Freed

Verone
It is been three days. Hanggang ngayon ay parehong natutulog pa rin sina Mallory at Damien. Hindi naman naging malaking problema sa amin kung papaano sila mababantayan dahil nagpresinta si Sir Ruiz na lagi siyang tutungo roon sa infirmary upang matingnan ang kalagayan nilang dalawa.
"Ano sa tingin ninyo ang nangyayari kina Lori at Damien?" muling tanong ni Yvon.
Narito kami ngayon sa dining hall, naga-almusal kami at heto na naman siya sa ilang ulit na niyang itinanong sa amin. Hindi ba siya naririndi sa sarili niya? Pakiramdam ko noong unang tingin ko sa kanya ay mahinhin siya subali't parang nagkamali ako.
"Seriously, Ate Yvon? May I ask you?" magalang na tanong ni Hanson.
Napataas ng kanyang dalawang kilay si Yvon habang ang isang kamay ay nasa may mangkok na puno ng ox blood. It wasn't disgusting at all 'cause it was cooked. Niluto muna ito bago ibahagi sa amin. May mga iba namang putahe pero mas gusto ng sikmura ko itong ox blood.
"Hmm?" himig na tanong naman ni Yvon.
Naparolyo ng mga mata si Hanson at bago magsalita ay humigop muna sa soup. "Ilang beses mo na 'yang itinanong sa amin?" tanong niya nang matapos humigop.
Pinamulahan kaagad ng mukha si Yvon dahil sa pagkakapahiya. "Hoy! Ang mean mo naman sa aking bata ka! Pero teka. . . ilang beses na nga ba? Ha ha!" aniya at napatawa sa sarili habang parang tangang nagbibilang sa kanyang mga daliri.
"Pfft!" pigil sa tawa nina Shield at Hanson.
Nilapatan ko nang tingin 'yong kasama naming parang psycopath. Hindi man lang nakitawa sa dalawang gunggong na nasa tabi niya. Napailing na lamang ako at humigop sa sabaw. Napakasarap talaga nito. Parang hindi ako magsasawang kumain nang kumain ng ox blood.
"Ito na iyong ika-tatlong araw nilang natutulog. Nakakabahala na ang nangyayari sa kanila. . . Lalo pa't walang nakaaalam maski isa sa atin kung ano ang nangyari noong nasa library tayo," bigla ay salaysay ko ng pagkahaba-haba. Pakiramdam ko kasi ay napakawala kong kwentang kaibigan.
"Basta bigla na lang kasi silang lumutang pareho at saka biglang nagsanib pwersa ang mga kapangyarihan nila. . . Pero napansin niyo ba iyong matingkad na gintong liwanag na lumipat mula sa katawan ni Ate Lori papunta kay Kuya?" mahabang litanya ni Hanson.
Sa totoo lang ay may punto siya. Tama! Bakita hindi ko napansin ang bagay na iyon? Pero imposibleng mangyari ang bagay na iyon lalo pa't masyadong pihikan sa pagpili ang kapangyarihang iyon. Hmm. . .
"Nakwento na minsan sa akin ni Elder Mascus ang tungkol sa Cursed Goblet. . ." pagbubukas ng topiko ni Yvon dahilan upang magkaroon ako ng interes upang makinig sa sasabihin niya.
"Ano ang tungkol doon?" tanong ni Shield na ang noo ay nakalukot.
"Minsan ko lamang ito ikukwento sa inyo dahil napakahalaga nito lalo na sa ating mga Clan Leaders. It is a confidential thing for us especially for Coven," mahinang pahayag niya at bahagyang pumaroo't pumarito ang kanyang tingin. Sinisiyasat niya siguro ang paligid, baka kasi mayro'ng makarinig sa kanyang iba lalo na at mapanghusga ang mga mag-aaral na nakapaligid sa amin.
"Sabi sa akin ni Elder Mascus na naghihintay lamang ang Goblet sa compatible na vessel nito. Lilipat ang nag-uumapaw na remnants sa sisidlan ng karapatdapat na nilalang na iyon nang hindi niya namamalayan at saka lamang iyon magigising at lilipat sa totoong nagmamay-ari niyon. . ." mahabang paliwanag ni Yvon.
"So, ibig mong sabihin ay si Damien ang totoong nagmamay-ari ng remnants sa Goblet?" nakakunut-noong tanong ko kay Yvon pero nagkibit-balikat siya.
"Mayro'ng posibilidad na si Damien ang totoong nagmamay-ari ng remnants ni King Augustus at maaari ring hindi dahil ang paglilipat ng remnants ay hindi lamang iisang beses kung mangyari," paliwanag niya pa.
So, ibig sabihin ay maaaring compatible lamang din si Damien sa remnants. Nakitaan siya ng potensyal ng kapangyarihan ni King Augustus upang mapili ang kanyang sisidlan? Pero hindi pa man nakalilipat ang remnants ni King Augustus ay ganap nang malakas si Damien. We can't deny the fact that he is stronger than anyone of us here.
"Maaaring lumipat lamang ng sisidlan o vessel ang remnants. Sabi pa sa akin ni Elder Mascus, awtomatikong pipili ang kapangyarihan ni King Augustus ng mga nilalang na karapatdapat na gumamit dito. Lumilipat din ang kapangyarihang ito kapag hindi na nakakayanan pa ng isang nilalang ang lakas nito, gano'n. . ." mas mahaba pang paliwanag niya at pagkatapos ay huminga nang malalim.
Napatikhim si Shield at sinabing, "Pansin niyo ba ang gintong liwanag sa mga mata ni Damien lalo na kapag nagagalit siya o ginagamit niya ang kanyang kapangyarihan?" aniya dahilan upang magtinginan kami.
"Napansin mo 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ni Yvon.
Napasinghap naman si Hanson at saka mahinang napatawa. "Mukhang kulang ka sa impormasyon, Ate Yvon. Hindi mo ba alam na si King Augustus lamang ang mayroong gintong liwanag sa mga mata bukod sa kanya ay wala na?" nakahalukipkip na paliwanag ni Hanson dahilan upang panglakihan ng mga mata si Yvon.
Napangisi naman ako gano'n na rin iyon si Lind na nananatiling nakikinig lamang sa mga pag-uusap namin. Napapansin ko rin ang pagkikislap ng kanyang mga mata. Nag-fi-flicker iyon kung minsan. Lind's aura has an indigo color, that's why I can't stop but to think. May iba ba na katauhan sa katawan niya?
"What!? So, ibig mong sabihin si D—damien ay—" biglang napatayo si Yvon at napalakas pa ang boses dahilan upang takpan ni Shield ang kanyang bibig at pinaupo siya.
Nakalingon na rin kasi sa amin ang mga kamag-aral namin dahil sa ginawa niyang ingay. Inis akong naparolyo ng aking mga mata at tiningnan ng masama si Yvon. Pinamulahan na naman siya ng mukha dahil sa kahihiyan.
"He he. . . Sorry. . ." aniya at nag-peace sign pa.
Napasinghal ako. "Isang ulit mo pa, papaliparin kita. . ." seryosong wika ko at nagpakawala ng death glare sa gawi niya.
Nangilabot siya roon sa kanyang pwesto at bahagyang napatungo. Nang mapansin naming bumalik na sa normal ang lahat ay pinangunahan ko na sila sa pagtayo. "Tara na, kailangan pa nating bisitahin ang dalawa nating mga kasama," wika ko at nagpatiuna nang naglakad.
"Ang init naman bigla ng ulo niya. Hindi ba siya galit sa akin?" mahinang tanong ni Yvon sa mga kasama namin.
"'Yang bunganga mo kasi. . ." inis na suway sa kanya ni Shield.
"Hala! E sino bang hindi magugulat?" pangangatwiran pa niya.
"Basta manahimik ka na lang lalo ngayong pumasok na riyan sa kukute mo kung sino talaga si D—damien," paalala sa kanya ni Shield habang patuloy lamang kami sa paglalakad.
Matagal ko nang napansin ang gintong mga mata ni Damien pero hindi kailanman pumasok sa isip ko na katulad iyon sa mga mata ni King Augustus. Nakagigimbal na katotohanan. Kung totoong nasa katauhan ni Damien si King Augustus ay ibig sabihin niyon ay matagal na namin siyang binabastos. Nilalapastangan namin ang isang may mas mataas na posisyon kaysa sa amin.
Bakit pa nga ba ako magdududa e hindi nga matatawaran ang kanyang kalakasan. Nakasisindak na tunay ang kanyang kapangyarihan at siguro kung ako ang makakalaban niya, baka wala pang isang segundo ay naging abo na ako. Nakakapangilabot na katotohanan.
Narito lamang sa first floor ang infirmary kaya ay madali lamang din kaming nakarating dito. Nang buksan namin ang silid kung nasaan silang pareho ay pare-pareho kaming natulala sa nasaksihan namin. Inaasahan naming natutulog pa rin sila subali't hayon at pareho silang nakaupo at nag-uusap na parang walang nangyari.
"Can you see what am I seeing right now? Guys?" Hanson unbelievably asked.
Binatukan ko agad siya at inis na sinabing, "Baliw kang bubwit ka! Syempre nakikita namin!" mangiyak-ngiyak na wika ko dahilan upang magtawanan ang mga kasama namin maliban ulit kay Lind.
Nakatameme naman iyong dalawang kagigising lamang. Dahil sa kagalakan ay kumaripas kami ng takbo at nagunahang lumapit sa kanila. Nagpaiwan si Lind. Pakiramdam ko ay nawawala na naman siya sa mundong ginagalawan namin. Minsan ay naaawa na rin ako sa kanya. Did her emotions left her? Wala kasi siyang sense of humor, basta! Lahat ng sense wala sa kanya. Nakakaawa.
"My goodness! Sa wakas ay gising na rin kayo!" si Yvon na masyadong over-acting.
"What happened, bro?" tanong naman ni Shield na tinapik-tapik pa si Damien.
'Nakalimutan na yata ni Shield kung sino ang tinatapik-tapik niya. Hmm. . .'
"Ang dami niyo nang missed lessons!"
"Ano ba! Kailangan pa bang sabihin iyon sa kanila? Kagigising lang nila tapos i-stress-in mo na naman?"
"Willing ako masampal 'yang kapatid kong 'yan, Lori. . ." ngising suhestyon ko.
Nang lingunin ako ni Hanson ay hindi na maipinta ang kanyang mukha. Parang maiiyak na lang siya roon sa kanyang kinatatayuan, pero nagbago ang kanyang ekspresyon nang tawanan siya ni Lori at guluhin ang kanyang buhok.
"Kamusta na kayo? Wala bang nanggugulo sa inyo?" kalmadong tanong ni Lori sa aming lahat.
Kung ako ang tatanungin ay nakakapanibago sila kung pagmasdan. Mayro'ng nag-iba kay Lori lalong lalo na kay Damien. Nakakalula ang kanyang aura. Mas naging matingkad pa iyon lalo. Pero parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang makitang gising na sila. At least panatag na kami.
"W—wala naman. He he. . ."
Naparolyo ang mga mata ko nang marinig ang sagot ni Hanson. Masyado siyang halata. Ang sarap niya ulit batukan, 'yong halos 'di na siya magising.
"'Wag kang lalapit-lapit sa 'king bubwit ka. Nagdidilim ang paningin ko sa'yo," pinangliitan ko nang tingin si Hanson subali't hindi man lang nasindak sa ginawa kong pananakot. Ako lamang din itong nainis sa huli.
"Nyenye! Hindi mo na ako matatakot pa dahil gising na si Ate at Kuya! Beh!" anya at inilabas pa ang dila.
Nagtawanan naman ang mga kasama ko dahil sa kasutilan ni Hanson. Pero maliban ulit kay Lind Rysth na nakamaang na naman. Heto na naman 'yong pakiramdam na wala akong magawa kundi ang magtimpi sa bubwit na 'to. Remember, hindi pa ako nakakabawi sa kanya. I can still recall that one. May araw ka rin sa akin.
"Lind, come here. . ."
Napatahimik kaming lahat nang magsalita si Damien. His voice also changed. Mas maawtoridad na ito. Kapansin-pansin din ang lumaki niyang pangangatawan. Sa tingin ko ay tumangkad din siya ng ilang pulgada.
"Hmm. . ." natutulalang himig ni Lind.
Napalingon pa siya sa amin at mukhang wala rin siyang alam na dahilan kung bakit siya tinawag ni Damien. Kung ano man iyon ay kailangan naming manahimik at pagmasdan kung ano ang gagawin ni Damien. Damien might help her with her current issues.
Napalunok ako nang makitang bumaba si Damien sa kanyang kama. Nakasuot siya ng pantulog kagaya ni Mallory. At tama ako sa hinuha ko nang makitang tumangkad si Damien. I even bit my lower lip when I saw his mountainous back. Ang lapad niyon at ang ganda. Mas nag-level up ang pisikal niyang katauhan.
"Hali ka. . ." tawag pa ni Damien.
Maski si Mallory na nasa tabi nami ay walang ibang nagawa kundi ang manahimik at pagmasdan kung ano ang susunod na mangyayari. Naging mabagal ang pagkilos ni Lind at tila nagdadalawang-isip pa siya kung susundin ba niya si Damien o hindi subali't sa nakikita ko ay wala siyang ibang pagpipilian kundi ang sumunod.
Nagsimula naming maramdaman ang napakalakas na enerhiya ni Damien nang nasa isang metro na lamang ang pagitan nila ni Lind. Ang maitim na kulay na mga mata ni Damien ay nagsimulang magliwanag sa kulay na ginto. Nakakamanghang tingnan ang mga sumasayaw na enerhiya na pumapalibot sa kanyang katawan. Damn! He is so powerful!
Humakbang nang isang beses si Damien. Nakita ko ang paglunok ni Lind at hindi ko maiwasang mapasabay sa paglunok niya. Nakasasabik kung ano ang susunod na mangyayari. Pero wala sa amin dito ang nakakahula kung ano ang mangyayari sa mga susunod na segundo.
Itinaas ni Damien ang kanyang kanang kamay at inilapat ang kanyang hinlalaki o ang thumb finger sa noo ni Lind. Pumikit si Lind at bahagyang lumutang ang kanyang katawan, maski na rin ang kanyang nakabuhaghag na buhok ay lumutang din. Pinanatili namin ang paningin namin sa gawi nila.
Nananatiling napakalakas ng kapangyarihan ni Damien habang isinasagawa iyon. Nang siguro ay magtagumpay roon ay inalis niya ang kanyang hinlalaki. May roong hibla ng kulay itim na liwanag na gawa sa mahika ang sumama sa kanyang hinlalaki. Mabagsik ang enerhiyang iyon at mapaminsala.
Pinagsakop ni Damien ang kanyang mga palad at ginawang bola ng itim na liwanag ang mahikang iyon at saka walang anu-ano'y binasag. Naging maliliit iyon na butil ng liwanag hanggang sa iyon ay tuluyang maglaho. Ang nakalutang namang katawan ni Lind ay nananatiling naroon sa kanyang harapan, pumapalibot sa kanya ang indigo niyang aura na siyang dahilan kung bakit siya nakalutang.
"Ano'ng ginawa mo sa kanya, Damien?" bigla ay tanong ni Mallory.
Bago niya kami lingunin ay sinalo muna niya ang katawan ni Lind at inihiga ito sa kanyang kama saka kinumutan. Naglaho na rin ang nag-uumapaw niyang enerhiya at bumalik sa dating kulay ang kanyang mga mata.
"Tiyak akong napapansin niyo ang kakaibang ipinapakita ni Lind simula pa lamang noong magkita-kita tayong lahat sa Camora," salaysay ni Damien at napahinga nang malalim.
"Ang tinutukoy mo ba ay 'yong pagiging misteryoso niya?" tanong ni Shield.
Napatango si Damien at sinabing, "Isa iyon. . . Pero ang hindi niyo napapansin ay ang paghihirap niya. She's under control by someone but you don't have to worry anymore. I have freed her from her misfortune. . ." ngiting wika niya na nakakitaan ko ng pagkaangas. He's so cool!
Kaya naman pala lagi siyang gano'n. Kaya parang napakamisteryoso niya dahil nasa ilalim siya ng kapangyarihan ng kung sinumang nilalang. Kung sino man siya ay tiyak akong malakas siya at mapanganib.
Pero ang mas importante ngayon ay nakalaya na si Lind sa itim na mahikang kumukontrol sa kanya. Napahinga ako nang maluwag dahil sa katotohanang iyon. Masasabi naming nagtagumpay si Damien sa pagpapalaya kay Lind kapag nagising na siya. Sana ay nagtagumpay si Damien. Sana.

Komento sa Aklat (362)

  • avatar
    CabaseChad

    hi guys

    05/08

      0
  • avatar
    Joey Ontong

    maganda ang kwento

    07/08/2024

      0
  • avatar

    good

    14/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata