Homepage/The Awakening (Filipino)/
Imminent
Steve
"Ha ha ha! 'Di ko inakalang gano'n kahina ang pundasyon ng harang sa akademyang ito!"
Nakita ko ang pagkuyom ni Lord Damien nang marinig ang nakaiinis na tawang mula roon sa isang maskuladong binata. Napansin ko naman ang pagsiko sa kanya niyong isang dalaga na nasa tabi niya dahilan upang manahimik siya.
"Manahimik ka..." seryosong sita niya roon.
Nalihis ang atensyon ko sa nakangiting si Cardinal Thalus Formoso na ang mga kamay ay nasa kanyang harapan habang pinagdadaop iyon. Napapansin ko rin ang kanyang kasuotang napakalinis na matingkad na puti na mayroong gintong makapal na sinturon na nakasuot sa kanyang baywang.
Suot din niya ang kanyang ginintuang korona. He's the highest priest of Vladian. Siya rin ang kinikilalang pinuno sa kaharian ng Yeben. Napapatitig lamang siya sa amin habang nakaguhit ang nakakaintimidang ngisi sa kanyang mga labi gano'n na rin ang nagmamataas niyang mga bayani, ang Sacred Heroes.
Mula sa sulok ng aking mga mata ay nakita kong lumabas ang mga estudyante mula sa dining hall dahilan upang unti-unting mapuno ng bulungan ang paligid namin.
"Hindi nasabi ni Headmaster na mayroong bisitang darating mula sa kaharian ng Yeben..." rinig kong bulong niyong isang mag-aaral.
"Magandang gabi, Cardinal Thalus—"
"Lapastangan! Matuto kang yumuko sa mas nakatataas sa'yo!" galit na sigaw niyong isang kasama ni Cardinal dahilan upang magngitngit ako sa galit.
Humakbang ako upang sana ay lumapit sa kinaroroonan ni Headmaster Corneus subalit nakita kong humakbang din si Lord Damien kaya ay napahinto ako. Lumapit si Lord Damien sa tabi ni Headmaster Corneus habang nakaharap kina Cardinal gano'n na rin sa mga kasama niya.
"Ayos lamang ako, Damien..." rinig kong sabi ni Headmaster.
"Humingi ka ng kapatawaran sa ipinakita mong kapangahasan, Red. Ngayon din..." seryosong utos ng Cardinal doon sa binatang bumulyaw kay Headmaster.
Nakita ko ang paglingon ng pitong Sacred Heroes sa gawi ng Cardinal na may nagtatanong na mga mata. Ang ilang sa kanila ay nagngingitngit dahil sa inis subalit wala rin silang nagawa kundi ang manatiling tikom.
"N—nauunawaan ko po..." napahihiyang pagtungo niyong Red. "Paumanhin sa aking ipinakitang pag-uugali..." walang galang na paumanhin niya.
'Kung magaspang ang pag-uugali ng mga mag-aaral dito sa Demon Academy ay mas hindi ko inaasahang may ikagagaspang pa ang mga pag-uugali ng mga Sacred Heroes o baka ito lamang Red ang may kapal ng mukhang sigaw-sigawan ang Headmaster...'
"Ako ang namumuno sa akademyang ito. Ako si Headmaster Corneus Earthly..." pagpapakilala ni Headmaster na hindi nilapatan ng atensyon iyong Red. Hindi nakatakas sa akin ang kanyang pagngitngit. "Hindi ko inaasahan ang inyong pagdating dito sa aming akademya. Maaari ko bang malaman kung ano ang inyong sadya rito?" dagdag pang salaysay ni Headmaster habang nakatuon ang atensyon sa Cardinal.
Nagpintig ang tenga ko nang marinig ang pag-alingawngaw ng tawa ni Cardinal Thalus dahilan upang mapatahimik ang lahat maski na rin ako. Nakakapikon ang paraan ng kanyang pagtawa.
"Ipagpaumanhin niyo Headmaster ang aming pagwasak sa inyong harang pero kung nais ninyong papalitan iyon sa amin ay gagawin iyon ng aking mga bayani..." pahayag ni Cardinal Thalus pero pinigilan siya ni Headmaster.
"Hindi na maaari..." maikling tugon ni Headmaster at nilingon ang gawi ni Shield at tinanguan ito. "Shield, maaari mo bang ayusin ang harang?" pagsuyo niya ng tulong kay Shield.
Hindi tumanggi si Shield at sa isang kompas ng kanyang kamay ay naibalik sa dati ang harang. Mas matibay at mas makapal. Gano'n na lamang din ang panglalawak ng mga mata ng pitong Sacred Heroes. Nakikita ko ang hindi mapakali nilang mga tuhod.
"Nakabibigla na mayro'ng mag-aaral dito na mataas ang antas ng kapangyarihan..." namamanghang hayag ng Cardinal na sinuklian naman ng sarkastikong pagtawa ni Headmaster.
"Lahat naman ng aking mga mag-aaral ay matataas ang antas ang mga kapangyarihan, Cardinal Thalus..." tatawa-tawang sambit ni Headmaster.
"Pinabibilib mo ako sa iyong panunungkulan dito, Headmaster Corneus..." ngiting tugon naman ni Cardinal Thalus dahilan upang magtawanan silang dalawa roon habang kami rito ay nakabantay at nakaabang lamang sa kung anuman ang mangyayari.
"Ano't nparito kayo sa akademya ng walang pasabi? Hindi ko maiwasang hindi magtaka sa inyong mga presensya rito," pagkua'y pahayag ni Headmaster dahilan upang matuod sa tahimik ang mga bisita.
"Ha ha ha! 'Wag ka ngang magbiro ng ganyan, Headmaster Corneus..." napahihiyang tawa ni Cardinal Thalus pero nabawi rin niya ang kanyang pagiging seryoso. "Naparito kami dahil nalaman naming narito ang Overlord." May diing sambit niya pa dahilan upang mabigla ang lahat dahil sa tinuran.
"A—ano raw?"
"Narinig mo 'yon?" hindi makapaniwalang tanong niyong isa.
"Narito raw ang Overlord..."
Umalingawngaw ang matunog na bulungan ng lahat dahilan upang dumapo ang paningin ko sa prenteng nakatayong si Lord Damien na tila hindi alintana ang kanyang mga naririnig. Hindi ito ang inaasahan niyang panahon upang ipaalam sa karamihan na nakabalik na siya.
"Ha ha ha! Sino naman ang nilalang na nagsabi niyon sa inyo?" mahihimigan ang mas sarkastikong pagtawa ni Headmaster Corneus dahilan upang makita ko ang pagtaas ng isang kilay ng Cardinal gano'n na rin ang kapansin-pansing inis na naroroon sa mukha ng mga kasama niyang mga bayani ng Yeben.
"Hindi na iyon mahalaga. Ang sadya namin dito ay upang bigyang bati ang pagbabalik ng Overlord, iyon lamang at wala ng iba," seryosong salaysay ni Cardinal Thalus na ikinakamot ng baba mo Headmaster Corneus.
"Kanina pa ako naiinis sa matandang ito—"
"Manahimik ka, Red!" galit na suway ni Cardinal Thalus sa lapastangan niyang bayani dahilan upang maghalukipkip ako at humakbang papunta sa kanilang harapan katabi si Lord Damien. Napunta sa akin ang kanilang mga atensyon.
"Mukhang nagkamali ng balita ang nilalang na nagpahayag ng pagbabalik ng Overlord sa inyo, Cardinal Thalus..." sambit ko nang nasa harapan na nila ako at pinangliitan niya ako ng mga mata. Hindi niya yata naaalala ang kaharap niya ngayon. Napangisi ako dahilan upang magngitngit ang mga bayaning nasa likuran niya lamang.
"Ako si Stevenson Queency, ang panandaliang pinuno ng Coven City..." pagpapakilala ko at iminuwestra sa kanilang harapan at presensya ang kalakasang taglay ko. Yes, I summoned my soul weapon.
Nagtipun-tipon ang mga makakapal na ulap sa aming itaas at ilang mga sandali pa lamang ay gumuhit ang makapal na hibla ng kidlat patungo sa akin dahilan upang lumitaw sa kanilang mga harapan ang isa sa pinakamalakas na soul weapon na mayroon ang Coven City.
Gumapang ang mga maliliit na hibla ng kidlat sa aking katawan habang inililipad ako nito sa ere ilang sentimetro ang taas mula sa lupang aking kinatitirikan. Lumiliwanag ang paligid dahil sa kidlat na lumilitaw sa kung saan man. Napansin ko ang pagkabigla ng mga bayaning kasama ni Cardinal Corneus habang siya naman ay walang ipinapakitang takot. Matibay ang gurang na ito.
"Wala pa sa trono ang Overlord at ako ang binigyan ng tungkulin upang maging panandaliang pinuno sa buong Coven City. Ngayong nalaman niyo na ay maaari na kayong lumisan dito." May diing sambit ko dahilan upang mag-igting ang mga panga ng kanyang mga bayani.
"Parang mahihilo ako sa lakas ng kapangyarihan ni Lord Stevenson..." rinig kong wika ng isang mag-aaral.
"Pakiramdam ko rin ay hihimatayin ako," dugtong naman niyong isa pa. Hanggang sa dumami nang dumami ang mga nagbubulungan sa paligid.
"Hindi ka pa rin nagbabago Grand Elder Stevenson...pero masaya akong malaman na ikaw ang nakaupo ngayon bilang panandaliang Overlord ng Coven City. Gayun pa man ay hindi ko pa rin nanaising makipag-ugnayan sa kahariang ito," diretsong pahayag niya dahilan upang mapatango ako nang bahagya.
"Naiintindihan ko 'yon, Cardinal Thalus..." seryoso ring tugon ko.
"Paumanhin...maaari ba nating ituloy ang usapin sa aking opisina?" prisinta ni Headmaster Corneus subalit umiling ang Cardinal.
"Hindi na dahil aalis na rin naman kami...muli ay humihingi ako ng paumanhin dahil sa walang pasabing pagpasok sa inyong teritoryo," wika niya, nakita kong may bumuong pabilog na liwanag sa kanyang paanan. Bago siya maglaho ay itinaas niya muna nag kanyang isang kamay at ngumiti sa gawi ko sabay sabing, "Sa uulitin..."
Sabay-sabay silang naglaho paalis ng akademya gamit ang teleportation magic. Nakahinga kaming lahat nang maluwag dahil sa kanilang matiwasay na paglisan. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa aking lalamunan. Pagkaalis nila ay naglaho na rin ang soul weapon ko, ang dark spear. Bumalik sa mapayapang hapunan ang lahat at nagsibalik sa loob ng dining hall.
"Kaya mo pa?" naramdaman ko ng pagtapik ni Lord Damien sa kaliwang balikat ko nang itanong iyon sa akin.
Narito rin si Headmaster at nakangiti sa gawi ko. Nilisan na rin ng mga mag-aaral at faculty ang lugar at pumasok na roon sa loob ng dining hall. Kami na lamang ang natitira rito kasama ng ibang mga Clan Leaders.
"Muntikan ko nang hindi mapigil kanina..." pag-aaming sagot ko.
"Kinikilala ka na talaga ng sandatang iyon," ngiting komento niya pa.
Napakamot ako sa aking batok at nahihiyang sinabing, "Ano ka ba, syempre binigay 'yon sa akin kaya ay kailangan kong pangalagaan at mahalin kahit na buhay ko pa ang kapalit," tatawa-tawang sagot ko naman.
"Salamat nga pala, Lord Stevenson sa pagpapaalis sa mga sagradong nilalang..." tawa namang pagbibigay pasasalamat ni Headmaster Corneus. Mas lalo lang akong napahiya at pinang-initan ng mukha.
"Good job, Steve!" masiglang sambit naman ni Lori habang naka-thumbs up pa.
"Hala sige, magsipunta na tayo roon sa dining hall dahil nagugutom na rin ako," natatawang pagsingit ni Headmaster.
"Kainis kasi 'yong mga 'yon! Istorbo!" inis namang sigaw ni Yvon na siniko ni Lind.
"Manahimik ka nga baka marinig ka ng ibang mga mag-aaral!" suway niya rito.
Naglakad na sina Headmaster kasama ang anim na mga Clan Leaders maliban sa amin ni Lord Damien dahil nais ko pa siyang makausap tungkol sa aparisyon ng mga sagradong nilalang na mula sa Yeben. Sa totoo lang ay napakalayo ng Yeben kaya maaaring mas napalakas na nila ang kanilang kakayahang gumamit ng teleportation magic. Nakakaramdam din ako ng malalakas na relics mula sa mga bayaning iyon.
'Maaaring naibigay na sa kanila ang mga holy relics ng Holy Creed gano'n na rin ang Hero Academy...'
"Maaari kayang may espiya sila rito sa ating paaralan?" agarang tanong ko kay Lord Damien dahilan upang mapahinga siya nang malalim. Napatungo siya bigla.
"Narito ang isang anak ng liwanag at maaaring siya ang kanilang pakay rito," paliwanag ni Lord Damien habang napapatanaw sa malayo.
'Si Freya ba ang tinutukoy niya?'
"Siyang tunay, Steve..." pagkukompirma niya dahilan upang mapasinghap ako.
"Dahil siya ang reinkarnasyon ng anak ng kataas-taasan?" tanong ko na ikinatango niya.
"Tiyak ako roon subalit hindi ko mawari kung bukas ba ang kamalayan niya kung sino siya pero ang malaking kwestyon sa isipan ko ay bakit nandito siya sa Coven?" nagtatakang tanong niya. Sumasang-ayon ako roon sa kanyang katanungan.
"Pareho nating hindi alam ang kasagutan, Kamahalan..." magalang kong hayag. "Pero maaari natin siyang tanungin," suhestyon ko, nakita ko ang kanyang paglunok at saka dahan-dahan akong nilingon.
"Hindi na muna sa ngayon dahil marami pa tayong dapat na asikasuhin lalong lalo na ang proseso sa pagitan namin ni Lori..." mahinang hayag niya dahilan upang mapalunok ako. Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon ngayon sa akin.
"Kung ano po ang inyong disisyon," tugon ko.
Muli ay napahinga siya nang malalim at saka ngumiti. "Nalalapit na ang kabilugan ng buwan...hanggang ngayon ay hindi ko alam kung papaano sasabihin ang tungkol na iyon kay Mallory," salaysay niya at saka ako muling nilingon. "Higit sa akin ay mas masasaktan ka, Steve..." malungkot niyang anunsyo dahilan upang mas bumaba ang mga balikat ko. He's right. Lord Damien is right.
"Tiyak na mauunawaan iyon ni Lori, Kamahalan..." nangungusap ang mga mata kong nakatingin sa kanya.
"Subalit walang kasiguraduhan kung magigising siya sa proseso," dagdag pang sabi ni Lord Damien. Naririnig ko ang malalalim niyang mga paghinga. Nasasaktan din siya gaya ko. Napamahal na rin siguro sa kanya si Mallory.
"Tiyak akong malalagpasan niya kung anuman ang nakatadhana sa kanya," mahinang sagot ko at humakbang na upang pangunahan siya papunta sa loob ng dining hall. Totoo si Lord Damien, ngayon pa lamang na pinag-uusapan namin ang tungkol doon ay hindi ko na nakakaya paano pa kaya 'pag dumating na ang araw na iyon.
Naramdaman ko ang pagsunod ni Lord Damien, gaya ko ay hindi rin siya umiimik matapos ang usapan namin. Nang makapasok ako sa dining hall ay hinagilap ko agad ang kinauupuan ng mga batang iyon at nakitang nagtatawanan sila roon. Napakalapad ng mga ngiti ni Mallory. Sana ay gano'n na lamang siya lagi. Pero nawala ang ngiting iyon nang makita ako mula rito sa pintuan ng hall. Nagkunot-noo siya.
'Sana ay malagpasan mo ang mapait na tadhanang nakalaan para lamang sa'yo, anak...'I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (362)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
hi guys
05/08
0maganda ang kwento
07/08/2024
0good
14/04/2024
0Tingnan Lahat