Cunning

Mallory
Another day, another thrilling fight to witness. Walo na lamang kaming natitira sa labanan. Walo na lamang kaming mga kalahok na kailangang magharap-harap. Mayro'n na kaming dalawang panalo at isang talo, hindi na iyon masama dahil madali lamang kaming makababawi.
Narito na naman kami sa battle arena at ito ang ikalawang araw ng palaro. Gaya ng naririnig ko sa mga mag-aaral ay maaaring hindi umabot hanggang sa ikalimang araw ang palaro dahil walo na lamang ang mga kalahok na maglalaban at pagkatapos niyon ay awarding ceremony na.
Kung gayun ay makahihinga na rin kami nang maluwag. Sa totoo lang ay inaasahan ko ring matatagalan kami sa laban pero nakabibiglang malalakas ang mga naging katunggali ng iba. Ang nangungulelat sa linya ay ang seksyon ng mga Alpha. Hindi ko naman masisisi ang ibang mga kalahok kung gusto nilang magwagi. Nasa alab kasi 'yan ng damdamin lalo na kung pursigido silang manalo sa laban.
Naalala ko 'yong nangyari kagabi. Iyong pagdating ng mga hindi inaasahang bisita mula sa Yeben. Nakakapanindig balahibo sa kaba dahil namumutawi sa kanila ang kapangyarihan ng liwanag. Natural na iyong kanilang pagkinang dahil nasa kanila ang basbas ng kataas-taasang poon lalong lalo na ang Cardinal na iyon na nag-uumapaw sa sagradong kapangyarihan.
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa at sisimulan na agad-agad ang naudlot na palaro kahapon..." anunsyo ng tagapahayag at agad na lumitaw ang projection sa gitnang bahagi ng entablado.
Hindi na ako nagulat nang lumitaw ang mukha ni Verone at ang kanyang makakalaban na si Hanes mula sa Gamma Class. Nakarinig na naman kami ng malalakas na hiyawan. Hindi ko mawari kung sino ang kanilang pambato.
"Paano ba 'yan? Ako ang makahaharap mo sa labang ito..." nagmamayabang na salaysay niyong si Hanes na nag-fle-flex pa ng kanyang biceps. Tss! Naturingan ding mahangin ang isang ito.
"May pagpipilian ba ako? Kung alam ko lang na isang pipityugin ang makahaharap ko ay sana umatras na lang ako," sarkastikong sagot naman ni Verone, kung hindi niya makayanan ang kayabangan ni Hanes ay maski na ako. Pipiliin ko na lamang na tumumba kaysa magpatangay sa kahanginan niya.
"Ano pa nga ba?" tatawa-tawang sagot ni Hanes at bigla na lamang sumeryoso. "Simulan na natin nang matapos na ito agad. Hindi ako mangangako na hindi ka masasaktan dahil—"
Pare-parehong nanglaki ang mga mata ng lahat maliban sa aming mga kasama ni Verone. Normal na sa amin lalo na sa akin ang bilis niya. Daig pa yata ang hangin sa bilis kung gumalaw ang babaeng iyon. Aaminin kong nahirapan din ako sa labanan namin noon sa harap ng bahay ni Damien.
"'Wag puro satsat," madiing sambit ni Verone na naroon na sa likuran ni Hanes.
Iniangat niya ang kanyang mga kamay at binigkas ang pangalan ng kanyang soul weapon, "Death Scythe..."
Lumitaw ang pagkalaki-laki niyang lingkaw na nakahanda nang pumugot sa ulo ni Hanes. Napahinga ako ng malalim nang kaagad siyang nakaiwas sa atake ni Verone mula sa likuran niya. Nagkaroon na naman ng malaking pagitan sa kanila subalit hindi nagpadaig si Verone kaya ay muli siyang kumilos nang mabilis patungo sa likuran ni Hanes at muling inulit ang kanyang atake.
Mabilis na iwinasiwas ni Verone ang kanyang karit, sa kasamaang palad ay naiwasan muli iyon ni Hanes subalit hindi niya inaasahang masusungkit nito ang kanyang mga buhok kaya may ilang hiblang naputol.
"Aggressive... I like it," ngising komento ni Hanes dahilan upang magpintig ang tenga ni Verone. Isa iyon sa mga ayaw niya sa mga lalaki, masyadong mayabang.
Hindi pa inilalabas ng tuluyan ni Verone ang kanyang buong kapangyarihan kaya ay nagagawa pang makatakas ng kanyang kalaban. May posibilidad na magamit niya ang kanyang domain expansion pero malaking pinsala ang makakamit niyon. Hindi iyon aprubado para sa akin pero kung iyon lang ang paraan upang matalo niya ang kanyang kalaban ay iyon lamang din ang solusyon.
Naghahabulan lamang sila buong oras at hihinto kapag kailangan nilang lumanghap ng hangin. Pareho silang malakas at maliksi. Hindi ko pa masyadong alam ang kakayahan ni Hanes pero sa nakikita ko ay mayroon siyang kakayahang kumilos ng mabilis.
Lumundag nang mataas si Verone habang nakapuntirya kay Hanes ang karit. Malakas niya itong inihiwa sa hangin patungo sa nakatayong si Hanes subalit gaya ng kanina ay naiiwasan lamang niya ito. Ilang ulit na iwinasiwas ni Verone ang kanyang sandata hanggang sa makaramdam siya ng sobrang pagod.
"Walang panama 'yang mga atake mo sa bilis ko," mayabang na tugon niyong si Hanes habang nakapamewang na pinanonood si Verone.
"Paano e iwas ka nang iwas! Magpatama ka kaya nang humandusay ka diyan! Ulol!" sarkastiko at pasigaw na sagot ni Verone dahil sa inis. Nagtawanan din ang mga nanonood sa kanila dahil sa kanyang mga sinabi.
"Bakit ba? Ang sarap kayang makipaglaro sa'yo, 'no! Mamaya na muna, mag-e-enjoy lang ako..." pamimikon na sagot naman ni Hanes. Hindi siya nagkamali dahil pikon na pikon na talaga si Verone. I feel you, Verone.
Tumindig nang maayos si Verone at naglaho naman ang kanyang karit. Naningkit ang mga mata ni Hanes dahil sa hindi mabasang gagawin ni Verone. Mabilis na tumakbo si Verone patungo sa kanyang kinatatayuan at nagdesisyong atakihin si hanes gamit ang kanyang mga kamao subalit gano'n pa rin, hindi pa rin niya matamaan si Hanes. Lumulundag sila nang mataas, nagtatadyakan at nagsisipaan ng mukha hanggang sa makakuha ng tyansa si Verone.
Kinilatis niya ng maigi ang magiging susunod na hakbang ni Hanes. Kumilos si Verone at inasahan niyang hahakbang si Hanes pakaliwa kaya naman ay napangisi siya. Napatid niya ang paa ni Hanes, dahil sa lakas na mayroon siya ay kinuyumos ni Verone ang kanyang kamao sa suot nitong damit at itinapon sa ere. Lumundag nang pagkataas-taas si Verone at nang mapantayan ang kinaroroonan ni Hanes ay inapakan niya ang katawan nito at parehong bumulusok sa kongkretong sahig.
Hindi pa siya nagsawa ay pinaulanan pa niya si Hanes ng mga sunud-sunod na mga suntok. Ramdam na ramdam ang mga suntok na iyon ng lahat dahil dumadagundong ito sa tuwing tumatama sa mukha ni Hanes ang kamao ni Verone.
"'Wag kang magmayabang," diing sambit ni Verone.
Inipon niya ang ilang mga kapangyarihan niya. Ang liwanag na kulay lila ay naging mas maliwanag pa sa artipisyal na ilaw rito sa battle arena. Parehong nakaangat ang kanyang mga kamay habang nabubuo roon ang kulay lilang gintong bola.
"Dahil hindi mo ako kailanman matatalo..." dinig ko pang sabi niya at walang anu-ano'y itinapat ang bolang liwanag sa katawan ni Hanes saka siya lumundag palayo.
Gumawa iyon ng pagkalakas-lakas na pagsabog. Nang mawala ang usok ay tumambad sa amin ang walang malay na si Hanes habang naglalakad na paalis ng entablado si Verone na abot-langit ang pagkakangisi.
"Pwe! Mahinang nilalang..." sambit niya nang ihayag na siya na ang nanalo.
Nang makabalik siya rito sa bleacher namin ay wala na siya sa mood. Nakakunot-noo na siya roon at hindi na rin makausap nang maayos. Nagbubunyi ang seksyon namin sa pagkapanalo niya subalit siya itong hindi nasisiyahan. Like what the heck?
"Bakit ka nalulungkot diyan e nanalo ka?" hasik na tanong ko nang lapitan ko siya, inirapan niya lamang akong nagmamaktol doon sa kanyang kinauupuan.
Umungot siya. "Wala..."
"Ang daming arte naman nitong si Ate—"
Hindi natapos si Hanson sa kanyang sasabihin dahil inangilan siya ni Verone dahilan upang mapatawa ako nang mahina.
"Shut up, dwarf!" she angrily said then rolled her eyes.
"Nye! Nye! Ang arte mo!" hasik naman niyong isa pa kaya ay hinawi ko sila at pinaalis sa upuan si Hanson upang tabihan muna si Verone.
"Ginawa ba niyon sa'yo?" tanong ko tungkol sa laban nilang dalawa ni Hanes.
"He remind me of someone..." nakahalukipkip niyang sagot.
Doon pa lamang ay sinasabi na niyang 'wag nang sabihin pa pero naiintindihan ko naman at nasa projection na rin ang mga litrato nina Yvon at Jane na nasa rank 5.
"Sige na balik na ako roon sa upuan ko," paalam ko sa kanya na tinanguan lamang ako. Bumalik ako rito sa upuan ko na katabi si Damien na nakahalukipkip habang pinagmamasdan ang entablado.
Tahimik akong naupo sa kanyang tabi, hindi man lamang nalingat sa akin ang kanyang paningin dahil mukhang iniiwasan niyang madapo ang kanyang atensyon sa akin. What I hate the most is that I can hear his inner thoughts. May mga naririnig akong mga sinasabi ng kanyang isipan na hindi ko maunawaan. Maliban sa intensyon niyang makausap si Steve kahapon ay naririnig ko rin kung nag-iisa lamang siyang nagsasalita roon sa kanyang isipan.
'Malapit na ang kabilugan ng buwan... Kailangan ko ng sabihin sa kanya...'
Isa lamang 'yan sa mga naririnig ko mula sa kanyang isipan. Nasa malayo man siya ay naririnig ko pa rin iyon. And I have this bloodlust everytime he is near. Tulad ngayon, parang gusto ko siyang kagatin sa kanyang nakatatakam na leeg pero hindi ko magawa. I still have my dignity with me and I want to live more.
'Sino ba kasi iyong pagsasabihan niya ng bagay na iyon? Gaano ba iyon kaimportante? May nagugustuhan na ba siya?'
Naiisip ko palang iyon ngayon ay parang binibiyak na ang puso ko. Inaamin ko na, oo, parang pinipisil sa tuwing maiisip ang tungkol doon. Ayaw kong saktan ang sarili ko pero lagi itong pumapasok sa isipan ko. Pakiramdam ko nga ay hulog na hulog na ako. Tangina! Focus, Lori. Tandaan mo na naririnig ka niya!
Bumalik ako sa diwa nang makarinig nang malakas na pagsabog mula sa entablado. At sa ikalawang pagkakataon ay wasak na wasak ang simburyo kaya ay gano'n na lamang ang manghang makikita sa mukha ng mga mag-aaral.
"Shit! Ang lakas niyong Yvon na 'yon!" rinig kong pagmumura ng isa sa mga mag-aaral ng Delta seksyon. Napangiti naman ako nang palihim.
"Kanina ko pa talaga napapansin 'yang mga 'yan! Hindi ba masyadong napakalakas nila upang sumali sa League?" napalingon ako roon sa nagsabi niyon, taga-Gamma Class siya.
"Ayos lang 'yan nang saganon ay hindi na lang lagi ang Alpha Class ang laging nasa taas," sagot naman ng mag-aaral na mula sa seksyon namin. Nang lingunin ko siya ay saka niya ako kinindatan. Narinig din niya pala ang tinuran ng mag-aaral na mula sa Gamma. Nag-thumbs up naman ako upang sang-ayunan siya at saka mahinang napatawa.
Muli akong nagbalik sa panonood dahil nakaramdam ako ng malakas na enerhiya mula roon sa entablado. Gano'n na lamang ang panglalaki ng mga mata ko nang makitang hugutin ni Yvon ang asul na pana na gawa sa purong mahika na mula mismo sa kanyang sisidlan. Naipon ang napakalakas na enerhiya roon na sa tansya ko ay nasa ikapitong antas ng mahika.
"Ayos lamang 'yon, 'wag kang mag-alala dahil hindi naman gano'n kahina ang kanyang kalaban. Tingnan mo..." salaysay ni Damien na nakadekwatro sa tabi ko at itinuro ang direksyon ni Yvon.
Nanglaki ang mga mata ko nang makitang duguan ang kanyang tagiliran. Paano niya napinsala ng gano'n si Yvon? Ano ba talaga ang kakayahan ng Jane na ito? Nangliliit ang mga mata kong isinilay sa kinatatayuan ni Jane. Napakalinis pa rin ang kanyang katawan at walang makikitang galos. Hindi rin siya naghihikahos hindi tulad kay Yvon na tila bugbog sarado.
"Your attack will only backfire on you," Jane boringly uttered as she stood there like she doesn't care what will happen if Yvon's attack reached her.
Hindi ko pa nasasaksihan ang ganitong kakayahan sa personal. Kung ito man iyon ay ito ang una. Switch. Iyon ang tawag sa mga nilalang na may ganitong mga kakayahan. Iyong kaya nilang pagpalitin ang natatamong pinsala ng kanilang katawan sa sinumang nanaisin nila. Upang magawa iyon ay kailangan niyang mahawakan ang kanyang magiging biktima.
'At kailan ba niya nahawakan si Yvon?'
Inalala ko talaga kung kailan niya nahawakan si Yvon at gano'n na lamang ang panglalaki ng mga mata ko nang maalala kung kailan niya nagawang hawakan si Yvon. Naalala ko na! Iyon 'yong nagkamayan silang dalawa upang i-good luck ang isa't isa. She tricked Yvon starting that moment and secretly switching their bodies everytime Yvon make an attack without knowing it.
"Hindi mo ba siya tutulungan gaya ng ginawa mong pagtulong kay Uriel?" nagbabakasakaling tanong ko sa kanya pero wala akong natanggap na sagot. Umiling lamang siya at bahagyang napalunok. He's damn hot!
"Worry not..." Damien spoke. "Alam ni Yvon ang kanyang ginagawa. Magtiwala ka lamang sa kanya..." dagdag pang sabi niya kaya ay napatango na lamang ako at ibinalik ang atensyon sa laban.
Pareho silang nakatayo roon may limang metro ang layo sa isa't isa. Naroon si Jane na walang galos at matiwasay na nakatayo habang naroon din si Yvon na kaonting pinsala na lamang na kanyang matatamo ay matutumba na siya subalit gano'n na lamang ang panglalaki ng mga mata ko nang itaas niya ang kanyang soul weapon upang ipaulan sa kanyang kinatatayuan ang sariling atake.
"What the fuck! Stop that bitch!" pagmumurang suway sa kanya ni Jane na kumaripas ng pagtakbo upang pahintuin sa binabalak ni Yvon subalit huli na siya.
Nagkaroon ng malawak na bilog na gawa sa magic circle ang kinatatayuan ni Yvon at sa isang iglap ay tumama ang lahat ng atake niya sa kanyang pwesto. Nagtaka ako dahil wala man lamang siyang naramdaman ang nakakagulat pa ay ang katawan mismo ni Jane ang nakatatamo ng pinsala. Napahandusay at napatihaya ang paunti-unting napupunit na kasuotan ni Jane dahilan upang maintindihan ko ang nangyayari.
"Hindi ako sino lang upang maliitin mo. May isip din ako..." sambit ni Yvon nang mawala ang kaniyang mga atake sa kanyang kinatatayuan habang ang kanyang katawan ay naghihilom dahil naililipat ang mga atake roon sa katawan ni Jane.
Ginamit niya ang kapangyarihan ni Jane upang matalo niya ito. Tama, ang tanging paraan lamang upang matalo ang switch ay atakihin mismo ang sarili upang ang katawan niya ang magtamo nito. Saka lamang din nababawi ng switch ang kanyang katawan kapag muli niyang nahawakan ang kanyang biktima, buti na lang at matalino itong si Yvon dahil napagtanto niya iyon.
Napahinga na lamang ako nang maluwag matapos ang kanilang laban. Pero sa totoo lamang ay kinakabahan ako dahil kami na ang susunod. Apat na lamang ang natitira. Kami nina Damien at ang Prinsipe gano'n na rin si Lance na parehong nasa Alpha Class. I have to show off my skills, right? Kung gaano kalakas ang Prinsipe ay malalaman iyon 'pag nagsimula na ang laban namin at titiyakin kong mapapasa'kin ang puntos.

Komento sa Aklat (362)

  • avatar
    CabaseChad

    hi guys

    05/08

      0
  • avatar
    Joey Ontong

    maganda ang kwento

    07/08/2024

      0
  • avatar

    good

    14/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata