Homepage/The Awakening (Filipino)/
Hunch
Damien
Napangisi ako nang tamaan ko ng tingin ang Hari ng Kamirutt Kingdom. Siya 'yong tipo ng nilalang na palihim na pinalalakbay ang mga galamay. Hindi na 'yon kahina-hinala pa dahil ang presensya pa lamang niya ay nagbibigay na sa akin ng babala.
Mahusay na kalahok 'yong Freya gano'n din naman si Humaru pero nakahihiyang natalo siya ng mas mababa sa kanya. Maaaring hindi sukatan ang ranggo nila at maaari ring hindi sukatan kung anong klase ang kinabibilangan nila. Overall, they are both tough and powerful.
'The fallen angel is here. She has reincarnated in the wrong place, fate and body. Freya Collin, the toughest Valkyrie of Naphylim.'
Hindi magkakamali ang alaala ko tungkol sa kanya. Sa buong kaharian ng Naphylim ay kilala siya dahil siya ang tanyag at pinakamakapangyarihang anak ng nakatataas. Almighty One. Iyon ang tawag namin sa kanya. Subalit ang katanungan ko ay kung bakit siya narito sa Vladian? Kung bakit dito siya dinala ng kanyang kapalaran?
Muli ay tumunog ang nakaririnding picker sa projection. Namimili na naman ito ng mga kalahok na isasabak doon sa gitnang entablado. Napapahalukipkip akong napalingon sa kauupo pa lamang na si Freya roon sa pwesto niya. Gaya nang dati ay kalmado lamang siya at hindi masyadong masalita.
"Alam mo ba kung ano ang dahilan kung bakit siya pinababa rito sa lupa?" narinig ko ang boses ni Steve sa aking isipan.
Naramdaman ko rin ang panghihimasok ni Mallory at nakita ang kanyang pagkunot-noo nang lingunin ako. Hindi na iyon bago sa akin dahil sa pagkilala sa kanya ng kopita. Siya ang pinili nito upang maging panandaliang sisidlan ng kapangyarihan ko subalit kulang ang kapangyarihan na lumipat sa kanya. Wala pa rito ang sampung porsyento. Pero saka na lamang 'yon 'pag natapos ang palaro. I have to tell Lori what must do in order to fully regain my power.
"Iyon ang hindi ko alam dahil pareho kaming magkasabay lamang ang kapanganakan..." paliwanag ko sa laking isipan. Naroroon pa rin si Lori na nakikinig lamang sa amin.
"Ano'ng ibig niyong sabihin?" pagkua'y tanong niya nang siguro hindi maintindihan ang mga sinabi ko.
Bahagya akong napailing. "Isa iyong kompidensyal na topiko na maaaring kami lamang ang pwedeng makaalam..." pagtatapat ko kay Lori dahilan upang mapalunok siya.
"Tama ang sinabi ni Lord Damien, Lori..." pagsang-ayon naman ni Steve sa akin na napapatango rin doon sa kanyang upuan.
"Naiintindihan ko..." rinig kong sagot ni Lori at saka huminga nang malalim.
Nagbalik ako sa diwa ko nang tumigil ang picker sa larawan ni Lind. Kalmado lamang ako nang mapili ang litrato niya dahil tiyak akong may kakayahan si Lind na maiuwi ang puntos para sa aming seksyon. Maliban sa Prinsipe at kay Freya ay wala na akong ibang nakikitang karapatdapat na tumalo sa mga Clan Leader.
"Tiyak na mapapakapit din ako sa upuan ko sa labanan na ito..." narinig kong pahayag ng isang mag-aaral sa katabi niya. Nasa lower class sila ng Delta.
"Ngayon na lang ulit pinalad ang Delta upang mapili nang picker..."
"Ibig sabihin ay magiging maganda ang labanan..."
"Tama! Magpustahan tayo!"
"Ulol! Gusto mong mapadpad sa 8th floor?"
Hindi nakasagot ang mga kasama ng isang iyon nang sabihin ang floor kung saan matatagpuan ang opisina ni Headmaster Corneus. Napailing na lamang ako at muling ibinalik ang atensyon sa picker na muli na namang umandar. Sa tatlong nasa ikalimang ranggo ay pinalad na si Renz ng Gamma Class ang makakatapat ni Lind.
Nang magkaharap na sila roon sa entablado ay kaagad na bumuo ang makapal na simburyo upang bigyan ng proteksyon ang mga manonood. Hindi nagsayang ng panahon si Lind at kaagad na umatake. Babae laban sa lalaki, kung iisipin ay mas angat sa lakas si Renz pero kung ang pagbabasihan ay ang kapangyarihan, nalalayaong mas malakas si Lind. Steve bestowed her the soul weapon of Erague Clan.
Mabilis gumalaw si Renz pero mas mabilis ang kilos ni Lind. Naghahabulan sila roon. Hindi pa inilalabas ni Lind ang kanyang kapangyarihan pero parang nahihirapan na ang kanyang kalaban. Hindi ko sila pinigilang gawin ang mga gusto nila dahil gusto ko rin namang mag-enjoy sila sa palarong ito. But I need to be prepared. Something might happen. Nararamdaman ko ang kabang iyon sa kalooban ko.
Bigla silang huminto sa pagtakbo. Hingal na hingal ang kalaban ni Lind at siya naman ay hindi kakikitaan ng kapaguran. Isa 'yon sa mga katangian naming mga bampira. Hindi kami basta-basta napapagod.
"Ice magic!" Renz chanted as he raised his two hands up high.
Bumuo ang magical circle sa itaas ni Lind at mula roon ay bumagsak sa kinatatayuan niya ang napakalaking tipak ng yelo. Gumawa ng malakas na lindol nang bumagsak iyon sa sahig. Nasira ang plataporma at kumalat ang makapal na usok subalit ang pagkakatayo ni Lind ay hindi natinag dahil nang humupa ang usok ay nakita nang lahat ang kanyang pagkakatinidig nang matuwid.
Bago pa man tumama sa kanya ang malaking tipak ng yelo ay napalabas na niya ang kanyang soul weapon dahilan upang makagawa siya ng sapat na harang upang sanggain ang atake ni Renz. Her magical staff which he rarely calls Blood Witch Staff glowed in radiant indigo. Gamit ang kanyang sixth tier na fire magic ay agad na natunaw ang yelong atake ni Renz dahilan upang panglakihan ito ng mga mata.
Halos napapaatras itong napapaturo sa kinatatayuan ni Lind. "T—that's a sixth tier fire magic..." nauutal na sambit niyong Renz dahilan upang magpasya akong tapusin kaagad ang kanilang laban.
Ipinitik ko ang mga daliri ko at kaagad na nawalan ng malay si Renz. The announcer declared his defeat while we gained score. Kung pandaraya iyon para sa mga nakakaalam, e, 'di kwits na kami. That absurd instructor of them tried to trick us. Sinubukan niyang mandaya sa pamamagitan nang pagbubura sa amin sa listahan ng mga kalahok pero hindi niya alam na nasa disadvantage siya at sa huli ay mahahatulan pagkatapos ng palaro.
"Tangina! 'Yon na 'yon? Nahimatay ba siya dahil hindi niya nakayanan ang katotohanang mahina siyang nilalang?"
"Huy! Grabe ka naman kung manglait!"
"E, totoo naman, 'di ba? Sana tayo na lang ang lumaban doon! Mga hangal! Ang boring ng palaro na 'to! Tapusin niyo na agad! Nagdidilim paningin ko sa inyo!"
Hindi makapaniwalang napapailing ang lahat dahil sa tinuran ng isang iyon. Sa totoo lang ay tama siya. Nakababagot nga ang palarong ito dahil wala man lang pumapantay sa lakas ng mga kasama ko. Subalit wala naman kaming magagawa dahil iyon ang katotohanan. Ang mga alagad ng Overlord na kanyang ni-re-recognize ay nagkakaroon ng walang kapantay na kapangyarihan. I bestowed them my twenty percent power. Kaya nila nagagawa ang mga lebel ng mahika na 'yon.
Isa si Lory sa mg Clan Leader na kayang gumamit ng nineth tier magic maliban kay Steve habang sa akin naman ay nasa sampu. Iyon ang pinakamataas na antas ng mahika at ang mga mag-aaral naman dito sa akademya ay umaabot lamang sa lima. Pero 'yong si Freya, hindi ko masukat kung aling antas ang kaya niya. Ang Prinsipe naman ay lima lamang din habang nasa pito o walo naman ang mga instructors at walo naman ang hangganan ni Headmaster Corneus.
Nang makabalik dito sa pwesto namin si Lind ay kinamayan siya ng mga kasama ko. Nginitian ko lamang siya. Hindi ko magawang bigyan siya ng handshake dahil alam niyang ako ang nagpahinto sa laban nila. Pero tiyak akong naiintindihan niya ang ginawa ko. Nabaling ang atensyon ko nang makitang nakangisi sa gawi ko ang hari ng Kamirutt Kingdom. Ibang iba ang tinging ipinupukol niya sa akin subalit kailangan kong ipakita na wala akong nararamdamang intimidasyon sa kanya. Bilang pagrespeto na rin sa kanya bilang hari.
Muling pumili ng mga kalahok ang picker. Si Gwyn ng Alpha Class at ang kanyang makakatunggali ay si Trick ng Beta Class, pareho silang rank 4 at ito ang magiging huling laban para sa unang araw.
"Gusto ko na lang matulog..."
"Bakit mo naman nasabi 'yan?"
"Expected na naman na magiging mabilis ang laban na ito. Ayaw ko na lang mag-talk mga letse!"
Napatawa ako nang mahina rito sa aking kinauupuan. Hinayaan ko na lamang na makinig sa mga usap-usapan nilang nakatatawa. Hindi ko inaasahang ganito pala kataas ang ekspektasyon ng mga mag-aaral dito. Mukhang kailangan kong itaas iyon upang magkaroon sila nang ganang manood.
Nangliit ang mga mata ko nang makita tumayo si Haring Galac sa kanyang kinauupuan at namataan ko rin ang pagtayo ni Prince Groma. Umakyat ng hagdanan si Groma upang lumabas ng battle arena kaya naman ay nagtaka ako. Mayroon sigurong lakad ang mag-amang ito. Pero hinayaan ko lamang dahil wala rin naman akong mapapala kung makikisawsaw ako sa pag-uusapan nila at magmumukha akong bastos sa paningin nila.
"Hindi ka ba nagdududa sa mag-amang iyon?" narinig kong tanong ni Steve sa aking isipan.
"May pagdududa subalit ayaw kong maging dahilan upang wakasan ang kasiyahan ng mga kamag-aral ko..." salaysay ko dahilan upang manahimik siya.
"Subalit maaaring madamay ang mga narito kung hindi mo pipigilan ang dalawang 'yon..." pagkua'y wika ni Steve.
"Hindi lamang ako ang makapangyarihan dito, Steve. Narito ka rin at sa nakikita ko ay kami dapat ang inyong inaalala," napapangising sambit ko dahilan upang mapakamot siya roon sa kanyang pwesto.
"T—tama po kayo..." sa huli ay sumang-ayon din siya sa tinuran ko.
Hindi gano'n kahirap kausap si Steve dahil kahit anuman ang hilingin ko sa kanya ay taos-puso niya iyong gagawin. Hindi ko maalala kung may panahon bang sinuway niya ako.
"But I have to warn you. They both have that black magic..." I warned Steve. Napatango naman siya.
"I know that..." sagot niya at sinundan ang mag-ama.
Hindi ko na natuunan ng pansin ang labanan sa pagitan nila Gwyn at Trick dahil sa pagpukol ko sa atensyon ko sa mas importanteng bagay. Oo, mas importante ang kaligtasan ng lahat kaysa sa palarong ito.
"Ano'ng nangyayari?" nag-aalalang tanong ni Mallory habang nakataas ang isa niyang kilay.
Napalunok ako sa paraan ng kanyang pagtitig sa akin. Naiilang ako. Oo, inaamin ko 'yong parteng iyon. Tangina! Naiilang ako dahil lang sa pagtitig niya.
"W—wala naman..." nauutal kong pagsisinungaling.
Mas lalong tumaas ang isa niyang kilay. "Kung ang pamumula ng mga pisngi mo ang magpapatunay na hindi totoo ang sinasabi mo ngayon ay paniniwalaan ko kaya sa ikalawang pagkakataon. May nangyayari ba na dapat naming ikabahala?" litanyang tanong ni Mallory dahilan upang mapalunok ako nang ilang ulit.
'This is absurd! Tiyak naman akong hindi niya mahahalata iyon subalit itong pesteng mukha na 'to ang panira!'
Nakukuha na rin namin ang atensyon ng mga kasama namin. Natapos na kasi ang labanan sa pagitan nina Gwyn at Trick, naipanalo sa unang pagkakataon ng Alpha Class ang kanilang kauna-unahang puntos kaya ay gano'n na lamang ang pagbubunyi nila matapos makabangon. Tss! They still have two points to surpass.
"Ano'ng meron?" nakukuryos na tanong ni Verone habang nakapukol lang sa amin ang paningin ng mga kasama namin.
"'Wag niyo sabihing pati rito ay naglalampungan kayong dalawa?" paghehistirikal ni Yvon dahilan upang mapahiya ako nang tuluyan.
Mas lalo yata akong pinamulahan dahil sa sinabi ni Verone. Agad ko namang itinaas ang mga kamay ko at winagayway iyon sa harapan nilang lahat at saka napapahiyang sabi ng, "W—walang gano'n! Mali kayo nang pagkakaintindi, 'di ba, Mallory?" pagpapaliwanag ko.
Hindi ko napansin na namumula rin pala itong katabi ko kaya halos gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa ngayon. Ayaw ko ng ganitong kahihiyan. Ayaw ko 'yong hindi nila nauunawaan na walang nangyayaring gano'n sa pagitan naming dalawa. Dammit!
"Ano na? Anong klaseng paliwanag pa ba ang sasabihin niyo sa amin? Ha?" nakapamewang pang dagdag ni Verone dahilan upang mas mapatungo ako sa kahihiyan. Nakatingin na rin ang ibang mga mag-aaral sa amin. Lintik na 'yan!
"Chill, guys... Kinakawawa niyo naman sila! Tayo na nga at mananghalian! Hindi pa ba kayo nagugutom?" pagtatanggol sa amin ni Shield at palihim pang napakindat pagkatapos sabihin 'yon.
'Phew! Parurusahan ko sila 'pag pinagpatuloy nila ang pamamahiya sa'kin!'
Gaya nga nang sinabi ni Shield ay lumabas na kami ng battle arena. Nagsilabasan na rin ang karamihan upang mananghalian dahil lunch time na. Napakabilis ng labanan dahil mukhang pursigido ang ilan na manalo at mapanatili ang kanilang ranggo.
Pero ang inaalala ko ay ang kabang namumutawi sa kalooban ko. Hindi ko nakikita ang hinaharap. Kung sisilipin ko man ay magkakaroon ng kaguluhan sa kasalukuyan. Mawawalan ng balanse ang kasalukuyan. Hindi ko ginagawa ang bagay na iyon dahil napakadelikado. Gusto kong mapanatili ang kaayusan ng aking bansa kaya ay hahayaan ko na lamang ang pagdaloy ng tadhana na hindi pinakikialaman ang hinaharap.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (362)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
hi guys
05/08
0maganda ang kwento
07/08/2024
0good
14/04/2024
0Tingnan Lahat