Possessed

Damien
"Ang talino niya sa part na 'yon..." narinig kong sambit ni Lind habang nakahalukipkip ito.
"Kung iisipin ay iyon lamang din kasi ang natatanging paraan upang matalo niya ang switch pero ang mas nagpamangha sa akin ay 'yong pagdedesisyon niyang tamaan nang tamaan ng mga malalakas na atake ang katawan ni Jane na sa katotohanan ay katawan niya upang maisagawa niya ang kanyang plano," mahabang salaysay ni Shield.
Napapatango naman si Verone, Hanson at Mallory dahil sa paliwanag ni Shield. Kahit papaano ay may mga natututunan din sila sa palaro. 'Di ko na kailangan pang magsayang ng laway upang ipaliwanag sa kanila ang mga nangyayari sa laban.
"Pinahina niya ang kanyang katawan na naroon kay Jane upang saganon ay magkaroon ng malaking pinsala ang matatamo nito kapag inatake na niya mismo ang sarili niya. Kita naman nating lahat kung papaano niya paulit-ulit na inatake ang katawan niya..." pahayag naman ni Lind.
"Ang taas ng kompyansa niya sa sarili habang hindi nalalaman kung ano talaga ang pinaplano ko una pa lamang. Siguro ang alam niya ay hindi ko napansin ang kamayan namin. Ang akala niya siguro ay hindi ko naramdaman ang pagpapalit niya ng katawan namin..." rinig naming wika ni Yvon na hindi man lang napansin ng mga kasama namin.
Napatahimik sila at pinanood na naupo si Yvon sa kanyang kinauupuan. Rinig na rinig pa rin naman namin ang mga sigawan at hiyawan ng mga mag-aaral pero nasa mga kasama ko ang atensyon ko.
"Napakahusay mo, Ate..." masiglang puri ni Hanson kay Yvon dahilan upang mamula ang mga pisngi niya.
"Para kang timang diyan!" impit na sagot ni Yvon at hinampas ng mahina ang kasama naming bata. Napailing na lamang ako dahil sa pagbabago niya ng kanyang mood.
"The real Yvon came back to her senses," Shield spoke while haulting himself to burst in laughters but he is too weak. Naging matunog ang kanyang pagtawa. Inis siyang nilingon ni Yvon at sinamaan ng tingin.
"The heck!?" exclaimed Yvon.
Nagtawanan na lamang silang lahat dito sa bleacher namin maliban sa akin pero napatawa rin ako nang mahina nang sikuhin ako ni Mallory. Sakto rin nang makita naming lahat ang paglitaw ng litrato niya sa projection kasama ang kanyang katunggali na si Prince Groma.
"This is it!"
"Isa ito sa mga inaabangan kong laban! Kailangan ko na yatang mag-refill ng popcorn!"
"Hayan na! Ilampaso mo, Mallory!"
Kanina ko pa pinipigil ang sarili kong hindi matawa subalit kahit na pigilan ko pa ay talagang natutuon ang atensyon ko sa mga mag-aaral na sobra-sobra kung magmalabis sa kanilang mga sinasabi. Ayaw kong magmukhang pangahas pero mapipigil ko ba? Pft!
Bago umalis si Mallory sa kinauupuan namin ay napansin ko ang pag-iilaw sa bandang dibdib niya. Pinigil ko muna siya sa pamamagitan nang paghawak sa kanyang palapulsuhan. Nilingon niya ako na may namumulang pisngi.
"B—bakit?" hindi makatinging utal na tanong niya sa akin.
Muntikan ko nang sabihin sa kanya ang gusto kong sabihin nang maalala kong 'wag na muna ngayon. Pero nang magising ako sa katotohanang nakatingin ako sa dibdib niya ay gano'n na lamang ang pagtiklop ko sa kahihiyan dahil maski siya ay napapahiyang napapatakip doon sa kanyang kalakihang hinaharap. Napapalunok ako napalihis ng tingin. Hinay-hinay kong binitiwan ang kanyang kamay.
"W—wala..." nauutal kong sagot na hindi rin makatingin sa kanya dahil sa kahihiyan.
"Bakit kaya siya nakatingin sa dibdib ko? Ano'ng binabalak niya? Stop! Hindi ko ma-imagine! Takte!"
Halos mabingi ako rito sa aking kinauupuan nang isigaw niya iyon sa nakabukas niyang isipan nakita ko rin ang pagtatakip ng tenga ni Steve. Tiyak na narinig niya rin ang nakaririnding diwa ni Mallory. Nilingon naman ako ni Steve na may masamang mga tingin.
"Hindi 'yon gano'n, Steve..." prente akong napahing nang malalim habang sinasabi 'yon sa isipan ko.
"Ano sa tingin mo, Kamahalan ang iisipin ko?" magalang na tanong niya kahit ramdam ko naman ang namumutawing galit tungo sa akin.
"Bahala ka diyan! Masyado kang malisyoso tulad ng kinikilala mong anak!" inis kong tugon at isinara na muna panandalian ang isipan ko upang maging pokus sa laban ni Mallory.
"Hindi ko alam kung sino sa kanila ang susuportahan ko," rinig ko na namang sambit ng isa sa mga manonood.
'Ayos lang kung hindi sila makapili, hindi naman din namin kailangan ang kanilang suporta lalo na kung pilit lamang iyon.'
Nabuo na nang tuluyan ang simburyo na mas pinakapal pa ng mga faculty. Idagdag pa ang nakaririnding mga sigawan ng mga manonood lalong lalo na ang kanilang pagkasabik. May mga naririnig akong mga nagpupustahan kung sino ba ang mananalo. Napangisi na lamang ako. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-ismid ng hari roon sa kanyang kinauupuan habang nakadungaw sa entablado.
Mayroon siyang mataas na antas ng itim na mahika kaya ay hindi ko mabasa ang kanyang kaisipan. Hindi ko alam kung paano naaatim na makatabi ni Steve ang gano'n kalansang nilalang. Magtataka pa ba ako kung sa katotohanan ay ibinenta niya ang kalulwa niya sa kadiliman? Kung gano'n ay hindi ko sasayangin ang oras kong magtungo roon sa Liddem upang isalba siya sa kamay ni Conqueror Barus. That is his name.
'Kung tatanungin ako kung bakit ako nagpasyang isalba si Tarius ay dahil iyon sa mga mabubuting ambag niya rito sa Coven. Iyon ang naging kabayaran upang magdesisyon akong muli siyang buhayin.'
"Kertia..." rinig kong pagtawag ni Mallory sa kanyang soul weapon.
Bumuo ang magic circle sa kinatatayuan ni Lori. Hindi nakasisilaw ang kahel na kulay roon sa kanyang pwesto subalit ang nakakakuha ng atensyon sa lahat ay ang kanyang umuusbong na napakalakas na enerhiya. Hindi naman maipinta ang mukha ni Prince Groma roon at tinanaw roon sa taas ang kanyang amang Hari. Tinanguan lamang siya nito.
"Ruins!" pagtawag naman niyong Prinsipe sa kanyang sandata.
Naningkit ang mga mata ko nang makaramdam ng hindi maipaliwanag na antas ng kapangyarihan mula roon sa kanyang sandata. Napapansin ko ang itim na usok na pumapalibot sa Prinsipe, kahit na gano'n ay hindi natatabunan ang kapangyarihan ni Mallory pero nakuha pa ring mabigla ni Mallory roon sa kanyang pwesto gano'n na rin kaming narito sa bleacher at si Steve gano'n na rin ang iba pang mga Elders. Nakahalukipkip na roon sa kanyang pwesto ang Hari na parang alam na alam na kung sino ang mananalo sa laban na ito.
Pagkurap ng mga mata ko ay kaagad silang umatake. Nabiyak ang kongkretong sahig dahil sa lakas ng kanilang pwersa. Sa isang iglap ay nagsagupaan ang talim ng kanilang mga sandata. Nag-aalab sa kulay kahel ang sandata ni Mallory habang naglalagablab naman sa itim na enerhiya ang espada ni Prince Groma.
Mabibilis ang kanilang mga pagkilos na halos ako na lamang ang nakakasabay roon. Tanging ang mga kalansingan na lamang ang naririnig ng mga manonood. Hindi ko mapigilang hindi mangamba kay Mallory.
Just a moment later, the two of them parted ways. Both gasping. Hindi naman ganoon katagal ang laban nila pero parang napakaling pinsala na ang natamo nila sa isa't isa. Is the black magic from Liddem really that strong? Paano nito napapantayan ang soul weapon na ako mismo ang gumawa? Tiyak akong may basbas ang mga 'to sa kataas-taasang poon gano'n na rin ang pinuno mula sa kaibuturan ng kadiliman, si Conqueror Barus.
"Ano'ng klaseng kapangyarihan 'yan?" hinidi makapaniwalang tanong ni Mallory.
Nakikita ko ang kanyang paghihingalo gano'n na rin ang natamo niyang pinsala mula roon sa sandata ni Groma. Ayon sa nakikita ko ay kaya niyong kumitil ng libu-libong buhay pero nakakayanan ni Mallory ang mapantayan iyon dahil mas kalakasan din ang soul weapon niya.
"Ha ha ha! Nabibigla ka yata?" malademonyong pagtawa ng nagmamataas na si Groma. I'm done with my formalities toward him.
Hindi pa man nakasasagot si Mallory ay muli na namang umatake si Groma. Walang ibang ginawa si Mallory kundi ang dipensahan ang bawat atakeng natatanggap. Hindi siya makagawa ng atake dahil pinalilibutan siya ni Groma habang umaatake. Sa kung saan-saan siya humaharap.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit hinahayaan ko kayong maliitin ako sa harapan ng karamihan?" rinig kong tanong ng Prinsipe kay Mallory dahilan upang pangliitan ko siya ng mga tingin. Pero nanatiling bukas ang pakiramdam ni Mallory upang mapaghandaan ang muling pag-atake ni Groma.
"Dahil pinaghahandaan ko ang araw na ito upang tuluyang magamit ang kapangyarihan ko!" sigaw ni Groma at muling inatake si Lori. Muling naghampasan ang kanilang mga sandata.
Bawat hampas ay nakagagawa ng malakas na impact dahilan upang magkaroon ng bitak-bitak ang simburyong pumoprotekta sa mga manonood. Paulit-ulit lamang niya iyong ginagawa habang nakaaawang dumidipensa si Mallory. Nakaramdam ako ng mas malakas na enerhiya, hindi iyon nagmumula sa sandata ni Groma kundi sa mga manonood.
Napapansin ko ang itim na usok mula sa kanilang itaas na lumilipad. Nagtitipon at nagiging makapal na hibla at lumalakbay papunta sa katauhan ni Groma. Tama! Kinukuha niya ang emosyon ng mga manonood. Ang emosyong iyon ay gawa sa takot at pangamba. Kaya mas lalong lumalakas si Groma. Narinig ko rin ang pagkakabasag ng simburyo dahilan upang tingnan ko si Shield.
"Kapalan mo pa lalo ang simburyo, Shield..." utos ko na ikinakilos niya kaagad.
"Masusunod..." aniya at tumayo.
"Nyx!" lumitaw ang kanyang kalasag.
Gumawa ng matingkad na liwanag na kulay berde ang kanyang kalasag. Lumipad iyon patungo sa wasak-wasak na simburyo at sa isang iglap ay nabuo itong muli. Mas matibay kaya gano'n na lamang ang pagkamangha ng mga faculty na nagpapakahirap na maayos ang simburyo kanina.
"Sumusuko ka na ba, Mallory? Hindi iyon maaari dahil kahit na sumuko ka pa ay titiyakin kong walang matitirang hininga riyan sa katawan mo!" puot na bulyaw ng prinsipe roon sa entablado.
Nakita ko ang pagkataranta ni Headmaster pero kinausap na siya ni Steve dahilan upang tumalima ito roon sa kanyang kinauupuan habang naroon naman sa kanilang gitna ang natutuwang si Haring Galac. Nagugustuhan niya ang napapanood na palabas. Napakuyom ako dahil sa inis.
Mula sa pagkakatukod ng isang tuhod ni Mallory sa sahig ay hinay-hinay siyang tumayo habang laylay ang isang braso niya. Nanginginig iyon at tila hindi niya maigalaw.
"Wala sa bukabularyo ko ang salitang 'yon. Magkakamatayan tayo rito," seryosong sambit ni Lori.
Muling napahalakhak sa galak si Groma dahilan upang magpintig ang mga tenga ko. Nagsisimula na ring magkaroon ng maiitim na ugat doon sa kanyang leeg patungo sa kanyang pisngi. Naalala ko si Tarius dahil doon. Kung hindi niya iyon malalabanan ay tiyak na sasakupin ng kadiliman ang kanyang katauhan.
"Split up!" bigkas ni Mallory dahilan upang umilaw ang kanyang sandata.
Nagliliwanag ang kanyang sandata habang nahihiwa iyon sa dalawang pares. Naging puti ang isa habang itim naman ang isa. Nagbago rin ang enerhiya ni Mallory, naging lamang lamang siya ng kaonting porsyento.
Umatake si Mallory kasing bilis ng kidlat. Nasasangga ng walang kahirap-hirap ni Groma ang kanyang mga atake kaya nagiging wala iyong saysay pero nagpatuloy lamang si Mallory dahilan upang magkaroon na naman ng bitak ang harang na ginawa ni Shield. Muling ikinaway ni Shield ang kanyang palad at naayos muli ang harang.
"Ano'ng nangyayari sa Prinsipe?" tanong ni Lind.
"He's been possessed..." sagot ko dahilan upang lingunin nila ako na may nanglalaking mga mata.
"Ano!?" sabay-sabay nilang hasik.
Ang takot at pangamba sa paligid ay mas kumakapal dahilan upang mas lumakas pa lalo ang enerhiya ni Groma. Nagsimula na akong mag-alala para sa kapakanan ng lahat. Napatayo ako at dinapuan ng tingin si Steve, tinanguan naman niya agad ako nang makuha ang gusto kong iparating.
"Portalis!" rinig ko na ang pagsambit ni Steve sa makapangyarihan niyang teleportation magic.
Nagkaroon ng liwanag sa bawat inuupuan ng mga mag-aaral. Dahil iyon sa magical circle na mula sa kapangyarihan ni Steve. Alam kong manghihina siya pagkatapos niyon. Agad akong naglaho at lumitaw sa kinaroroonan ni Haring Galac nang atakihin niya si Steve na abalang ginagawa ang kanyang trabaho.
"Y—you!?" hindi makapaniwalang utal na sigaw niya nang sanggain ko ang naglalagablab na itim na enerhiya na kanyang palad.
Wala iyong epekto sa akin dahil mas lamang ako sa kakayahan kompara sa kanya. Sa paraan pa lamang ng kanyang pagtitig sa akin at sa pagsangga ko sa kapangyarihan niya ay napagtanto na niya kung sino ako. Paano? Dahil ako lamang ang tanging may kakayahang sumangga sa ataking iyon.

Komento sa Aklat (362)

  • avatar
    CabaseChad

    hi guys

    05/08

      0
  • avatar
    Joey Ontong

    maganda ang kwento

    07/08/2024

      0
  • avatar

    good

    14/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata