Homepage/The Awakening (Filipino)/
Allegations
Steve
Kung walang gagawing kasamaan ang mag-amang 'yon ay hindi dapat nangyari ang nangyari kanina. Mula sa titigan niyong prinsipe at niyong guro ay makikita ang nagkukubling koneksyon sa pagitan nila. Ang parehong pakiramdam tungo sa pitong batang Clan Leaders. Well, it is not my fault if they are overpowered.
Nang sundan ko ang mag-ama ay natuntun ko sila sa isang madilim na pasilyo. Hindi ko ipinahalata ang presensya ko upang saganon ay marinig ko kung ano ang pinag-uusapan nila subalit gano'n na lamang ang pagkunot-noo ko nang wala akong marinig na kahit anong salitang lumalabas sa kanilang mga bibig.
"Ano itong itim na mahikang bumabalot sa kanilang katauhan? Ito ba ang dahilan kung bakit hindi ko sila marinig sa kanilang pinag-uusapan?" usal ko sa aking sarili dahilan upang magtaka ako.
May posibilidad kaya na pinoprotektahan sila ng itim na mahika na iyon? Dahil sa kawalan ng kakayahang marinig kung anuman ang kanilang pinag-uusapan ay kaagad akong bumalik nang battle arena subalit nang papasok na sana ako ay gano'n na lamang ang pagkabigla ko nang makitang nagsisilabasan na ang mga mag-aaral.
"Tama, lunch break na pala..." napapausal kong sabi sa aking sarili.
Nang makita ako ng mga mag-aaral ay umayos ako ng pagkakatayo upang maging kaaya-aya sa kanilang paningin. They already knew who I am so I need to act formally. I must show them that I deserve to be respected.
"Magandang tanghali po, Lord Stevenson..." pagbati sa akin ng isang mag-aaral na kaagad ding tumungo upang bigyan ako ng respeto.
"Magandang tanghali po!"
At naging sunud-sunod ang kanilang pagbati dahilan upang ipapatuloy ko lamang ang pagngiti ko sa kanila. Hindi nagtagal ay nakita ko na ring palabas na ang mga kasama ko kaya ay kaagad akong napahinga nang maluwag.
"Elder Stevenson!" masiglang sigaw ni Yttria nang makita ako mula rito sa labasan.
Kumaway ako upang suklian ang kanyang pagsigaw. Patuloy pa rin sa pagtungo ang ilang mga mag-aaral na lumalagpas dito sa kinaroroonan ko, mabuti na lamang at kakaonti na sila subalit nang muli kong tingnan ang kinaroroonan ng mag-ama kanina ay wala na sila roon.
"Hindi mo man lamang sinagot ang katanungan ko kanina..." nakangusong hayag ni Yttria dahilan upang bahagyang manglaki ang mga mata ko.
"P—pasensya na... Mayroon kasing ipinagawa sa akin ang Overlord," napapakamot kong sagot. Ramdam na ramdam ko rin ang pagkahiya sa aking mukha.
Ang panglalaki ng mga mata ko ay naungusan nila nang marinig ang paliwanag ko. Iwinagayway ni Yttria ang kanyang mga kamay sa harapan niya. Namumula ang kanyang mapuputing pisngi.
"Hala! Ayos lang! Hindi mo naman sinabi kaagad na inuutusan ka pala ng Overlord..." napapahiyang aniya.
Mahina akong napahalakhak. "Hindi naman gano'n ka importante ang ipinag-utos niya." pagsisinungaling ko.
Sa totoo lamang ay nakasalalay rito ang kaligtasan ng karamihan. Kung nararamdaman ni Lord Damien ang pangambang iyon ay gano'n na rin ako. Nagpapasalamat ako sa kapangyarihang ibinigay niya sa akin kaya nagagawa kong maramdaman ang kung anuman ang kanyang nararamdaman ngayon.
"Kung gano'n ay magtungo na tayo roon sa opisina ni Headmaster Corneus..." alok na sambit ni Abynhar dahilan upang tanguhan ko siya.
"Mainam kung gano'n," maikling bigkas ko at bago lisanin ang pasilyo na iyon ay nilingon ko muna ang kinaroroonan ng dalawang iyon kanina.
'Kung anuman ang kanilang pina-plano ay sana'y hindi sila magwagi.'
Hindi lamang basta-basta itim na mahika 'yong nakita ko kanina. Nakasisindak iyon subalit sa estado ko ay wala akong maramdamang sindak dahil hindi naman 'yon masyadong umaapekto sa akin. Hindi ko nararamdaman ang bagsik ng enerhiyang iyon. Tiyak akong alam ni Lord Damien ang tungkol sa mahikang iyon. Ngayon ko lamang kasi iyon nakita nang personal.
Mayroon akong isang kilala na ganoon ang kapangyarihan at iyon ay si Lind. Siya ang may hawak ng blood witch staff. Ang malakas na kapangyarihang nananalaytay sa sandatang iyon ay isang mataas na antas ng itim na mahika subalit dahil sa kalakasan ni Lord Damien ay nagawa niyang mapalitan ang paraan ng paggamit dito.
Ang staff na ito ay saka lamang nagagamit sa tama kung kinikilala nito ang tagapangalaga niya. Si Lind ay mayroong dugong nananalaytay na naiiba sa aming mga bampira. Ang mga magulang niya ay black magic users. Ito ang naging dahilan upang tanggapin at kilalanin siya ng makapangyarihang sandata.
Nang makarating kami sa opisina ni Headmaster Corneus ay bumungad sa amin ang napakaraming mga pagkain subalit ang maaari lang naming kainin dito ay ang dugo ng baboy ramo o hindi naman ay iyong dugo ng oso. Sanay na akong kumain ng normal na mga pagkain tulad ng mga kinakain ng mga mortal subalit mas masarap ang dugo.
Nang makaupo kami ay nagkangitian pa kaming lahat. Sinimulan na namin ang aming pagkain at ilang mga sandali pa lamang ay narinig ko na ang pagsasalita ni Headmaster Corneus. Nakalimutan ko yatang narito pala ang Hari ng Kamirutt. Sa totoo lang ay mas nauna siyang narito kaysa sa amin. Mas gutom yata kaysa sa amin.
Tumikhim si Headmaster dahilan upang mahinto kami sa aming pagkain at napatingin sa kanyang gawi. Ipinasada niya sa amin ang kanyang mga tingin at napapangiting napapatungo nang bahagya.
"Una sa lahat ay gusto kong pasalamatan kayo dahil tumupad kayo sa aking imbitasyon..." pasasalamat niya. "Pangalawa ay gusto kong ipaalam sa inyo na masayang masaya ako dahil inaprubahan ninyo ang pagtutuloy sa Corneus League at pangatlo ay upang mapag-usapan at masiyasat ang nangyaring dayaan doon kanina..." mahabang pahayag ni Headmaster. Lumapat ang paningin ko sa napapalunok na hari.
'Hindi na niya yata kayang pagtakpan pa ang nangyari kanina kaya ay nagmumukha siyang kahina-hinala.'
"Mahalaga pa po ba iyon, Headmaster?" rinig ko tanong ni Kurcia dahilan upang lingunin ko siya na may nanglalaking mga mata subalit hinayaan ko lamang siya.
Napatikhim si Haring Galac. "Tama ho, Headmaster... Maaari bang palagpasin na lamang po natin 'to?" seryosong hayag ni Haring Galac dahilan upang mapalingon ako kay Kurcia at saka niya ako tinanguan na parang sinabing tama ang hinuha niya.
"Hmm..." napakamot si Headmaster sa kanyang baba at napapaisip. Gano'n na lamang ang pagngisi ko nang lapatan ako nang tingin ni Headmaster. "Maaari kong palampasin ito..."
Hindi pa man natatapos ang sasabihin ni Headmaster Corneus ang gano'n na lamang kung lumapad ang mga ngiti ni Haring Galac. Pinanatili ko ang seryoso kong mukha at hindi nagparamdam ng motibo sa kanya.
"...kung mapapatunayang walang pandarayang nangyari roon," pagtutuloy ni Headmaster Corneus.
Ang pagkakangiti ni Haring Galac ay tila bulang naglaho. Gusto kong pagtawanan siya subalit nakakabastos iyon. Ayaw kong magmukhang hindi kanais-nais sa paningin niya. Walang dahilan kung bakit ayaw ko. Basta ayaw ko lang madungisan ang katauhan ko sa kanya.
"K—kung iyon ho ang inyong magiging pasya..." walang nagawa ang kawawang hari kundi ang sumang-ayon kay Headmaster.
Hindi ko rin mapapalampas ang kalapastanganang ginawa nila. Kung tutuusin nga ay napakaliit lamang na problema nito subalit hindi iyon maaari dahil hindi iyon makatarungan. Hindi makatarungang hadlangan ang kagustuhan ng mga batang Clan Leader na sumali sa palaro dahil doon makikita kung sila ba ay nag-improve sa kanilang mga kakayahan.
Nilingon ni Headmaster si Haring Galac. "Matagal ko nang alam na isang Ruttian si Gaham..." panimula ni Headmaster Corneus dahilan upang muling umawang nang pagkalaki-laki ang bibig niya. "Matagal ko na ring alam na sinusubaybayan mo ang akademya," diretsahang pahayag ni Headmaster.
Halos mapatayo sa pagkabigla si Haring Galac dahilan upang mapasinghap ang mga kasama ko subalit nananatiling nakangiti naman ang kasama naming matanda. Si Headmaster Corneus.
Hindi alam ni Haring Galac kung ano ang kanyang gagawin kaya naman ay napatayo siya nang tuluyan at umatras nang umatras hanggang sa makalayo siya sa hapag kainan. Napapasinghal akong napatayo habang nakaukit ang ngisi sa aking mga labi.
"H—hindi ko alam ang inyong pinagsasabi!" napapailing niyang pagtanggi dahilan upang mapakuyom ako sa galit.
"Mali ang paratang ninyo! Hindi ba ninyo naiisip na maaari kong hugutin ang kasunduang pakikipag-ugnayan sa akademyang ito nang dahil sa inyong mga kapangahasan?" litanyang sigaw niya na halos magpintig ang tenga ko sa narinig.
Napasinghal ako nang mas malakas. Napapangisi ko siyang tiningnan habang naroon sa kanyang mga mata ang takot. Nakikita ko ang panginginig ng kanyang mga tuhod dahilan upang mas makaramdam ako ng pananabik. Hanggang saan kaya ang pagmamatigas ng isang ito?
Tumayo ako habang pinagkukrus ko ang aking mga braso. "Bakit takot na takot ka, Kamahalan?"
Hindi ko alam kung bakit nakararamdam ako ng kagustuhang inisin pa siya lalo. Nagugustuhan ko 'yong gumuguhit na takot at pangamba sa kanyang mukha. It's fucking pricless!
"H—hindi ako natatakot... Nabibigla lamang ako sa mga naririnig mula sa Headmaster..." nauutal niyang paliwanag, hindi ko rin makitaan ng pagkasinsero dahil malikot ang kanyang mga mata. "At h—hindi ko nagugustuhan ang pagdududang nariyan sa inyong mga mata," mariing salaysay niya dahilan upang mapangisi akong muli.
Naglakad ako paalis sa aking upuan at lumapit sa kanya. "Kung hindi totoo ang mga tinuran ni Headmaster sa inyo, bakit kayo takot na takot? Hindi ba dapat ay kalmado lamang kayo kung talagang walang katotohanan ang mga tinuran niya?" seryosong tanong ko nang sunud-sunod na halos makita ang paglitaw ng ugat sa kanyang noo. Tiyak akong galit na galit na ito ngayon sa akin subalit wala siyang ibang pagpipilian kundi ang maging kalmado.
'Subukan niyang magwala dahil siya mismo ang mawawala 'pag ginawa niya!'
Walang nagawa ang hari kundi ang dahan-dahang naglakad pabalik sa kanyang upuan, sinubukang maging kalmado sa pamamagitan nang paghinga nang malalim nang halos ilang ulit. Bumalik na rin ako sa upuan ko upang ipagpatuloy ang talakayan.
"Pasensya na ho kayo sa aking kalabisan lalo na sa aking maling ipinakita..." paghingi niya ng kapatawaran subalit ramdam na ramdam ko ang hindi sinserong tono sa kanyang boses pero hinayaan ko lamang siya. Kailangan kong marinig ang motibo niya. Kailangan kong malaman.
Muling tumikhim si Headmaster upang iparating na magsasalita siya kaya ay napalingon kami sa kanyang gawi.
"Mayroon kaming ikinabit na sikretong mga kagamitan sa bawat pasilyo gano'n na rin sa loob ng battle arena. Isa itong imbensyon na mula sa laboratoryo ng ating akademya. Ito ay inimbento gamit ang bagong tuklas na uri ng mahika ang techno manipulation," mahabang pahayag ni Headmaster dahilan upang mas lumawak ang mga mata ni Haring Galac.
"Ang imbensyon na ito ay pinangalanang kamara na kayang kumuha ng totoong kaganapan sa reyalidad na mundo... So, kung susuriin natin ang bagay na iyon ay matutunton natin ang nilalang na may pakana rito," dugtong pang pahayag ni Headmaster na ikinabahala nang tunay ni Haring Galac. Hindi na siya mapakali roon sa kanyang kinauupuan. He's busted!
"Subalit gaya nang ating napagsang-ayunan kanina ay sisiyasatin natin ang tungkol dito pagkatapos ng palaro..." wika pa ni Headmaster at saka nilingon si Haring Galac na hindi na maipinta ang mukha pero nang marinig iyon ay tila nagkaroon ng liwanag doon. "Pasensya na, Kamahalan kung pinaramdam namin ang pagdududa. Nais kong makapanayam kayo nang mas masinsinan at mas ekslusibo tungkol sa inyong tauhan sa susunod na pagkakataon at gusto kong bukas ang inyong pang-unawa tungkol dito..." paghingi ng paumanhin ni Headmaster.
Napahinga nang malalim ang kaduda-dudang hari. "Maraming salamat ho, Headmaster sa inyong malawak na pang-unawa. Ang inyong kahilingang makapanayam ako ay titiyakin kong maisasakatuparan sa nalalapit na hinaharap," nakangiting sagot niya dahilan upang palihim na maparolyo ang mga mata ko.
Napatukhim naman si Yttria upang basagin ang napakasarkastikong kapaligiran namin. Gusto kong matawa dahil sa ginawa niya pero pinigil ko muna. Tama si Headmaster, mayro'ng tamang panahon para sa isyung ito. Tiyak na sa panahong iyon ay si Lord Damien na mismo ang naritong nakaupo habang pinakikinggan ang mga kasagutang kanyang isisiwalat sa lahat.
Napatayo si Headmaster kaya ay napatayo rin kami. "Kung gano'n ay magtungo na tayo sa battle arena upang panoorin ang susunod na labanan," ngiting anunsyo niya. Napatango kaming lahat at napangiti nang pilit.
Nagpatiuna sa pag-alis si Haring Galac at sinundan naman siya ng mga kasama ko habang nagpaiwan naman ako dahil gusto kong makausap nang masinsinan si Headmaster. Gusto kong malaman ang tungkol sa mga bagay na iyon. Kamara yata ang bigkas niya sa katawagan sa imbensyon na iyon. Gusto kong makompirma kung ano nga ba ang motibo nila lalo na ang namumutawing masangsang na enerhiyang nararamdaman ko sa hari na iyon at sa kanyang mapagmataas na anak.
'Gusto kong makita ang pareho nilang pagbagsak sa kahihiyan kung sakaling nalaman ko ang bahong kanilang itinatago.'I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (362)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
hi guys
05/08
0maganda ang kwento
07/08/2024
0good
14/04/2024
0Tingnan Lahat