at naroon din ang kanyang sungay habang nasa gitna nito ang gintong marka. Nang lumapat ang mga paa niya sa lupa ay ipinitik niya ang kanyang daliri at tumungo ang gintong liwanag sa walang buhay na si Lind. Sa isang iglap ay lumutang ang katawan niya at gumalaw. Namangha ako nang makitang nagtaas baba ang dibdib niya.
Gaya nang ipinangako niya kay Mallory ay nabuhay si Lind subalit nang subukan niya ang kapangyarihan niya sa walang buhay na si Mallory ay walang nangyari dahil namamalagi sa katawan ni Mallory ang sumpa ng kopita. Walang nagawa si Damien kundi ang buhatin ito at maghalo sa aming mga paningin. Pagkaalis na pagkaalis niya ay nagbalik sa dating anyo ang battle arena. Nang lumabas kami ng akademya ay mas pinatibay pa niya lalo ang harang ng paaralan.
Ngayong tuluyan nang nagbalik ang Overlord ay tiyak na muli niyang ibabangon ang Vladian. Subalit hindi namin magawang magdiwang o magsaya dahil sa pagkawala ni Mallory. Naroon ang kanyang katawan subalit wala itong buhay maliban sa sumpang nananalaytay sa kanyang katawang lupa. Nakabalik na ang Overlord subalit kinuha sa amin ang isang nilalang na mahalaga sa amin.
'The Overlord has finally awakened...'
THE END

Komento sa Aklat (362)

  • avatar
    CabaseChad

    hi guys

    05/08

      0
  • avatar
    Joey Ontong

    maganda ang kwento

    07/08/2024

      0
  • avatar

    good

    14/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo