Homepage/The Awakening (Filipino)/
Solicitude
Mallory
"Aware ka naman siguro na mangyayari na 'yon sa susunod na mga araw?" bigla ay anunsyo ko dahilan upang panglakihan siya ng kanyang mga mata.
"W—what!?" he exclaimed.
Natawa ako bigla subalit ay parang natunaw ako nang makitang nakitawa siya. Ang kagustuhan ng kalooban ko ay tingnan siya habang nakangiti. It's good to see that he is smiling. Ang mga tawang pinakakawalan niya ay nagbibigay sa akin ng kakaibang kilabot.
Nang sabihin niyang ayos lamang si Steve ay hindi na ako nagdalawang-isip pa. Damien can be trusted. I have no other choice but to put it that way.
"Mas dumagdag sa kagwapuhan niya ang nag-aalab niyang appeal."
Mas maiintindihan ko pa kung bampira ang mga nagsasabi niyon subalit hindi. Likas kasi sa dugo naming mga bampira ang maging mapusok at mabagsik. Hindi ko naman sinasabing lahat. Some vampires are lustful but most of them just want to suffice themselves. Kaming mga Clan Leaders ay may kakayahang kontrolin ang pagnanasang iyon.
"'Wag ka ngang maingay! Sinabing 'wag kang magbibigay ng komento lalo na sa mga Delta."
Rinig na rinig ko ang pang-uuyam at hindi pagkagusto sa seksyon namin. But that's not our problem anymore.
"'Wag mo na lamang silang pansinin, Damien," usal ko nang mapansin kong bumagal ang paglalakad niya.
Napatayo siya nang matuwid at nauutal na sumagot. "S—sige. . ."
"Ay! Ang suplada naman ng babaeng 'yon!"
"Makaasta ay parang aagawin namin 'yong boyfriend niya!"
Bigla akong napaubo sa narinig mula sa babaeng iyon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Basta ang alam ko lang ngayon ay nag-iinit ang mga pisngi ko pero hindi rin nakataas sa pang-intindi ko na naiinis ako sa kanila. Agad ko silang hinarap at nahihiyang iwinawagayway ang dalawa kong kamay sa harap nila at napailing nang sunud-sunod.
"H—hindi po gano'n 'yon. . ." napapahiyang pagpapaliwanag ko. "A—ang ibig ko pong sabihin ay hindi po totoong boyfriend ko siya," napapatungo ko pang dugtong.
Ngunit hindi ko pa man naririnig ang mga sasabihin nila ay agad ko nang naramdaman ang paghila sa akin ni Damien dahilan upang madikit ang katawan ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang init niya nang sumagi ang mga balat namin sa parehong braso.
"A—anong ginagawa mo?" utal na tanong ko sa loob ng isipan ko.
Ngumiti siya habang nakatanaw ang kanyang nang tutunaw na mga tingin na pilit kong nilalabanan. Napahinga siya nang malalim kaya ay naamoy ko ang kanyang napakabangong hininga.
"May balak pang itago ang katotohanan? Seryoso ka? E saksi ang mga mata namin."
"Isn't it romantic?"
'Ano ba ang mga sinasabi nila? May pa-roma-romantic pa silang sinasabi!'
"Tayo na nga. Baka mamaya ay magpasabog pa sila rito. Ayaw ko pang mamatay!"
"May klase pa kami! Shit!"
"Terror pa naman ang isang 'yon! Bilisan natin!"
At least, masasabi kong mas maswerte naman kami sa adviser. Kung mayro'n silang terror ay mayro'n naman kaming baliw na guro.
Agad naman akong sinampal ng katotohanang magkadikit pa rin ang mga sarili namin ni Damien kaya ay humiwalay ako at naglihis ng paningin. Pakiramdam ko ay matutunaw ang mga pisngi ko dahil sa init. Pakiramda ko rin ay nakakatunaw ang mga tingin ni Damien.
"B—bakit mo 'yon ginawa?" nahihiyang tanong ko sa kanya.
Imbes na sumagot ay napatawa lamang siya nang mahina. Nakaramdam na naman ako ng kakaibang kilabot doon sa pagtawa niyang iyon. I find it sexy. Napapakamot pa siya sa kanyang batok sanhi upang makita ko ang matumbok niyang bicep. They are right. Damien is a freaking hot guy! Pero h—hindi ko t—type! Pero ba't nauutal ka, Mallory?
"Hayaan mo silang mag-isip ng kung anu-ano," sumingkit ang mata niya nang sabihin iyon.
Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lamang napapansin ang pisikal niyang kaanyuhan gayong matagal na kaming magkakilala. Tama. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob upang pintasan siya ng positibo.
From his thick black eyebrows, to his slanted eyes and to his high bridged nose. Pero kulang ang kagandahang iyon kung wala ang maninipis at mapula-pula niyang mga labi. The occasional gritting of his jaws also added to his irresistible charm. Mapapalunok din ang kung sinuman sa mapang-akit niyang Adam's apple pero ang mas nakakatawag ng pansin ay ang kanyang malapad na likuran. Hindi ako interesadong sukatin 'yon. Cringe!
Simula rin noong makilala ko siya ay gano'n pa rin ang estilo ng kanyang buhok. Itim ang kanyang buhok na nahawi iyon lahat patungo sa kaliwang bahagi. Aamin kong mas may hitsura pa siya kompara sa Principe.
"Lori. . . Ayos ka lang ba?" biglang tanong niya.
Bumalik naman agad ako sa diwa ko nang mapagtantong lumilipad na naman ang diwa ko. This intimidating presence of him make me out of grip.
"A! Um. . . Oo, bakit may sinasabi ka?" pagkua'y tanong ko habang nakataas ang isang kilay.
Muli ay napatawa na naman siya. "Sabi ko ay bumalik na tayo roon sa training room," sabi niya kaya naman ay agad akong napatango dahil sa kahihiyan.
"S—sige. . ." utal kong sagot at sinundan siya nang magpatiuna sa paglalakad habang nakapamulsa.
'Damn him! How could he just walk coolly!'
Nang sundan ko siya ay kaagad namang pumasok sa isipan ko ang mga binitiwan niyang mga salita kanina. Hayaan? Bakit ko hahayaan? Ang ibig niya bang sabihin ay hayaan ang iba na isiping mayro'n kaming relasyon? Wait—what? Hindi naman siguro tama ang iniisip ko, 'no?
Hanggang sa makarating kami sa training grounds ay iyon pa rin ang nasa sulok ng isip ko. Minsan ay napapakagat ako sa hinlalaki kong daliri dahil sa pagpipigil ng inis. Dammit! Did he just trick me?
"Iniiling-iling mo diyan, Lori? Masaya bang ma-solo si Damien, ha?" pagkua'y tanong ni Verone nang makapasok ako sa training room.
Naging tampulan ng kutya ang buong silid dahilan upang makaramdam ako nang matinding pag-iinit sa mukha. Pinaghalong galit at inis. Napalawak ang mga mata ko nang lingunin ko si Damien na prente lamang kung makahalukipkip doon sa isang sulok. Parang walang pakialam sa mga nangyayari.
"What the fuck are you saying?" I annoyingly asked to her but Verone just managed to raise an eyebrow towards me.
"Bakit? Hindi ba totoo? Ano sa tingin mo ang iisipin namin matapos mong hilain palabas si Damien?" aniya pa na mas nagpadagdag sa ugong ng mga nagbubulungan naming mga kaklase.
"'Wag nga kayong malabis diyan! Hindi gano'n ang nangyari! Kahit tanungin niyo pa si Damien," nilingon ko si Damien at agad na napunta sa kanya ang atensyon. "Right, Damien?" tanong ko pa subalit ang pag-aasam na sasabihin niya ang totoo ay hindi ko inasahang magkikibit-balikat lamang siya.
'What the the heck!?'
"Bakit ka nagkikibit-balikat diyan!" inis na sigaw ko sa kanya dahilan upang matawa ang lahat ng mga kasama namin dito.
Agad kong naramdaman ang pagtapik ni Verone sa balikat ko. "Hoy! Biro lang 'yon. Ba't ka galit?" natatawang aniya dahilan upang umusok ang ilong ko sa galit.
'Pinagkakaisahan ako ng mga bwisit!'
"Mga walang hiya! Pinagkakaisahan niyo na naman ako!" inis na sigaw kong muli dahilan upang mas magtawanan silang lahat.
"Parang kailan lang noong takot lamang ang mga nararamdaman nating lahat," pahiwatig ni Jakub, makikita ang malapad niyang ngiti at ang nangungusap sa tuwang kanyang mga mata.
"Pakiramdam ko nga ay hindi na 'yon mababago subalit nagkamali ako dahil nakakamanghang nakukuha na nating tumawa at ngumiti nang hindi pinipigil ang mga sarili natin," makapagbagdamdaming salaysay naman ni Casseth na napapakapa pa sa kanyang kaliwang dibdib na kung saan ay naroroon ang kanyang tumitibok na puso.
Humakbang si Shield sa gitna naming lahat at kaagad na napunta sa kanya ang atensyon namin.
"'Wag ninyong hayaan ang inyong sarili na muling makaramdam ng takot," pahayag niya na ibinukas ang mga kamay upang makita ng lahat.
"Dahil sa inyo ay muli naming naranasan ang tumawa at ngumiti," diretsong wika ni Venia na siyang ikinatuwa ng damdamin ko.
'Kami pala ang dahilan niyon. . .'
Kahit na magkakaiba kami ng lahi rito ay hindi iyon naging dahilan upang ipagkait nila ang tiwala nilang lahat sa amin. Mayro'n kaming tatlong naggagandahang elves na kamag-aral, sina Anastasia, Casseth at Venia. They are from the Elven Kingdom. Iyon lamang ang kaharian ng mga elves.
Iisa naman ang may lahi ng dragon at iyon ay si Barok habang ang lahi naman ni Marny at Jakub ay parehong mage. Nakita ko sa sulok si Kasmuth ay nagmula sa mga lahi ng ogre, anyong tao rin pero ang pinagkaiba niya sa lahat ay ang kanyang nag-iisang sungay na nasa gitna ng kanyang noo. He is a fire caster. Katulad din niya si Ytria na ogre pero mage nga lang siya at may sungay rin.
Nag-iisa namang swordsman si Haxus, dalawa ang witch naming kaklase na sina Galia at Fyra habang Healer naman si Illas ay sorcerer naman si Kalil. Labing tatlo lamang sila kung hindi kami idadagdag na pito sa bilang nila. 'Yon siguro ang isa sa dahilan kung bakit wala silang lakas na lumaban. Dahil sa bilang nila.
"Rest assured. Hindi namin kayo pipigilan sa inyong mga nararamdaman dahil kalayaan ninyong maging masaya sa kahit anumang paraan," pahayag ni Shield na pinasadahan ng tingin ang lahat maski na rin kaming mga Clan Leaders. "Deserve nating lahat na maging masaya. Deserve nating maramdaman iyon," salaysay niya pa dahilan upang mapatango ang karamihan.
"Ang dapat nating gawin ay ang magpalakas upang maiangat natin ang ating mga sarili, nang saganon ay mapunan natin ang ating mga kakulangan," dagdag niya pa na parang isang maimpluwensyang nilalang.
Matapos sabihin ni Shield ang mga katagang iyon ay nagsipagtanguan ang mga kaklase namin na tila sumasang-ayon sila sa makapagbagdamdaming winika ni Shield. Pero may punto rin naman siya. It is the least that we can do in order to uplift them. Iyon lamang ang alam naming paraan. It's not the time to voice out who we really are.
Naging domino effect ang pangyayari. Sinimulan kasi ni Barok ang mag-ensayo, ginaya siya ng iba at naging parang mentor naman ang mga kasama kong Clan Leaders. Hindi ko alam pero ang gaan sa pakiramdam na malamang gusto rin nilang umabante sa linya. Gusto rin nilang maranasang humakbang patungo sa kanilang mga tunay na hangarin. Iyon ay ang makapagtapos nang may karangalan.
Napalingon ako sa pintuan ng aming silid nang mapansing mayro'ng nilalang doon na nakatayo. Napalawak ang mga mata ko nang mapansing si Sir Ruiz pala iyon at nakita ang pagpatak ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Inilihis ko kaagad ang paningin ko dahil ayaw kong masira ang kanyang momento at pinakinggan siya mula rito sa aking kinatatayuan. I have my sharp senses.
"Itong lang palang mga bago ninyong mga kapatid ang makapag-iintindi niyon sa inyo. Masaya ako mga, anak, dahil napagtanto niyo rin kung ano talaga ang kahalagahan ng pananatili rito sa akademya pero nalulungkot ako dahil tiyak akong hahanap-hanapin ko kayo kapag tuluyan na ninyong makuha ang inyong mga tropeyo ng karangalan," nagpupunas ng mga luhang bulong ni Sir sa kanyang sarili habang nakamasid pa rin dito sa aming kinaroroonan.
'Tropeyo ng karangalan. . .'
Maaaring iyon ang sertipiko na makapagtutunay na nakapagtapos na ang mga mag-aaral sa pag-aaral. Pero hindi roon napako ang atensyon ko kundi sa kalooban ni Sir. He may be crazy sometimes but he is fragile. Dinadala niya sa katatawanan ang lahat ng bagay. I observed it with my own eyes. Siya 'yong guro na hindi mo gugustuhin lang dahil hindi terror kundi dahil sa pagiging totoo niya. Makwela at mabait.
Maaaring sabihin ng mga estudyanteng nasa mataas na seksyon ay wala silang kwenta pero mas walang kwenta ang gurong walang naibibigay na aral sa kanyang mga mag-aaral.
"You should have at least told them straightforwardly, Sir. Masyadong buhul-buhol ang pag-iisip nila at natagalan pa bago nila mapagtanto kung ano talaga ang pakay nila rito bilang isang estudyante," nagulat na lamang ako nang marinig si Damien na magsalita at naroon na siya sa tabi ni Sir.
'Hindi ko man lang naramdamang nilagpasan niya ako.'
"E, 'di wala nang saysay pa maging guro kung i-spoonfeed ko sila. Maghirap naman sila. Ako ay nagpapakahirap sa pagturo sa kanila," pilyong wika ni Sir. Bumalik na naman ang pagkabaliw niya. Hyper na naman ulit.
"Sabagay, mas kakikitaan nang effort kung sila mismo ang makapagtatanto niyon. 'Wag mong isipin na wala kang silbi dahil ginagawa mo lang naman ang responsibilidad mo bilang isang guro. Ang isipin mo na lamang ngayon ay kung papaano mo sila pakakawalan 'pag tuluyan nang dumating ang araw na kailangan ka na nilang iwan," makahulugang wika ni Damien dahilan upang makaramdam ng kirot sa aking puso matapos niyang bigkasin ang pangungusap na iyon. He sounded like a poetic!
"Aba't! Mas pinahirapan mo lang ako sa sinabi mo. Pakiramdam ko ay sinasabi mong 'wag lagdaan ang kanilang class card at ibagsak sila upang umulit ulit!" naging malakas ang pagkakasabi niyon ni Sir kaya naagaw kaagad ang atensyon ng mga kaklase namin. Nakaramdam kaagad ako ng kadiliman sa paligid.
Ang mga mata nilang lahat ay nagdidilim tungo kay Sir dahilan upang lumawak ang mga mata niya sa takot at mapangiti na parang maiihi sa kanyang salawal.
"Damien! You scumbag! Bumalik ka rito at ipaliwanag mo sa kanila ang mga sinabi ko!" umalingawngaw ang sigaw ni Sir sa loob ng training room.
Ang kaninang nagdidilim na mga tingin ng mga kaklase ko ay napalitan nang maugong na pagtawa at kaagad na sinunggaban si Sir Ruiz ng yakap nilang lahat dahilan upang madaganan siya. Napahagikgik naman ako nang mahina.
'Naku, Sir! Ito 'yong ibig sabihin ni Damien na mahihirapan kang pakawalan ang mga estudyanteng ito. Dahil iyon sa pagmamahal nila sa'yo! Good luck na lang!'I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (362)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
hi guys
05/08
0maganda ang kwento
07/08/2024
0good
14/04/2024
0Tingnan Lahat