Homepage/The Awakening (Filipino)/
Punishment
Steve
"Ano'ng nangyayari?"
"What's this soothing magic circle?"
"Ano'ng binabalak ng faculty?"
"Hindi lamang ito isang uri ng mahika... Isa itong mataas na antas ng kapangyarihan na nangangailangan ng malakas na porsyento ng lakas upang maisagawa lamang... Ang portalis!"
"Bakit naman nila gagawin ito? Anong dahilan?"
"What the heck? Hindi mo pa ba naiintindihan? The Prince has berserked! Kailangan nila tayong ilikas!"
"OMG! Seriously? Kaya ba gano'n na lang ang laban nila? Magpapatayan ba sila?"
Ilan lamang 'yan sa mga naririnig ko habang nakataas ang mga kamay ko. Nangangalay na nga rin ako dahil may katagalan ang proseso nito. Ilang sandali pa lamang ay maililikas ko na sila nang saganon ay hindi sila magamit ng prinsipe sa masama nitong balak.
Hindi kaagad namataan ang pag-atake sa akin ni Haring Galac buti na lang at narito na sa tabi ko si Lord Damien at sinangga ang atakeng iyon ni Haring Galac.
"Y—you!?" he exclaimed while his eyes were widely open.
"Ano'ng binabalak mo? Hindi pa ba sapat na isinakripisyo mo ang buhay ng anak mo upang maisakatuparan ang mga masasangsang mong plano?" seryosong tanong ni Lord Damien, hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin.
"S—sino ka? Bakit mo nasasangga ang kapangyarihan na mula sa dakilang si Barus?" nanglalaki pang tanong ni Haring Galac.
Napaismid si Lord Damien. "Hindi ba dapat ay kilala mo na ako matapos kong sanggain ang kakarampot mong kapangyarihan?"
Hindi ko man nakikita ang pagmumukha ni Lord Damien ay tiyak akong naroon sa kanyang mukha ang hindi ko nanaising makita sa tanan ng buhay ko. I haven't see him berserk in front of me. Lahat ng laban niya ay naroon ako pero kailanman ay hindi ko siya nakakitaan ng matinding galit. Kung ito na 'yon ay hindi ko gugustuhing masaksihan.
"Lapastangan! Magtatanong ba ako kung kilala kita?" halos lumuwa na ang mga matang bulyaw ni Haring Galac pero hindi nagpatinag si Lord Damien at nananatiling mahigpit ang kapit sa palapulsuhan ng hari.
"Kung gayun ay magpapakilala ako..."
Iyon lamang ang sinabi ni Lord Damien nang biglang humangin dito sa aming kinaroroonan. Hindi pa rin niya binibitiwan si Haring Galac na makikitang nagpupumiglas. Maliban sa akin ay gano'n din ang lapastangan na hari, nasisilaw siya sa matingkad na liwanag na nagmumula sa kinatatayuan ni Lord Damien.
Unti-unti kong nakikita ang paglawak ng kanyang mga mata habang nakamasid sa gawi ni Lord Damien. Nakaawang ang kanyang mga labi na tila pinipigilan ang sarili na mabigkas ang pangalang hindi niya gustong marinig.
Nang paunti-unting humina ang napakatingkad na gintong liwanag ay lumitaw ang pagbabagong kasuotan ni Lord Damien. Ang kanyang itim na makapal na talukbong ay mas humaba at ang kanyang kutis ay naging mas maputla. Nang lingunin niya ako ay nakita ko agad ang markang nagpapatunay na siya ang Overlord, naroon sa kanyang noo ang gintong marka.
Lumaylay ang balikat ko at bumagsak sa upuan nang matapos kong magampanan ang tungkulin kong mailikas ang mga mag-aaral sa labas ng akademya roon sa malawak na open field. Tila nawala ang kalahating porsyento ng kapangyarihan ko at kailangan kong magpahinga ng ilang araw subalit naalala kong naroon pa rin sa entablado sina Mallory at si Prince Groma.
Ang anim na Clan Leaders ay naroon at hindi umaalis sa kanilang pwesto pare-parehong nagugulat sa mga nangyayari. Nakatayo na sila roon. Ang paningin ng iba ay narito sa kinaroroonan namin habang ang iba naman sa kanila ay nasa entabladong wasak na wasak na. Hindi na rin nagawang buuhin pa ni Shield ang simburyo dahil nailikas ko nang tuluyan ang mga mag-aaral.
Prinotektahan ng mga Elders si Headmaster gano'n na rin ang mga faculty. Napansin ko ang paghinto niyong si Groma sa pag-atake kay Mallory dahil napansin niya ang hindi matatawarang kapangyarihan ni Lord Damien. Si Mallory ay nanghihina na rin at gano'n na rin ako. Mula roon sa pwesto ni Groma ay hinawakan niya nang mahigpit ang kanyang sandata at sa isang iglap ay inatake si Lord Damien subalit gano'n na lamang ang panglalaki ng mga mata namin nang makita sa harapan ko si Lind na sinangga ang napakalakas na atake.
Tumalsik ang sariwang dugo rito sa kinaroroonan namin dahil sa pagsaksak ng espada sa kanyang sikmura. Hindi mapigilan ni Mallory at ng mga kasama niyang mapahiyaw sa gulat. Pero kahit na ganoon ay nilingon ni Lind si Lord Damien habang nakangiti ito.
"Tatanawin kong malaking utang na loob ang pagligtas mo sa akin at ang simpleng pagkamatay kong ito ay kulang pa upang masuklian iyon—"
Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil umubo na rin siya nang dugo habang tumatagas sa kanyang sugat ang kanyang kapangyarihan. Hindi ko mapigilan ang hindi lumuha rito sa aking kinasasalampakan. Tangina! Wala man lang akong nagawa!
Sa isang hampas ng kamay ni Lord Damien ay tumalsik ang nanglalaban na Hari, tumama ito sa kalapit na makapal na pader at kaagad na nawalan ng malay habang ang prinsipe ay tuluyan nang nilamon ng itim na mahika. Sinasakop na rin ang kanyang mga mata dahilan upang mabulag siya sa kasamaan.
"K—kung mabibigyan pa ako ng isa pang pagkakataong mabuhay ay muli ko itong iaalay hanggang maubos ang tyansa kong maisilang dito sa mundong ito..." maluha-luha niyang salaysay.
Hinugot ni Groma ang kanyang mahabang espada at balak sanang atakihin si Lord Damien subalit gaya ng nangyari sa kanyang ama ay tumalsik lang din siya pabulusok sa entablado.
Habang sinalo naman ni Lord Damien si Lind sa kanyang mga bisig habang makikita ang nalulungkot niyang mukha. Nakikita ko rin ang pag-iyak na paglapit ng limang Clan Leaders, lalong lalo na si Yvon na mas pinakamalapit ang kalooban kay Lind.
"L—lind...b—bakit mo naman iyon ginawa? Alam mo namang kayang kaya na sanggain ni Damien iyon..." nagtatangis na pahayag ni Yvon.
Sumasang-ayon ako sa sinabi ni Yvon dahil wala namang epekto iyon kay Lord Damien maliban na lamang kung ang tatamaan ng atake na iyon ay mayroong mababang antas ng kapangyarihan. Sa kasamaang palad ay mas mataas ang kakayahan ni Groma sa oras na ito kompara sa mga Clan Leaders gano'n na rin ako at natatanging si Lord Damien lamang ang may kakayahang makatalo sa kanya.
Tumatakas ang napakaraming kapangyarihan ni Lind palabas sa kanyang sisidlan dahilan upang siya ay manghina nang tuluyan. Napangiti lamang siya habang isa-isang tinititigan ang kanyang mga kaibigan.
"Nagpapasalamat ako dahil kayo ang naging pamilya ko..." tumindi ang pag-iyak ni Lind dahilan upang maramdaman ko ang sarili kong luha sa pagbuhos. "I will always be forever grateful..." napapapikit niyang sabi habang umiiyak doon sa kanlungan ni Lord Damien. "Lord Damien...patawarin niyo po ako kung naging pangahas ako sa desisyon kong ito," tiningnan niya si Lord Damien at kinapa ang pisngi nito na mayroong luha.
Napahinga nang malalim si Lord Damien. "H—hindi kita sinisisi sa iyong naging desisyon subalit hindi ka ba magsisisi? Sa mga kaibigan mong maiiwan mo?" sinigurado ni Lord Damien na hindi siya pipiyok dahil sa pagpipigil.
Napakagat sa kanyang labi si Lind at muling ipinasada ang paningin sa kanyang mga kaibigan at kahit na hirap na hirap ay tiningnan niya rin ako. Tinulungan naman akong makatayo ni Shield habang pansamantalang binibigyan ako ng kalakasan.
"Hindi ako nagsisisi sa naging desisyon ko dahil dito sa puso ko ay kailanma'y hindi kayo mabubura..." paliwanag ni Lind at iyon na rin ang huli niyang sinabi matapos mawala nang tuluyan ang liwanag sa kanyang katawan.
Humagulgol nang malakas si Mallory at Yvon. Tahimik namang napapaiyak sina Verone at Hanson habang humihikbi naman si Shield at gano'n na rin ako. Biglang tiningala ni Mallory si Lord Damien. Nakikita ko ang mabuting intensyon sa kanyang mga mata. Nakahawak siya sa malamig na kamay ni Lind habang tumatakas ang luha sa kanyang mga mata.
"Lord Damien..." hagulgol niyang bigkas sa pangalan ni Lord Damien.
Tiningnan siya nito gamit ang napakalungkot na mga tingin. "Hmm..."
"We want to kill him!" gano'n na lamang ang pagkabigla ko nang sabay-sabay na bigkasin iyon ng mga bata.
Nanglaki pa ang mga mata namin ni Lord Damien subalit napahinga lamang siya ng malalim at bahagyang napatango.
"Patayin niyo ang sumasapi sa kanya at iwan siyang buhay. Let him suffer for his unforgivable sin..." sambit ni Lord Damien. Napahinga lamang nang malalim ang limang Clan Leaders at kaagad na nagtungo roon sa entablado kung saan ay naroroon ang nakahandusay na katawan ng prinsipe.
"What are you trying to do with my son!?" nanglalaking ang mga matang sigaw ni Haring Galac subalit muli siyang nawalan ng malay nang sipain ko siya sa kanyang panga nang pagkalakas-lakas.
"Putangina! Manahimik ka!" murang sigaw ko sa galit.
Ilang sandali pa lamang ay nakaramdam na naman ako ng napakalakas na kapangyarihan. Nang lingunin ko ang entablado ay napalibot na ang limang Clan Leaders sa katawan ni Prince Groma. Naroroon pa rin ang kadiliman sa kanyang katauhan subalit wala itong magawa dahil nakakulong na siya sa pwestong iyon.
Lumutang sa hangin ang limang Clan Leader habang nakatapat ang kanilang mga kanang palad sa tapat ng kanilang mga puso. Iba't iba ang kulay na makikita roon. Habang ginagawa iyon ay tinawag nila nang salitan ang kanilang mga soul weapon.
"Kertia!" bigkas ni Mallory.
"Tulungan mo akong magapi ang kadiliman sa puso ng nilalang na ito! Kailangan kita, Ortho!" sigaw ni Hanson.
"Lend me your power, Death Scythe!" Verone summoned.
"Provide me the power I need. Amore!" pagtawag naman ni Yvon.
"Guide me, Nyx!" sigaw rin ni Shield sa kanyang soul weapon.
Mula sa kanilang paglutang ay lumitaw ang iba't ibang kulay ng kanilang mga magical circle habang naroon sa kanilang paanan ang walang magawang si Prince Groma. Lumipad patungo sa gitna nilang lahat si Lord Damien. Pagkalutang niya roon ay kaagad na lumitaw ang gintong magical circle sa kanyang kinatatayuan habang ang kanang kamay ay nasa tapat ng kanyang puso.
"Ngayon ko na lamang ito masasaksihan..." rinig kong wik ani Headmaster.
"Ito ho ba ang purification?" tanong ni Ruiz. Napatango naman si Headmaster.
"Sa ilang taon kong pamumuhay rito sa akademya ay ngayon ko na lamang masasaksihan ang matinding kapangyarihan na ito na tanging ang mga kasapi lamang sa kaharian ng Coven ang may kakayahang gumamit... Siya ang tunay na Overlord gano'n na rin ang kanyang mga alagad na Clan Leaders..." mahabang salaysay pa ni Headmaster dahilan upang mapahinga ako ng maluwag.
Sa tagal ng labanan kanina ay hindi ko napansing hapon na pala pero hindi iyon ang pinangangambahan ko dahil ngayon gabi mangyayari ang kabilugan ng buwan. Tiyak akong alam iyon ni Lord Damien. Hindi na dapat iyon mangyayari kung walang namatay sa mga Clan Leaders. Hindi na dapat niya itutuloy ang proseso. Tangina!
Bumalik ang diwa ko sa entablado. Hindi ko alam kung tatawagin pa bang entablado iyon kung ang nakikita ko lamang ay puro mga pagkawasak. Halos wasak na wasak na nag battle arena dahil sa nangyaring hindi inaasahan. That Kind should pay for this!
"Ultimate magic! Purification!"
Pagkabigkas na pagkabigkas niyon ni Lord Damien ay nagtipun-tipon ang mga liwanag sa sentro na kinaroroonan ni Lord Damien. Napakagandang pagmasdan. Lumakbay ang liwanag sa kanyang kinatatayuan at sa isang pitik ng kanyang mga daliri ay bumulusok ang anim na kulay na gawa sa pinagtipun-tipon na mataas na antas ng kapangyarihan na kung susumahin ay nasa ikasampung antas.
Nang marating ng liwanag ang katawan ni Prince Groma ay lumutang ito. Nakikita namin ang pagkakatunaw ng kadiliman sa kanyang katauhan at ang mas nakamamangha pa roon ay naghihilom ang kanyang mga sugat. Hindi nagtagal ay nawala ang mga magical circle gano'n na rin ang matinding liwanag at kapangyarihan. Bumalik sa makulimlim ang paligid namin.
Lumapag sa sira-sirang entablado ang anim na makapangyarihang nilalang habang tinatanaw ang paggalaw ng katawan ni Prince Groma. Dumating din ang guwardiya ng akademya at iginapos gamit ang anti-magic item ang hari gano'n na rin ang nagkakamalay na si Prince Groma.
"A—ano'ng nangyayari? Sino kayo? B—bakit niyo ako iginagapos!? Hindi niyo ba alam kung sino ako!?" subalit nanglaki ang mga mata niya nang makita ang walang malay niyang ama na tulad niya ay nakagapos din.
"A—ano'ng nangyayari? B—bakit wala akong maalala?" nagsimula siyang mag-alala.
Humakbang si Lord Damien sa kanyang harapan at walang anu-ano'y sinampal niya ito nang pagkalakas-lakas upang tumalima ito sa kanyang paghihistirikal. Galit na napatitig si Prince Groma sa gawi ni Lord Damien. Pero napasinghal lamang si Lord Damien habang tinatanaw ng kanyang nangliliit na mga mata ang kaawa-awang si Prince Groma.
Lord Damien extended his two arms up high and spoke, "To the power granted to me as King of all Kings here in Orbis as well as my possesion of power equal to that of the mighty beings in the Kingdom of Naphylim. You, Groma Kamirutt as well as your pernicious father, Galac Kamirutt, I am inflicting you the punishments that will etch in your memories as long as you live. Your royal position will be revoked and nullified and you will serve the people who you enslaved!"
Pagpapataw sa kanila ni Lord Damien ng kanilang kaparusahan. Kung ako ang tatanungin ay kulang pa iyon upang palitan ang buhay ni Lind. Pero imposibleng mapalitan nila iyon kahit na buhay pa nila ang kuhanin ni Lord Damien. Sa napapansin ko ay ayaw niya ng dahas. Malaki na talaga ang ipinagbago niya.
Nanag ianunsyo iyon ni Lord Damien ay saka naman lumapit ang umiiyak na si Mallory. Nanginginig ang mga kamay niyang hinagkan ang kamay ni Lord Damien. Tinanaw siya ni Lord Damien at gano'n na lamang ang pagsisisi niya dahil tila naiintindihan na niya sa mga mata ni Lori ang nais nitong iparating.
"M—may alam akong paraan upang maibalik sa buhay si Lind..." nauutal niyang sabi habang humihikbi dahilan upang mapako ang mga paa ko habang nanglalaking napatingin kay Mallory.
'No! Hindi! Lord Damien must decline!'I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (362)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
hi guys
05/08
0maganda ang kwento
07/08/2024
0good
14/04/2024
0Tingnan Lahat